watch now

Author Topic: Vhong Navarro thread 2  (Read 103058 times)

pjiyeon

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #400 on: January 30, 2014, 02:20:22 pm »
confused pa siguro ang gabriela lalo na at ang palabas sa magpakailaman sa sabado e battered husband naman at babae ang nangjojombag this time.

izabelle

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #401 on: January 30, 2014, 02:30:11 pm »

Oo nga @izabelle na-trauma at di pa nakaka-recover. Kaso kawawa naman ang na-rape dito kung walang backer, di ba? Errr, sino ba talaga ang na-rape?


nalilito din ako sino ba talaga na rape.. Kasi yung may kaso ng rape e sya pa mismo ang nag request na watch out si Cedric and DC na huwag daw paalisin ng bansa.

at yung mga naagrabyado e mukhang sila pa ang may plano malagalag sa ibang bansa :D sa bagay, baka form ng de-stress nila yon.. Mahirap nga naman pinag daanan nila.

marge070407

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #402 on: January 30, 2014, 02:34:19 pm »
parang may naalala nga ako noon na binaril car ni jake cuenca

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #403 on: January 30, 2014, 02:39:44 pm »
mga sis anong meron with jake and JLC?

hindi ko ma open FP ditto sa office huhuhu! share naman...

according sa officemate ko si jake tinakot din ng mga grupo, (pinadalhan ng maraming bala) kasi magkakaibigan daw yang mga yan with ronald singson gusto ring umepal ni jake kay lovi :) bout JL dko rin alam hehe... bukod pala kay VN si cogie domingo sila rin daw ang nambugbog.. how true? lahat lumalabas na  ???

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #404 on: January 30, 2014, 02:48:38 pm »
Grabe, ambilis ng usad ng thread na to. Hiningal ako maghabol! Chos! Oa lang. Hahaha!

Lakas din ng loob nina Deniece no? I mean, pinanindigan na talaga nila ang "rape" angle, kahit sobrang halata na sa cctv ang inconsistency ng kwento nila. Natawa ako kay Noli de Castro kagabi (sorry, sa ABS pa din ako nanood at hindi sa tv5, hehe), yung sabi nya something like "na-rape na ang anak nila, privacy pa din ang iniisip", referring to Deniece's parents na kesyo they want to keep their lives private daw and support lang sila behind the scenes. I mean, 22 years old pa lang anak nila, supposedly only girl pa daw tapos di sila mahagilap amidst all these.

At ang swerteng nilalang naman nila Cedric - from the unlocked door, to the duct tape lying around, to those supposed other victims ni Vhong who suddenly got in touch with them. Publicly-listed siguro number nila kaya madali makontak..

But seriously, kung me other victims nga si Vhong, then they should come out and file appropriate cases, kesa puro pahaging sa social media yung mga friends na sinabihan daw nila ng nangyari. If proven guilty, then Vhong should be punished for those incidents. Pero ibang kaso pa din mga yun kesa dito sa ginawa nila Cedric Lee na pangto-torture. Ano gusto nila palabasin, na mala-hero si Cedric kasi gumanti si Cedric for all of them? Mali pa din talaga e. Cedric Lee and friends should also pay for what they did.

rave21lala

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #405 on: January 30, 2014, 02:52:48 pm »
sabi ni atty. calleja kaya di agad nagsampa ng kaso si deniece dahil natrauma at sumailalim sa psychological churva, baka naman sa acting workshop sumalang yun kaya natagalan. hirap na hirap ilabas ang luha eh.

mga sis, di ko alam kung napansin nyo pero nakita ko kc don sa cctv video nung bago pumasok si vhong sa elevator, paakyat pa lang siya ng 2nd floor, may sinubo siya tapos may ibinulsa. yun siguro yung sinasabi nilang may sex pills na nakuha sa bulsa niya. ang sa akin lang naman, baka mint candy lang yun (ex. tictac). nagpapabango lang ng hininga. :D inexaggerate lang yung kwento na sex pills daw.

junepets

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #406 on: January 30, 2014, 02:56:19 pm »
^pwede din naman sex pills ang mint candy...
dyahe naman mang rape ka bad breath.. :D

pero nakalagay din ba sa affidavit ni DC yun sex pills?
sensya na mga sis di ko pa nababasa.. ;)

bettyboop1322

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #407 on: January 30, 2014, 02:58:30 pm »
according sa officemate ko si jake tinakot din ng mga grupo, (pinadalhan ng maraming bala) kasi magkakaibigan daw yang mga yan with ronald singson gusto ring umepal ni jake kay lovi :) bout JL dko rin alam hehe... bukod pala kay VN si cogie domingo sila rin daw ang nambugbog.. how true? lahat lumalabas na  ???

i see... yung kay Cogie naman may connect yata kay Chavit

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #408 on: January 30, 2014, 03:02:33 pm »
^^^kung sex pills man yun sis, wala namang kaso yun sa palagay ko kase yun talaga ang motibo ni VN eh "bumawi" sya kay DC...ang hinde ko lang alam kung dineny ni VN yung tungkol sa pills na yan

narinig ko sa Unang Hirit last tues ata (di ko sure yung day) ininterview yung taga-Gabriella, and sabi nya na sa side sila ng babae kase may proper investigation naman daw na mangyayari, so ngayon na wala pa talagang conclusion dun muna sila sa "rape victim"...sana tama pagkakarinig ko kase kagigising ko lang nung marinig ko yan :)

ginger_ale

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #409 on: January 30, 2014, 03:13:14 pm »
sabi ni atty. calleja kaya di agad nagsampa ng kaso si deniece dahil natrauma at sumailalim sa psychological churva, baka naman sa acting workshop sumalang yun kaya natagalan. hirap na hirap ilabas ang luha eh.

mga sis, di ko alam kung napansin nyo pero nakita ko kc don sa cctv video nung bago pumasok si vhong sa elevator, paakyat pa lang siya ng 2nd floor, may sinubo siya tapos may ibinulsa. yun siguro yung sinasabi nilang may sex pills na nakuha sa bulsa niya. ang sa akin lang naman, baka mint candy lang yun (ex. tictac). nagpapabango lang ng hininga. :D inexaggerate lang yung kwento na sex pills daw.

'to naman si attorney....di ba nga wala naman talagang balak kasi magsampa ng kaso si DC dahil nag sorry na naman daw sa kanya si vhong? ganun yata talaga effect ng sobrang trauma, nagiging masyadong maawain ;D eto naman kasing si vhong, kung nagbayad na lang sana sha ng P2M eh di sana hindi sha nademanda

swiTsuplada

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #410 on: January 30, 2014, 03:20:36 pm »
Thanks for the info, sis aNgelofThEMorning.:)

If VN took any form of drugs before he went inside DC's room, meron namang blood test.

Kaabang-abang ang trial nito pag nagkataon. I mean, sa dami ng national issues na feeling ko lang e malabong maresolba, baka kahit paano itong case na 'to e matapos agad dahil napaka-obvious ng mga evidences.

runawaywithyou

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #411 on: January 30, 2014, 03:26:05 pm »
Sana talaga may puntahan itong kaso na to.
Baka kasi matulad lang sa iba, na maugong lang dahil bago pa lang tapos usad pagong din ang kaso hanggang sa makalimutan na.

ginger_ale

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #412 on: January 30, 2014, 03:40:36 pm »
nabasa ko na full statement ni vhong. isa lang masasabi ko, hindi na-brief ng maayos si deniece ng scriptwriter! dapat hindi muna sha lumabas ng condo unit hanggat hindi umaakyat si cedric. palagay ko natakot syang maka-witness ng actual bugbugan kaya nagmadaling bumaba si girl. pwede namang paglabas nung 2 lalake mula sa kwarto nya, pumasok na lang muna sha sa loob kung ayaw nyang makita ang bugbugan...wag shang umalis ng condo until umakyat si cedric. eto naman si ate dapat naka-cue rin kung anong time aakyat kasi dapat kasabay nya bumaba si DC para magmukang ni-rescue nya ang "victim". at least sana mga 3-5 minutes nang naka akyat si cedric bago bumaba si denience para magmukang may rape ngang naganap. mali ang blocking ni direk! ;D ;D
« Last Edit: January 30, 2014, 04:08:49 pm by ginger_ale »

swiTsuplada

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #413 on: January 30, 2014, 03:59:25 pm »
Re Kat Alano's latest twitter post, hindi naman pala siya biktima e. Opinion lang daw niya ang mga posts niya about rape. Si ate talaga dumadagdag pa sa gulo. Timing pa sa rape case vs Vhong kaya naman na-connect agad siya dito.  ???

junepets

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #414 on: January 30, 2014, 04:02:13 pm »
^may sinasabi pa kasi sya 'I know the Truth'.. :D

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #415 on: January 30, 2014, 04:20:13 pm »
^naiwas narin si Kat napanood na rin niya ang CCTV at dami niyang basher :)

rave21lala

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #416 on: January 30, 2014, 04:24:32 pm »
^^yan din sana sasabihin ko. may ganong line pa siya tapos ngayon opinion lang pala. ;D

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #417 on: January 30, 2014, 04:27:33 pm »
Hay Kat Alano... Tsk tsk. Sana she made that statement first, saka sya nagpopost ng kung anik-anik. Para malinaw sa taong nagbabasa na nagpapahayag lang sya ng opinyon, e may pagka-cryptic pa naman mga posts nya.

ginny_potter

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #418 on: January 30, 2014, 04:30:20 pm »
^ Let it be a lesson na hindi dapat impulsive sa pagre-release ng statements because sooner or later, it'll backfire in your face.

ginger_ale

  • Guest
Re: Vhong Navarro thread 2
« Reply #419 on: January 30, 2014, 04:32:25 pm »
may mga nagsasabi na si CL din pala ang dahilan kung bakit nagtatago si beth tamayo & hubby sa US

 

Latest Stories

Load More Stories
Close