watch now

Author Topic: Nakakakita ng dead people before mamatay.  (Read 18422 times)

ladyisabella

  • Guest
Nakakakita ng dead people before mamatay.
« on: January 29, 2014, 06:32:33 am »
Share ko lang;

my dad died 3 weeks ago

before sya mamatay madami sya nakikita na di namin nakikita

on his stage 2
- napadaan daw sya sa salamin tapos nakita nya lolo ko

on his last 3 months
- may nakikita syang matandang babae na singkit na nakikipag kwentuhan sa kanya (hangang ngayon si namin alam sino tong babaeng to)

- nakikita nya mga dati nyang kalaro nung bata pa sya. Minsan nagugulat nalang kame may sinasabi syang lugar at tao tapos nung tinanong ko sa tito ko sabi nya kalaro daw ni dadi yun nung bata at yung place na sinasabi ni dadi dun sila naglalaro.

- nakita na nya yung lola ko na patay na (mother ni mami), sinisilip sya sa bintana

- sila lang ni mami sa kwarto, pag gising nya naiinis sya, bakit daw madami tao ang sikip sikip daw

-naghuhugas ako ng plato bigla sya sumigaw na "hoy ikaw! taga saan ka? ano ginagawa mo dito?", pinuntahan ko agad sya sa sala (nakahiga sya) sabi ko sino kausap nya, sabi nya may lalaki daw bigla pumasok sa bahay

- everytime na pupupu sya may mga bata sa may di daw kalayuan may "WELCOME" banner na hawak (Kaya takot na takot sya mag pupu kase ayaw pa daw nya sumama)

- sabi nya niyayaya na daw sya ng friend nya na namatay, dun na daw sila kumanta at mag jamming sa heaven (ka banda nya), kaya minsan magugulat ka sisigaw nalang sya ng "Ayoko pa, madami pa ko dapat gawin"

-at nung last hours na nya, nakita na nya 2 tito ko na patay (kapatid nya) at dadi nya, sinusundo na daw sya.


Minsan nga nagalit sya kase natatawa kame, bigla sya sumigaw na di sya nababaliw o baliw, nakikita nya talaga, and kita ko sa mata nya na nag sasabi sya ng totoo.

Kaya pag nagsasabi sya sinasakyan nalang namin. Like, may naka taong naka green daw sa paanan nya (ewan ko kung damit na green o anung green yun) paalisin daw namin, sabi namin "oo mamaya papaalisin namin kwentuhan pa kame maya e". at sasagot pa sya "bisita mo pala e di pakainin mo muna" hehe

By that time nireready na namin sarili namin sa mangyayare, although masakit samin, pero kung time na nya wala kame magagawa, and kung eto na din ang way para mawala na ang pain na nararamdaman nya, magiging masaya na din kame kase sure kame na wala na syang paghihirap.

kayo mga sis? Nangyare din ba to sa mga kamaganak nyo na namatay na.?



mommynin8

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #1 on: January 29, 2014, 09:53:44 am »
Hello sis, yung lola ko daw sa mom's side sabi saw nung mamamatay na sya si Artem daw (lolo ko na nauna sa kanya mamatay) patawarin daw sya...

akthung

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #2 on: January 30, 2014, 10:37:08 am »
common case if someone's time is near.

"sinusundo" na siya.

familiar faces can be comforting and at the same time can ease the transition from denial to acceptance.

 tahimik lang yung taong mag papass over but if he's very vocal there should be a period na ganito.

my lolo was very vocal. so for him, approximately 1 year before he died nagsasalita siya about people who have been visiting him.

pagka ganun, whatever you need to do, do it na. last will. last rites. amendments etc.

blessing din ang ganyan kasi may "oras" to settle things, imbes yung biglang pag tawid sa kabila.
« Last Edit: January 30, 2014, 12:40:51 pm by akthung »

graZiousa

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #3 on: January 30, 2014, 11:36:29 am »
my grandma died last year, nung nakauwi na sya galing ospital bedridden sya (mild stroke). tubo sa ilong nalang dinadaan ang liquid food nya, ang dami nyang tinuturo na may tao kahit kami lang naman. tinatawag nya names ng nanay nya and tatay na matagal ng namatay. there were several times na sinasabi nya na may dumalas daw sa kanya, anak nya na matagl na rin patay ang her husband na wala na rin.. So siguro nga totoo ito.. na ang taong malapit na pumanaw e nakikita na ang mga kamag anak or malapit sa kanya bago sya mamatay...Sa mother ko naman before she died, ang lagi nya sinasabi marami syang naririnig common nya sinasabi yong may sisiw daw na parang nasa ilalim.. naririnig daw nya yong mga tunog ng insekto.

imalittleteapot

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #4 on: January 30, 2014, 12:26:07 pm »
same thing happened to my lolo. nakikita nya mga kapatid nya or nagsasalita na lang bigla kase may kausap na mga bata. tinatanong pa nya kung anong luto ng itlog ang gusto nila (mahilig sya magluto ng breakfast) then nung nasa hospital sya, nakakakita sya i guess ng angels kase sabi nya lumilipad daw and tumatagos sa walls ng hospital. tawa sya ng tawa kase akala nya mauuntog tapos sabi nya "uy tumagos lang sya oh!" tapos iisa-isahin nya lahat ng kapatid nya and say nasa paanan nya sa bed. he's the youngest, sasabihin nya sinusundo na sya. may ate then who was the bantay would beg wag muna sasama cause ikakasal pa sya, my lolo would answer "andun din naman ako sa kasal mo, madami pa kame"  :'( :'( :'(

so, yeah naniniwala ako sa sundo :) and knowing that, dying isn't that scary anymore.

sugardrop

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #5 on: February 02, 2014, 09:56:40 am »
This happened to both my dad and grandpa too.

My dad saw my lola (his mom).

My grumpy (lolo, mom's dad naman), mas madami nakita - mga kapatid nya na namatay na, my lola (his wife), and pati daddy ko. Meron din na hindi namin alam kung sino na na-mention sya. Tapos hindi sya nakakatulog pag lights off, dapat on ang buong bahay kasi natatakot sya, kung sino sino daw nasa bahay.

ladyisabella

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #6 on: February 04, 2014, 06:02:45 am »
Meron din na hindi namin alam kung sino na na-mention sya. Tapos hindi sya nakakatulog pag lights off, dapat on ang buong bahay kasi natatakot sya, kung sino sino daw nasa bahay.

Oo nga sis.. ganyan din si daddy, napansin ko din na ayaw nya ng patay ang ilaw, gusto nya maliwanag kaya pinalitan namin ilaw nya ng malaking bumbilya. Tapos ayaw nya manood ng TV, gusto nya nakapikit lang sya nakikinig sa radyo, maghapon magdamag bukas ang radyo namin.

Maycon

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #7 on: February 04, 2014, 06:14:44 pm »
share ko lang months before my mother died lagi nya sinasabi sa amin bakit daw me mga bata na maingay na naglalaro sa labas e wala naman talaga mga tao.  nung nasa hospital na sya sabi nya naman sino daw ba yung nasa me paanan nya e wala naman. me nakita pa sya nakatayo daw dun sa me door. katakot din kasi that night ako lang ang bantay nya. a few days before she died lagi na nya tinatawag yung lolo ko na father nya who died more than 25 years ago pati yung dad ko and his brothers na who all passed away na.

nung sa bahay pina-annoint na namin sya sa pari and nabanggit ng brother ko sa pari na me mga nakikita na nga sya mga bata. sabi daw ni father mga angel yun. sinusundo na daw ang nanay ko. and sabi pa nya ibigay na daw namin para wag na sya mahirapan. :(

sima

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #8 on: February 07, 2014, 03:20:24 pm »
Naniniwala ako na nakakakita ang mga taong malapit nang mamatay nang mga taong sumakabilang buhay na.  Ito yung mga taong sumusundo sa kanila.   That's what my dad said to my mom days before he passed away.

miiilovestravis

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #9 on: February 20, 2015, 01:01:46 am »
This happened to may lola. She passed away last Sept 13 2014. Mga 2 months syang nagkaganyan. Madami syang nakikita, nung sinugod namin sya sa hospital 2 weeks siguro before she die, bigla na lang sya sumisigaw na ang dami daw "aswang" na nakapaligid sa kanya (mga doctors un). Tapos pag uwi namin sa bahay ayun, kung ano ano na, lolo ko (husband nya) tapos parents nia din nakikita nya na. umiiyak sya pag ganun. And since ngkakaganun sya lagi na lang kmi nasa tabi nya. Untill ayun saturday un eh nung sinabi ng tita ko na 'oh nanay dadating si kuya" ayun bigla na lang tumirik mata nya. Ilang minuto lang wala na sya.  :'( Pero happy naman ako kasi tapos na paghihirap nya. im sure masaya na sya ngayon kasi kasama nya na si lolo  :)

phurple0515

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #10 on: April 09, 2015, 10:03:49 am »
i also believe this.  my lolo that time na few hours before he died, he was pointing to the window in his room and saying like 'Chay' and 'nang'.  Chay was my grandmother who died years ago, even before I was born, while 'Nang' was my lolo's mother.  Ayun, after ilang mins. lang, wala na :(  I was outside his room that time and yong mga tito ko at si papa nagsabi.  akala daw nila non nag-grumble lang pero yon nga after mins. pagkasabi niya namatay na siya kaya sabi nga nila sinundo daw si lolo ko.

Lurker_Man

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #11 on: April 10, 2015, 08:23:14 am »
not see..but parang premonition sa dreams...


my lolo, my uncle, and several people. i did see them in my dreams 3-6 days before their time...same

ako ay nasa kabilang side ng ilog..sila ay nasa kabilang side ay kumakaway, or minsan...

something na white circular things na glowing...na parang ferris wheel and sumusundo


after i have a dream..after ilang days those people I knew are gone

roxykarlo

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #12 on: June 03, 2015, 01:15:53 pm »
Yes that is true. 40 days ng lolo ko last Saturday. And yes, he saw his mom and siblings that passed away a long time ago. Also our senior citizen neighbors, 3 sila na namatay a long time ago, dinadalaw siya parati. I do believe in these things cause I saw and experienced it with my lolo. I do think this is a sign, a sign at least that the relatives left can be prepared about.

ohcmon

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #13 on: June 03, 2015, 01:56:01 pm »
My lola passed away last Saturday. Before she died she made kwento to my mom that my lolo who passed away 15 years ago has visited her in her dreams twice the week that she died.

sugardrop

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #14 on: June 03, 2015, 03:19:02 pm »
Days before my aunt died last month, she kept telling my mom and their other siblings to tell the kids to keep quiet. There were no kids in the hospital room - just them adults. Ang gugulo daw nung mga bata. And once she tried to reach for someone who is a kid daw. I do believe in this.

eilegna

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #15 on: June 03, 2015, 03:46:34 pm »
Night before Mom died, sabi niya "may kasama ako dito"
Not sure kung sino ang nakita niya. di nman niya nabanggit..

quennna

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #16 on: June 03, 2015, 03:57:22 pm »
kakamatay lang ng tito ko  :(
nung nasa icu sya at ako ang bantay, sabi nya paalisin ko daw yung nakatayo sa paanan nyang naka item..
so ako, di naman ako matatakutin... lumapit ako sa paanan nya..
sabi ko, ikaw naka itim, alis ka dito.. di ka kailangan dito..
so far, nakalabas naman kami hospital pero binalik namin sa hospital ulet
then labas ulet ng hospital hanggan sa inabutan sya sa house..
pag gising namin, wala na tito ko... malamang inatake ng 2nd stroke while sleeping..

pero after daw na lumabas kami ng hospital, 3 pasyente daw sunod sunod na namatay :(
ganon din tito ko while nasa hospital.. ang daming binabangit na names even yung father nya and mom ko na pareho nang wala..

napanaginipan ko na tito ko.. (ibang topic pero share ko na rin)
laging naka smile and ang daldal daldal daming kwento..
di ko na nga lang sya marecall huhuhu...

i miss you, tito.. i miss you badly, mama haaay

Shadow Angel

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #17 on: June 03, 2015, 05:50:05 pm »
Naalala ko cousin ko noong buhay pa sya hindi pa alam na may sakit sya sabi nya nakikita nya mama at brother nya eh pareho patay na yun so ang mga kapatid nya pinapagalitan sya kasi kung [textspeak!] ano raw ang pinagsasabi. Yun pala kaya nya nakikita kukunin na rin sya. Kaya naniniwala ako dyan.

aquacharly

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #18 on: June 03, 2015, 07:52:17 pm »
My belief matches  AKTHUNG's; May mga sumusundo.
 I also totally endorse his advice:  Make good use of the short Time remaining.

I have witnessed that with my grandparents' and old aunts. 

black_opal

  • Guest
Re: Nakakakita ng dead people before mamatay.
« Reply #19 on: July 06, 2015, 05:36:51 pm »
I have observed this as well, and it's hard not to cry pag nakita mong parang gusto na sundoin loved one mo.  Ang nakakaiyak pa talaga is he can't talk at that time, my tube in his nose and throat, so there was no way for him to talk.  All the necessary assets, bank accounts and titles were transferred to the corporation pero kung may bilin man siya, hindi na nagawa kasi he can't talk anymore.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close