watch now

Author Topic: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2  (Read 82272 times)

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #360 on: March 23, 2014, 12:10:24 am »
Yup sis yung iba umiinom kapag malapit na due date. Ang malunggay cap.
Pero kasi sakin may side effect ang malunggay. Sensitive kasi tummy ko sa dairy products and high in fiber like veggie and malunggay. So mabilis bowel ko. Kaya umiinom ako right after manganak. Pansin ko nanaman at 7mos onwards may notice na ako sa nipple na milk.
Ang rule naman sis, the more you directly feed your baby the more milk you will produce. Besides ang need naman ng baby na milk super konti pa. Kasi maliit pa tummy ni baby. Marble size lang. Ang important yung nutrient content ng breastmilk ang makuha nya :)

Crazylabel

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #361 on: March 23, 2014, 02:06:54 am »
Hello mommies! Super busy ngayon lang ulit ako naka visit dito. Anyways, gusto ko sana mag pa hair treatment, ano ba safe na gamitin or pwede na ipagawa sa salon?

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #362 on: March 23, 2014, 09:22:46 am »
^ hot oil and hair spa lang yata ang pwede for us. Di pwede yung me mga harsh chemicals..

Crazylabel

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #363 on: March 24, 2014, 01:30:30 am »
^ok sis yun nga din alam ko, sana may salon dito na organic lahat ang gamit para pag pumasok tayo di natin maamoy yung mga harsh chemicals.

GMGravity

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #364 on: March 24, 2014, 09:29:15 am »
mom.of.inchikoy ako gusto ko talaga magpa BF, pero nagkaproblem ako sa breast before sa kaartehan ko  ;D and after that medyo sensitive masyado breast madali siya masugatan or magasgasan kaya very mild lang lagi kapag hinuhugasan ko siya. Problem ko now is kayanin ko kaya magpa BF sa ganitong condition?

mommy_ica

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #365 on: March 24, 2014, 01:53:16 pm »
hi bagaholic_chewy - magkano po ang Medela electric breastpump and san po nakakabili nito? bout sa UTI, nalaman ko lang noon na my UTI ako nung hirap na ko magwiwi.

hi Leigh Anne - sana nga wag muna lumabas baby natin agad, para fully mature na sila pag labas nila :) though 34weeks and 2days palang naman ako ngayon.

hi anngutierrez - ako din my mga white discharges. pero normal naman yun. Masama daw pag nag-greenish yun. San ka sa pasig manganganak? Sa lying in din ako manganganak pero sa antipolo. Pero taga Pasig din kasi si hubby.

hi GMGravity - yung Country side along ortigas avenue, malapit sa Ever Gotesco Ortigas. Part sya ng Cainta, halos boundary ng Cainta at Pasig. ... Pareho tayo halos butasin na ni baby tyan ko, parang gusto na nya tumalon palabas. masakit yung ibang kicks nya, minsan parang tumatama pa sa buto ko at para kong mawiwiwi sa sobrang galawgaw nya.

hi chocoholic88 - naku pagaling ka sis, ingat sa mga kakainin. baka nagvovomit din si baby :( super layo pa dapat lumabas ni baby. good to hear na nakalabas ka na ;)

hi katrinac - happy to see you!! buti ok ka na :D

hi Ms_Congeniality - mejo magkalapit tayo ng due date :)

hi nikki - buti di ka pa nanganganak, mas maganda kung fully develop na si baby pag lumabas. rest ka lang para umabot kayo sa 40weeks :P

hi EJ2526 - welcome back!! sis my question sana ako, anong ginawa mo sa dahon ng bayabas? ako kasi betadine wash gamit ko ever since sa 2baby boy ko. magBF din ako sa 3rd baby ko. buti di nagsugat nipples mo? ako kasi sa 2kiddos ko nagsugat agad nipples ko, after a couple of days lang. kaya noon nagaalternate BF at formula ako kasi super kirot talaga. Di ko pa alam noon na my Lanolin cream pala, sabi kasi sa hospital normal lang daw yun and gagaling din sa laway ni baby yung sugat ng nipples ko  :-[ Kahit bumalik na ko sa work maBF pa rin ako, ibreastpump ko nalang sa work para di sayang.

mommies - ano po yung CAS, and ano pinagkaiba ng transvaginal at cervix ultrasound?
sorry di ako familiar :(

Yung OB ko, di ako nirerequire ng OGTT or OGCT, ok lang kaya yun? kasi nung unang check up ko nang malaman kong pregy ako, kinuhanan lang ako ng blood at wiwi, normal naman daw lahat.

marsh_candy

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #366 on: March 24, 2014, 02:59:36 pm »
hi mga sis/mommies, dumaan lang ako dito.. 32 weeks kami ni baby pero sobrang pagod ako.. sakit ng right hand wrist ko, tapos 2 knees pati buto sa may balakang.. sobrang pagod talaga wala akong gana sa work.. ito ba yung carpal tunnel syndrome? haayyy.. tinitiis ko na lang since this is my last week na before may official maternity leave..


bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #367 on: March 24, 2014, 03:20:02 pm »
^^ sis, php19k yung Medela Freestyle sa Medele House (contact number 0917-8110821). Nagbaba sila ng price from php22k. 1st week of May pa ako bibili, pag 8mos na kami ni baby. :)

Yung CAS sis, sinusukat si baby, tsinicheck kung complete yung fingers, toes, etc. Kung complete yung spinal disks, yung brain nasa loob ng skull, walang bukol, etc. Pati length and weight ni baby sinusukat, then kinocompare sa average size given the baby's gestational age. Start or Mid ng 2nd tri usually ginagawa to. Detalyadong abdominal ultrasound, kumbaga. Pwede na din isabay gender determination.

chocoholic88

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #368 on: March 24, 2014, 04:12:02 pm »
Sis mommy ica correct si sis bagaholic_chewy mas detailed ang CAS at may measurements na ginagawa na di nape perform sa ordinary ultrasound Lang.  And about sa OGCT/OGTT, kelangan talaga sya sis for pregnant women,  mahirap ang undiagnosed gestational diabetes,  Maraming complications pag di na treat.


initially gusto ko din ng medela kaso I found out na open system pala sya at may pumapasok name air kaya prone din sa molds.  Ngayon tinitignan ko yung mga closed system electric pumps like spectra. 

eihsy11

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #369 on: March 24, 2014, 04:35:56 pm »
hi mga sis. im 36w5d today.. grabe. todo usap talaga kami ni baby na kahit next week na sya lumabas. hehe. kahit sa check up namin, :) please pray for us mommies.. :) chill lang muna ako and working pa din ako. hehe. kamusta na kayo mga mommies? si baby ang galaw galaw pa din. san nyo plan manganak? lapit na kami mga sis. :)

mickeymons

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #370 on: March 24, 2014, 07:01:53 pm »
hi mickeymons - nagiisip pa ko ng lying in e. kasi tight yung budget namin. Gusto ko sana sa (1) SIMEON MATERNITY & MULTI‐SPECIALTY CLINIC, kasi malapit samin and dun ako nanganak sa 2nd baby ko kaso nagtaas na sila ng rate. Tapos, (2) ST. BLASÉ MATERNITY & MEDICAL CLINIC naman mejo malayo samin pero libre pag normal, kaso wala pa kasi ako nababalitaan sa mga nanganak dun. And, (3) Well-Family Lying-in Clinic (sa may Countryside) mejo malayo din samin pero marami na kong nabasa na maalaga dun at mura. Problema lang kasi pag masakit na tyan ko, baka mahirapan ako makapunta sa malayong Lying In ;)

hello. :) sorry at mejo naging busy sa work. AYAW KO NA. HAHA. San area nyo? Feeling ko medyo magkalapit tayo. Haha. Kamusta kayo ni baby? 34 weeks na :) At sakin super duper likot na as in. Ok lang kaya yun? Tsaka feeling ko mababa na yung mga movements nya, medyo naffeel ko na kasi may slight movements sa puson ko.

^Saan ang Countryside sis mickeymons?

Nakakatuwa ang dami ng manganganak next week....  :D

Hi sis GMGravity, sa may ortigas extension yung countryside :)

Hi mga mommies :) share ko lang. Nagpalit pala ako ng OB at 33 weeks. Nainis kasi ako dun sa OB ko, ayaw pag-usapan yung fees, sabi lang kunin namin packages, end of conversation. Hala. E syempre marami pa ako questions. Ok lang kaya yun? Wala pa naman akong mama book. Nakahanap ako mas bet ko na OB, thanks dito sa GT. Hehe. Super nakakaexcite kay new OB. :)

Good luck mga mommies :) Konti na lang.  :-*

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #371 on: March 24, 2014, 07:09:09 pm »
Mommy_ica and other FTMs, just want to share, me Breastfeeding 101 seminar sa Medela House on May 3, 9-11am in case you're interested. Nagsign-up na ako, then bibili na din ako ng pump while there para minsanang punta na lang. Sana kayanin ko mag-exclusive BF. Kinakabahan din ako, hehe.. plan ko din start ng malunggay capsules by May, sana makatulong din sa milk supply. :)

katrinac

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #372 on: March 25, 2014, 01:25:26 am »
chocoholic88 - hi sis, yung ako nag skip na ng OGCT, kasi may history sa family namin ng diabetis. Unfortunately, elevated din ang blood sugar level ko. Pero di pa sinasabi ni OB if may GDM ba talaga ako or hindi. Though candidate na ako. kaya ito, naka diet ako. huhu!

EJ2526 - hello sis, congratulations ulit!!! :) wee! So happy for you. Kwento ka soon ng labor story mo ha.

mom.of.inchikoy - agree with you sis, super daming benefits talaga ng BF. Nag join ako dun sa Breastfeeding pinays, dami ko rin natutunan. Di kasi sumagi dati sa isip ko yung pag BF. Sabi ko dati, pag nagkababy ako, bibilhin ko yung S26. haha! Pero yun nga, super gusto ko na mag BF.

GMGravity - tingin ko sis, kakayanin ang pag BF. all for baby! :)

mommy_ica - sis, yung CAS, very extensive na ultrasound yun. yung sakin it took 40 minutes ata bago natapos. kasi tinitignan ng maigi si baby. binibilang yung mga daliri nya, kung okay ba ang development or kung may birth defects. may post ako nyan sa blog ko. hehe! regarding OGTT/OGCT, hhhm, di ko sure kung bakit di narequire sayo, kaso kasi sa case ko nirequire ako ni OB kasi may history samin ng diabetes. maganda din yung mag pa ganyan ka, kasi ang preggy, prone sa gestational diabetes.

marsh_candy - yung sa carpal tunnel syndrome sis, as in di mo talaga sya masyado magagalaw. naipacheck mo na ba? nag ganyan kasi ako dati, akala ko carpal tunnel syndrome na. yun pala, na strain lang masydo kasi mali yung position ko pag gamit ng keyboard and mouse. pinagamit ako ng parang hand support ba tawag dun. basta yung parang ginagagamit ng mga athletes na sinusuot sa kamay. nakaka tanggal ng sakit yun.


Mga mommies, kakatapos lang ng OGTT ko last Sunday. Grabe, akala ko di ko kakayanin yung fasting. Ang tagal pala nun. Kasi maliban sa 8 hours na fasting, may mga interval pa. so overall parang 11 hours di kakain. nag struggle talaga ako. Tapos hirap na hirap pa sila hanapin yung ugat ko sa kaliwa ko, kaya ending, ang dami kong turok at nagkapasa pasa ako. parang dun sa kaliwa ko, naka 3 needle sila na turok at ang nipis daw ng ugat ko. and di ko alam kung nag panic attack ako or gutom, kasi after nung ilang turok na yun, nahilo ako bigla kaya pinahiga nila ako tapos ni nebulize ako. waah!
And what's worse is, elevated ang blood sugar level ko. :( so need ko na talaga mag cut ng sweets and lessen ng rice. Diet na talaga. 6 months palang kami ni baby.

Tummy rub sating lahat!

Share ko nadin, last night, nag hoard ako ng gamit ni baby. ang dami kong na kita kasi sa instagram. kung ano ano ang mga binili ko na mga damit. haha! di tuloy nasunod yung sinabi ko dati na wag masyado bumili ng madaming damit ni baby. huhu! Pero dibale, nakakatanggal stress naman pati. :D Narealize ko nalang yung babayaran ko na yung mga seller, kaso halos umabot ata ng 5k yun bill ko. nyak!

mommy_ica

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #373 on: March 25, 2014, 11:31:19 am »
hi marsh_candy - kakainggit ka naman, ang aga mo mag maternity leave. ako sa ika-38weeks and 3days ako magstart ng leave eh. gusto ko sana ika-39weeks and 2days kasi maiinip lang ako sa bahay tsaka maiistress lang ako sa 2 junakis ko kaso ayaw pumayag ni hubby. tsaka kaya ko pa naman pumasok everyday though 4hours ang byahe back&forth a day. tsaka nahihiya ako sa employer ko na magleave ng maaga.

hi bagaholic_chewy - aah, thank you sis! Eksakto pa sa due date ko na May 3 ang seminar :) ..umm..kaso namahalan ako sa Medela electric breastpump. Baka magmanual nalang ako :P Pero thank you sis sa info :D
Magrerequest nga ako kay OB ng CAS. Di nya kasi ako ginanun sa 2nd baby ko. If ever, san po my murang CAS?

hi chocoholic88 and katrinac - sige i'll ask for OGTT and OGCT kay OB. thank you!! :D

hi eihsy11 - ako sa libreng Lying In lang malapit samin :)

Hi mickeymons - taga-Villa Susana Caniogan Pasig si hubby pero nasa San Luis Antipolo kami ngayon. Kaw, taga san ka sa Pasig? Sakin naman dati lagi nasa puson yung mga kicks nya, ngayon nasa upper abdomen ko na yung mga galaw nya. Minsan napapasunod ako sa galaw ni baby sa lakas ng sipa nya. Sis pareho tayo, gusto ko din lumipat ng OB kasi ayaw nya pagusapan yung fees, next month ng next month sya, malayo pa naman daw :( tapos nagmamadali pa sya. Pwede malaman kaninong OB ka lumipat? Plan ko na rin lumipat ng OB this Sat/Sun.

hi katrinac - grabe pala ang OGTT. sad to hear naman, pero maaga pa naman, kaya pa pabababain ang sugar level mo. Siguro kumain ka pa rin pero yung good food lang para sainyo ni baby. mother ko rin noon nagka-diabetes pero months lang ang tinagal kasi strict sya sa diet nya and iniinom naman nya lahat ng gamot na nireseta sakanya. naku, namumutla at super kabado pa naman ako pagtuturukan ako ng karayom. yan pa naman ang laging problem sakin ng mga nurses, mahirap makita yung ugat ko, bigla nawawala pag tinurukan nila ko.

kariseyow

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #374 on: March 25, 2014, 05:12:03 pm »
REGARDING SA SEMINAR OF MEDELA HOUSE

What to Expect at the Hospital and Beyond

Fee: FREE

This is a crash course for busy moms intending to breastfeed. From Hospital Procedures to your First Latch to What to expect when you bring baby home and also start working –  this course is a treasure trove for busy moms who can only attend one class before they give birth. This is sponsored by MedelaMoms and Mamaway Maternity and Nursing wear.

Class schedule for 2014: Jan 4 (8-12), Feb 8, Mar 8, Apr 12, May 10, June 14, July 12, Aug 23, Sept 13, Oct 11, Nov 22, and Dec 6 (classes will be from 1-5pm  starting Feb)

To register, just email (MedelaMoms Inc. <medelamoms@gmail.com>) or call us at 725-3723/738-6272 or send a text via 0917-5614366.


I registered na, pwede din kasama si hubby or any family member. Super excited na ko + it's for FREE! :)

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #375 on: March 25, 2014, 09:52:17 pm »
BREASTFEEDING -- tip ko lang sis, na huwag masyado i-clean/wash every feeding. kasi it can cause dryness sa skin area ng boobs natin :) airdry right after feeding would be ok na. even taking a bath, yun din ang bilin sakin ng BF advocate pedia ng 2nd kid ko noon na no washing too much. kahit soap lang daw na dumadaan sa skin is enough na. also malaking factor yung pag latch.

ako din sis, sa eldest ko kulang kasi ako sa mga support system and information how to breastfeed talaga. kaya sandali lang ako nag BF nun. actually mixed feed pa. pero sa 2nd kid ko more than 2 years and sa 3rd ko unto 17mos (i need to stop kasi preggy and nag cocontract).

talagang cinareer ko sya. so i invested on nursing wear and very helpful din na pedia ni baby pro BF.

MEDELA pump -- hindi ko alam na open system pala ang medela? yung sa hospital pa lang kasi na try ko na medela pump closed system naman sya.
I have AMEDA double elec pump binili ko ng 2009 pa. im considering na i-retire sya and mag try ng iba.

OGTT -- alam ko sis required talaga sya. pero naalala ko sa eldest ko (2005) wala namang ganito noon. yup, ang pinaka mahirap sa OGTT yung 100g na 3turok pa after mo inumin yung glucose. dati nasuka ko before reaching the third blood extraction. kaya bagsak. pinapa ulit ng medtech pero hindi ko na kaya nun. buti sa result noon pasado na kahit wala yung last blood extraction. this time, as per OB last saturday 1st and last OGTT (75g) ko yun since maganda ang result. PCOS kasi ako and may family history ng diabetes kaya prone to GDM.

CAS -Congenital anomaly scan -- they are checking all parts of the baby in terms of size, thickness and location, etc... dito nakikita if may clubfoot baby, cleft palate, kung meron bang open na dapat close, or close pa na dapat open na yung part na iyon sa baby. it took me an hour for this procedure. nakakapagod and ang sakit sa tsan ko pag uwi sa gabi (kabag) hehe

birth class -- masarap and enjoy ang birthclass. we had one before and a refresher course din kay ms rome kanapi sa 1st & 2nd baby namin. but since this time CS naman ako hindi na ako nangulit.

sis eihsy11, kaunting tiis na lang pwedeng pwede na :)  one week pa. yung 3rd baby ko 37weeks 2days ko sya napanganak nag bloody show and labor na kasi ako nun. dapat 38th week pa ang sched CS ko...

« Last Edit: March 25, 2014, 09:54:30 pm by mom.of.inchikoy »

chocoholic88

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #376 on: March 26, 2014, 07:04:51 am »
Thanks for posting the dates sis kariseyow! Meron din kasing best beginnings breastfeeding class by LATCH sa May 3. Hopefully maka attend ako both classes!  Haha

^sis di pa ako Nakaka bili ng mga nursing wear.  Iniisip ko kasi okay na yung mga button down shirts. May advantages ba ang nursing wear?  Baka kelangan ko na din pala Mag ipon.

GMGravity

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #377 on: March 26, 2014, 08:59:55 am »
mom.of.inchikoy thanks sa tips/information sis... ask ko lang din sis if may alam ka okay na hospital sa Meycauayan.. gusto ko kasi doon manganak para malapit sa family ko.. asked my sister in law 3 na kasi kids niya pero puro sa lying in siya nanganak, baka hindi naman ako iaccept doon kasi hindi naman ako doon nagpapacheck up kasi sa Rizal ang check up ko.

bebeocho

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #378 on: March 26, 2014, 04:52:28 pm »
I'm already 35 weeks and 4 days as of today and I already started packing my hospital bag. Question lang mga sisses who had CS before? Ilang days usually ang confinement? I am estimating kasi kung ilang set of clothes ang kailangan ni baby at pati na rin sa amin ni hubby. I am still hoping to deliver our baby via NSD kaso anything can happen kaya prepare na rin for CS yung clothes na dadalhin.

On maternity leave na ako since my 34th week and so far medyo madami na rin ako na-accomplish. May crib and dresser na si baby and nakaka-excite ayusin yung mga gamit nya. Though he doesn't have a nursery I am trying to make his corner of the room na parang nursery. :) Malinis na rin clothes nya at ngayon I am prepping his cloth diapers although hindi pa naman kami gagamit on the first few weeks after he's born.

Btw, nalimot ko pala bumili ng nipple cream... any brand that you can suggest?

Sis eihsy11, I am also hoping na lumabas si baby on my 37th week. Just like you kinakausap ko rin sya na 37 weeks onwards sya lumabas. (minsan sinasabi ko pa nga kay baby kung anong day sa April) I am claiming it already. :P Praying for your safe delivery sis.

katrinac

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #379 on: March 26, 2014, 09:54:44 pm »
bebeocho - hi sis! congrats, malapit mo na makasama si baby. based sa kwento ng mga friends ko na na CS, at most is 3 days ang confinement nila. Good luck and take care! Keep us posted.

mommy_ica - yup sis, mas maganda rin yung ma check ang sugar level mo para malaman ba kung elevated ang results and ma lessen mo ang sweets. di rin kasi maganda yung madaming nakakain na matatamis at nakakalaki talaga ng baby. pero ang hirap naman kasi i control, lalo na pag dating sa carbs and chocolates. hehe!

kariseyow - sis, yang seminar ba na yan dapat may medela breast pump na? or parang tuturuan palang naman? Plan ko rin kasi bumili ng pump, kaso ang pricey naman ng mga breast pumps nila. pero in case magkaroon ng budget, and kapag malakas talaga ang milk ko, buy ako kahit yung cheapest nila. ang gaganda kasi ng reviews ng pumps nila.  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close