chocoholic88 - hi sis, yung ako nag skip na ng OGCT, kasi may history sa family namin ng diabetis. Unfortunately, elevated din ang blood sugar level ko. Pero di pa sinasabi ni OB if may GDM ba talaga ako or hindi. Though candidate na ako. kaya ito, naka diet ako. huhu!
EJ2526 - hello sis, congratulations ulit!!!

wee! So happy for you. Kwento ka soon ng labor story mo ha.
mom.of.inchikoy - agree with you sis, super daming benefits talaga ng BF. Nag join ako dun sa Breastfeeding pinays, dami ko rin natutunan. Di kasi sumagi dati sa isip ko yung pag BF. Sabi ko dati, pag nagkababy ako, bibilhin ko yung S26. haha! Pero yun nga, super gusto ko na mag BF.
GMGravity - tingin ko sis, kakayanin ang pag BF. all for baby!
mommy_ica - sis, yung CAS, very extensive na ultrasound yun. yung sakin it took 40 minutes ata bago natapos. kasi tinitignan ng maigi si baby. binibilang yung mga daliri nya, kung okay ba ang development or kung may birth defects. may post ako nyan sa blog ko. hehe! regarding OGTT/OGCT, hhhm, di ko sure kung bakit di narequire sayo, kaso kasi sa case ko nirequire ako ni OB kasi may history samin ng diabetes. maganda din yung mag pa ganyan ka, kasi ang preggy, prone sa gestational diabetes.
marsh_candy - yung sa carpal tunnel syndrome sis, as in di mo talaga sya masyado magagalaw. naipacheck mo na ba? nag ganyan kasi ako dati, akala ko carpal tunnel syndrome na. yun pala, na strain lang masydo kasi mali yung position ko pag gamit ng keyboard and mouse. pinagamit ako ng parang hand support ba tawag dun. basta yung parang ginagagamit ng mga athletes na sinusuot sa kamay. nakaka tanggal ng sakit yun.
Mga mommies, kakatapos lang ng OGTT ko last Sunday. Grabe, akala ko di ko kakayanin yung fasting. Ang tagal pala nun. Kasi maliban sa 8 hours na fasting, may mga interval pa. so overall parang 11 hours di kakain. nag struggle talaga ako. Tapos hirap na hirap pa sila hanapin yung ugat ko sa kaliwa ko, kaya ending, ang dami kong turok at nagkapasa pasa ako. parang dun sa kaliwa ko, naka 3 needle sila na turok at ang nipis daw ng ugat ko. and di ko alam kung nag panic attack ako or gutom, kasi after nung ilang turok na yun, nahilo ako bigla kaya pinahiga nila ako tapos ni nebulize ako. waah!
And what's worse is, elevated ang blood sugar level ko.

so need ko na talaga mag cut ng sweets and lessen ng rice. Diet na talaga. 6 months palang kami ni baby.
Tummy rub sating lahat!
Share ko nadin, last night, nag hoard ako ng gamit ni baby. ang dami kong na kita kasi sa instagram. kung ano ano ang mga binili ko na mga damit. haha! di tuloy nasunod yung sinabi ko dati na wag masyado bumili ng madaming damit ni baby. huhu! Pero dibale, nakakatanggal stress naman pati.

Narealize ko nalang yung babayaran ko na yung mga seller, kaso halos umabot ata ng 5k yun bill ko. nyak!