watch now

Author Topic: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2  (Read 82182 times)

EJ2526

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #140 on: February 20, 2014, 07:04:47 pm »

Share ko lang na ang karate kid na nasa tummy ko ay GIRL. All the while akala namin boy dahil nangitim na lahat ng puwedeng mangitim at tinubuan na ng pimples lahat ng puwedeng tubuan ng pimples.  ;D

Pareho tayo sis nangitim din sakin batok, kilikili tsaka nagka tigyawat din ako buti nga nung nag 3rd trimester ako nawala na sya pero sakin baby boy. :)

twinkle belle

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #141 on: February 20, 2014, 07:07:01 pm »
thanks sis nikki! yes, ok iyong sa blood sugar levels ko. kusa na rin lang akong nagcut back on sweets saka salty na pagkain para sure lang. i try to limit din my water intake kasi nakaka-3L a day yata ako! iyong isang 500ml na water bottle, isang inuman ko lang.

sis EJ2526 medyo harsh nga isang pinsan ko, tinanong kung binulutong ba ako. sarap sakalin eh! hahaha. pero promise nga ni OB, after manganak daw babalik naman sa dati skin natin.
« Last Edit: February 20, 2014, 07:09:37 pm by twinkle belle »

EJ2526

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #142 on: February 20, 2014, 07:29:20 pm »
^Oo nga sis strechmarks lang talaga maiiwan kahit manganak tayo. Unfortunately meron nako :( mother ko kasi meron eh.

wife2be

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #143 on: February 20, 2014, 09:11:30 pm »
Hi mommies!! Kamusta kayo lahat?

sis eihsy11, salamat naman sa online seller ng cloth diapers. interesado ako at ang mura nga. tinitingnan ko din ang next9 na brand.

sis marsh_candy, totoo... ayoko na mag ikot ikot sa mall at ang daming cute clothes for baby girls. yung sister ko at friend ko just gave birth. kabilin bilinan na wag na muna bibili at madaming ipapamana sa akin. konti lang daw talaga ang kailangan ng baby. mashadong magaling lang ang marketing strategies kaya napapabili ang bagong mommies. so, sige, hinay hinay lang ako. i will just buy as i see the need.

sis GMGravity, ingat ingat. kamusta na ang dulas mo? nakakapagbed rest ka ba? take care sis.

sis katrinac, ang laki ng bump mo! 27 weeks ako ngayon pero hindi ganyan ang bump ko kalaki. parang more of palapad. plateau ang peg ng chan ko. sabi ng doctor ngayon 7 months magkaka rapid growth ang tummy kaya bibilog din daw yung akin. i will show you a pic of my tummy din. btw, congrats sa baby girl. baby girl din yung amin. sa ultrasound, pinakita ang 'burger' nya! :)

sa mga sisses na nagkaka-leg cramps, grabeng sakit no? sabi ng doctor ko, increase ko daw ang water at calcaium intake. so pinapainom na ako ng Caltrate twice a day.

sis bebeocho, have a safe flight home. exciting! buti ka pa complete na! ako almost wala pang nabibili! sabi ni MIL, wag daw muna ako bumili ng crib at stroller. "anakin" ko na daw muna. pero ang exciting no? have fun sin sa baby shower mo.

sis nikki, tama sobrang ingat talga. nag wo worry din ako about preterm labor. i had ectopic pregnancy kasi before, kaya 'sira' part of my uterus.. hindi na daw ipapaabot sa term ang pregnancy ko or else may danger na pumutok ang uterus ko. ang goal namin ni baby 37 weeks din. 10 weeks to go! next check up ko, mag steriods shots na din ako to hasten lung development para at least, kayanin nya ang indepedent breathing. sana kagaya mo nung first pregnancy, umabot din ako ng 37 weeks.

sis twinkle belle, natuwa ako sa 'karate kid' nickname. i can totally relate. update us on your fbs and ogtt ha. ingat!

sis  EJ2526, nag darken din kilikili ko... pero isa lang. ang weird! wala pa naman akong nakikitang stretchmarks at wala pa nga akong linea negra. naglabasan lang ang sandmakmak na freckles ko kaya mega-buy ako ng bb cream. 2 kinds agad kanina. hahahah!

ang bagal ko na maglakad, sisses. feeling ko nag wa waddle na ako!

happy waddling, mommies! :)



katrinac

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #144 on: February 20, 2014, 09:25:45 pm »
kariseyow - actually sis, nagtataka nga sila sakin talaga, bakit daw ang laki laki ng tyan ko. Sabi ng iba, baka matubig. di ba masama yun? takot din ako ma cs, pero di ko alam kung bakit ganyan kalaki. though yung di pa talaga ako buntis, may kalakihan talaga yung tyan ko. so baka mas lalo lang naging prominent. INiisip ko nalang, paano nalang ang tyan ko kapag kabuwanan ko na. ekk! malaking bulas din kasi ako sis. hehe! speaking of leg cramps, takot na takot ako matulog kanina sis (pang evening kasi ako), kaya kahit mainit, di ko tinapat yung fan sakin. para di malamigan.

EJ2526 - naku sis, naiimagine ko na yung itsura ko kapag 34 weeks na ako. kamusta naman kaya! hahaha. mas nagiging prominent sya kapag naka maxi dress ako sis. mahilig kasi ako sa malamig na tubig pati. pakiramdam ko lagi akong bloated pati.

bebeocho - yan din actually yung fear ko sis regarding skyway contscrtuion. buti nalang sa Manila ako manganganak kaya medyo di sya affected. sana nga lang, wag sya tipong domino effect. Patingin ng maternity photoshoot results mo sis ha. ako kinontrata ko nalang dito yung officemate ko. sabi ko sya nalang magkuha sakin, tutal photographer naman din sya.

twinkle belle - congrats sa baby girl sis! pareho tayo baby girl din samin. yung sakin na nangigitim sis, eh yung underarm ko at yung pusod ko. akala ko tuloy libag lang. LOL.

wife2be - bilog na bilog ano sis? at tayong tayo. tinatawanan nga ako dito, p ara daw akong butete. naku sis, regarding leg cramps yan talaga iniinda ko, kasi yung leg cramps ko the other, medyo masakit parin until now. natatakot ako mag stretch ng todo at baka mag cramps nanaman.

Share ko lang, kanina nanaginip ako. Baby boy daw ang baby namin ni hubby (which is contradicting kasi girl nga), and nakakatawa, pagkalabas nya, may ipin na sya! tapos ang matindi dyan, di daw ako umabot sa hospital, nagising nalang daw ako, si baby nakikita ko na at lumalabas, kaya umire ako, then lumabas na sya agad. di daw ako nasaktan. then tumawag ako sa OB ko, asking for an apology kasi hindi sya ang nagpaanak sakin at di ako umabot. hehe! Siguro kabaliktaran yun. kasi alam ko naman masaking ang labor.  :P

EJ2526

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #145 on: February 21, 2014, 09:17:51 am »
^Ay kaya pala sis yung malalamig kasi malakas makalaki ng tyan tska ayun nga laging bloated kaya ako hndi na umiinom ng malamig.

twinkle belle

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #146 on: February 21, 2014, 12:37:14 pm »
katrinac kelan due date mo? ikaw ba yung kasabay ko? June 17? tama parang libag. hahaha. natawa naman ako sa panaginip mo. hehe. ako dreamless sleep simula noong pumasok ang second trimester, maliban 2 nights ago. nanaginip ako nalaglag daw sa ilog kotse namin tapos sinisid ng asawa ko ini-ahon. hahaha.

wife2be thanks! wagas naman kasi makasipa itong dalagita namin. pati nga noong ultrasound ko, sinisipa niya iyong probe. sabi nga noong sonologist "ang galaw galaw niya no?" hahahaha

mga mommies nararansan ninyo ba na parang kakaihi ninyo lang after a few minutes naiihi na ulit? sure naman ako na nae-empty ko bladder ko.

bebeocho

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #147 on: February 21, 2014, 02:17:38 pm »
^^^sis katrinac yung sa cramps baka makatulong yung sabi sa what to expect book... matulog ka on your left side tapos maglagay ka ng pillow between your legs. makakatulong daw sa blood flow papunta sa legs mo. so far nung ginawa ko yun medyo nabawasan ang instances ng cramps ko. naku sana nga maganda kalabasan ng maternity shoot kahit DIY. naaliw kasi ako sa maternity shoot ni rica peralejo yung tipong relax lang at hindi masyado dramatic.

sis twinkle belle sa st lukes qc din ako. sana hindi matraffic sa e rodriguez pag nanganak na tayo. kung pwede nga lang tumira sa harap ng hospital noh? 😜

sis wife2be thank you. 😊 nung 27 weeks din ako ayaw pa din ako pabilhan ng baby items ng nanay ko. nung 28 weeks sumakto sa baby fair sa megamall so parang dun binawi yung hindi pagbili. unfortunately, mama ko yung namili at hindi ako. saya sana kung tayo mismo namimili ng items pero ayun mas mura kasi dyan. kaya ayan sa stroller and foldable playard ko na lang binuhos. onti lang din pala pinabili ko tsaka ang sizes ay 6 mos para kahit malaki ng onti mas matagal magagamit. may hand me downs din na baby clothes na bibigay sa amin kaya dagdag din.



kariseyow

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #148 on: February 21, 2014, 07:36:36 pm »
katrinac Nako sis, hinay hinay sa malalamig. Pinagbabawalan din ako dyan eh kasi nakakalaki nga daw. Baka daw mahirapan ako lalo manganak. Kahit gusto ko ng ice cream lagi pinipigilan ko sarili ko eh kasi para samen naman yun ni baby.

Nagpaultrasound ka ba to check yung tubig? Dapat sakto lang lahat eh, nabasa ko sa what to expect book pag sobrang laki ng tinaba mo baka makaexperience ka ng preterm labor, gestational diabetes, also syempre yung stretch marks

EJ2526

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #149 on: February 21, 2014, 09:23:45 pm »
^Sakin naman sis mahilig ako sa matatamis nung tska tubig kaya nung nag ultrasound sabi maganda raw kasi maraming tubig sabi ng sono tska ng ob. Tas malinis daw. Normal naman result ng sugar ko.

annie19

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #150 on: February 23, 2014, 12:25:21 am »
sis katrinac - di ko naitanong sa SIL ko kung bakit bawal basta pag dating nya nun sa room after CS di sya nagsasalita bawal daw tapos sulat lang sya ng gusto nya sabihin.

Naku di ko rin alam na hindi pala nagbibigay ng epid sa Manila Adventist, dun kasi ako nanganak (and dun pa din ako manganganak :D) buti nalang talaga at hindi ako pinahirapan ni eldest medyo natagalan pa nga kami sa pagpush ko kasi pag ire ko bigla magsubside yung contraction. mga 20-30 minutes siguro bago ko nailabas si eldest. 9cm nako nung dumating sa hospital kasi tiniis ko pa yung labor pain nung nasa bahay ako, kasi ang nasa isip ko nun dapat 5mins interval ang contraction before pumunta sa hospital. Nung blood na lumalabas sakin dun palang ako nagdecide magpadala. mas nasaktan ako honestly sa paglinis ng cervix kasi parang hinahalukay talaga ang ovary, dyan ako napaluha hindi sa labor pain. maskit din yung pagtahi.

sis twinkle belle 24 or 25 weeks ata ako nun kasi for gender determination tapos ayun nakita nga sobra AF ko. eh ka-eng engan ko nag-google pako. ayun halos himatayin ako sa mga nabasa ko. nagbawas ako water kasi nga every hour 2 mugs yung iniinom ko. and everytime wiwi ako, inom ulet.  so baka hindi lang 3 liters day naiinom ko. tapos ang hilig ko pa nun sa watermelon, almost everyday ako kumakain nun. slight lang naman kasi tinaas ng sugar level ko nun, parang 2 lang ang tinaas sa baseline.

annie19

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #151 on: February 23, 2014, 12:32:27 am »
ako naman hindi naniniwala dun sa bawal uminom ng malamig kasi nakakalaki daw ng baby. kay eldest malamig lahat iniinom ko kasi yun nakakapagrelieve nung nausea ko dati tapos hilig ko ice cream. di rin kalakihan tummy ko noon. saktong 7pounds si eldest nung pinanganak ko past due date 40weeks and 2days nung pinanganak ko sya. bad ko pa nun kasi talagang pag tungtong ko ng 37weeks wala nako control sa sweets :P sabi ni OB sweets yung nakakalaki ng baby kaya ayaw nya din ako painumin ng milk and yung mga anmum etc..

chocoholic88

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #152 on: February 23, 2014, 09:06:44 am »
Hi sisses share ko lang. This morning naka 3 times ako palit ng damit kasi di na kasya yung mga damit ko dati.  Nakaka frustrate pala ganun. Kasya pa sya sakin nung  1-3 months pa lang ako pero ngayon di na kasya sa boobs area :( ang puwedeng damit na lang sakin ngayon ay yung loose talaga kasi ang laki ng boobs ko.  Bumili na din nga ako ng cervical back support brace kasi masakit upper back ko dahil siguro sa bigat. hay,  wala lang gusto ko lang I-share,  Nag co-cope pa din lang siguro ako sa physical changes.

altheanisha

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #153 on: February 23, 2014, 08:01:06 pm »
hi mommies,  im on 32 weeks na, pansin ko lang palagi ng matigas ang tummy ko.... hirap na magbangon, tsaka madalas na nga din ako ngayon magwiwi...  Hindi ako nirequest ng OB ko na mag OGTT, sabi nya pa, sa 36th week na ko magfinal ultrasound, hanggang sa makapanganak nako nun.  Sana ok naman si baby Hannah sa loob, sana nakaposisyon sya ng maayos at walang umbilical cord sa leeg...   2nd baby girl ko na to, un first girl ko, 40weeks and 1 day ko ipinanganak NSD, induced, painless.  Iberet Folic at Malunggay Capsule lang vitamins ko, complete na daw kasi halos ang content nung Iberet Folic.  Due date ko is April 17, Holy Week.   Dun sa mga 2nd time delivery nyo, masakit na masakit pa rin ba ang labor pains kagaya ng sa eldest?  Sana hindi na... Mababa lang kasi pati Tolerance ko  sa pain.

twinkle belle

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #154 on: February 24, 2014, 01:32:42 pm »
annie19, ako din medyo napakain ng watermelon. husband ko kasi grabe kumain ng watermelon, parang ginagawa niya tubig. nadadamay tuloy ako. hehe. galing na kami kay OB last Saturday, sabi nothing to worry naman. (wheeewwww!) normal results ng CAS and medyo may question din siya kasi nga daw noong nilipat ako ng machine, nabawasan AFI ko. for OGTT na lang ako this weekend.

chocoholic88, apir! i can relate. karaniwan mga damit ko hanggang leeg na lang. kelangan talaga bumili ng medyo malaki.  ;D


marsh_candy

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #155 on: February 24, 2014, 08:23:31 pm »
Musta na mga sisssies!

28 weeks na kami ni baby at grabe galaw lang talaga.. Di na nya nasisipa cervix ko :D kasi last sunday, feel na feel ko galaw nya, parang bumaliktad na talaga sya to cephalic position.. at confirmed ko kanina, yung sipa na nya nasa upper belly ko na hehe..

Todo pako aral sa cloth diaper ;D addict lang talaga eh.. ngayon, nalilito na tuloy ako either:

 Paglabas ni baby,
1. disposable diaper ba muna ako then pocket/AI2 diaper na on the 2nd month.. or
2. Mag-cover + insert/lampin/fitted then pocket/AI2 diaper na on the 2nd month onwards

isa pa dyan anong brands ita-try ko hehe

Ok ok, ganito lang siguro pagna-addict na sa CD hehe..
Dami pa aaralin, breastpumping.. newborn baby 101

chocoholic88

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #156 on: February 24, 2014, 08:43:26 pm »
^ako sis plan ko sa newborn ay lampin + ai2 cover since waterproof din naman ai2 covers. 

Meron palang free breastfeeding seminar ang L. A. T.C.H. this Saturday sa TMC baka interested kayo mga sis.  Punta Sana ako kaso yun ang schedule ko Magpa labs.  Next time na lang ako.  Next schedule daw ay sa May.  Maganda daw yung seminar and Pwede isama yung partner.

annie19

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #157 on: February 24, 2014, 11:47:18 pm »
sis marsh_candy kung meron ka naman makakatulong maglaba at kung kasya na kay baby mo why not magCD agad :D

kay eldest lampin at sposies muna ako sa 1st month, ganun din gawin ko kila kambal. frequent pa kasi pagpoops nila. by 2nd month nako mag CD

katrinac

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #158 on: February 25, 2014, 12:36:26 am »
Hello mommies! Plano ko din mamili ng cloth diapers, pero super clueless ako kung paano ito gagamitin. ahha! And ano ano ba dapat ang bilhin? Aside sa cloth diaper? Ano yung nilalagay dun mismo sa cloth diaper na pang sapal ba yun? :)  :-\

And question lang mga sis, paano kapag nag poop si baby, lalabahan yung cloth diaper with the pupu?

chocoholic88 - agree with you sis. kahit nung mga maluluwang na damit ko dati na pambahay, ang sikip sikip na sakin. Madalas narin ako di masyado makahinga, di pa kasi ako nakabili ng new set of bra, kaya yugn luma parin nung gamit ko. hehe!

annie19 - ang weird lang sis kapag bawal magsalita,hehe! parang pang patanggal din ng anxiety yun habang nag le labor diba.

bebeocho - thank you sis, sa left side na ako natutulog ngayon, di na ako ulit nag cramps , tapos naka pajama na ako. so far dina ako ulit nag cramps. Speaking of maternity photoshoot, naku naexcite na ako sa ganyan sis. ang dami ko naiisip na poses, sana lang ma execute ng maayos. :D

kariseyow - actually sis, napansin ko nga, every time na iinom ako ng cold water, feeling bloated ako palagi. so ngayon warm water nalang muna ako, okay naman ang pakiramdam ko. hindi super bigat ng tummy ko.  :) hindi pa na check yung water ko sis, next check up natin open up ko kay OB. cas ko narin naman na next month. though yung last na ultrasound nya sakin, wala naman sya nabanggit.

EJ2526

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #159 on: February 25, 2014, 06:20:34 am »
Mga sis ask ko lang if needed ba talaga yung lampin? Kasi hindi ko naman sya gagamiting diaper tska if pamunas naman may bibs and wash cloths nako kaya iniisip ko kung bibili pa ba ako ng lampin? Pati sterilizer mga sis kasi sabi ng mother ko wag na daw ako bumili kasi masama na daw painitan yung mga bote kasi plastic eh gustong gusto ko pa naman bumili.

katrinac inserts yun sis yung nilalagay sa loob ng CD. And yung sa poop oo kasama yun pag nilabhan  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close