Hi mommies!! Kamusta kayo lahat?
sis
eihsy11, salamat naman sa online seller ng cloth diapers. interesado ako at ang mura nga. tinitingnan ko din ang next9 na brand.
sis
marsh_candy, totoo... ayoko na mag ikot ikot sa mall at ang daming cute clothes for baby girls. yung sister ko at friend ko just gave birth. kabilin bilinan na wag na muna bibili at madaming ipapamana sa akin. konti lang daw talaga ang kailangan ng baby. mashadong magaling lang ang marketing strategies kaya napapabili ang bagong mommies. so, sige, hinay hinay lang ako. i will just buy as i see the need.
sis
GMGravity, ingat ingat. kamusta na ang dulas mo? nakakapagbed rest ka ba? take care sis.
sis
katrinac, ang laki ng bump mo! 27 weeks ako ngayon pero hindi ganyan ang bump ko kalaki. parang more of palapad. plateau ang peg ng chan ko. sabi ng doctor ngayon 7 months magkaka rapid growth ang tummy kaya bibilog din daw yung akin. i will show you a pic of my tummy din. btw, congrats sa baby girl. baby girl din yung amin. sa ultrasound, pinakita ang 'burger' nya!

sa mga sisses na nagkaka-leg cramps, grabeng sakit no? sabi ng doctor ko, increase ko daw ang water at calcaium intake. so pinapainom na ako ng Caltrate twice a day.
sis
bebeocho, have a safe flight home. exciting! buti ka pa complete na! ako almost wala pang nabibili! sabi ni MIL, wag daw muna ako bumili ng crib at stroller. "anakin" ko na daw muna. pero ang exciting no? have fun sin sa baby shower mo.
sis
nikki, tama sobrang ingat talga. nag wo worry din ako about preterm labor. i had ectopic pregnancy kasi before, kaya 'sira' part of my uterus.. hindi na daw ipapaabot sa term ang pregnancy ko or else may danger na pumutok ang uterus ko. ang goal namin ni baby 37 weeks din. 10 weeks to go! next check up ko, mag steriods shots na din ako to hasten lung development para at least, kayanin nya ang indepedent breathing. sana kagaya mo nung first pregnancy, umabot din ako ng 37 weeks.
sis
twinkle belle, natuwa ako sa 'karate kid' nickname. i can totally relate. update us on your fbs and ogtt ha. ingat!
sis
EJ2526, nag darken din kilikili ko... pero isa lang. ang weird! wala pa naman akong nakikitang stretchmarks at wala pa nga akong linea negra. naglabasan lang ang sandmakmak na freckles ko kaya mega-buy ako ng bb cream. 2 kinds agad kanina. hahahah!
ang bagal ko na maglakad, sisses. feeling ko nag wa waddle na ako!
happy waddling, mommies!
