intense din naman pala ang stories ng ibang sisses natin.. hay! i can somehow relate as well, though hindi naman gaanong malala. tatlo kaming magkakapatid, my brother is the eldest, my ate is the middle child then ako ang bunso. kuya is the 1st apo of both parents' sides kaya super pampered and spoiled, and he's the only boy in the family that will carry my father's family name kasi only boy din father ko sa kanilang magkakapatid. when he was growing up, since nurse ang mother namin at laging nasa hospital, mga tita namin ang nag-aalaga sa kanya kasi seaman si father at every 9 months lang naman lagi umuuwi. samakatuwid, since si kuya nga ang eldest sa aming lahat pati sa magpipinsan, laging sya ang nasusunod, laging sa kanya pabor ang lahat.
sa aming tatlong magkakapatid, well i don't really want to say it but he's sort of the "black sheep". noong nag-aaral pa kami sya yung laging napapatawag ang parents sa principal, laging nasa barkada umiinom, gimik etc. while kami ng ate ko as in seryoso kami mag aral, though hindi naman kami super diligent eh hindi naman kami pasaway at never namin masasabing binigyan namin ng sakit ng ulo ang mga magulang namin. naalala ko pa nga isang time na nakikiusap sya sa isang teacher nya noong college na bigyan nalang sya ng special project or bibili nalang sya ng libro para hindi sya ibagsak. pero nadelay parin sya ng isang taon kasi may pagka-delinquent talaga sya.
pagka-graduate nya (finally) tinulungan pa sya ng mga tito/tita namin na makahanap ng work. natanggap naman sa isa pero as in yung minimal wage lang talaga pero ewan ko ba at sobrang maluho parin si kuya. parents ko nagbabayad ng renta nya at naggroceries, tapos pumupunta pa once a month or two si mother sa apartment para mag general cleaning. everytime na uuwi father ko from abroad, lagi may pabiling bagong gadget, gusto lagi ppunta duty free or mall at magsshopping. as in lahat sunod talaga. kami ng ate ko hindi maluho, sobrang once in a while lang kami magrequest or magpabili like parang prize kapag nasa honor roll or birthday, kaya pag hindi natutupad, minsan nakakapagselos din kasi bakit kapag si kuya ang humingi, lahat naman nabibigay nila, kami ni ate hindi.. pero somehow nakatulong din sa amin yun kasi natuto kaming umasa lang sa sarili and strive even harder. funny nga kasi ultimong pambili ng regalo sa mga GF sa mother ko pa hinihingi.
8 years ago nagpaalam sya magpapakasal pero super ayaw namin sa GF nya, grabe nag away pa talaga kami binato ako ng sapatos at gumawa pa ng eksena sa kapitbahayan hehe. ang jologs kasi ng GF nya, hindi sa nangmamata ako pero sa slums sila nakatira, ok sana kung maayos naman ugali kaso sya pa tong ang taas ng ere. she tried to be nice naman to please our family pero it was still obvious na hindi genuine yung pagiging mabait. reason nya kaya magpapakasal kasi tumatanda na raw yung girl, 5 years ata gap nila or so.. basta mejo malaki. that time my brother was 29 and the girl was in her mid 30s. eh eventually wala naman kami magagawa so they got married, as far as i know my father paid more than half of the wedding expenses.
GF got pregnant syempre big deal 1st apo ng parents ko. that time nakatira kami ng brother ko sa apartment, eventually the wife moved in as well. i had my own room so wala sila pakelam kung magkalat ako kung anuman since wala din naman ako paki sa mga kalat nila. so now, GF turned SIL once cleaned my room, at nagspotting dahil napagod. ako pa sinisi na nagspotting sya at ang kalat daw ng kwarto ko. so sabi ko sino ba nagsabi sa inyo na pakialaman gamit ko tapos ako ngayon ang may kasalanan bakit nagspot. hay naku. nag move out narin ako after several months dahil nagstart narin ako magwork at malayo yung apartment sa current work location ko.
then nagstart sila mag put up ng business buy and sell, ine-encourage kami mag invest sa kanila like magbigay raw kami at least 20k each ng sister ko kada buwan pandagdag capital daw at sure na may babalik daw na profit sa amin at nakatulong pa kami sa kanila. since di naman kami business minded eh di kami pumayag, tutal may work kami ni ate pareho and ok naman ang sweldo namin. nagtampo pa sya sa amin kasi hindi man lang kami supportive dun sa business. samin naman, we're not being selfish or anything pero hindi naman kami nakikinabang at wala naman syang inaabot sa amin or sa parents namin.
hanggang sa nalugi yung business kasi di alam ng brother ko na yung mga kinikita nila eh pinupuslit ng wife nya. eventually kami ni ate ang nagppondo ng mga checks, minimum 20k each month yun. umabot sa point na nagsangla pa ng properties parents namin, nangutang sa bangko etc. in the end, parents ko ngayon ang may utang, at yung house nila muntik pa makuha ng bangko dahil nga di rin naman nakakabayad sila kuya. nagpabaya na talaga. hanggang sa nagclose nalang business nila at bumalik sa pagiging regular employees pero nagtatago parin sa mga naniningil na suppliers.
naiinis lang ako dahil instead na magpakahumble sila ng wife nya eh sila pa tong mayayabang lately.