watch now

Author Topic: Irresponsible Brother  (Read 11087 times)

castledoll

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #40 on: May 28, 2014, 08:56:54 am »
^ again, I'm gonna base this from a teleserye  ;D one of the scenes/dialogues there sabi nung parents na minsan kaya meron sila mas "favoured" child, sila yung tipong "lost" na kapag walang parents. nature talaga siguro yung dependent sila. while other siblings naman are more palaban and independent. tipong they'll be ok whatever life throws at them. makakatayo pa sila.

but on the other hand, may hangganan ang lahat ng pagtulong. At some point, you have to let go of your child's hands.

LeallianFaye

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #41 on: May 28, 2014, 09:35:23 pm »
Sis Sarah29, tama lang yung ginawa mo kasi hindi na tama yung ginagawa nya.

First, hindi na sya obligasyon ng magulang mo at lalong hindi mo sya obligasyon kasi may sarili na syang pamilya at matanda na sya, hindi naman kulang ang mga paa at kamay nya para hindi sya makahanap ng trabaho kahit construction worker man lang o sideline-sideline. Malaki na sya at lalake pa, dapat sya mismo ang kumilos para sa ikabubuhay ng pamilya nya hindi yung naka-tengga sa bahay at hintay ng sustento. Kung nakipag break ties na sya sa iyo, hayaan mo sya, sis, pero panigurado kokontakin ka nyan pag may kailangan nanaman sila. Kaya nagiging ganyan yan at nagrarant sya sa inyo pag di napagbigyan kasi palagi nyo napapagbigyan, sis. Akala nya 5 years old parin sya na unting dabog, galit at tampo  eh maibibigay na ang gusto nya at pag pinagbibigyan lalong nagiging spoiled at ang mentality nila they can get what they want and they can get away with everything. Kung ako lang, sis, paparanas ko talaga sakanya ang hirap ng buhay, yung tipong kung hindi ka kikilos dyan walang darating sayo. Hindi ako magbibigay sakanya ni sinkong duling, kailangan nya paghirapan lahat ng sinko na mapupunta sa bulsa nya nang malaman naman nya na hindi kayo nagtatae ng ginto at lahat ng pinapadala nyo sakanya eh dala ng pawis at oras nyo.


2nd, Yung tungkol sa mga anak nya, hay nakoooo! Kung ako lang ikaw sis sasabihin ko talaga sakanya unang una palang nung nag-asawa sya na hindi ako sponsor ng family nya. Wag sila mag expect sakin unless nasa bingit na ng buhay ang anak nya o asawa nya o kahit sya. Pero payo ko sayo sis, nangui-guilt trip lang yan, kasi wala syang ibang magandang rason na masabi sa inyo dahil alam nya sa sarili na kasalanan nya kung bakit nagugutom ang mga anak nya at kayo lang ang easy money na makukuhanan nya. Wag ka magpadala ng emosyon jan sis, alam ko hard masyado pero ganun talaga kasi kung hindi uulit ulitin nya yan at alam nya ang weakness mo eh yung mga pamangkin mo gagamitin nya yan palagi against you, at hindi ka masama sis kung hindi mo natulungan ang mga pamangkin mo kasi hindi mo naman sila obligasyon para pakainin, magkakaron ka na din ng sariling pamilya sis, isipin mo nalang kung may anak ka na at sila nakasabit parin sayo o sainyo ng parents mo.

Tough love, sis. Yun ang kailangan ng kapatid mo. LOL

Pero sis, wag ka ma-feel guilty nagawa mo yun sakanya kasi it's about time.

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #42 on: May 28, 2014, 11:10:53 pm »
Tama. TS's brother needs tough love, 'yung tipong stand on his own feet talaga para matauhan. Kalalaki niyang tao, 'no.

Kristalle

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #43 on: May 29, 2014, 01:16:47 am »
sa TS, I hope you don't mind pero since you yourself knows everything about your situation, mas maganda siguro not to base your decision thru advices made here. Go with your guts and hopefully heart. Or better yet, thru professional help if you can afford such. Mas ideal kung masasama mo ang brother mo.

kung opinyon ko naman, I always go with this adage, blood is thicker than water. Sometimes we forget that esp. in difficult situations. Minsan din, hindi lahat ng panahon meron ang isang tao, including you. Life is uncertain even if we have insurance and the likes. And sometimes, yung mga inaasahan nating tao sa oras ng pangangailangan e wala din pero ang family most of the time will always be there no matter what. Sana di masukat sa pera pera lang ang pagmamahalan ng pamilya.   

wangwang

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #44 on: May 30, 2014, 09:21:03 am »
sa TS, I hope you don't mind pero since you yourself knows everything about your situation, mas maganda siguro not to base your decision thru advices made here. Go with your guts and hopefully heart. Or better yet, thru professional help if you can afford such. Mas ideal kung masasama mo ang brother mo.

kung opinyon ko naman, I always go with this adage, blood is thicker than water. Sometimes we forget that esp. in difficult situations. Minsan din, hindi lahat ng panahon meron ang isang tao, including you. Life is uncertain even if we have insurance and the likes. And sometimes, yung mgaaasahan nating tao sa oras ng pangangailangan e wala din pero ang family most of the time will always be there no matter what. Sana di masukat sa pera pera lang ang pagmamahalan ng pamilya.   

agree ako dito

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #45 on: July 29, 2014, 03:18:11 pm »
Nakakarelate ako sa thread na to pero she is my ate. I hate her so much i disowned her as my sister. she is a disgrace to my dad's good name. she abandoned her 5 kids. She's now nowhere to be found. She left because she found out my dad was finally sending her to a rehab. She's separated twice. And both men are douchebags. Parehong walang silbi. So lahat ng kids nya kay dad nya inasa at never nya inalagaan. Kami nag alaga from the very start. Kaya the kids are also aloof sa kanya. She never acted like a mother to them. Now she's on the road to self destruct. Alam ko mali but i cant help but wish she was dead na lang para wala na sya madulot na problema at kahihiyan samin. Baka magkasakit pa dad ko sa stress sa kanya. She was the favourite by our whole family because she's the first baby. Matagal bago nagkaron ng kasunod kaya she was spoiled. Everything she wants was given to her kaya ganyan sya selfish at hindi na natuto tumayo sa sariling paa. She was never a sister to us her siblings. She was mean to us when we were kids. She never worked either. Puro hingi lang alam. Laging dahilan kawawa daw mga bata but she never even feeds them. She uses the money on drugs. I hope she never returns..

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #46 on: July 29, 2014, 06:23:25 pm »
^ OMG. She reminds me of our eldest cousin sa father's side ko. Anyways, he was spoiled by our grandmother kaya siya nagloko, anak ng anak, hindi naman niya ina-alagaan, to think that he has four kids, each of the two belong to different mothers. Dunno where he is now, and I really do not care at all.

Miss.Pancake

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #47 on: August 05, 2014, 05:14:46 am »
I have 2 irresponsible brothers and they're actually getting on my nerves:

Brother 1: Maagang nag asawa. Tapos mag totwo years old palang yun panganay nag anak na naman! Tapos walang trabaho silang mag asawa at sa parents ko parin nakatira. Ano ba yun? Gatas, pampers, pang check up lahat lahat sa dad ko inaasa. Tapos tuwing uuwi ako makikita ko siya naglalaptop lang tapos yun asawa niya nakahiga lang sa sala. Jusko! Patawarin nyo po ako pero gusto ko silang palayasin.

Brother 2: 24 years old na, hanggang ngayon 3rd year college parin at hindi ko alam kung hanggang kelan siya dun. Lagi lang nasa bahay nag lalaptop o di kaya naglalaro ng Wii o pag wala man sa bahay nasa gf niya. Hindi rin maasahan sa bahay. Tapos lagi pang ang kalat kalat sa kwarto niya e yun ang kwarto ko dati. Tapos ang dugyot dugyot ng mga gamit niya at di ko alam kung naliligo ba siya. Laging may sariling mundo. Lagi lang nagkukulong sa kwarto at ayaw man lang tumulong sa papa ko sa business. Asar talaga!

Pag ako talaga napuno bibigyan ko ng ultimatum yun dalawang yun. Nakakapikon kahit sabihin mong mga kapatid ko sila. kawawa daddy at mommy ko e.

cristina

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #48 on: August 05, 2014, 09:41:41 am »
Sometimes kasi di ba we have to show na hindi lahat okey sa atin para hindi tayo abusuhin?

TS : tama yang ginagawa mo tiisin mo ang brother mo pero para naman hindi nya masabi na tiniis nyo anak nya which is pamangkin and apo ng parents mo padalahan mo pa din pero hindi na money like milk, diapers, biscuits, vitamins I mean yung mga bata na lang wag na silang mag asawa

hoped my advise helped you...

Miss.Pancake

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #49 on: August 07, 2014, 02:40:04 am »
Ang hirap ng ganito

dainejen

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #50 on: August 18, 2014, 05:57:39 pm »
Grabe ang dami ko pala kapareho. Grabe mga lalake these days, patamad ng patamad! Hay ewan ko ba! lol.

Anyway mga sis.. update on my brother.

Di ko alam kung matatawa ako o maiinis e. Bale hinde sya pinadalhan ng mama ko ng isang bwan. Naghimotok ng sobra sobra. Nagmessage sa mama ko, sabi ba naman "Wala kang kwentang ina.. nagchuchurch kapa masama ka naman. Wala kang pake sa anak mo. Hinde kailangan. Sinusumpa kita." Mahaba pa.. pero yan nalng ippost ko. Akala nya ata e magsosorry pa nanay ko. Buti nagmatigas si mama at sinabi na hangga't di sya marunong rumespto, wag nyang subukan magmessage. At ayun blocked na sya.

Mayamaya nagmessage SIL ko. Madami daw kase pinagdadaanan kuya ko kaya nagkaganun lang ang mga sinabi. Nakidnap daw sa bahay at ginapos, tapos tinutukan ng 2 rounds ng baril. Miracle daw at hinde pumutok. Tapos pinilit daw sya kumain ng kanin baboy. Tinali daw na nakahubad. Tinulungan lang daw ng kapit bahay kaya nakatakas... Reaksyon ko WTF??! Vhong, ikaw ba yan? LOL. Buti ni-deadma ng nanay ko.

Eh ngayon nagpost mama ko na may new work sya. Kinabuksan message nanaman si SIL. Nagsosorry daw kuya ko at kaawa-awa daw. Sa food court at kalsada daw natutulog. Kawawa daw sya sobra, pahingi daw kahit pagkain.  ;D ;D ;D

Natatawa ako na naiinis dahil ganyan sila kadesperado sa pera. Blocked kame sa lahat sa fb nya. E hinde nya alam na may access pa ako sa old FB ko. At ayun pagkita ko papalit palit pa sya ng profile picture. At nagllike pa ng naked girls fanpage. Ganyan ba ang natutulog sa food court at kalsada? Nakakapag facebook pa? Mamayan na pulubi.  ;D

Wala na din akong tiwala dito kay SIL. Kakontsaba lang sya ni kuya. Puro sila kasinungalingan. Mga tamad  >:(

grabe sis di ko malaman kung san magcocomment dahil lahat ng mga post ay kacomment comment talaga. kung sakin siguro nangyari yan di ko kakayanin tiisin o pabayaan kapatid ko,buti nalang di sya ganyan.

Di ko naiintindihan at feeling ko never ko maiintindihan yung sa pagnanakaw sa pamilya. kahit paano gawin ko di ko magets kung paano nila nagagawa yun sa sariling kadugo.. paano nila nasisikmura yun. akala ko imposible yan dahil sanay kami na di ka mawawalan basta kamag anak mo ang makakita pero nung nakilala ko B-I-L ko naku naniwala na ko.. di ko lang alam paano nya nasisiskmura kapal ng face nya.

naku sis nakidnap pala sya kawawa naman, baka akala mayaman dahil may nagpapadala, solution wag padalhan para di na makidnap ulet hahaha joke.

kung walang dad brother mo mas mahihirapan mom mona tiisin sya..pero di naman sila nanjan forever kaya sana matuto na sya mas mahirap maghirap paghinintay nya yung time na sawa na lahat tulungan sya kaya dapat matutu na sya ngayon palang

ikaela

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #51 on: September 14, 2014, 11:13:47 pm »
So ayan na, may anak na ang irresponsible brother ko. He and his grating girlfriend are still living in that apartment that's in my name, but our parents told him he could live in. He even had a room made. Using what money? Either given to him by our parents again, or from the so-called job our parents gave him as well. Since it's a "family" job, he can shirk responsibilities and basically not do his job yet still get paid. May bonuses pa. For what? Oh, I don't know, bonus to make it look like he's got a job and a life so that he's not an embarrassment to the family.

Because she has spawned now, the girlfriend now assumes this role that she's officially part of the family. Mas lalong kumapal ang mukha. She comes to the house, voice all loud, and very comfortable in making her way around the kitchen, sala, bedrooms, second floor, and etc. Uses all of the cars as if it was her own. Kwento pa ng househelp ko na sabi daw sa kanya nung girlfriend na hatid-sundo pa daw siya ng dad ko, plus may pang-Jollibee pa, as if she's trying to prove (to my househelp!) how much of a part of the family she is. So f*ckin' weird.

Ayan, bahay-bahayan sila in a house, car/s, and a job all provided by my parents. Pati laundry nila, my parents' labandera pa rin. 'Di na ako magugulat kung pati lahat ng needs ng anak nila eh sagot din ng magulang namin.

Ano na when we're old and our parents are dead? Actually, my brother would still benefit from that -- he'll get his mana, live off of it, and continue living his unproductive, self-entitled life.

geekgurl

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #52 on: April 12, 2015, 08:12:27 pm »


hay naku mga sis, nakakarelate din ako sa thread na to. Pero yung kuya ko gay, discreet nga lang. Matalino sana pero saksakan ng tamad. Walang direction sa buhay. Lakas magyosi :( and inom. Puro gala inaatupag. Hindi man lang siya tumutulong sa bahay. Parang may inutos ka or hiningi ng favor ang bigat sa loob niya not unless may kailangan siya sa yo. Napakauser talaga. Hindi rin siya nagtatagal sa work kasi ayaw mautusan na hindi daw related sa job niya. Kahit nung nagwork pa siya lagi din siyang humihingi sa Dad ko. Ang nakakainis lang, yung dad ko enabler. Tapos magrereklamo siya saken bat ganon daw kapatid ko. Binigyan na siya ng business ng dad ko, walang nangyari kasi puro lakwatsa, puro nalugi and puro utang. So ako pa humarap sa mga pinagkautangan niya at tinulungan ko pa siya sa mga kapalpakan niya. Ako pa sinisisi ng Dad namen. Kamusta naman yun? Naiinis din ako sa tatay ko kahit pinagsabihan ko na pinapamihasa mo kasi, sasabihin niya lang saken hindi ko matiis kapatid mo. Hay naku 32 years old na, immature pa din. Tanghali na kung gumising, kakain na lang, laptop, nood tv. Buhay hari! He was never a brother to me. Pati anong kakainin, tatanungin ng housemaid ano gusto, hindi niya daw alam. Tapos pag may pagkain sa lamesa ayaw niya gusto iba, ayaw pa paulit ulit. My gosh!! ano ba mga kalalakihan ngayon...

Hindi kasi nakaranas ng hirap to eh, ayaw lumabas sa comfort zone. masyadong mahina loob.
Puro yabang, puro post sa instagram...grrr!!!

Pero pansin ko halos lahat ng lalake sa father side, yung mga pinsan ko tamad, yung iba hindi nakapagtapos ng school, adik or basagulero yung iba. nakabuntis yung iba. Mga babae lang talaga kumikilos sa buhay. May isa akong pinsan nasa 40's na adik pa din tsaka umaasa sa nanay niya. Ewan ko ba ba't pareparehas yung pattern pero hindi naman sila magkakasama sa bahay. Slow magmature yung mga lalake samen.  >:(

17glut

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #53 on: April 12, 2015, 08:29:46 pm »
i can truly relate ...panganay na kapatid ko 20 years nang alcoholic,  walang narating sa buhay at puro perwisyo ang binibigay, mahilig pa mag sinungaling...honestly, all i can pray for is sana kunin na lang sya ni lord. Dapat talaga mabawasan ang mga taong walang pakinabang sa buhay.

geekgurl

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #54 on: April 12, 2015, 08:40:19 pm »

dati may awa pa ako sa kanya. nasasayangan ako sa buhay niya. pero ngayon hindi na talaga ako naawa, puro inis at konsumisyon talaga inaabot ko sa kanya at tatay ko.  >:(

Sinabi ko na lang sa sarili ko, nasa huli ang pagsisisi. Oh well!! ::)

17glut

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #55 on: April 12, 2015, 09:10:14 pm »
dati sa pelikula lang at tv lang ako nakakakita ng mga ganung tao, pati sa kwento din ng mga kakilala, pero ni sa hinagap di ko inakala na sariling kapatid ko pa ang magiging ganun.

Dahil panganay sya, naambunan sya ng luho, pag aaruga at naging spoiled ng parents ko - as in lahat ng luho nya binigay talaga- pero lahat kami takang-taka bakit nya piniling hindi tapusin ang pag aaral nya at ilugmok ang sarili sa bisyo, ni hindi man lang nya binangon ang sarili para makapag hanap buhay ng maayos. Sya yung klase ng tao na parang hindi na naka-move on sa pagiging highschool.

Sa mga taong pinili na sa ganito mamuhay ay di na dapat kinakaawaan, dapat tong mga taong to itinatakwil na ng lubusan kasi wala na rin naman patutunguhan ang buhay nila. 

imeego

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #56 on: April 23, 2015, 02:36:02 am »
I have 2 brothers na sobrang irresponsible, mga parasite..actually di ko na sila tinuturing na mga kapatid, stopped any communication sa kanila dahil di ko sila kayang patawarin..my mother passed away 2 years ago at para sa akin sila ang rason bakit namatay ang mama ko..madalas naiisip kong sana sila na lang ang nawala kesa mama ko since pareho naman silang walang silbi sa mundo. Di ko talaga maintindihan bakit kelangan pang mabuhay mga ganitong klase ng tao

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #57 on: April 23, 2015, 10:20:29 pm »
These kind of guys do not deserve to get married. Haha, they'd better live a life in the wilderness.

aquacharly

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #58 on: April 23, 2015, 11:16:22 pm »
WelL,  SARAH29 -- pinatulan mo na, it's done -- hwag mo na isipin kung tama o mali.
Why, you are considering apologizing?  Well.....

Sure, invite him to your wedding. Send his family your invitation. Talk to your sister in law as in deadma --  reiterate your invite.  Kung not going, fine. Don't let his absence spoil your day.

Actually, he is not your problem, but your parents' kasi they are the ones who took him on as their forever-beneficiary & dependent.  What's his wife doing to advance their family's finances? Not working? Susko.  Ang mahirap dyan -- baka yung mga anak ganyan din -- walang ambisyon, walang tiaga.  Padami ng padami mga talaba, going nowhere yet proliferating.  Just saying. May mga Talaba din kami sa family. 

Sure, give his family Xmas gifts, period. Kasi if you will give him regularly (take on your parents' role) -- maniwala ka, he will always expect it and even expect more later on.  Wala na yang pride -- meron yan misplaced sense of entitlement. 

All I can say is, do not get started in listening to his mga daing daing. Do not make his problems yours.  If you do, the day will come ma stress ka, magka inisan pa kayo ng hubby mo.  As you said, he is able-bodied. 

Sometimes, the hardest thing to  do is to say "no" and not give, when you can easily afford.  But that is what the one asking needs most: discipline & self-reliance. 


hypergalactix13

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #59 on: April 25, 2015, 12:35:53 am »
intense din naman pala ang stories ng ibang sisses natin.. hay! i can somehow relate as well, though hindi naman gaanong malala. tatlo kaming magkakapatid, my brother is the eldest, my ate is the middle child then ako ang bunso. kuya is the 1st apo of both parents' sides kaya super pampered and spoiled, and he's the only boy in the family that will carry my father's family name kasi only boy din father ko sa kanilang magkakapatid. when he was growing up, since nurse ang mother namin at laging nasa hospital, mga tita namin ang nag-aalaga sa kanya kasi seaman si father at every 9 months lang naman lagi umuuwi. samakatuwid, since si kuya nga ang eldest sa aming lahat pati sa magpipinsan, laging sya ang nasusunod, laging sa kanya pabor ang lahat.

sa aming tatlong magkakapatid, well i don't really want to say it but he's sort of the "black sheep". noong nag-aaral pa kami sya yung laging napapatawag ang parents sa principal, laging nasa barkada umiinom, gimik etc. while kami ng ate ko as in seryoso kami mag aral, though hindi naman kami super diligent eh hindi naman kami pasaway at never namin masasabing binigyan namin ng sakit ng ulo ang mga magulang namin. naalala ko pa nga isang time na nakikiusap sya sa isang teacher nya noong college na bigyan nalang sya ng special project or bibili nalang sya ng libro para hindi sya ibagsak. pero nadelay parin sya ng isang taon kasi may pagka-delinquent talaga sya.

pagka-graduate nya (finally) tinulungan pa sya ng mga tito/tita namin na makahanap ng work. natanggap naman sa isa pero as in yung minimal wage lang talaga pero ewan ko ba at sobrang maluho parin si kuya. parents ko nagbabayad ng renta nya at naggroceries, tapos pumupunta pa once a month or two si mother sa apartment para mag general cleaning. everytime na uuwi father ko from abroad, lagi may pabiling bagong gadget, gusto lagi ppunta duty free or mall at magsshopping. as in lahat sunod talaga. kami ng ate ko hindi maluho, sobrang once in a while lang kami magrequest or magpabili like parang prize kapag nasa honor roll or birthday, kaya pag hindi natutupad, minsan nakakapagselos din kasi bakit kapag si kuya ang humingi, lahat naman nabibigay nila, kami ni ate hindi.. pero somehow nakatulong din sa amin yun kasi natuto kaming umasa lang sa sarili and strive even harder. funny nga kasi ultimong pambili ng regalo sa mga GF sa mother ko pa hinihingi.

8 years ago nagpaalam sya magpapakasal pero super ayaw namin sa GF nya, grabe nag away pa talaga kami binato ako ng sapatos at gumawa pa ng eksena sa kapitbahayan hehe. ang jologs kasi ng GF nya, hindi sa nangmamata ako pero sa slums sila nakatira, ok sana kung maayos naman ugali kaso sya pa tong ang taas ng ere. she tried to be nice naman to please our family pero it was still obvious na hindi genuine yung pagiging mabait. reason nya kaya magpapakasal kasi tumatanda na raw yung girl, 5 years ata gap nila or so.. basta mejo malaki. that time my brother was 29 and the girl was in her mid 30s. eh eventually wala naman kami magagawa so they got married, as far as i know my father paid more than half of the wedding expenses.

GF got pregnant syempre big deal 1st apo ng parents ko. that time nakatira kami ng brother ko sa apartment, eventually the wife moved in as well. i had my own room so wala sila pakelam kung magkalat ako kung anuman since wala din naman ako paki sa mga kalat nila. so now, GF turned SIL once cleaned my room, at nagspotting dahil napagod. ako pa sinisi na nagspotting sya at ang kalat daw ng kwarto ko. so sabi ko sino ba nagsabi sa inyo na pakialaman gamit ko tapos ako ngayon ang may kasalanan bakit nagspot. hay naku. nag move out narin ako after several months dahil nagstart narin ako magwork at malayo yung apartment sa current work location ko.

then nagstart sila mag put up ng business buy and sell, ine-encourage kami mag invest sa kanila like magbigay raw kami at least 20k each ng sister ko kada buwan pandagdag capital daw at sure na may babalik daw na profit sa amin at nakatulong pa kami sa kanila. since di naman kami business minded eh di kami pumayag, tutal may work kami ni ate pareho and ok naman ang sweldo namin. nagtampo pa sya sa amin kasi hindi man lang kami supportive dun sa business. samin naman, we're not being selfish or anything pero hindi naman kami nakikinabang at wala naman syang inaabot sa amin or sa parents namin.

hanggang sa nalugi yung business kasi di alam ng brother ko na yung mga kinikita nila eh pinupuslit ng wife nya. eventually kami ni ate ang nagppondo ng mga checks, minimum 20k each month yun. umabot sa point na nagsangla pa ng properties parents namin, nangutang sa bangko etc. in the end, parents ko ngayon ang may utang, at yung house nila muntik pa makuha ng bangko dahil nga di rin naman nakakabayad sila kuya. nagpabaya na talaga. hanggang sa nagclose nalang business nila at bumalik sa pagiging regular employees pero nagtatago parin sa mga naniningil na suppliers.

naiinis lang ako dahil instead na magpakahumble sila ng wife nya eh sila pa tong mayayabang lately.

 
 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close