watch now

Author Topic: Irresponsible Brother  (Read 11054 times)

sarah29

  • Guest
Irresponsible Brother
« on: January 25, 2014, 02:12:39 pm »
I had a huge fight with my brother earlier. Nasa Pilipinas sya, kame andito sa States. Mid twenties na sya, may tatlo na syang anak. Never sya tumagal sa work nya. Max na nya ata e 6 months. Lagi sya asa sa padala. Hinde din sya nakapagtapos ng college dahil sobrang loko loko nya nung kabataan nya. Ilan beses syang repeater sa school, hangga't sa magive up nalang parents ko sa kanya. Hinde sya nadala sa States nung lumipat kame dahil overage na sya.

For the past years na andito kame, every month sya pinapadalhan sya ng parents ko. Tapos yearly din balikbayan box nya. Netong month, however, hinde sya mapaldalan dahil sa sobrang daming gastos. Hinde din sya napadalan ng box. Nastroke yung dad ko and sobrang taas ng bills, plus kakalipat lang kame to a new city. Nagkataon din na nanganak yung wife nya. Bale message sya ng message sa FB padalan daw at kawawa mga anak nya walang makain. Ako naman, ang laki-laki ng katawan nya, bat hinde sya maghanap ng paraan? At ginagamit nya nalang palagi mga anak nya. Ang alam ko din nawalan nanaman sya ng work, e kabago bago nya palang dun. Saken lang kung gagawa sya ng mga bagay, dapat ready sya for the responsibilities. Naiinis ako na tuwing may problema sya sa bahay, gusto nya kame magsolve.

Edi ayun, kanina kung ano ano pinagsasabi nya. Kesyo tiniis daw namen pamilya nya. Nagsnap nako dahil sobrang inis nako sa kanya at sinabi ko na hinde naman talaga obligasyon na nila mama na padalan sya. Ako nga ni sinkong butas wala ako nakukuha sa pera nila, eh. At ayun na, nagalit sya ng todo todo at sinumbat nya saken yung 1 month na naki-tira ako sa kanila during my vacation sa Pinas. 5 months ako nasa Manila, I stayed at their place for a month. Bale less then 10 times lang ako kumain dun dahil lagi naman akong wala. Binigay ko sa kanya Blackberry ko, at umutang sya saken, hinde ko pinabayaran. Nawala pa relo ko sa kanila. He has a history of stealing kase simula nung binata palang sya. From my mother's jewelries to laptops, etc.

Ngayon hinde ko alam kung tama ba ginawa ko na pinatalan ko sya. He blocked me at sabi na magkalimutan na daw kame.. lol. Nainis na din kase ako. Akala ko kahit papano magpepenetrate sa utak nya yung mga sinabi ko, pero mukang di nya naman gets. Ikakasal na din ako in two months sa Pinas and I don't know whether to invite him or not. Honestly, ayaw ko na talaga. Pero di ko din alam kung anong tamang gawin, at kung tama ba na pinatulan ko sya kanina.
« Last Edit: January 25, 2014, 02:17:16 pm by sarah29 »

evilwoman

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #1 on: January 25, 2014, 02:49:45 pm »
^ang tanong,tama bang i-cut nya ang connection sa iyo e sya nga itong lagi may kailangan.i wonder kung yang kapatid mo e nagdudurog or may bisyong sugal.yun lang kasi alam ko na nagnanakaw sa kapamilya.wag mo istress ang sarili mo pagiisip dyan.good riddance kamo.bawas isipin sa buhay.enjoy mo ang panahong di ka kinukulit.im sure sooner or later e gagapang uli yan pabalik sa inyo.

gracita13

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #2 on: January 25, 2014, 04:28:10 pm »
LOL to your brother sis  :P sya pa may ganang magmalaki na i-blocked ka.hayaan mu sya! minsan talaga kailangang tiisin ang mga mahal naten para matuto sa buhay lalo na mga ganyang daig pa pensionado  :P naiinis ako sa mga ganyang tao asa pa sa magulang na matatanda na,imbes na nag eenjoy na lang yung matatanda sa kinikita nila eh pabigat pa sila  >:( anak pa sya ng anak hmpf!
re your wedding,focus ka muna sa pag plan.kapag nasa pinas ka na invite mu sya kung ayaw nya edi wag  :P

sarah29

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #3 on: January 26, 2014, 08:43:01 am »
Thank you sisses!

Oo nga, eh. In a way I felt relieved na wala na manggulo saken. Ilan taon nadin syang ganyan. Pagna-lelate ang padala, o kaya gusto nya ng padagdag. At sya pa ang galit tuwing hinde naggrant yung request nya ng dagdag ng padala. Kesyo kawawa ang mga anak nya, at baket nakakayang tisiin lol. At ayun pa nga, anak ng anak. Dapat nga as grandparents happy mga magulang ko tuwing may new baby sya. Pero nag nangyayari, imbes na excited sa new baby, naiinis na din sila. Pati din kame. Dahil alam namen na hinde nya kayang buhayin ito, at sa parents ko nanaman isasa. Sila din ang kawawa.

May part lang saken nakonsensya ako dahil kapatid ko din sya at sa sobrang parang may diperensya na ata utak nun, dapat ata di ko na pinatulan. Pero may part din saken na pakiramdam ko kelangan nya din minsan mapagsabihan..
« Last Edit: January 26, 2014, 08:44:53 am by sarah29 »

cruxito

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #4 on: January 26, 2014, 09:31:13 am »
who knows sandalan naman nya ang sarili nya after nyo mawala... sometimes tayo din kasi nagtuturo sa tao kung paano maging tamad eh... :D

evilwoman

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #5 on: January 26, 2014, 11:03:34 am »
^^isipin nyo na lang na nagiging enabler lang kayo sa "pagtulong" sa kanya.isipin mo na lang,knock on wood ha,may nagyari masama sa inyo maganak at ganyan sya kabatugan,paano na sila?kumusta naman sil mo?baka mas ok na sya kumayod for the family.ihanap nyo ng pagkakakitaan tsaka sponsor nyo pa-ligate?hehe..

manhattanite

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #6 on: January 27, 2014, 09:52:17 pm »
Ok nga na pinatulan mo sha, sis.  Mabuti nga yan at nasabi mo lahat ng sentiments mo.  Ang KAPAAAAAAL lang ng fez ng kapatid mo! 

My suggestion is to send him money only if may extra kayo.  Wag nyong gawing monthly priority kasi talgang hindi kikilos yan since alam nyang laging may funds.  Mahirap sa mahirap tiisin, pero kelangan turuan ng leksyon kasi kung hindi, kayo ang forever bubuhay sa kanila.  Kung concern nyo yung mga anak nya, mag-set kayo ng fixed amount sa needs ng mga bata and yun lang.  Stop na din yang balikbayan box.  Swerte naman nya, may pera na, may free goods pa. 



simang

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #7 on: January 28, 2014, 03:19:59 am »
Urgh, kaya ayokong nagiging issue ang pera kahit kelan.

But sarah, don't stress yourself sa kuya mo. For one, kakailanganin ka nya at some point. If not, eh di good. Kung ang iniisip mo eh yung sama ng loob nya sayo, time will heal that. Unless his brain is that small to not let go of his grudge kapalit ng relationship nya sa yo.

I have a sister, she's married with one kid, working naman sila ng husband nya. Wala pa silang bahay na sarili so they stay at my parent's house. My mom is abroad, yung ibang needs ng baby nila, si mama pa sumasagot. Yung kasal nila, si mama gumastos lahat, kung mag sinagot man yung lalaki, siguro wala pang 10%. Yung panganganak nya, si mama lahat nagbayad sa ospital, pati panggamot at checkup ni baby si mama lahat. Yung binyag at birthday ni baby si mama din lahat. Kuryente, grocery, sweldo ng helper sa bahay, and lahat ng bills sa bahay si mama lahat.

Yung sweldo nilang magasawa, ewan ko kung anong pinagiipunan nila pero di talaga nila nilalabas. Siguro gatas at diaper lang ni baby yung ginagastos nila.

Minsan nagmemessage saken si mama, tinatanong nya kung bakit daw ganun si ate, na hingi lang ng hingi, tapos nabanggit pa nya before na sinisingil pa daw sya ni ate dun sa ibang gastos sa kasal.

Working na kaming magkakapatid, and sya na lang ang sort of sinusustentuhan ni mama. Uuwi na si mama this year for good, ang main reason nya is para matuto ng magsarili sina ate.

Minsan kelangan maging firm ka with your decisions. Oo may masasaktan at magkakalamat ang relationships, but people sometimes have to learn it the hard way.

Sorry ang haba ng story ko medyo nadala lang. Hindi ako galit sa ate ko, pero naaawa ako kay mama. Instead na magretire na sya iniisip nya pa isustain yung buong pamilya ng kapatid ko.

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #8 on: January 28, 2014, 03:43:05 am »
ang hirap talaga pag may ganyang mga kapamilya na umaasa sa pinas na babagsak na lang ang grasya sa kanila. reklamo ng reklamo na ang hirap ng buhay nila pero di nila ni minsan inisip kung ano ang buhay ng mga kaanak nila sa abroad. kung ano ang tinitiis at kung anong sakripisyo para lang makapagpadala ng pera at balikbayan box. hayst. pag ikaw ang gipit nagpapadala ba sila sa iyo ng pera sa abroad? vicious cycle.

turuan mo ng leksyon yang brother mo. kung ako sa yo, walang padala ni penny or walang box for one year. hayaan mo syang magtampo to the max, but he needs to grow some balls. hindi sya pwedeng aasa sa inyo forever. ano sya sinuswerte? kaya nga naging ganyan sya kase parang enabler na din kayo sa kanya. he doesn't need to do anything coz you will do everything for him. alam nya na hindi ninyo sya matitiis dahil sa guilt trip. dahil sya na lang ang nasa pinas blah-blah. walang katapusang pagbabayad ng guilt.

it's your wedding anyway. you can invite whoever you want. pero sa tingin ko wala naman masamang imbitahan sya pero kung isusumbat pa nya sa yo ang pagpunta sa kasal mo, huwag na lang at baka gumawa pa yan ng eksena sa wedding mo.

babyboo.0326

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #9 on: January 28, 2014, 04:18:17 am »
Minsan kelangan maging firm ka with your decisions. Oo may masasaktan at magkakalamat ang relationships, but people sometimes have to learn it the hard way.
i agree to this. ganyan din sinasabi sa akin ng mga friends ko.

i guess ok na rin yan, sis. at least nalaman ng brother mo na hindi palagi nalang eh ok for your parents and for you ang pamumuhay niya. kasi minsan mga kapamilya natin kahit anong pangaral at kausap ang gawin natin diyan, hindi nila yan maiintindihan unless mahirapan na talaga sila. as long as my tumutulong kasi, they know may aasahan sila kahit anong mangyari.

sarah29

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #10 on: January 29, 2014, 06:12:03 pm »
Thanks sa mga advice, sis.

Oo nga, eh. Lagi ko din sinasabi sa mama ko na tiniisin nya muna. Nasanay kase masyado umasa. Yung mama ko naman hinde matiis ang mga apo nya, at kawawa daw. Sabi ko sa kanya, as a father sya mismo dapat maunang maawa sa mga anak nya, at gumawa sya ng paraan. Wala syang proper education yes, pero diba kung maliit sweldo mo, kung may oras ka magliwaliw, makipaginuman at kung ano pa, edi may oras ka magsideline. Ba't di sya mamasada ng tricycle, magbenta ng fishball, o ano man, diba? Marangal na trabaho naman yun.

Yung SIL ko, hinde pa sya pwede magwork dahil ang li-liit pa ng mga babies nila. Bale 7 years old yung panganay, at kakapanganak lang nya lang din. She's a good woman. Hinde ko nga alam kung pano natagal sa kuya ko yun. :/ Thankful ako at sya napangasawa ng kuya ko dahil kung hinde, hay di ko nalang alam talaga.

naiad

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #11 on: January 30, 2014, 11:07:15 am »
Super relate ako sayo sis! in my case uncle ko naman yung ganito. Kung makahingi sa kapatid sa London akala mo may patagong pera. Alam ko pinangakuan nga siya ng monthly allowance, pero wag naman sana niya isipin na karapatan nya na yun. Kapag nalate ang padala akala mo may pautang kung makasingil. Kapag feeling nya nalamangan siya sa share ng balikbayan box kung ano-ano na pinagsasabi.

Ilang beses ko na rin sinabi sa tita ko wag allowance ang ibigay kundi puhunan na lang para sa negosyo. Pero ang sabi rin paano kung malugi, sa amin din hihingi. Di rin matitiis kasi kawawa nga ang mga pinsan ko.

Hay, bakit kasi may mga tao na nasanay na lang na nakadepende sa iba. Where's their pride?
Granted, may time talaga na kailangan talagang ng tulong ng mga kamag-anak. Pero sana naman nagsisikap din talaga silang magimprove di ba? Ang hirap kasi nasanay sa padala tapos pag lumaki ang gastos nakukuha pang humingi ng dagdag.

Close kasi ako sa tita ko nato kaya anlakas ng hinanakit ko sa kapatid nya. Naawa ako kasi ok naman work ng asawa nya, di na nya kailangan magtrabaho pero ginagawa pa rin niya kasi nahihiya sya sa asawa nya na magbigay pa para sa pamilya namin.

girl24

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #12 on: January 30, 2014, 05:02:14 pm »
#feelnafeel
#canrelatesomuch

siguro dahil nga hinayaan din ng mga magulang natin na maspoil kaya sila bratty. hay!

rhamneroj16

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #13 on: February 03, 2014, 05:34:15 pm »
Alam mo Sissy, same kayo ng problem ni hubby. May kapatid din sya na naiwan dito sa Pinas. Hindi nakuha dahil nag overage na sya. Siguro years uli ang bibilangin bago sya makarating dyan sa States. Baka maunahan ko pa. lol Sya naman tapos naman sya ng pagaaral bago matapos dami course nakuha. magandang yung school nya kilala pero sinayang lang, nag aadik kasi. Hanggang HRM ang bagsak atleast natapos naman. Then Hanggang nakabuntis pero di naman nya pinakasalan yun girl but sinisuportahan parin nya.  Nagwowork pero hindi tumatagal lagi nag rereklamo tatawag sa mom nila ayaw na daw nya magwork kasi namimiss na daw nya anak nya. For God sake! anong reason yun diba walang kwenta? OMG ramdam kita. haha.

 Eto pa sis, last christmas. nalaman na lang namin na wala na sya work lumipat na daw sya. Pero ang totoo hindi sya nakalipat ng new work. Until ayun. Nagpadala si hubby sa akin ng cash then bigyan ko daw ng $200 then following week $100 then another $200 wow sis grabe sya atm machine ang asawa ko? tapos yearly din maypackage for him. Naiinis na nga si hubby sa kuya nya, sa akin dumadaing pagsabihan ko daw yung kuya nya. pero bakit ako ang magsasabi diba? naririndi na nga sya sa bibig ng mom nila parang inoobliga sya na bigyan yun kapatid nya. Plus lagi nalang umaasa yun kuya nya sa padala. Feeling ko nga nag aadik na naman yun kasi may record nayun sis police then nakulong yun dahil adik nga  >:(  Panganay kasi kaya di matiis ng mom nila iba pa yung pinapadala ng mom nila sis. Tapos nung christmas di ko naman kasi alam talaga na yung padala na $200 ay galing sa kanya akala ko sa mom nya. Nagbigay pa ako ng gift cash para sa anak nya which is sa bulsa din naman ng kuya nya bagsak.

At eto last week, nanghihingi na naman yung kuya ng hubby ko for application, at ako ang tinetext sabihin ko daw na need nya sabi ko nga ikaw ang makipagusap sa asawa ko bakit ako.

then yesterday, he texted me na "Nakausap ko na si mommy, pakisabi sa asawa mo na saktuhin nya na na 10k kasi marami ako aasikasuhin". Wow naman sis! diba kakaiba sya haha parang nanghihingi ng dalawang piso. Abusado sis, ultimo house, bills at kinakain nya everyday nya mommy nila ang nagbibigay pati anak nya suportado na dapat bilang tatay sya ang gumagawa, tapos panay hingi nya sa hubby ko.

Then today, nagtext si hubby sa akin na padalhan ko muna ng cash kasi di nga sya nakalabas at nakapasok sa work dahil may sakit pero yung kuya nya pinipilit parin hanggang yun mom nila nagalit sa hubby ko, Binigay ni hubby yung card nya sa mom nya para padalhan yung magaling nilang kuya kasi di nga nya kaya lumabas.But sadly, ayun close na ang western. Then si hubby nakiusap sa akin baka may relatives ako in Laguna ( kung saan yung kuya ni hubby dun din kasi stay ang parents ko) kasi nga dito ako Manila dito ako nagwowork. Pero wala din ako mahiraman dun sa laguna. Then till tinext ko na yung kapatid ng hubby ko na baka pwede bukas na kasi masama pakiramdam ni hubby hindi makalabas plus close na ang western. Tapos pinipilit talaga ako ng kapatid ni h2b na gumawa ng paraan para mapadalhan sya. Ayoko magpadala kahit kaya ko pero kasi kakabayad ko lang din ng bills and ayoko na ma spoiled sya hindi uubra sa akin yun  mga ganun tao HAHA.

Naawa lang kasi ako sa asawa ko pero ayun nagpadala na din via online si hubby. Then sinend sa akin ni hubby then sinabi ko yung comtrol number sa kapatid nya. Ang malas lang nya kasi wala sa system yung cont number haha. (Im bad ;D) tapos kinukulit ako ng kuya ni hubby kasi nga daw mali daw yung binigay namin pero di naman kami nagkamali at nagalit pa yata sa akin kasi tumatawag sya sa akin kanina hindi ko nasasagot kasi nga nasa work ako at nasa meeting pa. Nakakaloka sya at nakakstressed sobra!!!! bukas na maasikaso ni hubby yung sa western kasi gabi na nga plus may sakit sya now. hays sana gumaling na sya :(

Alam mo Sarah, tama lang yan para matauhan yang kapatid mo. Hindi naman maging masama kung pinatulan mo sya lalo na iniisip mo lang ang mom mo.

« Last Edit: February 03, 2014, 05:36:26 pm by rhamneroj16 »

rhamneroj16

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #14 on: February 03, 2014, 05:42:49 pm »
Sorry nadala lang ako. :-[ :-\

sarah29

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #15 on: February 03, 2014, 06:26:43 pm »
Wow sis ibang klase! Sobrang spoiled naman sya ng nanay nya. Kawawa yung hubby mo.. sana wag nya sundin yun nanay nya. Mukang adik nga yan. At natawa naman ako sa dahilan nya kaya di tumagal sa work haha.

Yung kuya ko di naman ganyan kalala.. pero may history na sya samen na nagnanakaw talaga. Isang beses pa pinatira namen sila ng asawa nya samen nuon, at nagulat nalang kame paguwi namen e wala na sila, at lahat ng alahas ng parents ko, pati mga gadgets namen tinangay nya.  >:( At ngayon naman padala nga ang problema. Nakakainis lang. Kung makahingi akala mo may utang kame sa kanya. At nakakatawa lang kase niblock nya ako sa FB, tas sumunod naman yung wife na nya nagmmessage saken. Malamang sya lang din yun.

rhamneroj16

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #16 on: February 03, 2014, 07:24:52 pm »
Sis sobra talaga yun. Hindi ko nga alam gano na ka kapal yun kalyo sa face nya  Lol. Naaawa lang talaga ako sa hubby ko. Super bait kasi. Ako nga na asawa nya di ako humihingi sa kanya. Kasi may work naman ako kahit allowance hindi kahit nag ooffer sya. Pero yun kapatid nya sobra talaga.

Wow sya may gana magsalita na magkalimutan at nakablocked ka pa talaga. Tiisin nyo sis ng matuto. Pati wife ng kuya mo ginagamit pa nya. Grabe sis hindi kya sakit na ng kapatid mo yan. Or baka gumagamit na sya ng drugs noon kaya nya nagawa yun.

ikaela

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #17 on: February 06, 2014, 01:54:04 am »
Relate ako dito. Lalo na I just found out na nakabuntis ang t******* kong kuya. Like the stories here, wala naman trabaho kuya ko, nakatira pa rin sa bahay kahit mid-30s na, and asa lang sa makupit niyang pera sa mga magulang namin. Pinakanakakabwiset sa lahat eh siya na nga itong nagbulakbol, siya pa ang suportado ng parents namin. Ako yung babae, ako ang nakayanang mamuhay ng sarili. Siya, kalalakeng tao, di man lang mapakain sarili niya ng hindi kumukupit. Para kaming pinalaki ng ibang magulang.

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #18 on: February 06, 2014, 10:51:12 pm »
   Ganito din eldest brother ko mga sis well dati. Malimit syang mangupit ng pera and libo talaga ang nawwawala , nung college sya lagi nyang tinataranta si mother na padalhan sya ng pera kesyo wala na syang pangkain, maraming bayarin sa school eh monthly naman pinapadala yung allowance nya. It turns out na hindi pala sya nag aaral at addict lang sa computer games dun lang nauubos lahat ng padala ni mother.

 Then nitong past years magkakasama na kame sa bahay, pag may nag aalkansya sa bahay laging nawawala yung mga pera, naging joke na nga namin sa bahay na wag mag aalkansya kasi iiyak lang sa huli. NUng binuksan kasi ni mom and ng isa qng kuya yung alkansya nila they pressumed na libo na ang laman kc tag 100 ang hinuhulog nila then pag nabuksan na nasa 800 na lang, kaya maiiyak sila sa inis.

Buti ngayong nagkaanak sya tumino na sya but i wont keep alkansya pa din sa house delikado  ;)

sarah29

  • Guest
Re: Irresponsible Brother
« Reply #19 on: March 07, 2014, 06:05:18 pm »
Grabe ang dami ko pala kapareho. Grabe mga lalake these days, patamad ng patamad! Hay ewan ko ba! lol.

Anyway mga sis.. update on my brother.

Di ko alam kung matatawa ako o maiinis e. Bale hinde sya pinadalhan ng mama ko ng isang bwan. Naghimotok ng sobra sobra. Nagmessage sa mama ko, sabi ba naman "Wala kang kwentang ina.. nagchuchurch kapa masama ka naman. Wala kang pake sa anak mo. Hinde kailangan. Sinusumpa kita." Mahaba pa.. pero yan nalng ippost ko. Akala nya ata e magsosorry pa nanay ko. Buti nagmatigas si mama at sinabi na hangga't di sya marunong rumespto, wag nyang subukan magmessage. At ayun blocked na sya.

Mayamaya nagmessage SIL ko. Madami daw kase pinagdadaanan kuya ko kaya nagkaganun lang ang mga sinabi. Nakidnap daw sa bahay at ginapos, tapos tinutukan ng 2 rounds ng baril. Miracle daw at hinde pumutok. Tapos pinilit daw sya kumain ng kanin baboy. Tinali daw na nakahubad. Tinulungan lang daw ng kapit bahay kaya nakatakas... Reaksyon ko WTF??! Vhong, ikaw ba yan? LOL. Buti ni-deadma ng nanay ko.

Eh ngayon nagpost mama ko na may new work sya. Kinabuksan message nanaman si SIL. Nagsosorry daw kuya ko at kaawa-awa daw. Sa food court at kalsada daw natutulog. Kawawa daw sya sobra, pahingi daw kahit pagkain.  ;D ;D ;D

Natatawa ako na naiinis dahil ganyan sila kadesperado sa pera. Blocked kame sa lahat sa fb nya. E hinde nya alam na may access pa ako sa old FB ko. At ayun pagkita ko papalit palit pa sya ng profile picture. At nagllike pa ng naked girls fanpage. Ganyan ba ang natutulog sa food court at kalsada? Nakakapag facebook pa? Mamayan na pulubi.  ;D

Wala na din akong tiwala dito kay SIL. Kakontsaba lang sya ni kuya. Puro sila kasinungalingan. Mga tamad  >:(

« Last Edit: March 07, 2014, 06:18:13 pm by sarah29 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close