Alam mo Sissy, same kayo ng problem ni hubby. May kapatid din sya na naiwan dito sa Pinas. Hindi nakuha dahil nag overage na sya. Siguro years uli ang bibilangin bago sya makarating dyan sa States. Baka maunahan ko pa. lol Sya naman tapos naman sya ng pagaaral bago matapos dami course nakuha. magandang yung school nya kilala pero sinayang lang, nag aadik kasi. Hanggang HRM ang bagsak atleast natapos naman. Then Hanggang nakabuntis pero di naman nya pinakasalan yun girl but sinisuportahan parin nya. Nagwowork pero hindi tumatagal lagi nag rereklamo tatawag sa mom nila ayaw na daw nya magwork kasi namimiss na daw nya anak nya. For God sake! anong reason yun diba walang kwenta? OMG ramdam kita. haha.
Eto pa sis, last christmas. nalaman na lang namin na wala na sya work lumipat na daw sya. Pero ang totoo hindi sya nakalipat ng new work. Until ayun. Nagpadala si hubby sa akin ng cash then bigyan ko daw ng $200 then following week $100 then another $200 wow sis grabe sya atm machine ang asawa ko? tapos yearly din maypackage for him. Naiinis na nga si hubby sa kuya nya, sa akin dumadaing pagsabihan ko daw yung kuya nya. pero bakit ako ang magsasabi diba? naririndi na nga sya sa bibig ng mom nila parang inoobliga sya na bigyan yun kapatid nya. Plus lagi nalang umaasa yun kuya nya sa padala. Feeling ko nga nag aadik na naman yun kasi may record nayun sis police then nakulong yun dahil adik nga

Panganay kasi kaya di matiis ng mom nila iba pa yung pinapadala ng mom nila sis. Tapos nung christmas di ko naman kasi alam talaga na yung padala na $200 ay galing sa kanya akala ko sa mom nya. Nagbigay pa ako ng gift cash para sa anak nya which is sa bulsa din naman ng kuya nya bagsak.
At eto last week, nanghihingi na naman yung kuya ng hubby ko for application, at ako ang tinetext sabihin ko daw na need nya sabi ko nga ikaw ang makipagusap sa asawa ko bakit ako.
then yesterday, he texted me na "Nakausap ko na si mommy, pakisabi sa asawa mo na saktuhin nya na na 10k kasi marami ako aasikasuhin". Wow naman sis! diba kakaiba sya haha parang nanghihingi ng dalawang piso. Abusado sis, ultimo house, bills at kinakain nya everyday nya mommy nila ang nagbibigay pati anak nya suportado na dapat bilang tatay sya ang gumagawa, tapos panay hingi nya sa hubby ko.
Then today, nagtext si hubby sa akin na padalhan ko muna ng cash kasi di nga sya nakalabas at nakapasok sa work dahil may sakit pero yung kuya nya pinipilit parin hanggang yun mom nila nagalit sa hubby ko, Binigay ni hubby yung card nya sa mom nya para padalhan yung magaling nilang kuya kasi di nga nya kaya lumabas.But sadly, ayun close na ang western. Then si hubby nakiusap sa akin baka may relatives ako in Laguna ( kung saan yung kuya ni hubby dun din kasi stay ang parents ko) kasi nga dito ako Manila dito ako nagwowork. Pero wala din ako mahiraman dun sa laguna. Then till tinext ko na yung kapatid ng hubby ko na baka pwede bukas na kasi masama pakiramdam ni hubby hindi makalabas plus close na ang western. Tapos pinipilit talaga ako ng kapatid ni h2b na gumawa ng paraan para mapadalhan sya. Ayoko magpadala kahit kaya ko pero kasi kakabayad ko lang din ng bills and ayoko na ma spoiled sya hindi uubra sa akin yun mga ganun tao HAHA.
Naawa lang kasi ako sa asawa ko pero ayun nagpadala na din via online si hubby. Then sinend sa akin ni hubby then sinabi ko yung comtrol number sa kapatid nya. Ang malas lang nya kasi wala sa system yung cont number haha. (Im bad

) tapos kinukulit ako ng kuya ni hubby kasi nga daw mali daw yung binigay namin pero di naman kami nagkamali at nagalit pa yata sa akin kasi tumatawag sya sa akin kanina hindi ko nasasagot kasi nga nasa work ako at nasa meeting pa. Nakakaloka sya at nakakstressed sobra!!!! bukas na maasikaso ni hubby yung sa western kasi gabi na nga plus may sakit sya now. hays sana gumaling na sya

Alam mo Sarah, tama lang yan para matauhan yang kapatid mo. Hindi naman maging masama kung pinatulan mo sya lalo na iniisip mo lang ang mom mo.