watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal Wife  (Read 73568 times)

katieflores

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #520 on: April 18, 2014, 01:11:20 pm »
Just in my head: siguro nakarelate ng todo si Maja dito sa series na to kasi parang same sa nangyari sa kanila ni Kim di ba? hehe. La lang! Anyway, nakaka HB nga ang series na to. Kainit ulo and kaka paranoid

marsii

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #521 on: April 18, 2014, 06:13:44 pm »
^pano makaka-relate si maja eh wala naman na sina kim at gerald nung maging sila. hindi sya naging kabit di ba.. anyway ang galing nga talaga ng mga cast dito. at poging pogi ako kay max at ang cool nya! mukhang magkakahulihan na nga. sana in the end maging si max at monica na lang. hehe

chedz.03

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #522 on: April 19, 2014, 04:26:12 am »
Kaya siguro hindi sinabay ito sa Got to Believe kasi baka mabaliw mga viewers. After ng kilig sa GTB eh highblood naman pag TLW na hahaha

hun_nie08

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #523 on: April 19, 2014, 09:51:13 am »
Ay ang off naman nung makakarelate si Maja sa role. I don't find anything related to their personal life. Anyway, ang galing talaga ng mga actors dito... I'm so xcited na sa bukingan part next week.... Ang tagal!

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #524 on: April 19, 2014, 10:10:30 am »
Hindi naging kabit si Maja, let's be clear on that.

Naging BF niya si Gerald after Kim.

kahit hindi din maganda sa panlasa ko na naging BF niya ang ex ng bestfriend niya, at least naman, hindi siya naging ka love triangle nung sila pa ni Kim.


zanabee

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #525 on: April 19, 2014, 06:35:49 pm »
off topic: yes. maja has never been a kabit to gerald. wala na sila kim at gerald nung naging sila ni maja. masyado lang maraming taong kampi kay kim kaya ang sama ng tingin nila kay maja.

back to TLW: di ko gets ang peg ni monica dito, parang related to sa MHL? in the kabit kabit angle yun nga lang e lalaki ang mga nandun.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #526 on: April 20, 2014, 10:36:26 am »
^i don't know MHLs story but the girl ba is childhood bestfriend with the kabit?

Ayan mag Monday na.. Makikita na natin kung panu magalit si Monica...
I hope ipakita na.. ;)

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #527 on: April 20, 2014, 10:53:08 am »
naku sana this week na yung pinapakita sa trailer noon na sasadyaing banggain ni monica ang dalawa tapos paghampas ni adrian sa kotse eh asawa nya ang nagda-drive.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #528 on: April 20, 2014, 11:05:17 am »
^dun sa teaser sis susundan na ni Monica si Adrian....
Sana sana mabuko na nya..

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #529 on: April 20, 2014, 11:13:28 am »
ay ganun ba nahuli ni Monica sina adrian, babanggain niya yung kotse?

akala ko, nahuli niyang naglalampungan sa may garden, yun kasi nakita ko sa teaser.


anubayan, dahil sa legal wife na yan, sabik na sabik akong mag monday.


twix

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #530 on: April 20, 2014, 02:38:01 pm »
wow! ganda na bukas ng episode go go..monica :)

azrael

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #531 on: April 21, 2014, 08:54:47 am »
parang feel naman na niya kasi na meron talaga. siguro ayaw lang niya tanggapin na ang totoo bestfriend pa niya yung girl.

grabe kakainis si Adrian. kapal eh haha. parang siya talaga yung common na lalaki na nambababae na pretending pa na hindi ha ha kuhang kuha niya noh?

sofiameredith

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #532 on: April 21, 2014, 09:00:10 am »
happy easter mga sis....monday na!!!! mangyayari na ang pinakahihintay nating the hunt ni monica....

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #533 on: April 21, 2014, 10:50:49 am »
Akala ko dati kay Nicole ako super maiinis. Yun pala, kay Adrian! Salawahan! Grrrr!!!

(On a side note, wala ako napanood na full episode last week kasi medyo busy-busyhan. Sabi ni hubby, mabuti daw kasi di na ako nananaginip ng kung [textspeak!]-anong nonsense. Haha! Dati kasi, nananaginip ako ng medyo weird, effect ng teleserye sa subconscious ko. hehe)

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #534 on: April 21, 2014, 10:08:00 pm »
Wuhooooh... Happy with the episode today...
Go Monica!

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #535 on: April 22, 2014, 09:28:35 am »
mga sis, ano ang nangyari last night? tia!

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #536 on: April 22, 2014, 10:51:35 am »
^ nagkita ang mga taksil. buti daw nakaalis sya, sabi ng ahas na bespren. sabi ng ahas na asawa, nagpaalam daw sya na pupunta kay bradley kaya di daw sya magtatagal. may problema daw sila, si max, parang may alam daw. alam daw nya, sabi ni nicole. kaya daw ba sila nagtatalo non, sabi ni adrian. di daw pwedeng malaman ni monica. pa'no daw kung magsumbong si max, sabi ni nicole. ide-deny daw nila, hindi daw maniniwala si moncia kay max, sabi ni adrian. pero sooner or later daw, may makakahuli sa kanila, may makakakita. baka mismong si monica pa. ano daw gagawin nya, sabi ni monica. ewan daw nya, sabi ni adrian, wag na daw muna nilang isipin ang wala pa. @#$% na lalaki talaga, di tinatablan ng kunsensya @#$%  wala daw makakakaalam, hindi daw malalaman ni monica, dagdag pa ng ahas na asawa.

dumating si aling sandra kina monica. eh namumrublema si monica dun sa bracelet na nasira. ipagawa na daw nya bago pa makita ni adrian, sabi ni aling sandra.

magkausap naman sina bradley at adrian. sinabi ni adrian sa kaibigan na nakita sila ni max kagabi. hindi daw nya alam kung nagsabi na si max kay monica.
bradley: o ngayon, napa-praning ka? alam mo, ganyan talaga yan pare eh. ang pangangaliwa, kakambal nyan palagi pagkapraning. ang lihim kasi, pare, parang basura yan eh. takpan mo na, aalingasaw at aalingasaw pa rin. wag mong sabihing hindi kita pinagsabihan ha.

eto na, nagpunta si monica sa jewelry shop. pwede daw bang dun na lang ipaayos. syempre hinanapan sya ng resibo, na wala naman kay monica at sinabi nyang regalo sa kanya, pero baka pwede daw i-check sa records, may dala naman daw syang id ng asawa nya, adrian de villa. naalala nga ni ateng, with added info pa! o di vah!
ateng: dito nga nya po binili 'tong bracelet na 'to kasabay nung kwintas.
natigilan si monica.
monica: anong kwintas?
ateng: yung kwintas, yung may heart.
nag-bluff na lang si monica na natatandaan na nya. binigay daw sa mama nya (ni adrian). pero hindi daw nya nakita kung ano itsura pero sabi maganda daw, kaya baka pwedeng makita. pinakita naman ni ateng sa kanya.
ateng: heto po sya, ma'am, talaga pong napakaganda nito. (tagal nakatitig ni monica sa kwintas) what do you think, ma'am?
monica: maganda ha. magkano 'to?
ateng: 70 thousand.
parang iiyak na si monica eh.

tulala na si monica paglabas nya sa jewelry shop na yon. at alam naman natin kung ano na ang nasa isip nya. napabuntong-hininga na lang sya then umalis na.

sa bahay, naglalaro ang mag-lola, naghahanda naman na hapag-kainan si trish at si andrew ang nagluto ng hapunan. sabi nya, hindi daw don kakain si kuya. pinakita nya kay aling sandra na napaayos na nya ang bracelet. then tinanong nya si trish kung may regalo na daw ang kuya nya since kakabday pa lang nya. sabi ni trish, wala. sabi utang daw muna, pero syempre sisingilin daw nya ang kuya nya. sabi ni monica, sasabihin daw nya.

nag-tex si adrian sa kabit nya, mag-lie low daw muna sila.

sinabi ni monica kay jasper ang tungkol sa kwintas. bumili daw si adrian ng kwintas. hinanap daw nya sa buong bahay, cabinets, sa kotse, sa lahat, pero wala daw syang nakita. binibigyan naman daw ng lalaki ng alahas ang nanay, kapatid, pero tinanong nya silang lahat, wala naman daw natatanggap na kwintas. ano daw sabi ni adrian, sabi ni jasper. hindi daw nya sya tinanong, ano naman daw ang sasabihin nya, sino ang kabit nya. humanap daw muna sya ng ebidensya, sabi ni jasper. hindi pa daw ba ebidensya yon. siguro maghanap pa daw ng ibang ebidensya, sabi ni jasper ulit.
monica: ang dami kong tanong. ang dami-dami kong gustong itanong, pero natatakot ako sa sagot eh.
jasper: monica, makinig ka. pag sigurado ka na at totoong nagluluko yang asawa mo, sabihin mo kaagad sa 'kin ha. bakla ako, pero malakas akong manapak.

sa bahay, super heroes ang usapan nina adrian at bunjoy. dumating si monica pero hindi sya kumiss kay adrian.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #537 on: April 22, 2014, 11:06:00 am »
kung 70K ang kwintas, magkano kaya ang bracelet? LOL

pero grabe si adrian. naawa ako kay monica talaga.

thank you sis geeboy!

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #538 on: April 22, 2014, 11:23:10 am »
eto pa, sis ysa  ;)

okay lang daw ba sya, tanong ni adrian. inulit lang ni monica ang tanong nya kay adrian, "ikaw, okay ka lang?" "may problema ba?" "wala". kinuha ni monica si bunjoy at iniwan si adrian.

nag-alsa-balutan naman si eloisa. hay away ng matatanda.

sa ofis, di pa rin pinapansin ni monica si adrian, napapansin na nga ni kelly. dumating si max. kinabahan ang dapat kabahan. sabi ni monica, kailangan na daw niya yung pictures dun sa pageant at kailangan din nya ng mga ideas ni max. naupo na si max. upo din si adrian.
adrian: may meeting kayo, mahal.
nag-smile lang si monica.
max: may pag-uusapan lang kami.
adrian: ah okay. dito lang ako, mahal. wala naman akong meeting. samahan ko na kayo. gusto ko ring marinig mga ideas mo, max.
monica: sure ka. baka may mas importante kang pupuntahan.
adrian: wala. dito lang ako.
aliw ang tsura ni max.

out of focus din ang ahas na bespren, na napapansin ni rowena. sabi ni monica, may hinihintay daw syang tawag ng kliyente. sabi ni rowena, eh kumusta naman daw si client, "mabuti naman hindi pa kayo nahuhuli ni bestfriend."

nasa cr si adrian nung makatanggap ng tex mula sa kanyang kabit. miss you so much daw, let's have coffee. ayun, biglang humarurot, ang paalam eh, tumawag daw sa kanya si bradley, may gustong ipakitang condo. sinundan ni monica ang sinakyan nyang taxi.

nakatanggap ng tex si nicole mula kay adrian, see you in a while daw. eto namang si monica, susunod-sunod sa taxi, hanggang sa mawala na pagdating sa intersection.

hay sa hagdanan lang pala nagkita ang mga ahas at dun nagpuluputan. akala daw ni adrian, magkakape sila. mag gusto daw ba nya kape o sya, sabi ni nicole.

tinawagan ni monica si bradley. hindi daw kasi nya makontak si adrian, magkasama daw ba sila.
bradley: oo nandito. kasama ko, katabi ko.
hindi nya alam, nakatingin si monica sa kanya at walang adrian sa tabi nya.
monica: ah talaga. pwede bang pakausap sa kanya?
ayun, nag-bluff na si bradley, umalis daw, pinabili nya ng beer. nagpa-salamat na lang si monica at nagpaalam. the end.

insekyora

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #539 on: April 22, 2014, 11:55:18 am »
kung 70K ang kwintas, magkano kaya ang bracelet? LOL

69,900 sis. Kaya natulala at iiyak na talaga si Monica. LOL

Pero bakit kaya nagging 70K yung kwintas na yun? Kahit yata pure 24K white gold yun eh manipis naman baka 12K lang yun tops sa Ongpin

 

Latest Stories

Load More Stories
Close