^ nagkita ang mga taksil. buti daw nakaalis sya, sabi ng ahas na bespren. sabi ng ahas na asawa, nagpaalam daw sya na pupunta kay bradley kaya di daw sya magtatagal. may problema daw sila, si max, parang may alam daw. alam daw nya, sabi ni nicole. kaya daw ba sila nagtatalo non, sabi ni adrian. di daw pwedeng malaman ni monica. pa'no daw kung magsumbong si max, sabi ni nicole. ide-deny daw nila, hindi daw maniniwala si moncia kay max, sabi ni adrian. pero sooner or later daw, may makakahuli sa kanila, may makakakita. baka mismong si monica pa. ano daw gagawin nya, sabi ni monica. ewan daw nya, sabi ni adrian, wag na daw muna nilang isipin ang wala pa. @#$% na lalaki talaga, di tinatablan ng kunsensya @#$% wala daw makakakaalam, hindi daw malalaman ni monica, dagdag pa ng ahas na asawa.
dumating si aling sandra kina monica. eh namumrublema si monica dun sa bracelet na nasira. ipagawa na daw nya bago pa makita ni adrian, sabi ni aling sandra.
magkausap naman sina bradley at adrian. sinabi ni adrian sa kaibigan na nakita sila ni max kagabi. hindi daw nya alam kung nagsabi na si max kay monica.
bradley: o ngayon, napa-praning ka? alam mo, ganyan talaga yan pare eh. ang pangangaliwa, kakambal nyan palagi pagkapraning. ang lihim kasi, pare, parang basura yan eh. takpan mo na, aalingasaw at aalingasaw pa rin. wag mong sabihing hindi kita pinagsabihan ha.
eto na, nagpunta si monica sa jewelry shop. pwede daw bang dun na lang ipaayos. syempre hinanapan sya ng resibo, na wala naman kay monica at sinabi nyang regalo sa kanya, pero baka pwede daw i-check sa records, may dala naman daw syang id ng asawa nya, adrian de villa. naalala nga ni ateng, with added info pa! o di vah!
ateng: dito nga nya po binili 'tong bracelet na 'to kasabay nung kwintas.
natigilan si monica.
monica: anong kwintas?
ateng: yung kwintas, yung may heart.
nag-bluff na lang si monica na natatandaan na nya. binigay daw sa mama nya (ni adrian). pero hindi daw nya nakita kung ano itsura pero sabi maganda daw, kaya baka pwedeng makita. pinakita naman ni ateng sa kanya.
ateng: heto po sya, ma'am, talaga pong napakaganda nito. (tagal nakatitig ni monica sa kwintas) what do you think, ma'am?
monica: maganda ha. magkano 'to?
ateng: 70 thousand.
parang iiyak na si monica eh.
tulala na si monica paglabas nya sa jewelry shop na yon. at alam naman natin kung ano na ang nasa isip nya. napabuntong-hininga na lang sya then umalis na.
sa bahay, naglalaro ang mag-lola, naghahanda naman na hapag-kainan si trish at si andrew ang nagluto ng hapunan. sabi nya, hindi daw don kakain si kuya. pinakita nya kay aling sandra na napaayos na nya ang bracelet. then tinanong nya si trish kung may regalo na daw ang kuya nya since kakabday pa lang nya. sabi ni trish, wala. sabi utang daw muna, pero syempre sisingilin daw nya ang kuya nya. sabi ni monica, sasabihin daw nya.
nag-tex si adrian sa kabit nya, mag-lie low daw muna sila.
sinabi ni monica kay jasper ang tungkol sa kwintas. bumili daw si adrian ng kwintas. hinanap daw nya sa buong bahay, cabinets, sa kotse, sa lahat, pero wala daw syang nakita. binibigyan naman daw ng lalaki ng alahas ang nanay, kapatid, pero tinanong nya silang lahat, wala naman daw natatanggap na kwintas. ano daw sabi ni adrian, sabi ni jasper. hindi daw nya sya tinanong, ano naman daw ang sasabihin nya, sino ang kabit nya. humanap daw muna sya ng ebidensya, sabi ni jasper. hindi pa daw ba ebidensya yon. siguro maghanap pa daw ng ibang ebidensya, sabi ni jasper ulit.
monica: ang dami kong tanong. ang dami-dami kong gustong itanong, pero natatakot ako sa sagot eh.
jasper: monica, makinig ka. pag sigurado ka na at totoong nagluluko yang asawa mo, sabihin mo kaagad sa 'kin ha. bakla ako, pero malakas akong manapak.
sa bahay, super heroes ang usapan nina adrian at bunjoy. dumating si monica pero hindi sya kumiss kay adrian.