anyway, eto na po ang epi kagabi

may nakitang bakanteng kubo sina adrian at nicole at dun muna sila nagpahinga. nabalian daw ata sya, sabi ni nicole. so si adrian, hinawakan ang paa nya, sprain lang daw yon, hindi bali. ipahinga lang daw.
sabi ni nicole, iwan na daw sya, umuwi na at bumalik sa asawa nya. bakit daw, sabi ni adrian. okay na daw sya don. sabi ni adrian, hindi daw nya sya iiwan don.
nagpunta si dante sa farm, syempre yung dalawang katulong ang inabutan.
dante: si nicole?
sylvia: naku mr ramos, yung anak ko ho kasi, mukha pong sinumpong na naman. tulungan naman po ninyo ako. nasa panganib ho si ma'am nicole.
nakauwi na si monica. tulog na si bunjoy sa kandungan ni aling sandra. pasensya na daw, sabi ni monica. ayaw daw kasing pumasok sa loob, sabi ni aling sandra, hihintayin daw sya. bubuhatin ni monica ang anak. di nya mabuhat buti na lang nagtanong si aling sandra, si adrian daw. sabi ni monica, pauwi na rin daw siguro. tatawagan na lang daw nya ulit. nabuhat na ni monica ang anak.
adrian: kabisado mo ba 'tong lugar na 'to? baka may alam kang pwede nating makitawagan lang.
nicole: wala, wala 'kong alam. nakakainis. sabi ko na nga ba may kakaiba dun sa boom na yun eh. me sira ulo. adrian, pasensya ka na ha. nadamay ka pa sa kamalasan ko. ewan ko. (broken voice na parang paiyak na) sobrang napipikon na ko sa nangyayari sa 'kin. parang tuwing aayusin ko yung buhay ko, lagi na lang may mali. laging may kapalpakang nangyayari. dati, dati, alam mo, nagmahal ako. nung nagmahal ako, niloko naman ako. nung mga panahon na pipiliin kong magpakatino, namatay naman si gramps. ngayon, finally (tumapang ang boses)... finally, mabebenta ko na sana 'tong farm, pero anong nangyari, dumating 'tong sitwasyong ito. kaya nga, di ba, ibebenta ko na, babalik na ulit ako ng australia, ta's makakapag-move on na 'ko. pero hindi eh. heto na naman.(paiyak na) ano bang mali? hindi ko ba pwedeng... hindi ko ba pwedeng maayos yung buhay ko? hindi ba ko pwedeng sumaya? gusto ko lang maging masaya.
tinatawagan ni monica si adrian pero cannot be reached. tinawagan nya si nicole, cannot be reached din. dumating si andrew, humahangos. andyan daw si gwen, umiiyak.
nung labasin ni monica si gwen, niyakap nya ito. ano na naman daw ba ang ginawa ng kapatid nya. pinakita ni gwen ang pasa nya sa braso. niyakap nya ulit ang hipag.
adrian: alam mo, kung gusto mong maging masaya, wag kang matakot magpapasok ng tao sa buhay mo. malay mo, kaya ka nandito dahil gusto mo rin talaga.
nicole: bakit ko naman gugustuhin dito? dati ako yung babaeng sobra-sobrang magmahal, yung ibibigay ko lahat kahit sobra na 'kong nasasaktan (may tawag dyan eh, t*nga). pero kapag sobrang sakit na, hindi mo ba pipiliing lumayo, hindi ka pa ba aalis?
adrian: oo, pero hindi naman lahat ng tao, sasaktan ka. alam mo, malay mo, deep inside, talagang naghihintay ka ng isang tao na magbabago ng lahat ng pananaw mo, ng iniisip mo o nararamdaman mo.
nicole: hindi na ko umaasa, adrian, kasi alam ko, lahat ng tao, mananakit.
adrian: eh hindi naman lahat ng tao, mananakit. may mga tao namang katulad ko eh.
ako, hindi ko kayang saktan yung asawa ko, dahil mahal na mahal ko si monica.o di bah, sinabi ni adrian ha. tingnan na lang natin hanggang kelan yang sinasabi nyang yan.
sugod si javy kina monica, galit na galit. pinipilit kunin si gwen. nakikipagtulakan naman si monica sa kuya nya.
adrian: mayabang ba? pero yung ang totoo eh.
talagang hindi ko kayang saktan ang asawa ko.nicole: maswerte pala si monica.
adrian: (ganda ng ngiti) yan ang sinasabi ng madami, pero ang totoo, ako ang maswerte sa kanya.
eh kumulog, mga kapatid. at alam nyo naman ang tsura ni nicole kapag kumukulog at kumikidlat.
adrian: okay lang yan. di tayo tatamaan nyan. malayo yan sa inyo(?).
inalalayan ni adrian si nicole.
nicole: naalala ko lang dati nung... nung bata 'ko kapag may kulog at kidlat, iniisip ko, magugutom na naman kami, kasi bubuhos ang malakas na ulan, mababasa yung paninda ng mommy ko. (ha, may ganyan pala). pag basa yung kalsada, wala na naman kaming matutulugan. (ngek)
adrian: lumaki ka sa kalsada? (pati si adrian, nagulat eh)
nicole: mahabang kwento, pero oo.
kumulog na naman. di na nagpatumpik-tumpik si nicole, kumapit na sa dibdib ni adrian. si adrian, nakayakap na kay nicole, pero wala namang malisya pa sa ngayon. pinapa-relax lang nya at pina-inhale-exhale ang babaita. wala daw yon. relax lang.
adrian: alam mo, yang kulog at kidlat, hindi mawawala yan. pero kung matututunan mong wag pansinin, mas lalo kang magiging handa sa buhos ng ulan. (pinagsuot nya ng jacket si nicole. munting tulong sa kaibigan, di nakakasama.