watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal Wife  (Read 73788 times)

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #220 on: March 14, 2014, 04:55:36 am »
Wow! Grabe sis geeboy ang tiyaga mo! Pero salamat sa pag-transcribe, di ko na kasi nasusubaybayan to simula ng iblock sa office yung website na pinapanooran namin. E night shift naman ako kaya di ko mapanood sa TV.

Ang dami na pala nangyari. Try ko mag-marathon sa iwanttv.  :)

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #221 on: March 14, 2014, 09:35:03 am »
^buti kapa nakakapag iwanttv. pano ba makapagwatch dun? dapat ata may account sa skycable eh... hindi naman ako skycable.

di ko nanaman siya napanood last night, masama pakiramdam ko eh.

eternalpink

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #222 on: March 14, 2014, 10:33:32 am »
Ang pinanghahawakan ni Boom eh yung sulat nga daw ni Gramps sa tatay niya na hindi ibebenta ang farm kase dun na sila nakatira.

Pero may diperensiya din pala itong si Boom sa utak... Hindi na magdedemanda si Nicole pero sinabihan yung nanay ni Boom na ipatingin ito; pinadala na niya sa mga pulis si Boom sa hospital.

At si Dante, more walk (drive) out kase nga bawal daw malaman ni Monica na bumalik na siya sa eksena.

At yang ipagbabalat ng suman na yan, naku Adrian kung ako si Monica, kinwestyon ko na yun.

Grabe ang confrontation nila Monica at Nicole ha, physical na.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #223 on: March 14, 2014, 10:45:39 am »
^^^thanks, sis mlabable  ;)

kagabi ko nga lang nalaman na mag-ina pala sina aling sylvia at boom (unless may episode or conversation akong nakaligtaan). eh dun nga sa pagtawag ni aling sylvia nung isang gabi na pinakausap pa nya si boom kay nicole, dapat dun pa lang, pinatigil na nya kabaliwan ni boom at hayaan na lang na yung asawa nya ang makipag-usap. hindi nga sya (aling sylvia) nagbabanggit ng tungkol sa anumang kasunduan na yan pag kaharap si nicole eh. kaya nagulat ako, mag-ina pala sila at may "sakit" pala yung boom. eh pero kung may "sakit" yung boom, eh di yung dalawang lalaking kasama nyang nangidnap, may mga saltik din sa utak, kasi sumunod sila sa isang may saltik eh  ;D ;D ;D

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #224 on: March 14, 2014, 11:51:23 am »
anyway, eto na po ang epi kagabi  ;)

may nakitang bakanteng kubo sina adrian at nicole at dun muna sila nagpahinga. nabalian daw ata sya, sabi ni nicole. so si adrian, hinawakan ang paa nya, sprain lang daw yon, hindi bali. ipahinga lang daw.
sabi ni nicole, iwan na daw sya, umuwi na at bumalik sa asawa nya. bakit daw, sabi ni adrian. okay na daw sya don. sabi ni adrian, hindi daw nya sya iiwan don.

nagpunta si dante sa farm, syempre yung dalawang katulong ang inabutan.
dante: si nicole?
sylvia: naku mr ramos, yung anak ko ho kasi, mukha pong sinumpong na naman. tulungan naman po ninyo ako. nasa panganib ho si ma'am nicole.

nakauwi na si monica. tulog na si bunjoy sa kandungan ni aling sandra. pasensya na daw, sabi ni monica. ayaw daw kasing pumasok sa loob, sabi ni aling sandra, hihintayin daw sya. bubuhatin ni monica ang anak. di nya mabuhat buti na lang nagtanong si aling sandra, si adrian daw. sabi ni monica, pauwi na rin daw siguro. tatawagan na lang daw nya ulit. nabuhat na ni monica ang anak.

adrian: kabisado mo ba 'tong lugar na 'to? baka may alam kang pwede nating makitawagan lang.
nicole: wala, wala 'kong alam. nakakainis. sabi ko na nga ba may kakaiba dun sa boom na yun eh. me sira ulo. adrian, pasensya ka na ha. nadamay ka pa sa kamalasan ko. ewan ko. (broken voice na parang paiyak na) sobrang napipikon na ko sa nangyayari sa 'kin. parang tuwing aayusin ko yung buhay ko, lagi na lang may mali. laging may kapalpakang nangyayari. dati, dati, alam mo, nagmahal ako. nung nagmahal ako, niloko naman ako. nung mga panahon na pipiliin kong magpakatino, namatay naman si gramps. ngayon, finally (tumapang ang boses)... finally, mabebenta ko na sana 'tong farm, pero anong nangyari, dumating 'tong sitwasyong ito. kaya nga, di ba, ibebenta ko na, babalik na ulit ako ng australia, ta's makakapag-move on na 'ko. pero hindi eh. heto na naman.(paiyak na) ano bang mali? hindi ko ba pwedeng... hindi ko ba pwedeng maayos yung buhay ko? hindi ba ko pwedeng sumaya? gusto ko lang maging masaya.

tinatawagan ni monica si adrian pero cannot be reached. tinawagan nya si nicole, cannot be reached din. dumating si andrew, humahangos. andyan daw si gwen, umiiyak.

nung labasin ni monica si gwen, niyakap nya ito. ano na naman daw ba ang ginawa ng kapatid nya. pinakita ni gwen ang pasa nya sa braso. niyakap nya ulit ang hipag.

adrian: alam mo, kung gusto mong maging masaya, wag kang matakot magpapasok ng tao sa buhay mo. malay mo, kaya ka nandito dahil gusto mo rin talaga.
nicole: bakit ko naman gugustuhin dito? dati ako yung babaeng sobra-sobrang magmahal, yung ibibigay ko lahat kahit sobra na 'kong nasasaktan (may tawag dyan eh, t*nga). pero kapag sobrang sakit na, hindi mo ba pipiliing lumayo, hindi ka pa ba aalis?
adrian: oo, pero hindi naman lahat ng tao, sasaktan ka. alam mo, malay mo, deep inside, talagang naghihintay ka ng isang tao na magbabago ng lahat ng pananaw mo, ng iniisip mo o nararamdaman mo.
nicole: hindi na ko umaasa, adrian, kasi alam ko, lahat ng tao, mananakit.
adrian: eh hindi naman lahat ng tao, mananakit. may mga tao namang katulad ko eh. ako, hindi ko kayang saktan yung asawa ko, dahil mahal na mahal ko si monica.
o di bah, sinabi ni adrian ha. tingnan na lang natin hanggang kelan yang sinasabi nyang yan.

sugod si javy kina monica, galit na galit. pinipilit kunin si gwen. nakikipagtulakan naman si monica sa kuya nya.

adrian: mayabang ba? pero yung ang totoo eh. talagang hindi ko kayang saktan ang asawa ko.
nicole: maswerte pala si monica.
adrian: (ganda ng ngiti) yan ang sinasabi ng madami, pero ang totoo, ako ang maswerte sa kanya.
eh kumulog, mga kapatid. at alam nyo naman ang tsura ni nicole kapag kumukulog at kumikidlat. 
adrian: okay lang yan. di tayo tatamaan nyan. malayo yan sa inyo(?).
inalalayan ni adrian si nicole.
nicole: naalala ko lang dati nung... nung bata 'ko kapag may kulog at kidlat, iniisip ko, magugutom na naman kami, kasi bubuhos ang malakas na ulan, mababasa yung paninda ng mommy ko. (ha, may ganyan pala). pag basa yung kalsada, wala na naman kaming matutulugan. (ngek)
adrian: lumaki ka sa kalsada? (pati si adrian, nagulat eh)
nicole: mahabang kwento, pero oo.
kumulog na naman. di na nagpatumpik-tumpik si nicole, kumapit na sa dibdib ni adrian. si adrian, nakayakap na kay nicole, pero wala namang malisya pa sa ngayon. pinapa-relax lang nya at pina-inhale-exhale ang babaita. wala daw yon. relax lang.
adrian: alam mo, yang kulog at kidlat, hindi mawawala yan. pero kung matututunan mong wag pansinin, mas lalo kang magiging handa sa buhos ng ulan. (pinagsuot nya ng jacket si nicole.  munting tulong  sa kaibigan, di nakakasama.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #225 on: March 14, 2014, 11:54:52 am »
heto na ang transcript ni sis geeboy. thank you sis!

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #226 on: March 14, 2014, 12:31:43 pm »
nahatak na ni javy sa labas ang asawa. sugod na rin sina aling sandra, andrew at trish para tulungan sina monica at gwen. tinulak ni javy si monica. in the end, nag-sorry na lang si gwen kasi nadadamay pa sila. ayaw naman ni monica na sumama pa si gwen sa kuya nya. pinapalayas ni aling sandra si javy. then umalis na sina javy.

may mga kasama nang pulis si mang dante at hinahanap na nila sina nicole at adrian sa gubat. samantala, natunton ni boom ang kubong kinaroroonan nila.
adrian: oy oy oy, anong ginagawa mo dito? umalis ka na. umalis ka na dito. wag kang lalapit. (ready to sapak na si adrian eh)
boom: (nagmamakaawa) ma'am, ma'am, parang awa nyo na o. wala ho kasi kaming titirhan eh. sa'n na ho kami pupunta?
nicole: ngayon nagmamakaawa ka, pagkatapos ng ginawa mo!
adrian: (natawa) pwede naman kanina, pinag-usapan na lang natin ng maayos, di ba. kung di ka ba naman may saltik eh, sinama mo pa yung tropa mo.
boom: (tumataas ang boses, tinuro si nicole) eh sir, yan naman ho dapat nyong pagsabihan eh.
nicole: ako?!
boom: ang hirap po kasi sa inyo, ang sungit-sungit nyo, hindi kayo nakikinig!
nicole: at bakit ako makikinig sa 'yo! anong karapatan mong sabihan ako nyan, ha! (susugod si nicole kay boom pero napigilan ni adrian) bakit ako makikinig sa 'yo?!
si boom ang nakalapit sa kanila, nagmamakaawa na naman, pero tinulak sya ni adrian.
adrian: wag mong hawakan ....
boom: wag ka ngang makialam eh!
tinulak ni boom si adrian, tumama ang ulo ni adrian dun sa pinto. napahawak si adrian sa likod ng ulo nya dahil sa sakit.
nicole: adrian... okay ka lang? (kay boom) anong ginawa mo! hayup ka!
boom: ma'am, hindi ko ho sinasadya! ma'am, hindi ko ho sinasadya!

narinig ng mga taong naghahanap ang boses ni nicole. nakita nila ang kubo.
nicole: pulis, tulungan nyo ho kami!
kinuha na ng mga pulis si boom. pumasok si dante sa kubo. nagkatinginan sila ni nicole. napansin ni dante ang lalaking kasama ni nicole. buti na lang hindi sya nakita ni adrian.

nakabalik na sa bahay sina nicole. nasa harap nya sina aling sylvia, boom at yung tatay.
sylvia: ma'am nicole, pasensya na po kayo sa anak ko. may diperensya ho kasi sya sa utak eh. dito lang po talaga sa farm sya kumakalma.
tatay ni boom: (may binigay na papel kay nicole) eto po yung sulat ni sir eduardo nagpapatunay na sinasabi nya sa 'min na hindi na nya ibebenta ang farm at mananatili kami dito.
nicole: sige ho. kakausapin ko yung mga pulis, sasabihin kong hindi ako magdedemanda kay boom. pero aling sylvia, kailangan natin ipa-check si boom para na rin sa kaligtasan nya.
laking pasalamat ni aling sylvia. pinasamahan ni nicole sa mga pulis ang mag-anak papunta sa ospital. nagkatinginan naman ang mag-amang dante at nicole.

di na mapakali si monica. tinawagan na naman si adrian. eh nagri-ring na pero walang sagot. nag-tex sya kung nasaan na ito at nag-aalala na sya. please call daw. tinawagan naman ni monica si nicole. sa wakas, nakausap nya. magkasama daw ba sila ng asawa nya.

pinuntahan ni javy sa opisina si javier.
javy: pa... pa, hindi mo ko pwedeng tanggalin sa pwesto. hindi mo pwedeng ilagay si monica bilang coo.
javier: at bakit hindi?
javy: dahil kahit kelan...
javier: i still call the shots here.
javy: hindi ako kailanman magtatrabaho under that woman!
javier: well, that woman is your sister.
javy: pa, please naman. aayusin ko'ng sarili ko. bigyan mo lang ako ng pagkakataong 'to. please, pa.
javier: maraming beses na kitang binigyan ng pagkakataon. hindi ko na alam kung ano sasabihin ko sa 'yo.

ano daw nangyari sa asawa nya, sabi ni monica. may konti lang daw buko, pero chine-check-up na ng doctor, sabi ni nicole, patatawagin na lang daw nya si adrian kay monica. kumusta naman daw sya, tanong ni monica. okay lang daw sya, sabi ni nicole. buti na lang daw ligtas silang dalawa. inulit ni nicole na patatawagin na lang nya si adrian kapag okay na sya. then nagpaalam na. nasa likod ni nicole si dante. kita nyang nakatitig si nicole kay adrian. lumayo si dante, nag-iisip, "hindi dapat malaman ni monica na nandito ako." paglingon ni nicole, nakasakay na sa sasakyan si dante at umalis.


^ welcome, sis ysa  ;)
 

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #227 on: March 14, 2014, 01:22:54 pm »
paalis na si adrian.
nicole: hindi ko alam kung papa'no magpapasalamat sa 'yo.
adrian: alam mo, bestfriend ka ng asawa ko. gagawin ko yon talaga para sa 'yo, para sa kanya rin.
nicole: thank you for saving my life. just in case, you need anything, sabihan mo lang ako, nang makabawi naman ako.
adrian: sige. mauna na ko. ingat ka.
nicole: ingat ka rin.
adrian: ah, actually, may favor akong hihilingin sa 'yo, kung okay lang.
nicole: ano yon?

nakauwi na ng bahay si adrian. after ng welcome kisses and hugs, kumustahan to the max, nagulat si monica nung lumitaw si nicole sa pintuan. nagyakap ang dalawa. buti daw okay sya, sabi ni monica.
nicole: hindi rin ako magtatagal. gusto ko lang magpasalamat dahil sabi ni adrian, niligtas nya ko dahil kaibigan kita. kaya salamat.
napatingin si monica sa asawa.
monica: nicole...
nicole: pinakiusapan lang ako, monica. (kay adrian) okay na? salamat ulit.
lumabas na si nicole. hahabol pa sana si adrian. pero sabi ni monica, wag na daw, sya na lang. so si monica ang lumabas.

labanan na
monica: nicole, sandali... sandali. (hinawakan si nicole) alam mo, hindi ko na alam kung anong gagawin sa 'yo.
nicole: hindi mo talaga alam dahil wala ka naman sa sitwasyon ko, monica!
monica: nicole, ang tagal na yon. ilang taon na.
nicole: o sige, ilang taon na! ilang taon na pero yung sakit na nararamdaman ko, di kayang burahin ng panahon!! hindi kaya nitong kalimutan, monica, lalo na kapag nakikita ko yang mukha mo!!
monica: okay oo na!! wala nga 'ko sa tabi mo nung mga panahon na 'yon! pero ikaw lang ba may problema? ang oa mo, nicole!! pero ikaw ba, ni minsan ba, naisip mo na baka namatay na 'ko nung mga panahon na 'yon... nahulog sa bangin... nalaglag sa tren.
nicole: monica, kung ikaw mahulog sa tren, sigurado ako, meron nang tatalon don para saluhin ka dahil ganun ka kahalaga. ganun karami ang nagmamahal sa 'yo. ganun ka-perfect ang buhay mo!
monica: nicole, hindi perpekto ang buhay ko. wala ka naman dapat ika-inggit don eh. (tinalikuran na sya ni nicole) sige, sige. mag-walk out ka. mag-walk out ka! dyan ka magaling, di ba. umalis ka. takasan mo kaming lahat. (iniharap nya sa kanya si nicole) ang hirap sa 'yo... ang hirap sa 'yo... hindi ka marunong humarap sa problema mo. dahil duwag ka, nicole. duwag ka!
nicole: anong sabi mo?
monica: duwag ka.
tinulak sya ni nicole.
nicole: duwag na.
monica: sige!
nicole: monica, sinaktan mo 'ko. sinaktan mo 'ko! sinaktan nyo 'kong lahat!! alam mo ba'ng mga pinagdaanan ko, ha! hindi mo alam kung ga'no kasakit, ga'no kahirap! muntikan akong mamatay pag-iisa!
monica: walang namamatay sa pag-iisa, nicole.
sumakay na si nicole sa sasakyan nya at umalis. naiwang umiiyak sa kalsada si monica.

nagpaka-wild si nicole sa isang disco.

yakap ni adrian ang umiiyak na asawa.
adrian: akala ko pa naman, mabi-bridge ko kayong dalawa. --- hindi ko naman alam na lalala eh.
monica: (kumalas sa yakap ng asawa at naupo) hindi, wag kang mag-alala. maniwala ka, mas okay kaming ganito. kasi kelangan ko lang naman... kelangan ko lang naman ilabas yung kinikimkim nya eh. tingnan mo yan, pagkatapos nyan, magiging okay kami. ganun ko sya kakilala eh.
adrian: (lumapit sa likod ni monica at minamasahe ang balikat) ang hihilig nyo kasing manood ng tv eh. ang da-drama nyo tuloy.

dumating si rowena dun sa disco, pinipigilan nya si nicole at sinasabihang ang alak pampaklaro ng utak, hindi lisensya para magwala. niyayaya na nyang umalis si nicole pero ayaw papigil, hanggang may natamaan itong babae. napa-"hey!" ang babae. "hey yourself", ang maangas na sagot ni nicole. "sl*t", sabi ng babae. sinabihan ni rowena na maldita daw yung babae. niyayaya na nya si nicole na umalis at baka mapaaway pa. aba, ang nicole, nang-agaw ng hawak na inumin ng isa pang babae, nilapitan yung unang babae at ibinuhos sa mukha non ang dalang inumin. nagulat ang lahat. sinita ni rowena si nicole. bakit daw, eh tinawag daw syang sl*t eh. sinugod nung babae si nicole, sabunutan sila sa dancefloor. gigil na gigil din si nicole, sumisigaw, "sl*t ako ha?! patunayan mo yan!!! hindi mo 'ko kilala!!!"

sinabi ni monica sa asawa na gusto syang i-train ng tatay nya para maging coo ng kumpanya.
the end.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #228 on: March 14, 2014, 01:46:02 pm »
shocks ang gandaaaaaaaaaa ng episode kagabi at hindi ko napanood... waaaaaa!

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #229 on: March 14, 2014, 11:31:23 pm »
@ysa.belle - Nag-register ako sis kasi Skycable user kami. Maganda sa iwanttv kasi malinaw at derecho, e yung sa youtube na pinapanooran ko dati putol-putol

chinkywinky

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #230 on: March 15, 2014, 01:09:15 am »
Tama naman si Monica, ang OA na ni Nicole  ;D Nagalit siya kay Monica ng mahabang panahon na hindi muna inalam kung ano nangyari kay Monica. Mukhang maiinis ako sa character ni Maja dito haha!

hun_nie08

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #231 on: March 15, 2014, 05:39:40 am »
Hahaha.. Pero infairness ang galing galing nyang umarte... :-) dalang dala ako sa pagiging oa nya na brat saka ang mga tinigin nya pamatay eheh

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #232 on: March 15, 2014, 08:58:26 am »
gandang ganda ako sa episode kagabi.

sofiameredith

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #233 on: March 15, 2014, 10:08:44 am »
nakakainis nagsisimula na yung mga titigan na kakaiba nina adrian at nicole...affected lang talaga ako...grrr...LOL

on a lighter note super crush ko na si jc de vera dahil sa serye na ito...parang nagkaron sya ng ibang level of appeal...samantalang dati "da who" lang sya for me...hehe

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #234 on: March 15, 2014, 11:05:03 am »
^tama. nag-uumpisa na yung pagiging close nila nicole and adrian.
though wala lang kay adrian ito eh may iba na kay nicole tapos magiging busy na niyan si monica sa vita... tsk tsk...

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #235 on: March 15, 2014, 02:53:23 pm »
ang mangyayari pala, although sinusuportahan "daw" ni adrian ang pagpasok ni monica sa vita, magrerebelde pala sya, sa pamamagitan ng pagpatol nya kay nicole.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #236 on: March 15, 2014, 03:19:55 pm »
^grabe naman ang way ng pagrerebelde ni adrian. heto naman si nicole naghihintay lang... naku!

jm23

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #237 on: March 15, 2014, 05:26:11 pm »
naasar na ako kay Nicole!
Wala lang naman kay Adrian si Nicole eh pero si Nicole kitang-kita na may pagnanasa.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #238 on: March 16, 2014, 08:50:22 pm »
Nakita nyo na yun teaser for next week? Waaaaah... aakitin na ni nicole si adrian...

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #239 on: March 17, 2014, 09:20:37 am »
naiinis naman ako sa teaser na pinapakita nila. expect ko teaser pero may scenes parin ng napanood ko na. hindi yung teaser lang talaga.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close