watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal Wife  (Read 73887 times)

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #200 on: March 12, 2014, 04:16:43 pm »
ay pasensya na, sis junepets, late ang update, umalis ako kanina  :)  anyway, eto na ang epi kagabi

adrian: alam naman nating sinaktan ka ng pamilya mo, di ba. o pa'no pag saktan ka nila ulit? tsaka monica, may usapan na tayo eh, may plano na tayo eh, eto nga, may bahay na tayo, may binubuo na tayong buhay natin eh. ta's papasukin natin sila ulit. o pag nakapasok sila, sisirain nila kung anong meron tayo (scoffs)
iniwanan sya ni adrian.

nakipagkita ulit si dante kay nicole sa tulong ni rebecca.
dante: ako'ng nakiusap sa kanya. pinilit kong malaman kung saan kita matatagpuan. pinuntahan kita sa farm, wala ka naman don
nicole: hindi mo pa ba nakukuha, ayaw kong magpakita sa 'yo.
natawa si dante. pasakay na sa kotse si nicole pero dahil natatawa si dante, lumapit sya ulit.
nicole: anong nakakatawa?
dante: wala. naalala ko lang ang mommy mo. ganyan din sya kapag naiinis...
nicole: hindi mo sya kilala. wag kang magsalita na parang kilala mo sya.
dante: pero may anak kami. ako ang iyong ama, nicole. ano ba'ng kailangan kong gawin para matanggap mo yon?
nicole: mr ramos, ayoko nang ulitin 'tong eksenang 'to. ayaw kita sa buhay ko. sana maging klaro yon.
paalis na sya nung hinawakan sya ni dante ng mahigpit sa braso.
dante: wag mo akong tatalikuran. wala akong kasalanan sa yo, nicole. hindi ko alam na nagka-anak kami ng mommy mo. lumalapit ako sa 'yo dahil gusto kitang makilala. gusto kong maging maayos ang lahat. gusto kong maging bahagi ng buhay mo.

ay akala ko pala kagabi na nagtatalo ang dalawa sa oven eh sila na lang. nandun pa rin pala ang iba. so ito si bradley, kumakain. sabi nya, swerte daw ni adrian kay monica, the best daw talaga magluto. kain lang daw sya, sabi ni adrian. napansin ni bradley na nagdadabog-dabog ang kaibigan, tinanong nya ito.
adrian: si monica eh, papasok daw ng vita.
brad: ba't nya naman gagawin yon eh me trabaho naman sya.
adrian: yun na nga di ba. okay na nga kami. hawak namin oras namin. maligaya kaming dalawa. anong mangyayari kung maging boss nya yung tatay nya. alam naman natin na paborito ako non, di ba. (tawanan sila)
brad: pare, hindi sa panghihimasok ha, pero yang gugustuhin ka ng byenan mo na yan, malabo yun eh. wala namang lalaki na gusto ng byenan eh.
adrian: kaya nga eh. alam ko namang maapektuhan kami nito kahit di nya sabihin eh. pero anong gagawin ko. pa'no ko magdedesisyon sa ganito.
brad: eh di sundin mo yung nasa puso mo. ano ka ba, hindi naman pwedeng habambuhay eh war na lang kayo ni don javier. lumalaki na si bunjoy no. at saka isa pa, hindi naman siguro tatanggapin ni monica yung trabaho kung ayaw nyang magkaayos kayo ng papa nya. mahal mo ba yung asawa mo?
adrian: natural. lahat naman ng ginagawa ko para sa kanya eh.
brad: yun naman pala eh. eh di alam mo na.

nag-aayos si monica, tinitingnan ang mga pictures. ume-emote din si adrian sa isang part ng bahay. then pumasok ng kwarto si adrian. nagyakap ang dalawa. nag-thank you si monica sa oven, sa lahat-lahat na ginagawa ni adrian. naupo si adrian at kinandong si monica.
adrian: alam mo, dati pa, kahit hindi pa tayo mag-asawa, lagi kong hinahanap at iniisip kung pa'no ko mapapasaya yung nagpapasaya sa 'kin.
alam naman daw ni monica yon, kaya thank you sya ulit blah blah blah. gusto daw ba nya talagang pumasok sa vita. oo daw, sabi ni monica, pero dahil asawa nya si adrian at nagtitiwala sya don, kung anong gusto ni adrian, susundin nya.
adrian: gusto kong kausapin ang papa mo. kakausapin ko sya once and for all para matapos na to. eh di ba matagal na rin nating gustong gawin yon. aalamin ko lang kung anong papasukan ng asawa ko.
and then they kissed.

habang kumakain ang mag-anak, nandun pa sila sa bahay nina adrian, tinawagan ni monica ang nanay nya. punta daw sila don dahil gustong makausap ni adrian ang papa nya.

gabi na to, tumawag si aling sylvia kay nicole. kasama ni aling sylvia si boom. sabi ni aling sylvia, tumatawag daw si adrian sa landline, hindi daw kasi makontak ang celfon ni nicole. tapos gusto daw syang makausap ni boom. sabi ni boom, nakausap na nya ang tatay nya at sa makalawa na daw ang uwi nya galing ilocos para makapag-usap sila, kaya baka pwede daw, wag na daw ibenta ang farm. sabi ni nicole, ibebenta daw nya kung ano ang ibebenta nya kasi kanya daw yon. maliwanag daw ba. hihirit pa ng "pero, ma'am" si boom, pero pinigil na sya ni nicole, tapos na daw ang conversation nila. hintayin na lang daw sya bukas. ifa-finalize na daw nila ni adrian ang sale ng property.

kinakabahan daw si monica. sabi ni adrian, dapat daw sya ang kinakabahan dahil ngayon lang daw sila magkikita ng papa ni monica. kaya nga daw sya kinakabahay, sabi ni monica. pero excited din sya. pasalamat sya kay adrian. bumaba na sina eloisa. niyakap si monica. eto na si javier. humalik si monica. nag-good evening naman si adrian at makikipag-shake hands pero dinedma ni javier.
javier: monica, nakapag-usap na ba kayong mag-asawa? ano na ang desisyon nyo?
monica: pa, kaya ho kami nandidito ni adrian kasi sinusuportahan nya ang pagpasok ko sa vita.
may konting smile naman galing kay javier.
javier: good.
niyaya na sila ni eloisa sa loob para makapag-dinner. habang palayo si adrian, tinitingnan sya ni javier mula ulo hanggang paa.

sa dinner
eloisa: buti nakarating kayo ngayon. wala ka bang trabaho, adrian?
adrian: wala ho ngayong araw na 'to. bukas ho ang appointment ko.
eloisa: sana pala sinama nyo si bunjoy.
monica: next time na lang ho siguro, nay.
eloisa: alam mo, natutuwa talaga 'ko na pinayagan mo si monica.
hindi kumikobo si javier.

eto na, man to man talk na
javier: lilipat daw kayo ng bahay
adrian: sa tandang sora po, sa isang townhouse.
javier: bakit hindi sa village, para secured.
adrian: pag lumaki-laki na ho siguro si bunjoy tsaka kapag lumago na yung negosyo namin.
javier: alam mo nung napunta sa puder ko si monica, kahit kelan, hindi ko sya itinira sa isang lugar na hindi secured.
adrian: eh nung pinakasalan ko naman ho si monica, ipinangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko sya lagi at gagawin ko'ng lahat para maging masaya sya.
javier: alam mo, sa tingin ko, kulang pa yang ginagawa mo.
adrian: okay naman ho'ng trabaho ko, mr santiago. naitayo nga namin yung agency eh. okay ho kami ni monica, tsaka masaya sya kasi naibibigay ko lahat ng kailangan nya. bukod na lang po don sa pagtanggap ninyo. sa pagtanggap ng buong pamilya ninyo na palagi nyang hinahanap-hanap. mr santiago, nandito po ko dahil pumapayag po 'ko na magtrabaho si monica para sa inyo.
javier: i am her father. hindi ko kailangan humingi ng permiso sa 'yo.
adrian: pero ako na ho'ng asawa nya eh. pwede ho 'kong tumanggi.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #201 on: March 12, 2014, 04:44:25 pm »
by this time, nakatingin na si monica sa kanila.
adrian: pero mr santiago, papayagan ko ho si monica magtrabaho sa inyo dahil mahal ko sya.
javier: mahal ko din si monica, dahil anak ko sya. kapakanan nya ang laging nasa isip ko. (napansin ni javier si monica) monica, gusto na raw umuwi ng asawa mo. at gusto ko na ring magpahinga.
umalis na si javier, napakamot naman ng ulo si adrian.

nasa cr si adrian. pumasok si monica at niyakap sya. nag-thank you sya. excited na daw ba sya mag-vita. oo daw. nung makalabas na sila ng cr, sabi ni monica, alam nyang hindi madali ang pakikiharap nito sa papa nya, but things will be better daw. magkakasundo-sundo rin daw ang lahat, ito pa lang naman daw ang first step. sabi ni adrian, okay lang daw. gusto daw nya sya ang unang maging masaya para kay monica dahil alam nya kung ga'no ka-importante iyon kay monica.

dumating si rowena sa flat ni nicole. nagpabili pala ng suman si nicole sa kanya. ano daw ba sya, naglilihi. hindi daw, sabi ni nicole. kailangan lang daw nyang magtanggal ng negative vibes. may darating daw ba, tanong ni rowena. si adrian daw, yung broker nya, sabi ni nicole.

may nag-tex kay javier, sunod-sunod. eh wala siya, kaya tiningnan iyon ni eloisa. "mawawasak ang lahat ng meron ka. kung ako sa 'yo, magdasal ka na." ilang beses yang tex na yan. napa-"Diyos ko" si eloisa.

dumating si javier, hinahanap ang celfon nya. sino daw ba nagte-tex sa kanya, sabi ni eloisa, ba't daw sya pinagbabantaan ng ganon. wag daw intindihin yon, mga sira-ulo lang daw yon, sabi ni javier.

paalis na ang mag-asawang adrian at monica. matapos ang kiss-kiss nila
monica: alam mo, ihahatid na lang kita para ma-meet ko naman yung kliyente mong napakasungit. kawawa naman yung asawa ko, sinusungitan. gusto mo, awayin ko yon.

may mga pinapipirmahan si rebecca kay nicole. okay lang daw ba si nicole, napapansin daw nyang kanina pa sya aligaga, hindi mapalagay at nanginginig pa ang kamay. okay lang daw sya, sabi ni nicole. hindi pa daw kasi sya kumakain. lumapit si nicole sa counter. ba't di daw sya kumain, sabi ni rebecca, tinitiis daw nya ang gutom nya. okay lang daw, mamaya na lang, sabi ni nicole. sabi ni rebecca, gusto daw ba nya ng kasabay. okay daw, kumain na sila, sabay na sila. at naghanda sya ng plato para kay rebecca. tumunog ang telepono. andun na daw si mr de villa. sige daw, paakyatin na, sabi ni nicole.

kasama ni adrian si monica, naglalambingan pa sa elevator. paglabas ng elevator
monica: o yan na, nahatid na kita. wala ka na bang nakalimutan.
adrian: sumama ka sa 'kin.
monica: mahal ko...
adrian: sige na. last sale ko na 'to. please. mag-e-enjoy ka naman eh, magbabago yang isip mo.
lambingan pa rin.

nire-ready ni nicole ang pagkain sa loob.

habang naglalambingan pa rin ang dalawa, bumukas ang pinto.
nicole: mr de villa?
sakto pang magkayakap ang dalawa.
adrian: ms esquivel
monica: nicole!
masaya si monica na makita ang kaibigan. na-shock naman si nicole.
the end.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #202 on: March 12, 2014, 05:05:24 pm »
^wow thanks sis geeboy...
naku sis willing to wait ako kahit anong oras.. hehe

ang ganda nga ng epi...
ayun naman pala.. nalaman naman pala ni nicole na si adrian ang asawa ni monica..
which makes it even worse... kasi alam nyang asawa pala si adrian ng 'ex'-bestfriend nya..
waaaaaaah...
sana may cable na kami maya..
« Last Edit: March 12, 2014, 05:28:15 pm by junepets »

chofontanilla

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #203 on: March 12, 2014, 05:19:49 pm »
Di ako manonood maya, hintayin ko nalang update ni sis geeboy. Hehe! Jk! The best ka sis.;-)

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #204 on: March 12, 2014, 06:36:02 pm »
walang anuman, sis junepets, sis cho  ;)

^^ yun nga, alam pala nya, so malamang planado ang pang-aakit nya kay adrian at ito naman adrian, nagpaakit naman, porke di nya kasundo ang byenan nya  >:(  ka-grrrr naman

sofiameredith

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #205 on: March 12, 2014, 06:49:01 pm »
@geeboy - ang tiyaga mo mag transcribe sis ah...salamat :)


yun naman pala, alam na ni nicole na si monica na ex-bestfriend niya ang asawa ni adrian...so ano motibo niya para landiin ang very much married na adrian?

at ang lintek na adrian magpapatukso... >:(

nakakagigil talaga yung mga babaeng naninira ng pamilya eh...mas masakit pa kapag matalik mong kaibigan ang gagawa nito sayo...(na carried away lang hehe)...

in fairness, gusto ko kaangasan ni max dito...kahit ganon siya may kilig factor :P unlike nung kay miguel nakakasuklam yung kaangasan niya ;D

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #206 on: March 12, 2014, 11:02:42 pm »
Medyo nakakagigil na tong episode na to.. Lintek na nicole yoh.. Sinisimulan nang landiin si adrian..

Naku naku.. Kung magiging CEO na nga ng Vita si monica... Magiging busy na talaga sya.. At si nicole at adrian ang magiging bagong magbestfriend...

Ayan advance thinking na naman.. ;)

iska-hazel

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #207 on: March 13, 2014, 06:04:25 am »
thank you so much sis geeboy!!!  ;D

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #208 on: March 13, 2014, 09:52:27 am »
buti nalang andiyan ka sis geeboy. hindi ko rin napanood yung episode na natranscribe mo.
thank you!

eternalpink

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #209 on: March 13, 2014, 10:47:04 am »
May signs na nga before pa malaman ni Nicole na si Monica pala ang asawa ni Adrian. Yung sa suman, hindi mapakali, etc.

Tapos yung mga hirit niya in front of Monica, nakakagigil si Nicole, hehe!

Naku tapos yung nangyari pa kagabi!! Mukhang lalong magkaka-connection 'tong si Adrian at Nicole!
« Last Edit: March 13, 2014, 11:24:00 am by eternalpink »

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #210 on: March 13, 2014, 10:53:50 am »
^true sis.. nanggigil ako.
kahit love ko si angel at TLW..
baka di ko makayanan panuorin toh pag start na ang adrian/nicole story.. :(

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #211 on: March 13, 2014, 12:17:43 pm »
^^  korek ka dyan! ibig sabihin, may balak talagang pumatol si nicole sa may asawang si adrian kahit pa alam nyang may asawa na 'to.
« Last Edit: March 13, 2014, 01:18:07 pm by geeboy »

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #212 on: March 13, 2014, 01:17:40 pm »
eto na, pinakilala ni monica na si adrian ang asawa nya. naaliw pa ng si rowena, small world daw. tsaka binanggit na may hinandang breakfast ni nicole. cornered na si nicole, wala syang magawa kundi iinvite na rin ang isang unwanted guest.

sa loob, pinaupo nya ang mag-asawa. sabi ni adrian, tutulungan na daw sya. okay lang daw, sabi ni nicole. simula na ng maangas na hirit ni nicole kay monica.
monica: may farm pala si gramps no. ba't hindi tayo nakakadalaw noon?
nicole: marami pala tayong hindi nagagawa.
monica: oo nga
nicole: si monica kasi, palagi syang busy, palagi syang wala.
monica: magulo lang kasi nung mga panahon na yon.
nicole: (di ko na-gets una nyang sinabi) pero it's in the past, wag na nating pag-usapan yon. o eto kumain na kayo.
adrian: uh suman. galing ba 'to sa farm?
um-mmm si nicole. pinuri ni adrian ang suman at tikman daw nila. naku, nagoyo ka lang, adrian. galing sa palengke yan. at aba, tinanong pa ni adrian si nicole kung gusto nya, ipagbabalat din nya sya! hoy adrian, bakit mo ipagbabalat si nicole, mag-ano kayo?! grrrr!
na-carried away lang (at marami pang kasunod yan). anyway, humindi naman si nicole, kumain na daw sya. so nakita nya na sinubuan pa ni adrian si monica. nagtanong naman sya kung gusto daw nila ng kape. sabi ni monica, tulungan na daw nya sya. so lumapit si monica kay nicole.
monica: alam mo, naglilipat kami ngayon ng bahay. welcome na welcome ka don dumalaw anytime. kasi gusto ko ring makilala mo si bunjoy, yung anak ko na kinukuwento ko sa 'yo. honorary ninang ka no'n eh.
nicole: tingnan natin.
monica: nicole-let, hindi naman siguro chance lang 'to na magkita tayo ulit, no.
tinanong ni nicole si adrian kung anong gusto nya sa kape. sumagot naman si adrian. halatang umiiwas sa usapan si nicole kaya hinawakan sya ni monica.
monica: nicole, ikaw pa rin yung bestfriend ko, kahit matagal na tayong hindi nagkikita. hayaan mo naman akong maging parte ng buhay mo.
nicole: monica, matagal na kong... mag-isa. mahirap... mahirap... pero nasanay ako. kaya mahirap sa 'kin na magpapasok ulit sa buhay ko. tsaka isa pa, babalik din ako ng australia. monica, okay tayo, di ba? hindi... hindi, hindi tayo magkagalit. kaya lang syempre, hindi na ganon kadaling ibalik yung dati.
monica: nicole, hindi ka naman nag-iisa eh. nandito pa ko oh. bakit hindi mo ituring ako, si adrian, na pamilya mo?
binigay ni nicole kay adrian ang kape. nag-thank you si adrian. masarap daw yan (kape) kasama yung suman. sumulyap pa sya kay monica.

paalis na si monica. nagpasalamat sya kay nicole. hindi umimik si nicole, nakatingin lang, then tingin kay adrian. ihahatid ni adrian si monica, umakbay sya sa asawa. si nicole, hindi nya sinara ang pinto. nakamasid sya sa dalawa.
adrian: okay ka lang?
monica: napansin mo.
sinara ni nicole ang pinto, napalingon si adrian.
adrian: oo naman.
pareho silang lumingon sa pinto. sa tapat na sila ng elevator.
monica: nakakasama mo naman sya eh, baka naman pwedeng humingi ng tulong.
adrian: mahal, bago mo pa man sabihin sa 'kin, iniisip ko na. (sabay turo sa sintido) ako'ng bahala. ilalakad kita sa bes mo.
monica: salamat, mahal ha.
adrian: ano ka ba, kahit ano, para sa 'yo.
nagpaalam na sila sa isa't isa. bumukas ulit ang pinto ni nicole, nakamasid na naman sya sa dalawa. nagyakap ang mag-asawa. may i love you pa bago bitawan ang kamay ni monica bago sumara ang elevator. pag-ikot ni adrian, nagkatinginan sila ni nicole.

sa vita, magkasama sina monica at javy. wala na daw magagawa si monica. don't give up on vita daw, sabi ni monica, magtulungan daw sila para ibangon ito. sabi ni javy, marketing head daw si monica, coo daw sya kaya wag daw syang utusan kung ano ang dapat nyang gawin. then umuna na si javy.

sa opisina, nandon sina javier at javy.
monica: what i'm proposing is, ire-brand yung vita.
javy: papalitan natin ng pangalan ang vita? bakit hindi na lang natin ibenta?
monica: hindi. ang kailangan lang naman natin, mawala sa utak ng mga consumers ang kahit anong magpapaalala sa lumang vita, na sangkot sa food poisoning scandal. kaya instead na i-hype natin ang lumang vita, ipapakita natin na we are moving forward. mas maayos tayo, mas in control and we mean business.
javy: ayoko. hindi naman magwo-work yan eh.
javier: pag-isipan muna bago umayaw, javy.
napangiti si monica.

nakabalik na sa farm sina nicole at adrian.
adrian: alam nyo, sa akin dapat kayo nagagalit eh.
nicole: ha?
adrian: sa pag-uusap nyo kasi ng misis ko, napansin ko lang sa kilos mo, hindi ka pa recovered eh. alam mo, ako naman talaga yung salarin kung ba't kayo nagkasamaan ng loob eh. (correction, adrian, si nicole lang ang masama ang loob kay monica)
nicole: adrian, pwede hayaan na natin yon.
adrian: hindi, pakinggan mo lang ako.

naglalakad ang dalawa dun sa loob ng factory.
javy: rebranding?! yun ang suggestion mo?! wala ka na bang mas nakakaantok pa dito?! (sabay hagis ng hawak nyang papeles)
monica: di matulog ka kung inaantok ka, kuya. alam ko meron kang suggestion na mas maganda.
javy: di ba nga ang suggestion ko, ibenta na natin ang kumpanya!
monica: bakit ba kating-kati ka na ibenta yung vita?!
javy: kasi wala na tayong magagawa! palubog na 'to! di ko nga malaman kung bakit naisip mo pang masasalba mo to eh!
monica: teka nga kuya, sandali. (pinahinto si javy) hindi naman kailangan maging ganito yung trato natin sa isa't isa. dati, kung may isang taong gustong-gustong isalba ang vita, ikaw yon. anong nangyari, kuya? nasa'n na yung dating kuya javy ko?!
iniwanan sya ni javy.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #213 on: March 13, 2014, 01:47:03 pm »
nicole: ang mga salesman talaga, ang kukulit. ayaw na ng kausap, pinagpipilitan pa rin.
adrian: hindi, kasalanan ko naman kasi talaga. sigurado 'ko, naaalala mo si miguel zapanta. kung hindi ko sinapak yung kumag na yon, hindi nya kikidnapin si monica para magpakasal sa kanya. syempre, hindi naman tatakas si monica para sumama sa 'kin. ngayon, hindi ko sya mayayayang magpakasal. hindi ka nya maiiwan sa ere nung mamatay ang lolo mo. kilala naman natin si monica, di ba. walang ibang gugustuhin yon kundi damayan ka, lalong-lalo na sa panahon na ganon. 
nicole: adrian, narinig mo naman kung ano yung sinabi ko, di ba.
adrian: kasi pwede ring mangyari yung isang bagay eh, di ba. kung hindi kami makakasal agad ni monica, hindi kami magkakaron ng anak na sobrang cute at sobrang kulit na si bunjoy, inaanak mo. sigurado ko, pag ma-meet mo yon, completely, mapapatawad mo si monica. may bonus ka pa. ako, adrian, na pwede mong maging kaibigan, karamay din. lahat tayo magiging masaya.
nicole: salesman na salesman ka talaga.
adrian: oo, pero ngayon, asawa ako ng bestfriend mo. nicole, sh*t happens in life. kung papa'no tayo bumabangon, dun tayo nagiging totoo.

tinawagan ni adrian si monica. kinumusta sya ni monica. okay naman daw sila. nalakad na daw nya sya sa bestfriend nya. sya daw, kumusta naman. mahirap daw, sabi ni monica. sabi ni adrian, pwede pa naman daw syang mag-quit. biro lang daw. konting tiis lang daw, maaayos na nya yan. nahuli naman na nya ang loob ng papa nya, kapatid naman daw nya ang susunod na. pasalamat si monica sa suporta ng asawa. nag-i love you-han na naman sila at paalam. nakamasid si nicole kay adrian.

nakuha ni monica sa sekretarya ni javy ang number ni max.

nakipagkita si monica kay max.
max: monica, nice to see you again.
monica: playtime is over, mr gonzales. gusto ko lang ipaalam sa 'yo na kung anuman ang usapan nyo ng kuya ko tungkol sa pagbenta ng vita, tapos na yon.
max: (natawa) hindi ko alam may spokesperson pala itong si javy.
monica: tigilan mo na'ng kuya ko
max: bakit ko sya titigilan? bata ba yang kapatid mo?
monica: hindi ka nakakatulong sa pamilya namin. hindi ka nakakatulong para umangat ang vita.
max: bibilhin ko ang vita at pipira-pirasuhin. alam mo, monica, wala naman akong balak paangatin yang vita. and honestly, hindi ko alam kung sino talaga me-ari nyan. na-sorpresa din ako katulad mo.
monica: oo nga eh. iniisip ko rin kung pa'no ba nagsimula ang lahat. papa'no ka ba napasok sa ganitong klaseng negosyo? di ba dati, photographer ka. tapos ngayon..,
max: gusto mo talagang malaman kung anong nangyari sa 'kin dati ha, monica.
monica: ang gusto kong malaman kung bakit bigla ka na lang pumunta sa party ng papa ko, nagpakilala, kahit hindi naman gusto ni kuya javy. ta's sinira mo lang yung party ng papa ko. pero para saan?

paalis na sana sina nicole at adrian
adrian: sa opisina na lang daw tayo magbentahan.
nicole: sige.
biglang pumasok sina boom at 2 pa nyang kasama, may dalang dos por dos.
boom: hindi kayo aalis. (kay adrian) wag ka nang makialam. akin na mga celfon nyo.
nicole: boom, anong ibig sabihin ....!
boom: akin na mga celfon nyo!
kinuha nya ang mga celfon nila. then binitbit nila silang dalawa.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #214 on: March 13, 2014, 01:55:01 pm »
ask ko lang po, hindi ko kase nasusubaybayan ito talaga. ano ba ang issue nina boom bat ayaw nila pabenta ang farm? ang napanood ko noon is yung kakausapin lang ng ama ni boom ni nicole pero di ba hindi pa sila nakapagusap?

as if naman kay boom farm yun.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #215 on: March 13, 2014, 02:19:24 pm »
adrian: uh suman. galing ba 'to sa farm?
um-mmm si nicole. pinuri ni adrian ang suman at tikman daw nila. naku, nagoyo ka lang, adrian. galing sa palengke yan. at aba, tinanong pa ni adrian si nicole kung gusto nya, ipagbabalat din nya sya! hoy adrian, bakit mo ipagbabalat si nicole, mag-ano kayo?! grrrr!
na-carried away lang (at marami pang kasunod yan).

hainaku sis..
talaga naman gigil din ako dyan..

etong si Adrian pumi-flirt din eh..
kung ako siguro so monica nagtanong na ko eh..
amps.. :D

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #216 on: March 13, 2014, 02:30:48 pm »
ikinulong sila sa isang parang garahe.
boom: pasok kayo dyan kung ayaw nyong malumpo!
adrian: ano bang problema mo, ha? anong kelangan mo?
boom: wala kang pakialam dito.
adrian: anong kelangan mo nga.
boom: wala kang pakialam dito!
sugod si nicole.
nicole: anong karapatan mong gawin mo, boom, ha! anong karapatan mong gawin sa 'kin to, ha! (hinihila na ni adrian si nicole palayo kay boom) ang kapal ng mukha mo! ---- ng lolo ko!...
boom: tumigil ka!!!
adrian: teka lang! ano ba! hinihingi lang namin anong kailangan mo.
boom: hindi mo alam.
nicole: oo, hindi ko alam!
boom: hindi mo alam!!!
nicole: hindi! hindi talaga!
susugod na yung boom kay nicole. yakap na ni adrian si nicole.
adrian: ano ba!
nicole: kapal ng mukha mo! hayup ka! wala kang utang na loob!
boom: tumahimik ka!!!
pinapakalma ni adrian si nicole.
boom: dito lang kayong dalawa. --- lalo ka na (kay nicole)
umalis na ang tatlo at kinulong sila. nagsisigaw si nicole.
nicole: sandali lang! boom! buksan nyo 'to! ano ba, bakit nyo kami ikukulong?! anong kailangan mo! sige, pag-usapan natin!! boom!

max: oa kasi ang tatay mo. hindi ko nga maintindihan kung bakit ganon kataas yung reaksyon nya. alam mo, monica, hindi ako kalaban. makakatulong pa 'ko sa 'yo.
monica: salamat sa concern ha. pero hindi ka namin kailangan. at ang dahilan nga pala kung bakit ako nakipagkita sa yo, you see, mr gonzales, i'm going to ask you a favor. kung okay lang ha.
max: ano yon?
monica: back off. lason ka sa utak ng kuya ko. kung mawawala ka, baka magkatulungan pa kaming pamilya para iahon ang vita. okay, sabihin na natin na bumagsak nga kami, pero hinding-hindi kami magbebenta ng kahit na ano sa 'yo. kung gusto mo, bumili ka na lang ng vita sa grocery. salamat sa oras mo.
umalis na si monica.

nicole: ipapakulong kita, boom, pag nakalabas ako dito!!! hayup ka!!! boom!!! loko ka, babalik na ko ng australia.
may nakalas na parte dun sa bintana na kinukutkot ni adrian. tinawag nya si nicole. pinagtulungan nilang kalasin ang iba pang parte nung bintana.

tumawag si bunjoy sa ina. pauwi na daw sya, sabi ni monica. tumawag din si javier.
javier: monica, bumalik ka dito sa opisina, please. meron tayong pag-uusapan na importante. it's about javy. i think he really needs to go.
monica: pa, sigurado ho ba kayo dyan sa ....
javier: oo, kaya pag-usapan natin ito.

nakalabas na sa bintana sina nicole at adrian. nakita sila nina boom.
boom: hoy tatakas kayo!!!
simula na umaatikabong habulan sa gubat.

tinatawagan ni monica si adrian, walang sumasagot. tinex na lang nya na bumalik sya sa ofis at tatawagan nya sya ulit mamaya. pabalik na daw ba sya.

eh eto na ang dalawang tumatakas. natapilok pa si nicole kaya binuhat na sya ni adrian. nakapagtago naman sila. habang alert si adrian sa mga kalaban, si nicole naman eh nakatitig kay adrian.

inabutan ni monica si javier na umiinom. nakakasama daw yon sa kanya, sabi ni monica.
javier: i got really, really disappointed with your brother. --- to be a business leader. buong akala ko, sya na magpapatuloy ng lahat ng ito. pero hindi.
monica: pa, i'm sure, gusto pa rin ho ni kuya javy. baka may pinagdadaanan lang ho sya ngayon.
javier: no no no no, alam ko'ng sinasabi ko. (dumating si javy. napahinto sa pinto at naririnig ang usapan nila) puro palpak sya. lahat ng desisyon nya, palpak. for the past two years, pati mga board of directors, nawawalan na ng tiwala sa management ni javy. i'm thinking of replacing him.
monica: pa...
javier: and since sa inyong magkakapatid, ikaw lang naniniwala na this company's worth fighting for, naisip ko na ikaw na lang ang i-train ko para maging bagong ceo ng kumpanyang ito. (sasabat pa sana si monica) please i need you.
pumasok si javy.
javy: so pa, mas gusto nyo si monica mag-handle ng lahat ng ito? itong prodigal kong kapatid, mas pipiliin mo sya kesa sa 'kin?!
monica: kuya?

javier: anong ginawa mo? alam mong importante sa 'kin ang lahat ng 'to tapos gusto mong ibenta. you betrayed my trust.
javy: pa, nagsilbi ako ng maayos sa 'yo! ginawa ko lahat ng gusto mo! naging mabuting sundalo ako para sa 'yo!!!
javier: but you've been failing me! and you're failing me now! so if you want to go, i'm setting you free! go!
javy: ano 'to, sya ipapalit nyo sa 'kin?!
monica: sandali, kuya, ang gusto lang naman ni papa na umayos ka, na maniwala ka na hindi mo dapat ibenta ang vita, yun lang naman yun eh.
javy: wala ka pang napapatunayan sa vita! anong nangyari sa campaign mo?! palpak, di ba?! kaya nagkanda-letse-letse kami dahil umasa kaming lahat sa 'yo eh!
monica: kuya, alam mo kung ano ang totoo ha! kuya, sandali, nandito lang naman ako para tumulong. bakit hindi tayo magtulungan? magtulungan na lang tayo o.
javy: ikaw, tutulong?! bakit, nasa'n ka ha?! nasa'n ka nung lahat ng taon na to?! habang nagkakasakit si papa, habang nawawala ang --- ng vita, nasaan ka?!!! pareho naman kayo ng nanay mo, mahilig kayong mang-iwan sa ere eh!
monica: kuya, labas dito si nanay ha!
javier: i said, enough!!! javy, kailangan ka namin sa kumpanyang ito! but you leave me with no choice. so go!!!
umalis na si javy. hahabol pa sana si monica pero nanghina si javier kaya pinainom nya ito ng tubig.
the end.


geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #217 on: March 13, 2014, 02:50:45 pm »
ask ko lang po, hindi ko kase nasusubaybayan ito talaga. ano ba ang issue nina boom bat ayaw nila pabenta ang farm? ang napanood ko noon is yung kakausapin lang ng ama ni boom ni nicole pero di ba hindi pa sila nakapagusap?

as if naman kay boom farm yun.

may mga tinitingnan na blueprint si nicole. may dumating na dalawang lalaki. sabi nung mas mababang lalaki, wag daw ibenta ang farm. hintayin daw ang tatay nila. nadestino lang daw sa ilocos norte pero luluwas din sya. bago daw kasi namatay ang lolo ni nicole, nag-usap daw sila ng tatay nila na sa kanila ipagkakatiwala ang lupa kung may mangyari sa kanya. sabi ni nicole, tingnan daw nila kasi sa kanya naman pinamana ni gramps yung farm. mag-usap daw sila nung tatay, medyo may diin ang pagkakasabi nung lalaki ha. eto na mga makakapal ang mukha. sinabi na lang ni nicole na mas mabuti kung makakapag-usap sila ng tatay nila.

gabi na to, tumawag si aling sylvia kay nicole. kasama ni aling sylvia si boom. sabi ni aling sylvia, tumatawag daw si adrian sa landline, hindi daw kasi makontak ang celfon ni nicole. tapos gusto daw syang makausap ni boom. sabi ni boom, nakausap na nya ang tatay nya at sa makalawa na daw ang uwi nya galing ilocos para makapag-usap sila, kaya baka pwede daw, wag na daw ibenta ang farm. sabi ni nicole, ibebenta daw nya kung ano ang ibebenta nya kasi kanya daw yon. maliwanag daw ba. hihirit pa ng "pero, ma'am" si boom, pero pinigil na sya ni nicole, tapos na daw ang conversation nila. hintayin na lang daw sya bukas. ifa-finalize na daw nila ni adrian ang sale ng property.

may kakapalan talaga ng mukha yung boom no. pero nagtataka din ako bakit sasabihin ni nicole na di nya alam kung ano ang gusto ni boom eh ayaw nga ni boom ipabenta ang farm.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #218 on: March 13, 2014, 04:06:04 pm »
ang kapal naman ni boom. napanood ko yung scene na lalabas na si nicole na walang suot na br@ kahapon (lol!) tapos biglang tinutukan sila ni boom and friends ng dos por dos. ang kapal ni boom talaga! (affected) technically, si boom ang may fault bat makakagusto ni nicole kay adrian. grrrr!


kakapagtaka lang bat habol si boom ng habol sa farm eh ipagkakatiwala lang naman ni gramps ang lupa sa kanila, hindi naman sa kanila ibibigay. ang layo ng ipagkakatiwala sa ibibigay, t@nga lang!

thanks sis geeboy.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #219 on: March 13, 2014, 06:54:38 pm »
^ oo nga, mga feelingero naman.

nakaaawa din si javy kagabi, pero tama naman si javier, hahabol-habol pa sya ngayon eh sya nga 'tong gustong ibenta ang vita.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close