ay pasensya na, sis junepets, late ang update, umalis ako kanina

anyway, eto na ang epi kagabi
adrian: alam naman nating sinaktan ka ng pamilya mo, di ba. o pa'no pag saktan ka nila ulit? tsaka monica, may usapan na tayo eh, may plano na tayo eh, eto nga, may bahay na tayo, may binubuo na tayong buhay natin eh. ta's papasukin natin sila ulit. o pag nakapasok sila, sisirain nila kung anong meron tayo (scoffs)
iniwanan sya ni adrian.
nakipagkita ulit si dante kay nicole sa tulong ni rebecca.
dante: ako'ng nakiusap sa kanya. pinilit kong malaman kung saan kita matatagpuan. pinuntahan kita sa farm, wala ka naman don
nicole: hindi mo pa ba nakukuha, ayaw kong magpakita sa 'yo.
natawa si dante. pasakay na sa kotse si nicole pero dahil natatawa si dante, lumapit sya ulit.
nicole: anong nakakatawa?
dante: wala. naalala ko lang ang mommy mo. ganyan din sya kapag naiinis...
nicole: hindi mo sya kilala. wag kang magsalita na parang kilala mo sya.
dante: pero may anak kami. ako ang iyong ama, nicole. ano ba'ng kailangan kong gawin para matanggap mo yon?
nicole: mr ramos, ayoko nang ulitin 'tong eksenang 'to. ayaw kita sa buhay ko. sana maging klaro yon.
paalis na sya nung hinawakan sya ni dante ng mahigpit sa braso.
dante: wag mo akong tatalikuran. wala akong kasalanan sa yo, nicole. hindi ko alam na nagka-anak kami ng mommy mo. lumalapit ako sa 'yo dahil gusto kitang makilala. gusto kong maging maayos ang lahat. gusto kong maging bahagi ng buhay mo.
ay akala ko pala kagabi na nagtatalo ang dalawa sa oven eh sila na lang. nandun pa rin pala ang iba. so ito si bradley, kumakain. sabi nya, swerte daw ni adrian kay monica, the best daw talaga magluto. kain lang daw sya, sabi ni adrian. napansin ni bradley na nagdadabog-dabog ang kaibigan, tinanong nya ito.
adrian: si monica eh, papasok daw ng vita.
brad: ba't nya naman gagawin yon eh me trabaho naman sya.
adrian: yun na nga di ba. okay na nga kami. hawak namin oras namin. maligaya kaming dalawa. anong mangyayari kung maging boss nya yung tatay nya. alam naman natin na paborito ako non, di ba. (tawanan sila)
brad: pare, hindi sa panghihimasok ha, pero yang gugustuhin ka ng byenan mo na yan, malabo yun eh. wala namang lalaki na gusto ng byenan eh.
adrian: kaya nga eh. alam ko namang maapektuhan kami nito kahit di nya sabihin eh. pero anong gagawin ko. pa'no ko magdedesisyon sa ganito.
brad: eh di sundin mo yung nasa puso mo. ano ka ba, hindi naman pwedeng habambuhay eh war na lang kayo ni don javier. lumalaki na si bunjoy no. at saka isa pa, hindi naman siguro tatanggapin ni monica yung trabaho kung ayaw nyang magkaayos kayo ng papa nya. mahal mo ba yung asawa mo?
adrian: natural. lahat naman ng ginagawa ko para sa kanya eh.
brad: yun naman pala eh. eh di alam mo na.
nag-aayos si monica, tinitingnan ang mga pictures. ume-emote din si adrian sa isang part ng bahay. then pumasok ng kwarto si adrian. nagyakap ang dalawa. nag-thank you si monica sa oven, sa lahat-lahat na ginagawa ni adrian. naupo si adrian at kinandong si monica.
adrian: alam mo, dati pa, kahit hindi pa tayo mag-asawa, lagi kong hinahanap at iniisip kung pa'no ko mapapasaya yung nagpapasaya sa 'kin.
alam naman daw ni monica yon, kaya thank you sya ulit blah blah blah. gusto daw ba nya talagang pumasok sa vita. oo daw, sabi ni monica, pero dahil asawa nya si adrian at nagtitiwala sya don, kung anong gusto ni adrian, susundin nya.
adrian: gusto kong kausapin ang papa mo. kakausapin ko sya once and for all para matapos na to. eh di ba matagal na rin nating gustong gawin yon. aalamin ko lang kung anong papasukan ng asawa ko.
and then they kissed.
habang kumakain ang mag-anak, nandun pa sila sa bahay nina adrian, tinawagan ni monica ang nanay nya. punta daw sila don dahil gustong makausap ni adrian ang papa nya.
gabi na to, tumawag si aling sylvia kay nicole. kasama ni aling sylvia si boom. sabi ni aling sylvia, tumatawag daw si adrian sa landline, hindi daw kasi makontak ang celfon ni nicole. tapos gusto daw syang makausap ni boom. sabi ni boom, nakausap na nya ang tatay nya at sa makalawa na daw ang uwi nya galing ilocos para makapag-usap sila, kaya baka pwede daw, wag na daw ibenta ang farm. sabi ni nicole, ibebenta daw nya kung ano ang ibebenta nya kasi kanya daw yon. maliwanag daw ba. hihirit pa ng "pero, ma'am" si boom, pero pinigil na sya ni nicole, tapos na daw ang conversation nila. hintayin na lang daw sya bukas. ifa-finalize na daw nila ni adrian ang sale ng property.
kinakabahan daw si monica. sabi ni adrian, dapat daw sya ang kinakabahan dahil ngayon lang daw sila magkikita ng papa ni monica. kaya nga daw sya kinakabahay, sabi ni monica. pero excited din sya. pasalamat sya kay adrian. bumaba na sina eloisa. niyakap si monica. eto na si javier. humalik si monica. nag-good evening naman si adrian at makikipag-shake hands pero dinedma ni javier.
javier: monica, nakapag-usap na ba kayong mag-asawa? ano na ang desisyon nyo?
monica: pa, kaya ho kami nandidito ni adrian kasi sinusuportahan nya ang pagpasok ko sa vita.
may konting smile naman galing kay javier.
javier: good.
niyaya na sila ni eloisa sa loob para makapag-dinner. habang palayo si adrian, tinitingnan sya ni javier mula ulo hanggang paa.
sa dinner
eloisa: buti nakarating kayo ngayon. wala ka bang trabaho, adrian?
adrian: wala ho ngayong araw na 'to. bukas ho ang appointment ko.
eloisa: sana pala sinama nyo si bunjoy.
monica: next time na lang ho siguro, nay.
eloisa: alam mo, natutuwa talaga 'ko na pinayagan mo si monica.
hindi kumikobo si javier.
eto na, man to man talk na
javier: lilipat daw kayo ng bahay
adrian: sa tandang sora po, sa isang townhouse.
javier: bakit hindi sa village, para secured.
adrian: pag lumaki-laki na ho siguro si bunjoy tsaka kapag lumago na yung negosyo namin.
javier: alam mo nung napunta sa puder ko si monica, kahit kelan, hindi ko sya itinira sa isang lugar na hindi secured.
adrian: eh nung pinakasalan ko naman ho si monica, ipinangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko sya lagi at gagawin ko'ng lahat para maging masaya sya.
javier: alam mo, sa tingin ko, kulang pa yang ginagawa mo.
adrian: okay naman ho'ng trabaho ko, mr santiago. naitayo nga namin yung agency eh. okay ho kami ni monica, tsaka masaya sya kasi naibibigay ko lahat ng kailangan nya. bukod na lang po don sa pagtanggap ninyo. sa pagtanggap ng buong pamilya ninyo na palagi nyang hinahanap-hanap. mr santiago, nandito po ko dahil pumapayag po 'ko na magtrabaho si monica para sa inyo.
javier: i am her father. hindi ko kailangan humingi ng permiso sa 'yo.
adrian: pero ako na ho'ng asawa nya eh. pwede ho 'kong tumanggi.