Hi GT,
Im a guy and id like to share the dumb decisions and mistakes that I made. Wala na kasi ako masabihan ang alam kasi nila maayos akong tao mapagmahal at magalang natatakot ako sa pwedeng mangyari. Sa mga kapamilya ko, kaibigan mga kamaganak lalo na sa wife ko.
Im just recently married with my wife and the story goes on...
We started off na rocky ang relationship, im single and she got someone na as in fiancee ready na sila to tie the knot when I jumped into the relationship. I know and sensed na medyo rocky din sila ng fiancee niya. Siguro iisipin ng makakabasa nito OPPORTUNISTA papasok kapag vulnerable. Please dont judge me like that. Back then t**** ako at hindi nagiisip sa mga pwedeng masaktan at pumasok ako sa hindi dapat. Pero ganun na nga pumasok parin ako.
In short naging kami ng wife ko gf palang noon. sa mga sumunod na months weve got more arguments rather than being just a normal couple talo pa namin ang mag asawa sa away. Halos lahat napag aawayan namin maliit man o malaki. Lalong lumalaki. Ang iniisip ko noon igive up na wala naman na ako napapala. my old mentality said kapag nakuha ko na ang gusto ko iwan nalang.
Weve got issues, She havent gotten over her ex fiancee nacocompare pa niya lahat. Im neglectful from time to time. Shes bringing up past experiences and im just there when I want to be there.
its like all is wrong. Ang with all the issues going nanggugulo pa yung EX niya. Binabawi siya pero nandun na kami sa situation na ayaw na niya bumalik at nagsisisi na din siya sa mga nangyayari.
hindi ko na idedetalye lahat
Hindi ko naman masisising hindi magalit ang ex niya ako naman ang may kasalanan kung bakit nangyari noon. hindi ko na rin idedetail yung panggugulo ng ex niya but in short nangdamay na ng trabaho at pamilya
But against all odds, I stick to my resolve na siya na, kasi I felt something, hawiin na natin lahat ng arguments and all that crap. That the love we have is True. Na work out din namin lahat ng issue after almost a year, grabe parang 10 year na kami mag kasama sa dami ng issues na inayos namin.
But naayos din naclear and naunderstand na din namin yung issues and differences namin.
Napatahimik nanamin si EX niya for now, sana wag ng manggugulo ulit.
I promised her na mamahalin ko siya higit pa sa sarili ko at magulang ko papakita ko na tama siya ng decision at ako ang pinili niya at hindi yung Ex fiancee niya.
All went well may peace of mind na kami nakikita nanamin yung future nagplano na magpakasal.
Pero hindi naman palaging pasko meron mga pagsubok. Another storm hit me.
I met another girl, shes attractive, smart and witty and younger than me. Masarap siya kausap madaling makarelate malambing as in super close lagi. Hindi ko alam kung bakit ako na attract and in the first place wala ng masamang nangyayari samin ni GF masaya na nga kami, at mahal na mahal ko siya.
The bad thing is meron din siya BF, and as usual shes having problems with him and nasa stage ng confusion. Ewan ko ba bat ako ganito lagi na attract sa mga taken na. I was never interested sa mga single, Yes I dated single girls, pero kapag tagal wala na ako interest. Is it because sa challenge? or dahil meron karibal? or personal issues and insecurities?
So what happened?, ngaun ko lang nalaman mahina pala talaga ako madaling matisod at yung girl din natisod din. This happpened just last year and we are already engaged.
Naging kami, secretly meeting snuggling, kissing going on a date and of course nangyari ang hindi dapat mangyari. Hindi alam ng GF ko at hindi alam ng BF niya until now. Umabot to the point na sobra na ang attachment. Kaya niya daw iwan yung BF niya at sumama sakin. Alam niya na meron akong fiancee pero ok lang daw sa kanya for now na hati sila. And She did nag break sila at pinepressure niyang hiwalayan ko si GF ko.
Late ko na naisip na maling mali na ang ginagawa ko, SORRY sa mga readers t**** at mahina kasi ako. Mahal na mahal ko ang GF ko at hindi ko siya kayang iwan. hindi ko lang madiretso sa girl na masmahal ko ang fiancee ko. Hinayaan ko lang tumuloy ang relationship namin. In short nagpa asa ako ng tao at nakasakit ulit ng iba.
Then I got my GF pregnant, this changed everything samin. I was excited at the same time worried to death. Immedietely kong pinutol yung relationship namin ni girl, pero hindi ko sinabi sa kanya na buntis yung GF ko. Then I get pleads na wag ko siya iwan mamamatay daw siya, mamahal niya ako ng todo. After that it turned to threats alam niya kasi kung saan nag wowork si GF, icoconfront niya daw to tell her the truth na nagmamahalan kami. Pabiro niya pang sinabi na maging masama nalang siya kung hindi kita maaagaw sisirain nalang kita.
Sobrang takot ang naramdaman ko nun mga days na yun hindi ako mapakali, hindi makatulog stressed an stressed ang bilis ko magalit pati si fiancee ko nabubuntunan ko na ng galit.
So what I did para hindi mawala sakin yung fiancee ko, nag pakasal na kami just to make everything legal ayoko maging illegitimate yung baby namin. Hindi ko pinaalam kay girl na nagpakasal na kami secretly.
After all that, na confront ko naman siya napaliwanag ko na ikakasal na kami sa church na minahal ko talaga siya at hindi niloko and alam naman niya yung kalagayan namin nung nagstart meron kami pareho but I told her I need to choose. Sobrang lungkot niya at iyak ng iyak nung naguusap kami. Sabi niya mahal na mahal niya ako kakayanin niya daw to.
hindi na muna kami nagkita, nag uusap lang sa chat and message pero meron parin mga relapse minsan sweet siya maglalambing another na galit at napakasama ko, minsan tatawag lang at iiyak.
Kala ko ok na ilang weeks na kaming silent wala na communication, but I got a text sa kanya gusto daw niya mangumusta so tinawagan ko siya, chineck and ok naman siya coping up. Then na mention niya yung kasal baka naman daw porket meron kami hindi ko na siya iinvite.
So ako naman t**** feeling ok na, I gave her all the details, church date time and reception.
After a few days ko lang narealize bakit siya tumawag para mangumusta at tinanong pa yung details sa wedding. Kinabahan ako then just last week, meron ako nareceive na anonymous message on a number I dont know.
"Hindi pa ako nagkakaroon mag 1 month delayed na ako"
Bumalik lahat ng takot ko feeling ko siya yun wala naman iba, Im not sure kung prank lang to or totoo. Sinubukan ko tawagan yung number cannot be reached na pati yung number ni girl wala na rin, blocked na din ako sa FB.
Past couple of days, hindi na ako makafocus sa work laging tulala sa mga iniisip.
Kabado baka isang segundo lang meron ng dadating samin na problema. Nababaliw na ako.
Wala akong masabihan kasi lahat ng kaibigan ko kilala na yung wife ko gusto siya ng family ko.
Ok naman kami masaya, mahal ko siya. mahal na mahal hindi ko kayang masira kami.
Last night naiyak ako sa wife ko kitang kita niya yung pinagdadaanan ko, tinatanong niya kung ano daw yun pwede ko naman sabihin sa kanya kaso hindi ko masabi, kasi ikasisira namin yun. naramdaman narin niya kaso hindi naman niya masabi.
Awang awa na ako sa sarili ko yung mga desisyon na ginawa ko, Tapos paano kung totoo nga na may baby kami ni girl? pupunta siya sa kasal at ipapakita niya sa lahat para makaganti?
Or if hindi naman sa wife ko lang or sa family? paano ang work ko kapag nalaman na?
Kung mag stay quiet man siya? deep inside alam kong napakalaki ng magiging pagkukulang ko meron ako anak na hindi ko pwedeng makita. Paano yung mommy niya ako na mismo ang nagpahirap?
Isa lang ang naiisip kong mangyayari kapag lumabas na at nalaman ng iba, mawawala ang asawa ko at anak ko sakin ganun din kung meron kaming anak ni girl.
Sorry gusto ko lang mag vent out wala akong masabihan, alam kasi nila maayos ako pero ang totoo ang dami kong problema at issue.
Tatanggapin ko po ang mga sasabihin niyo kahit masamang salita.
UPDATE:
Thanks po sa mga nag post and nag give ng advise hindi pa ako makapag reply or makapag PM.