watch now

Author Topic: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V  (Read 267063 times)

twinxz

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #420 on: November 08, 2016, 08:10:17 pm »
^^truth sis! nag-post na si Ms. Ruth about her sched ng December na overly booked na sya! Will be visiting her this weekend na. Excited na ko :)

Gum Ball

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #421 on: November 11, 2016, 11:26:10 pm »
^^Brazilian will just smoothen/soften your hair medyo nakakatame din sya ng unruly hair.. but it is not a straightener. Kerabond.. hmm safest way to straighten hair?? for me it is.. bleached hair ko and di na talaga tinatanggap sa mga salons kahit na matibay strands ko. so i guess it is the safest.. yet.  :)
« Last Edit: September 23, 2017, 10:47:59 pm by Gum Ball »

twinxz

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #422 on: November 15, 2016, 05:40:56 pm »
Visited Ruth Pitre last Sunday. She refused to do Kerabond Brazillian to my hair coz it will burst daw due to my highlights na madami and level 10 daw sa pagka-bleach. I just availed the Brazillian and wala pang 1 hour, left the vicinity. Nakakaligaw lalo na if you are not from the area. Medyo naloka lang ako kasi yung nagturo pa samin sa bahay nila Ms. Ruth eh nanghingi pa ng pang-kape. Eh di wow! Di ako prepared haha! Kasi from what I read, yung anak nya ang sumundo sa isang client diba? Well anyways, masikip yung place. Mainit. Don't expect anything na salon-like (except for the hair). I will wash my hair pa sa Thursday so I cannot give any review pa. Nga pala, she asked me to return maybe next month to check if nag-strengthen na hair ko and pwede na mag Kerabond with Color. She even said na mag-Brazillian na lang ako kasi straight naman daw pala hair ko. I replied na mas matagal kasi effect pag Kerabond.

I just thought na if 3K yung Kerabond Brazillian with Color, then pwede pala ako magpa-Brazillian, quarterly for the same price. Ang kaso, talo sa fare. hahaha! Hopefully next time, sa Valenzuela na sya mag-salon, kasi ang hirap talaga hanapin sa Tondo. Di ka pa pwede gabihin don, eh paano pag matagal yung process? So kaya naisip ko kaya sila naglagay ng cutoff ng 10am-1pm lang eh.

astarte

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #423 on: November 30, 2016, 09:11:20 pm »
^ sis antayin ko review mo pag naka wash ka na ng hair if all good pa rin or maybe after a week? saang part ng tondo? may malapit bang landmark like abad santos lrt or blumentritt lrt station mga ganyan? hehe!

twinxz

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #424 on: December 01, 2016, 08:31:37 pm »
^sis, i think waley na effect ang brazillian sa hair ko kasi buhaghag na sya ulit. maybe because of the highlights din talaga. naka-tie up na nga hair ko ngayon kasi di talaga kaaya aya tingnan. hahaha! kahit pa non SLS na gamit kong shampoo.

Tondo sa may bandang Velasquez. Mas madali sya puntahan if galing ng Divisoria kaso ma-traffic.

Sa Pritil yung tinuro nya saking way, I don't know if familiar ka pero dun kami sa Tayuman station sumakay ng Pritil jeep, pagdating ng Pritil pinag-tryk nya na kami papunta sa kanila (costs 40). Malapit sa barangay na may court. Nakalimutan ko na. Then looban na. Wag na magdala ng sasakyan kasi walang parking. Pang tao lang ang daanan.

Check mo din sched nya kasi AFAIK eh due to holiday season, may days lang sya na open.

Good luck & balitaan mo kami. :)

cathy818

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #425 on: December 08, 2016, 07:58:30 pm »
Hi Gurls, actually problem ko rin yang hair ko kasi wavy ako.. before lagi din akong ngpaparebond, siyempre sa una oks naman then after ilang weeks lang dry na siya... parang sa David Salon at Hair Asia pa ako nagpapagawa nyan sa pinas e.. Then hanggang nandito na ako sa Dubai rebond parin pero mostly chinese ang gumagawa oks naman nung mga ilang taon.. Then December, 2014 yata yun ngparebond ako tinatanong ko kung pwedeng pagsabayin yung color sabi naman pwede kaso nun inaaplay na yung gamot mahapdi na sa anit.. tapos nun iron na daming hair fall, tapos ang tanong pa sa akin bakit daw ang dami kong hair fall.. sabi ko i don't know.. then nun tapos na oks naman siya.. kaso nafeel ko sa may tuktok ng anit at bandang taas ng tenga ko may mga maliliit na hair... yun pala nagputol-putol na.. as in.. nakaka trauma.  :( :( .. after nun hindi na ako pagparebond pa.. until now hindi parin pantay yung hair ko, siguro mga ilang months pa to...

Then after a year nakakita ako ng Filipino Salon, Keratin naman ang offer sa akin.. maganda ang keratin kasi nga treatment siya so, hindi madadamage ang hair mo.. kaso naman nagresign na yung magaling na hair dresser dun sa salon na yun...

Tapos now may nadiscover ako since sa baba ng flat namin daming shop nagbebenta ng mga gamit sa salon including medicine.. may nagoffer sa akin ng Hair Protein Treatment.. tapos yung nagbebenta siya na rin ang gumawa pinay din.. ganda naman ng outcome.. last August ako nagpagawa till now oks parin. this month before christmas magtreat ulit ako ng hair. ako nalang siguro gagawa tutal madali lang naman.. and my maintenance is Argan Oil Shampoo and Conditioner..

n_n

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #426 on: December 16, 2016, 03:05:07 pm »
Paano nasisira buhok sa rebond? Para maobserve ko kung tama pa ba ginagawa, or plano ko kasi magdiy (Will use Ahglow)

rk04

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #427 on: January 07, 2017, 06:02:32 pm »
So disappointed ako sa YSTILO SALON. Take note dalawang Ystilo Salon pinuntahan ko at masungit talaga ang trato sakin, i even greeted them with a smile. The time they applied hair cream for rebonding, mali pa ang nilagay nila sa buhok ko, nagusap sila kala nila hindi ko narinig. Fail talaga, bigtime. Tapos the time I washed my hair, oh my god. My hair is totally ruined! Hindi ko pa maipaayos sa ibang salon kasi recently treated siya. At wala naman ginawa ang management ng ystilo sa akin, sinabi pa nilang normal daw yung pakasira ng buhok ko. Hahaha. Fyi, head branch na nagsabi sa akin nun. Masama pa loob nila sa akin. Never again ystilo salon. Bad treatment na, bad service pa! Dont trust.

smiles_alwayz

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #428 on: March 04, 2017, 12:25:54 pm »
Hi girls.

I Had my keratin blowout at 16th hair salon. Na-engganyo ko dahil sa raves before kay eric so nagpunta.... pero pagdating ko nahiya akong hanapin si eric so si david ang naggawa sa hair ko.

Naturally makapal hair ko. Tas madaming tayo and dahil sa colors kaya naging patay yung dulo. Tipong maliliit na kulot sa dulo, tapos dry.

Anyway, the procedure was about 3 hours,maganda naman kinalabasan, mangilan-ngilan yung part na kulot yung dulo ng hair. Di pa ko nagsh-shampoo, just using conditioner pero sana tumagal effect ng keratin sa hair ko.

blahblahblahxx

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #429 on: March 06, 2017, 09:35:18 pm »
Anong magandang shampoo and conditioner to use for rebonded hair? Okay ba yung black keratin na nasa sachet? Or yung Icure shampoo & conditioner?
« Last Edit: March 06, 2017, 09:36:58 pm by blahblahblahxx »

marssie

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #430 on: March 30, 2017, 04:53:10 pm »
Hi mga sis, may naka try na ba dito ng Kerabond of David's Salon? I saw the metrodeal voucher. I badly need my hair fix pero parang ayaw ko na din magpa rebond.. my hair is super damaged na after more than 10 years of constant rebond. Any suggestions ng hindi naman super expensive pero quality hair treatment? Thanks!  :)

Hi Sis, any feedback about David's Kerabond?

pink_saphire

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #431 on: April 24, 2017, 07:25:23 am »
Hi mga siz😊😊

Ako rin plan ko mag pa rebond ulit, share ko Lang dito  last week of march lang Nagpa  Brazilian ako sa "Gem's Salon" very tempting kasi yung mga post nila sa FB, puro positive at ang Mura din naman imagine rebond with treatment promo 1k lang, pero pag andon na halos lahat ng gawa nila eh keratin Lang, ang daming tao kase dinadayo sila, but then pag narinig na nila na rebond ang gagawin Naku reject na agad. meron pa nga don galing sa malalayo, ayun ang ending lumalabas nalang sila ng salon na nasayang Lang ang time nila para dayuhin lang daw ng pagkalayo layo, nakakaawa yun ok Lang sana Kung malapit lang Sila.

Para pating dinedelete nila Kapag may negative comment, kase one time nung nagbabasa palang ako ng reviews meron na akong nakitang negative pero pagkatapos nadelete na yung comment.
For me kase dapat hindi na nila nilalagay na may rebond sila kasi pag dating na an sa salon eh puro ICURE Lang gagawin nila pampalubag loob nalang  yung hair color para pag nandon na Hindi na makakaalis. Talagang hindi na ako babalik nakakainis ang wavy pa naman ng hair ko, sana may tumanggap pa na salon sa hair ko kahit may kulay, kase gusto ko tlaga rebond ang hair.



jaymietv

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #432 on: April 29, 2017, 04:33:19 am »
Hello! I highly recommend my stylist, Ken. Sya naggugupit and nagrerebond ng hair ko since 2009 or 2010 ata. Sobrang galing nya, I promise. Dito ko sya nadiscover sa Girl Talk. Dati sya sa Soiree Salon (na closed na ngayon). Tapos may nagbukas na salon sa same location kung nasan ang Soiree dati, yung Hair Teknix. Lumipat sya dun. Then nagsara na din yung Hair Teknix so nung kailangan ko na magparebond nitong April, I texted him. Nagpupunta sya sa Lexxusa Salon sa P. Tuazon Cubao pag may client sya. Yung ibang clients nya sa bahay nya nagpupunta pag nagpapagawa sa kanya. Pero he told me nung nagparebond ako sa kanya just this week na may lilipatan na din daw syang ibang salon. Ginagawa pa ata yung salon, I think.

simplhizity

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #433 on: July 28, 2017, 02:34:17 am »
We are disappointed kami ng friend ko nung nagpagawa kami kay ruth. Sinama sama ko pa sya kasi bilib ako sa reviews pero napahiya ako sa naging result. Di kami both tinanggap for kerabond. She said super damaged daw buhok naman so brazilian lang ginawa nya samin. Sa friend ko with color. We understand if damaged yung hair namin sana kung hindi pwede color or any other service sana di na lang nya tinanggap diba. Kaya lang bb inoffer nya. Dapat lalambot pero it turned out worse. Damaged na nga yung lower part di pa nila binantayan ng ayos. Kaya sunog pareho ang buhok namin. Nakakadisappoint. Ang layo pa naman ng pinagmulan namin dinayo namin sya. Hinanap yung place sa tondo kahit di kami familiar and niligaw kami ng bongga ni waze nakakaloka. Pumasok pa kami sa loob yun pala di pwede sasakyan. Grabe nakakapangsisi. Pati yung leeg ko sumakit kasi yung banlawan nya ang taas tapos yung upuan mababa. Sumakit leeg ko dun. Tapos yung taga banlaw nya yata yung mil nya. Ok naman si mother pero syempre iba pa rin dapat kung may expert sya na staff kasi si mother is busy with her laundry. Kaya yung pang rinse na water na ginagamit nya is from the hose. Ang bongga nga eh. Then while nakababad yung hair namin tinulugan nila kami ng friend ko. Kaloka. Kaya siguro nasunog hair namin. Kahit hapdi na di namin sila matawag kasi out of sight sila yun pala nakahiga sila both. Dapat babalik kami after a month para sa bb para daw mabuhay ulit buhok namin pero sa layo at service nila i dont think it's worth it. Pagkabanlaw kita mo na agad yung damaged part. Tapos yung place pangmalakas lang ang loob. Nung pauwi na nga kami super kaba ko baka kung ano mangyari samin.wala kami maparkingan kaya yung car pinahanap ko ng mapaparkingan sa pure gold tayuman. Ang layo din kaya nung pauwi na kami kaya nag pedicab kami. Ang mahal maningil ng pedicab daig pa taxi. Anyway, wala na sila ruth sa tondo. Nakita ko sa fb nila lumipat na sila sa valenzuela. Buti naman pero yoko pa rin bumalik sa kanya kasi nung inupdate ko naging result ng keratin namin eh deadma lang sya. Oh well lesson learned naman. Kaya ngayon looking for new salon that is best for color treated damaged hair. We want to try mars salon but we are still looking for more reviews

kittypaw

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #434 on: July 28, 2017, 07:29:20 am »
^
Awts ang w0rse naman ng experience mo, thanks for sharing at i can save myself from the hassle.

Gum Ball

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #435 on: August 27, 2017, 12:27:31 am »
^^ Hala sis,Sorry to hear that.  medyo wala ka talaga aasahan sa kanila pagdating sa ambiance, attitude and ibang mga gamit, pareho tayo ng exp. sa banlawan nila and yung lugar sa tondo is pang malakas na loob nga lang talaga, so far okay naman ang mga gawa nya sakin, nka 4 na balik nko, 2x sa tondo 2x sa valenzuela. Mas okay lugar nila sa malanday may parking na nad maayos yung bahay.  medyo tagilid talaga sila sa Customer Service kaso sana di nila pinabayaan yung buhok nyo, pansin ko madalang sya magpost ngayon ng gawa nya. parang tumumal. balak ko pa naman bumalik next month for my Brazilian.

nocturnalnerd

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #436 on: August 28, 2017, 10:06:24 am »
Hi! Tanong lang, worth it ba magparebond sa david's salon? Sobrang mahal kasi compare sa ibang Salon, may plano kasi ako magparebond pero I want to try a salon na worth it talaga kahit kamahalan. Tingin nyo ano ba pinagkaiba nong rebonding nila sa ibang salon?

kobee04

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #437 on: September 24, 2017, 11:10:37 pm »
I just had my hair  colored rebonded then brazilian treatment.  So far so good. Satisfying naman yung result plus walang pagod kase home service. Yung stylist ang pumunta sa bahay to do my hair. You may check the outcome. Ill update this post pagnabanlawan ko na after 3 days.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=841227739391786&id=367538360094062

nettiebelle

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #438 on: November 28, 2017, 07:52:55 am »
First time ko magparebond and I'm very happy with the result. Actually it's called kerabond (keratin + rebond?) plus with hair color na din. From blackest black, naging brown buhok ko. Hindi ko akalain na tatablan pa ng kulay buhok ko. Saka super frizzy talaga ng buhok ko plus damage from too much heat at ilang taon na pagkukulay. Though pin straight kinalabasan, I'm loving it hehe first time naging ganto buhok ko. Plus smooth and silky, nashock ako kasi never ko inexpect magbabago pa buhok ko. I decided pala na magparebond since hindi na nadadaan sa pagpapaplansta buhok ko. Medyo kabado lang kasi sa friday ko iwa-wash, sana ganto parin kalabasan.

angel.of.mine

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #439 on: November 29, 2017, 02:28:07 am »
Before ako nagpunta sa house nila Ruth Pitre nag message muna ako para mag tanong ng presyo ng kerabond sabi niya 2k daw so kinabukasan dinayo ko pa siya sa may Tondo tapos nung andon na ako sabi niya super damaged na daw pala ng hair ko need daw ng treatment muna and i have to pay 3k daw lahat. Buti nalang kasama ko si bf sabi niya huwag nalang, uwi nalang daw kami.  ;D Sayang pagod at oras, lol

Tapos dito nalang ako sa may samin nagpa ayos ng hair (rebond+color+brazilian) 2k lang, ang laking tipid.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close