I smell jealousy. Frankly speaking, yep. You’re a harsh. Sa kwento mo pa lang, you seem really mad to your SIL, every act she did, you find it very annoying. You even said she’s poor and doesn’t have any talent at all.
Your wrong, you said na sipsip siya? Mind you that’s a talent. She is nice kamo pero plastic? well.. since I don’t know her so I’ll give her a benefit of the doubt. Maybe Center of attention din siya, pero wag ka na mag alala kasi sabi mo nga Maganda ka din naman. Kung plastic siya, that’s basically came from you but not from others =) Malay mo, just because you hate her so much that’s why you said things like that.
Anyway, bakit ba ang dami mong napupuna sa kanya? Halatang may galit ka sa tao? Kung hindi siya close saiyo ibig sabihin hindi ka approachable o baka naman kasi alam niya at nararamdaman niya na ayaw mo sa kanya kaya siya naiilang, ngayon kung plastikan din naman kayo hindi maganda iyan dahil SIL mo siya, dahil ba poor at maganda at she has nothing else to offer e mamaliitin na natin iyong tao pero nice naman? Kung magaling siya sumipsip edi sumipsip ka din? Kung hindi mo ugaling sumipsip,hindi na niya problema iyan, ikaw na ang may problema. Kung may sama ka ng loob magpakatotoo ka na lang at mag usap kayong dalawa dahil hindi matatapos iyan sis kung hindi kayo mag uusap at magiging lamat na iyan sa inyong dalawa. Sigurado kung may problema ka sa kanya, tiyak may problema din siya saiyo. Hindi lang siya makapag open.. pati ikaw dahil walang nag-i-initiate sa inyong dalawa, kaya hindi matatapos iyan.
I don’t know what exactly happened between you and her, but everything you said is all negative. I can feel your hatred towards her.
I can’t give you a proper advice because I don’t know what’s going on in your mind, maybe you find my post very irritating (maybe lang ha, assuming e lmao!) as you may think that perhaps I’m with her side. Nope, the thing is.. hindi ko kasi marinig ang side niya , hindi lang basta pwedeng ikaw ang pakinggan, dapat fair.
Next, iyong sinasabi mo na nasaktan ka dahil may nasabi siyang offending saiyo regarding sa wedding, that’s it!..maybe iyan ang nakapag pa add kaya nagalit ka sa kanya. Ang masasabi ko lang. Gawin mo kung anong gusto mong gawin sa wedding mo, huwag ka magpaapekto basta basta sa kung anong sasabihin niya, kung ako iyon sinabi ko na hindi ko gusto iyong sinabi niya. ikaw naman ang ikakasal at hindi siya. Ikaw at ang hubby mo ang masusunod dapat supporting na lang iyong iba.
Sis. Mag-usap na lang kayo, sabihin mo kung anong nararamdaman mo sa kanya, pero isa lang ang masasabi ko, kung ano man ang lumabas sa bibig mo, malamang masasaktan din ang kapatid mo sa sasabihin mo sa kanya kasi wife niya iyon, kaya hinay hinay din dahil makaapekto din ang relasyon mo sa kapatid mo. Kung mahirap man siya, walang dahilan para matahin mo siya at i-kompara mo sa kanya kung anong meron ka na wala siya dahil wala diyan ang problema nasa inyong dalawa mismo.
Kung ayaw mo makipag usap at lagi ka nagtitiis, hindi na ako magtataka kung next time bigla ka sumabog at magalit sa kanya kaya mabuting ayusin ninyo iyan kesa patagalin mo pa.
Its up to you if you’ll take my post offensive or not, anyhow Im just giving my opinion and harsh man o hindi mas mabuting magpakatotoo kesa naman magsabi ako ng kung ano anong side comment saiyo. Goodluck sa iyo and your SIL.