watch now

Author Topic: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap  (Read 26046 times)

cutemama

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #100 on: July 27, 2016, 11:26:32 am »
Kontra pala si Erap na bigyan ng emergency power si P. duterte.. Di na daw need ni pres. Duterte ng emergency power to solve the traffic.... hmmmm.. bakit kaya?

imyourangel

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #101 on: July 27, 2016, 04:18:34 pm »
Bakit ngayon lang nasolusyonan ang Divi at Blumentritt, ang tagal niya nakaupo. Hay. Kundi pa si Duterte ang nanalo.
I hope magtuloy tuloy.

cutemama

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #102 on: July 28, 2016, 08:34:02 am »
Wala kasi silang political will at sana hindi lang ningas-kugon ito, dati na pinapaalis mga yan tapos babalik din. ang ganda sana ng mga kalsada kung wala lang mga sidewalk vendors. kaya nagiging dugyot dahil sa kanila, ang baho pa, kasi xempre wala naman silang CR dun. nakakita ko ng isang tindera sa divi, sa lata pala sila umiihi.. maglalagay lang sila ng malaking palda tapos uupo sa lata and iihi..

Dapat din bombahan ng tubig na may sabon at ibrush yung kalsada sa mag blumentritt, quiapo, recto and divi.. buong Manila actually mabaho.

Evolet027

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #103 on: July 28, 2016, 06:09:03 pm »
Inalis na mga sidewalk vendors sa Avenida. Im not against the Muslims. Lilinawin ko lang.

Pero sila yung mga nagsipunta dito sa Manila, nagtayo ng tindahan sa Avenida at ginawa na din nilang bahay ang mga stall nila, dun sila luto, dumi, ligo. Sa gabi pag dadaan ka, sobrang kalat, gang umaga pagpasok mo ang kalat kalat. Mabuti ng inalis sila dun. Dahil hindi naman para pagbahayan nila ang Avenida, pugad pa ng mga snatchers mga kubol nila eh.

BDJ

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #104 on: August 02, 2016, 05:41:03 am »
Tagal nang inaksyunan ni Erap ang pag-aayos dyan sa Maynila. It happens lang na siempre unti unti dapat ang pag clear. Pinaplano pa rin yan.

cherrhys

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #105 on: August 02, 2016, 09:12:45 am »
^Which part of Manila are you from?  Kasi I'm really curious about you're observation na matagal ng inaayos ni Erap ang Maynila.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #106 on: August 02, 2016, 10:07:34 am »
I'm from Paco/U.N. Ave. area. Wala namang pagbabago mula nung naupo si Erap aside sa pagpintura ng orange sa ilang mga poste along U.N. Ave, Kalaw, J.Bocobo.. Mas lumala pa nga kasi nagkalat yung mga mga vendors dyan sa Pedro Gil na lalong nagpapatrapik at nagpapakalat bukod sa mga jeep na walang disiplina. Well, ngayon nalinis na. Nagpapasikat ata kay Duterte. Pero nung 1st term nya wala syang ginawa.

Paco Catholic School/San Ferndando De Dilao Parish - alma mater ko to at dito rin kami nagsisimba. Kay Atienza lang umayos yung area sa labas ng school at simbahan. Nung naupo si Lim unti-unting bumalik sa labas ng school/simbahan yung mga tiangge ng damit. Nung naupo si Erap lalong dumami. Parang ikaw pa yung mahihiyang dumaan eh. Feeling mo ikaw yung sagabal sa daanan.

cutemama

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #107 on: August 04, 2016, 12:31:46 am »
^true sis..  naalala ko before college ata ko nun dumaan kami jan sa may city hall, papunta kaming intramuros, papunta kami underpass kasi need tumawid..wala kami madaanan kasi puro sidewalk vendors, may parang kahoy silang lalagyanan din nakapatong lang sa stool.. sobrang dikit dikit konti na lang ang space hindi na makadaan ang tao. Kung sa dulo.pa.ko nakakatamad na maglakad kaya ang ginawa ko dumaan ako.sa pagitan ng mga tinda nila pero.ingat na ingat din ako.na hindi sila.masagi..

Tapos.sabi sakin nung tindera "miss pag nasagi mo yan pupulutin mo talaga yan".  Eh mainit ulo ko nun tsaka bata pa ko that time  kaya maiksi pasensya ko. Sinagot ko talaga si ate, sabi ko "bakit tindahan ba yan? Daanan to ng tao, di dapat kayo dito nagtitinda"  galit na galit sakin yung tindera buti hindi ako sinabunutan hahah sabi sakin "siguro anak mayaman ka, hindi mo naranasan maghirap".

Ang sakin naman sige mag tinda kayo dun pero wag naman yung dikit dikit na wala ng madaanan yung mga tao. Tapos pag nasagi tinda nila sila.pa galit eh sila nga tong nakaharang sa daanan.. yung mga tao pa ang mag aadjust sa kanila.

Evolet027

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #108 on: August 04, 2016, 12:56:28 am »
True sis! Yung mga nagtitinda Muslims sa Avenida, kukulit. Gang ngayon andun pa rin, tinaggal na yung mga kubol nila pero mga paninda nila naka hambalang pa rin. As in, ene  baaaaa??? Sana bigyan na lang sila ng pngka buhayan showcase ng gobyerno at bumalik na lang sa probinsya nila. Nagpipilit kasi sila sumiksik dito sa Manila mga No permanent address naman. Buti nga wala na ko masyado nakikitang Badjao na nanlilimos dito. Racist na comment na to pero grabe sila. Manlilimos tapos pag di mo binigyan duduraan ka or meron pa yug basag na bote na ipapanakot sayo. Tapos what I know, gino groggy nila sa drugs yung mga babies nila so maghapon tulog ang babies at karag karag nila sa panlilimos. Pag nakakakita ako ng Badjao umiiwas na lang ako. Tamad, ke lalaki ng mga katawan asa sa panlilimos. Imagine naman kung araw araw mo bibigyan, para ka ng nag aallowance para sa kanila. Kinunsinte mo pa panlilimos nila. Sorry kunng mejo nag rarant ako about Badjaos, bad lang talaga experience ko sa kanila and basta I hear Badjao mainit na ulo ko. I dont like them. Trauma yata ito.
« Last Edit: August 04, 2016, 12:59:59 am by Evolet027 »

imyourangel

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #109 on: August 04, 2016, 06:45:39 pm »
^^Buti naman sis at hindi ka binanatan, haha! Minsan scary yang mga yan at syempre magkakakampi silang mga tindero't tindera doon.
Ang kakapal ng mukha rin talaga e no, sila na nga yung nakakaabala sa tao. Hindi porket naghihirap ka you have a ticket na to make your own stall na nakabalandra sa daanan.
 

cutemama

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #110 on: August 05, 2016, 12:01:15 pm »
^ Oo nga sis eh,, natakot din ako nun hahaahh binilisan ko na lang lakad ko.. Nagulat din ako at nasabi ko yun haah, nag init lang kasi ulo ko dun sa pagkakasabi ni ate na parang kasalanan ko pa, at pupulutin ko daw yung paninda niya.  hindi niya ko sinaktan nagtata-talak lang siya dun.. natakot din siguro siya saktan ako kasi katabi yun ng cityhall, xempre mag rereklamo ako nun, baka yun pa ang maging ugat na paalisin sila dun.

imyourangel

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #111 on: August 05, 2016, 06:38:22 pm »
^Haha! Nakakainit nga naman kasi talaga ng ulo yun pag ganun.
San ba yun sis? Yung underpass sa mismong city hall ba?

cutemama

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #112 on: August 05, 2016, 09:15:54 pm »
^yup.sis dun sa underpass sa may city hall..  yung papuntang intramuros.. pero yung mga tindera wala sila sa underpass.. dun sila.sa.labas ng underpass sa may cityhall.mismo.. tabi tabi sila dun.. ewan ko lang kung andun pa rin sila gang ngayon.. matagal na rin kasi ako hindi napapadpad dun.

shygirlme

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #113 on: August 06, 2016, 06:05:30 am »
nagpaparty sya kagabi ah? anniv ng pagiging pulitiko nya. haha!

BDJ

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #114 on: August 16, 2016, 08:56:01 am »
^Haha! Nakakainit nga naman kasi talaga ng ulo yun pag ganun.
San ba yun sis? Yung underpass sa mismong city hall ba?

^ Oo nga sis eh,, natakot din ako nun hahaahh binilisan ko na lang lakad ko.. Nagulat din ako at nasabi ko yun haah, nag init lang kasi ulo ko dun sa pagkakasabi ni ate na parang kasalanan ko pa, at pupulutin ko daw yung paninda niya.  hindi niya ko sinaktan nagtata-talak lang siya dun.. natakot din siguro siya saktan ako kasi katabi yun ng cityhall, xempre mag rereklamo ako nun, baka yun pa ang maging ugat na paalisin sila dun.

As you claim na may pinag-aralan ka o mayaman pa sabihin na natin angat sa kanila dapat hindi mo na pinatulan kundi wala ka na rin pinagkaiba sa kanila  ??? Alam mo naman ang iba sa mga mahihirap mga mararamdamin rin yan. Dapat mas ikaw ang nakakaintindi sa kanila

cutemama

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #115 on: August 16, 2016, 10:05:50 am »
^ sorry sis pero kung nabasa mo yung post ko wala ko sinabing mayaman ako,. si ate tindera ang nagsabi nun.  tska nakalagay naman sa post ko  na bata pa ko that time kaya maiksi pasensya ko and nagulat din ako sa ginawa ko.


inugracia

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #116 on: August 19, 2016, 06:46:31 pm »
Para kasi last na ni Erap bilang Public Servant yung Manila... alam mo naman tumatanda na s'ya.

I wonder kung ano ang sitwasyon ngayon ng Manila kung si Bagatsing ang nanalo.

Kay Lim lang ako medyo natuwa dahil sa mga hospital at clinics na napatayo nya yun nga lang yung mga sidewalk vendors dumami.

Evolet027

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #117 on: August 19, 2016, 08:51:29 pm »
Linis na ng raon at carriedo ngayon at avenida! Oh yeah! Ganda tingnan! Walang mga kalat. :p

cutemama

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #118 on: August 19, 2016, 09:48:46 pm »
Oo nga sis kita ko sa news.. good job kay erap. Kahit late na atleast kumikilos pa rin. Sana tuloy tuloy na.. yung blumentrit nagulat asawa ko.ang luwag na daw, pwede na dumaan sasakyan.

Sana yung ibang city gumaya na rin.

Evolet027

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #119 on: August 19, 2016, 10:17:59 pm »
Gusto ko na din magpunta ng divi, tingnan ko kung maluwag na talaga. Yung mga tiangge sa may cariedo lrt yung sa tapat ng plaza fair, nawala na din. Ganda lang tingnan hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close