watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes? (Thread 2)  (Read 135360 times)

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #460 on: November 19, 2014, 04:46:52 pm »
Isa pa yan sinabi din nila sa amin na pwede kame pumili ng pintura na gusto namin ipalagay pero nagulat ako na pinturado na yung bahay terrace na lang ang wala. Sabi ko sa contractor bakit hindi man lang kami pinapili eh usapan namin pwede kame mamili sabi wala naman daw ibang kulay sa carmela iisa lang daw ang kulay ng lahat ng model. Dun pa lang sablay na talaga.

Nakapili at napinturahan na yung amin. Tapos 1week after, pinalitan. Naglabas daw kasi ng memo sa camella na iisang kulay lang ang carmela. Nireklamo namin. Ginatungan pa ng asawa ko na ayaw ko daw ng yellow at isa sa factor kung bakit sa camella kami bumili. Hahaha.

Sabi mo preselling pa lang sila ng kinuha niyo yung unit ninyo ganun din naman sa amin pero bakit yung sa inyo ok na yung sa bank loan bakit sa amin wala pa din.

Kung malinaw na sila ang may problema, mas may karapatan kayo i-hold yung payment. Sis, pwede mo nga pala i-check sa hlurb kung may license to sell na sila. Kung wala pa, banggitin mo yun sa kanila at takutin mo na rin na magrereklamo ka sa kinauukulan. :D

Yung sa butas ng aircon, hindi na muna namin pinalagay. Kulang din sa budget eh. Kaya pinilit ko rin si hubby magpalagay kami ng insulator/insulation foam para at least ma-lessen yung init pag summer. Antipolo naman kami sis kaya pag tapos ng summer, malamig na. :)

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #461 on: November 19, 2014, 09:23:45 pm »

Plan ko na nga iyan hintayin ko lang na makauwi ang asawa ko this december at siya naman ang palalakarin ko sobra akong na stress na sa kanila kasi pabalik balik ako sa bank at sa kanila para sana lakarin yung bank loan namin pero napunta lang sa wala. Ang ending tuloy na bed rest ako sa sobrang stress at pagkainis sa kanila.

Pero magkano yung price sa inyo pag nagpabutas kayo? Buti pa sa lugar ninyo malamig sa amin hindi lalo na ngayon magkaka baby kame ulit kawawa pag summer pag walang aircon.

At saka nga pala sis may bakod na ba kayo? Magkano yung pagawa ninyo sa bakod? Binigyan kame ng estimated price ng contractor na 60-70k. 50k naman sa floor tiles taas at baba na daw yun. Sa inyo ba magkano ang inabot?

Pasensiya na madaming tanong. Thanks!

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #462 on: November 20, 2014, 08:15:44 am »
Pero magkano yung price sa inyo pag nagpabutas kayo? Buti pa sa lugar ninyo malamig sa amin hindi lalo na ngayon magkaka baby kame ulit kawawa pag summer pag walang aircon.

At saka nga pala sis may bakod na ba kayo? Magkano yung pagawa ninyo sa bakod? Binigyan kame ng estimated price ng contractor na 60-70k. 50k naman sa floor tiles taas at baba na daw yun. Sa inyo ba magkano ang inabot?

5k yung quote sa amin per butas. (OT) Sis kung ako sayo, invest ka na lang sa inverter aircon. Kunin mo ng installment. For longterm purposes na rin. Malaki ang difference nya sa electricity bill nyo.

Wala pa kaming bakod eh but I think reasonable na yung binigay sa inyo. Depende din kasi sa laki ng lot nyo. Yung floor tiles, kasama na sya sa bahay nung naturnover sa amin.

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #463 on: November 20, 2014, 11:50:41 am »
5k yung quote sa amin per butas. (OT) Sis kung ako sayo, invest ka na lang sa inverter aircon. Kunin mo ng installment. For longterm purposes na rin. Malaki ang difference nya sa electricity bill nyo.

Wala pa kaming bakod eh but I think reasonable na yung binigay sa inyo. Depende din kasi sa laki ng lot nyo. Yung floor tiles, kasama na sya sa bahay nung naturnover sa amin.

Isa yan sa pinag iisipan namin ni hubby ko kaya lang kasi sayang naman yung aircon ko kung hindi namin gagamitin. And nabasa ko dito din sa thread na to na hindi ina advice ng ibang sissies ang split type aircon pag sa kwarto lang hindi daw sulit? Advisable lang siya pag sa sala lang pero pag sa room hindi daw. Yun yung tanda ko sa nabasa ko.

Buti pa sa inyo kasama tiles sa amin wala pang tiles kami pa ang magpapakabit sa tiles namin. Yung presyo ng bahay nilang yun wala pang tiles yun.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #464 on: November 20, 2014, 11:55:38 am »
Depende din nga siguro sis. May tinanggal kasi kaming 1 room para maluwag yung master's bedroom. Check mo rin sa mga appliance store baka may capacity for small rooms. Nanghihinayang lang din talaga ako sa malaking bills kung pwede naman matipid thru investing. :D

Pano yun? Walang freebie? Di ba usually naman may mga offers sila?

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #465 on: November 20, 2014, 03:16:56 pm »
Ahh sa amin kasi stay pa din na 3 rooms 3 na kasi bulilit namin so need namin ng extra room talaga para sa playroom nila. Pero maganda din yung advice mo isuggest ko din kay hubby yan.

Uso ba freebies sa kanila? Haha. Walang freebies sa amin. Kahit na ano wala. Nag message ako sa agent na nakausap ko ng nag apply kami nun for the unit sinabi ko din yung mga sinabi mo sa akin. Nagulat na lang ako na siya pala ang manager at hindi agent haha! Gusto niya kame mag meet up para iexplain sa akin yung concerns ko pero naka bed rest kasi ako ask ko siya kung pwede siya pumunta na lang mismo dito sa bahay sabi niya ittry daw niya. Hopefully maayos na yung concerns ko. Thanks sis sa napakalaking help na nagawa mo. :-)

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #466 on: November 20, 2014, 04:30:04 pm »
No problem sis. As long as makakatulong para hindi na maexperience ng iba pang buyers yung bad sides ng camella, share lang ng share. :)

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #467 on: November 21, 2014, 09:05:24 pm »
Naku sis negative yung naging usapan namin ng manager ng camella. Naalala ko yung sinabi mo na bawal sila mag inhouse financing hanggat wala pa nagrereject na bank right. Ask ko sila kung ano yung bank interim na sinasabi nila. Kung sa bank yun anung bank kako walang maisagot sa akin! Alam ko na inhouse financing din nila yun iniba lang ng term para di magmukang illegal. Sabi ko bigyan niyo ako ng reason bakit july 2015 pa yung bank loan release niyo ok na daw ang papers nila bank na lang daw ang hinihintay grabe 1 year ba pag nag hintay ng approval sa bank? Pinasa na daw nila ang application namin sa mga accredited bank nila sabi ko bakit hanggang ngayon walang bank ang tumatawag sa akin? Wala akong form for loan? Ni hindi ko alam kung anong bank ang pinag pasahan ninyo. 5 months na ang lumipas pero ni walang feedback sa akin yung bank.

Sa moving in july din daw kasi yung memo daw na binigay sa kuryente july pa daw. Naloloka ako kahapon sa usapan namin. Para 4 months lang naman daw ang delayed nila sa usapan namin. Sabi ko sana sinabi nila ng maaga pa sa amin na 3 years pa pala bago mapapakinabangan yung bahay na binebenta nila para sa iba na kami kumuha. Pinag babayad nila kame ng malaking interest sa wala naman kaming napapakinabangan pa. Sakit sa ulo ang camella balanga sa bataan. Sa mga sissies dito na tiga bataan. Isip muna at pag aralan ng madaming beses bago kumuha ng mga pre selling na bahay ng camella.

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #468 on: November 21, 2014, 11:56:04 pm »
hi sis Chrischeliahxine, napa backread ako sa post mo. grabe naman sila based sa contract diba if di maaapprove sa bank saka lang mag inhouse financing. sa amin kasi inabot pa ng 2 months bago naloan release kasi may kulang na papers ang camella sjdm. pero since delay nila yun wala kaming binayaran na kahit ano sa kanila. 5 banks pa nga tumawag sa amin so nakapag haggle pa kami sa interest rates. plus yung bank pa ang nagsabing wala kaming dapat bayaran sa camella. yung kuryente naman upon loan release 1 month to 1 1/2 lang nakabitan na kami kasi ginegera ko talaga sila pati tubig. naalala ko dati nung di nila kami pinapayagang mag install ng insulator sinabihan ko sila na daaanin na lang namin sa legal kasi mas madami silang di sinunod sa contract. lahat kasi ng SPA ko pina photocopy ko after manotaryo at bago ko ibalik sa kanila. sa dami ng stress na ginawa at perang nasayang nyo sa rent dapat mag compensate sila. i-point out mo lahat ng mga di nila nasunod sa mga pinirmahan nyo.

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #469 on: November 22, 2014, 10:00:56 pm »
@ angellouise

Naku sis sobrang stress na nga ako. Pinag didiinan nila sa akin na hindi nila kasalanan yung pagka delay kasi yung munisipyo daw at yung penelco (same ng meralco sa manila) ang reason ng pagka delayed. Yung permit daw nila kasi is by july 2015 pa daw marerelease. Ganun ba talaga katagal? Abot ng 1 year? Kaya ng nanghihingi ako ng compensation sa kanila dahil sa delayed nila hindi daw nila kasalanan yun kaya walang compensation na magaganap.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #470 on: November 24, 2014, 08:35:58 am »
@ angellouise

Naku sis sobrang stress na nga ako. Pinag didiinan nila sa akin na hindi nila kasalanan yung pagka delay kasi yung munisipyo daw at yung penelco (same ng meralco sa manila) ang reason ng pagka delayed. Yung permit daw nila kasi is by july 2015 pa daw marerelease. Ganun ba talaga katagal? Abot ng 1 year? Kaya ng nanghihingi ako ng compensation sa kanila dahil sa delayed nila hindi daw nila kasalanan yun kaya walang compensation na magaganap.

Ang ending? Papabayadin ka pa rin nila through inhouse financing?

Sis, sa totoo lang hindi talaga allowed ang pre-selling. Dapat alam nial yun. Hindi nila daw alam pero nagbebenta sila ng bahay na hindi pa pala pwedeng tirhan? Sis, if time permits you to do so, basahin mo yung P.D. 957. Natanong mo ba sis kung may license to sell na sila? Sabihin mo pwede mo sila ireklamo sa hlurb.

mizpah_karylle

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #471 on: November 25, 2014, 09:30:57 am »
hi sexydee,

more information please for the HOA. this week, i-turn-over na kasi sa amin ang property and we are advised to pay the HOA kahit hinde pa kami nakakalipat.

thanks.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #472 on: November 25, 2014, 10:54:59 am »
hi sexydee,

more information please for the HOA. this week, i-turn-over na kasi sa amin ang property and we are advised to pay the HOA kahit hinde pa kami nakakalipat.

thanks.

Wala pa rin ako balita sis kung registered na yung HOA which can be the basis for them to collect from us. Ask them kung registered na, if not, don't pay. Pero feeling ko they'll have their reason para mapilitan ka makapagbayad. Just know your rights para alam mo kung pano ka dedepensa sa kanila. ;)

mizpah_karylle

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #473 on: November 28, 2014, 10:17:46 am »
@sexydee,

hi sis, had the turn-over yesterday. mabuti at hinde muna kami magbabayad ng hoa. pabago-bago sila ng statement, pero at least in our advantage. 7 days prior to move-in na daw payment.

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #474 on: November 28, 2014, 10:48:37 pm »
@sexydee

Hi sis, napahinga ako sa pagtatanong nag premature labor kasi ako need to stay sa hospital for a few days sa sobrang stress sa kanila.

Thanks sa link na binigay mo very informative though hindi ko pa nababasa lahat kasi ayaw akong ma stress ng hubby ko pa ng lalo. Ask ko lang sis pag pre selling ba automatic na need nila ng license to sell agad nun or pwedeng wala muna? Thanks.

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #475 on: November 29, 2014, 09:39:12 am »
Question po mga sis regarding sa amilyar? Pano ba ang sistema sa pagbabayad nun? Pano ko din po malalaman kung magkano ang babayaran ko? Pano din po ang scheduling ng pagbabayad. Thanks in advance mga sis!

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #476 on: November 29, 2014, 06:30:24 pm »
Sis regarding amilyar check mo muna kung natransfer na sa name nyo ang lupa, pwede ka hingi ng copy ng title sa camella office. Kung hindi pa nalipat, ang burden ng pagbayad ng tax is still under camella since kailangan yong tax clearance before malipat ang title sa name ng buyer at kasama yon sa miscellaneous fee na binayaran natin.

Kung nalipat na, punta ka sa assessor's office sa munisipyo at sila bigay computation how much ang amilyar nyo. Alam ko pwd ka magbayad ng annual, semi annual or quarterly.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #477 on: December 01, 2014, 08:22:53 am »
@sexydee,

hi sis, had the turn-over yesterday. mabuti at hinde muna kami magbabayad ng hoa. pabago-bago sila ng statement, pero at least in our advantage. 7 days prior to move-in na daw payment.

Ano sabi nila sayo sis? Registered na ba HOA natin? Do you have the contact number of our project manager?

Ask ko lang sis pag pre selling ba automatic na need nila ng license to sell agad nun or pwedeng wala muna? Thanks.

Ang alam ko lang sis, legally, they can sell pag may license to sell. Siguro naman bago sila makakuha non, may mga kailangan silang i-comply/i-submit na requirements sa hlurb.

Thanks for the info sis GABJUMZ. Malabo rin pala kami magbayad ng amilyar next year. Alam ko hanggang ngayon mother title pa rin ang hawak ni Camella. :(

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #478 on: December 02, 2014, 02:48:37 pm »
Thanks sis Gabjumz sa info, nakahingi na ko ng copy ng title pero di pa samin nakapangalan on process na daw yung paglipat ng name ng title. Bale hanggat di pa nalilipat samin yung titolo di parin kami ang magbabayad tama?

Sis Gabjumz, isa pa pong question kasi last November nag-expire yung fire insurance namin, pano po magrenew? May idea ka po? TIA!

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #479 on: December 03, 2014, 09:52:52 pm »
Yes sis Incheng, sila pa ang liable sa real property tax till such time na nalipat na sya sa nyo.

Saang bank under ang loan nyo? Magpunta ka lang sa nearest branch ng bank at dalhin mo copy ng insurance policy sis at magbayad ka lang sa kanila, sila na bahala.

Sis Chrischeliahxine, usually ang interim bank financing sa camella is 8%. How much ba ang loan amount mo at ang ilang years ang terms ng loan. Minsan kasi kapag mataas masyado ang loan nyo at mahaba ang term, kahit pa bank or interim financing ay talagang malaki ang interest particularly during the first few years, as in halos 3/4 ay sa interest talaga mapupunta. Send me pm, bigyan kita ng sample computation. I made an amortization table for our housing loan. OT:  ingat kayo ni baby mo. Nakadalawang premature labor ako before sa eldest ko plus placenta previa totalis pa. Bed rest lang at iwasan ang ma stress and talk to your baby, it will help a lot and paglabas nya, you will notice na magiging sobrang close sya sayo. :)

Latest Stories

Load More Stories
Close