Sis may laban ba kame pag ganun? I mean wala kasi kaming idea kung paano yung kalakaran sa ganyan. Basta after namin ma complete yung 15 months na downpayment namin diretso agad kame sa bank interim amortization na tinatawag nila at for 1 year agad yun ha. Sabi nila yun na daw ang may pinaka mababang interest nila compared daw sa in house financing nila. Mababa na ba ang 10% grabe. Malulunok pa sana namin yun kung nakatira na kame sa bahay eh ang kaso hindi. Nagrerent pa din ako. Doble ang binabayadan ko. Pina early approval lang daw nila kame sa bank para malaman kung magkanu yung maaapprove na loan sa amin pero next year pa din ang loan release ng bank sa kanila. Malayong malayo sa naging usapan namin ng sinusuyo pa lang nila kame na kumuha ng bahay sa kanila na in the 1st place pina clear ko sa kanila talaga bago ako pumirma kung gaano katagal ang approval ng bank nila dahil ayoko sa rate ng in house financing nila. Ang mali ko lang verbal lang yun at wala pala sa mga papers na pinirmahan ko.
In case ba na ilapit ko siya sa HLURB may actions ba kame na makukuha? Sorry sis pero wala kasi kaming idea kung paano ang patakaran sa ganyan. Natatakot kasi ako baka mapahiya lang kami at magpagod lalo na bataan area pa kame. Thanks!
Ano ba yung bank interim? Ngayon ko lang kasi narinig yun. Yung 10% sample computation sa amin ng Camella dati (for bank loan), almost the same sa actual dahil sa MRI. So conservative naman yung pinepresent nila. Magkakaiba ba yung bank interim at bank loan? Pero alam ko, worst case na yung ma-inhouse financing ka. Talong-talo ka don.
With regards to HLURB, di ko alam kung paano ang kalakaran nila. Pero yun yung best option, I think, kung hindi mo sila mapakiusapan. We try to settle first kasi to Camella. Pahirapan nga lang saka we state sometimes na nabasa namin sa ganito, sa ganyan.. (hangga't maaari may legal basis). Like yung sa hlurb, kami nga lang ata ang nagmention sa kanila non. From then on, hindi pa nila kami nasingil sa hoa membership and dues dahil ang alam ko, up to now hindi pa registered yung HOA namin.
When we bought the house in October 2012 (preselling), agents told us makakalipat na kami by Dec. 2013, June 2013 start of construction daw. Come June, wala pang nasisimulan. Until inabot ng July 2013 (late daw awarding sa contractor), doon lang namin nalaman na 5-6 months ang allowance ng contractors para matapos yung bahay (per admin). So we are expecting Dec. 2013-Jan. 2014 tapos na yung bahay. Pabalik-balik kami and we observed na may months na totally wala silang gawa, as if sinasagad nila yung 6months. Nung malapit na matapos, nagulat na naman kami at meron pa palang move-in application na tatakbo for 60days before kami makalipat. We accepted it. Wala na kaming magawa on our part. Walang documentation para sa mga events na yun. Then nung sa move-in application, ayun, may pirmahan na. March 8 dapat makalipat na kami. Ready na dapat yung tubig at kuryente. Yun yung purpose daw ng "60days." Pero March 8 na, hindi pa ginagawa ni contractor yung mga finishing touches. As in mga paayos namin, mga puna, final paint, tiles, etc. nagtagal lalo. We told the Engineering Department na ang usapan, March 8. Malapit na mag-April at hindi pa kami makakalipat dahil pati tubig at kuryente hindi pa pala handa. We demanded a something to compensate the damages - naging free yung window screens namin. Damages for the reason na magdodoble ang gastos namin (rent and bayad sa bank), tapos di pa kami makakalipat? They provided as water supply through deep well water delivery at sila na rin naglagay ng water tank. Yung electricity, naka-tap kami sa model houses nila. Marami pang pangyayari di ko na mabilang at marami na rin doon ang pinalampas namin (as in minor naman).
Depende kung paano mo i-handle yung problema nyo and paano nyo ire-raise yung issue. Research research para madali kung saan pwede magrefer. Mas maganda kung may legal basis. Sana makatulong yung experience namin. Lakasan lang ng loob, kung wala ka talagang pinanghahawakang basehan, mahirap dumepensa.
P.S. Yung sa move-in application, pipirma ka. May naka-state don something like "you are accepting to pay the HOA membership and monthly dues for the..." Pero ever since sinabi namin hindi kami magbabayad, never nila kami binalikan sa pinirmahan namin. The reason may be either hindi din mismo nabasa ng mga taga-Camella yung papel nila or dahil as per law, the are doing something illegal.