watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes? (Thread 2)  (Read 135613 times)

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #440 on: October 31, 2014, 07:27:50 am »
Goodmorning mga sis!

Hayyy may prob po ako sa Prime Water. Nagulat po kasi kami nung dumating water bill namin last moth, umabot po ng 4,000+ yung bill namin (including 350 HOA fee) nakaindicate po doon na 79cu.m ang consumption namin. Ang average consumption po namin is 10-19cu.m monthly. 3 adults and 1 kid lang kami sa bahay. Tumawag ako sa Prime Water to report kasi imposibleng umabot kami 79cu.m kasi 4 lang kami sa bahay, may salbabita anak ko sa bahay pero wala kaming swimming pool at hindi kami yung may ari ng clubhouse. Nagconduct ng leak test and meter test. Nakakaloka lang na ok ang result ng meter test at leak test which means kelangan naming bayaran yung 4,000+ na bill regardless kung saan napunta yung tubig.

Ang sama ng loob ko mga sis  :'( , ok lang sa akin na bayaran ko yun kung alam kong nagamit ko manlang yung tubig pero hindi talaga. Sabi nung nagmetertest baka sa flush sa CR daw, eh hello naman naka-off lahat ng flush namin sa bahay kc tabo-tabo lang ginagamit nmin dahil mas maaksaya sa tubig pagflush lagi and pagsaturday sunday di nga makaakyat ang tubig sa 2/f dahil mahina pressure kasi maraming gumagamit ng water ng ganung araw.

Di ko po alam kung anong gagawin ko, ayoko po sana bayaran yun kaso kami naman po mawawalan ng tubig  :'( Need your advise mga sis.

cutie_26

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #441 on: October 31, 2014, 01:53:54 pm »
Hi mga sis, sino dito ang mga kumuha na ng house sa Montego? :)

mizpah_karylle

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #442 on: November 04, 2014, 12:30:40 pm »
madami na tayo dito sis, i think 5 are montego homeowners.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #443 on: November 04, 2014, 02:18:49 pm »
Hayyy may prob po ako sa Prime Water. Nagulat po kasi kami nung dumating water bill namin last moth, umabot po ng 4,000+ yung bill namin (including 350 HOA fee) nakaindicate po doon na 79cu.m ang consumption namin. Ang average consumption po namin is 10-19cu.m monthly. 3 adults and 1 kid lang kami sa bahay. Tumawag ako sa Prime Water to report kasi imposibleng umabot kami 79cu.m kasi 4 lang kami sa bahay, may salbabita anak ko sa bahay pero wala kaming swimming pool at hindi kami yung may ari ng clubhouse. Nagconduct ng leak test and meter test. Nakakaloka lang na ok ang result ng meter test at leak test which means kelangan naming bayaran yung 4,000+ na bill regardless kung saan napunta yung tubig.

Hi sis, nakakalungkot nga yan. Anyway, tama ba yung meter reading nyo? Baka naman may nakikigamit din ng tubig nyo. Saka try mo i-off lahat ng gripo nyo saka mo icheck kung umiikot yung metro. Pag umiikot, may leak nga na hindi nadedetect ng leak test nila.

Hi mga sis, sino dito ang mga kumuha na ng house sa Montego? :)
madami na tayo dito sis, i think 5 are montego homeowners.
Korek mga sis, 5 na tayo sa montego. :D Anong block mo cutie_26?
« Last Edit: November 12, 2014, 08:34:31 am by sexydee »

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #444 on: November 04, 2014, 05:49:53 pm »
Sis @sexydee, natry na namin yun off lahat ng gripo hindi naman umiikot yung metro kaya nagtataka talaga ko.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #445 on: November 05, 2014, 12:07:03 pm »
Sis @sexydee, natry na namin yun off lahat ng gripo hindi naman umiikot yung metro kaya nagtataka talaga ko.

yung 79 cu.m, for 1 month lang? Check mo na lang yung previous reading at yung current reading nyo. Para malaman mo kung paano sana nacompute yung 79cu.m.

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #446 on: November 08, 2014, 07:19:44 am »
Sis @sexydee, tama computation nila. Chineck narin namin yun pagkadating na pagkadating ng bill, chineck narin ng HOA president ganun talaga. Ang hinala ko dito biglang nagfastmoving meter namin. Nakausap ko na ulet primewater binigyan kami 6months monitoring period para malaman kung nagloloko nga talaga metro namin. After 6month pa malalaman kung papabayaran talaga samin yung bill. Yup sis 1month lang yun ang OA talaga.

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #447 on: November 09, 2014, 02:00:25 am »
Hi mga sis just new here gusto ko lang malaman kung may naging problem din ba kayo ng katulad sa amin. Kumuha kame ng unit sa camella bataan last march 2013 hinulugan namin yung down payments for 15 months and then after that nag start na agad yung contruction ng bahay. The problem is after 15 months sabi nila ipapasok na daw nila yung accounts namin for bank financing loan nanghingi na sila ng mga papers na needed at kung ano ano pa na binigay naman namin ng kumpleto agad and then binigyan nila kame ng computation ng babayaran na shock ako na 18k ang interest nila sa amin monthly nagtanung ako bakit ganun kalaki sabi nila under pa kame ng financing nila habang wala pang approval sa bank so hindi muna kame kumibo 3 months later bumalik ako tinanong ko kung kamusta na yung bank loan namin bakit ni wala kameng na fill up na application man lang kesyo matagal daw ang rcbc kasi nagpalit ng management  sa inis ko nilapit ko sa chinabank yung bank loan dun ko natuklasan na kahit pala ipasok ko sa kahit na anong banking loan yung account namin hindi pa din maaaprove kasi nasa camella yung problema yung papers na need para sa banking loan by july 2015 pa daw maaayos ng camella. Imagine 1 year kameng magbabayad ng 18k na interest sa kanila ang masaklap pa dun tapos na yung bahay nitong october pa pero hindi pa din pwedeng lipatan by july 2015 pa pwede kasi pina process pa daw ang linya ng kuryente at tubig. Sabi nila after ng construction ng bahay may 60 days na under observation yung bahay for warranty purposes bago iturn over. Dapat by january or early february iturn over na nila pero july pa din daw kesyo wala pang linya ng kuryente. Sobrang disappointed kame ng asawa ko. 18k ang interest na babayaran namin sa kanila for 1 year na ni hindi man lang namin natitirhan pa yung bahay. Gusto  kong malaman wala bang legal action na pwedeng gawin dun? Parang ninanakawan nila kame ng harapan. Wala ba kameng laban sa ganun. Pls mga sis sana mabigyan niyo ako ng advice. Thanks!

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #448 on: November 11, 2014, 06:55:48 pm »
Iyon na nga sis 5 months na lumipas since ng matapos yung DP namin pero floating daw yung application namin sa bank financing kasi yung papers na need ng bank para ma process yung loan namin hindi pa din binibigay ni camella. Kaya wala kameng choice kundi pumayag kay camella  na under kame sa financing nila which is 10% interest. Sa 24k na monthly na binabayad namin sa kanila 18k ang interest nila at 5k lang ang mababawas sa principal balance namin. Pwede bang istop muna namin ang pagbabayad sa kanila hanggat wala pa yung approval ng bank financing namin? Lagi wala yung account officer namin pag pumupunta ako sa office nila naiinis na nga ako.

mizpah_karylle

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #449 on: November 16, 2014, 03:03:46 pm »
@sexydee: sis, ngayon lang ulet nakapag-online. Hinde pa ako allowed magreply sa pm.

meron pang turn-over period of 2-3 week + 60 days move-in. dami nilang ine-exclude sa discussions during pre-availment of the property. Plus pa hoa during turn-over period pa lang.3 months ka ng nagbabayad ng hoa bago ma-tirahan.

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #450 on: November 16, 2014, 09:45:44 pm »
Iyon na nga sis 5 months na lumipas since ng matapos yung DP namin pero floating daw yung application namin sa bank financing kasi yung papers na need ng bank para ma process yung loan namin hindi pa din binibigay ni camella. Kaya wala kameng choice kundi pumayag kay camella  na under kame sa financing nila which is 10% interest. Sa 24k na monthly na binabayad namin sa kanila 18k ang interest nila at 5k lang ang mababawas sa principal balance namin. Pwede bang istop muna namin ang pagbabayad sa kanila hanggat wala pa yung approval ng bank financing namin? Lagi wala yung account officer namin pag pumupunta ako sa office nila naiinis na nga ako.

Bakit sis, ano ba specifically ang papers na pending ng camella at by July 2015 pa sila pwede mareleasan ng loan ng bank???? Saka ano na status ng house nyo? Na turnover na ba ang sa inyo?

Paki check mo pati ang contract to sell sis, hindi ko matandaan pero parang during the downpayment may pinapipirmahan ang camella eh, my computation sya na kung hindi maapproved ng bank ang loan nyo ay mapipilitan kayo na mag in house financing BUT parang hindi sya right after ng downpayment kundi 1 YEAR AFTER NG DP at hindi pa rin naapproved ng kahit anong bank saka pa lang kayo required mag in house financing. Pakicheck mo sis, di ako masyado sure saka baka may provisions sya na pwede mong gamitin para mag stop kayo ng payment lalo na kung hindi pa na turnover ang house sa inyo. 

simpleemie

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #451 on: November 17, 2014, 10:28:30 pm »
yes, its 1 year after ng DP bago maging in house.

musta mga montego dito?  :)

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #452 on: November 18, 2014, 08:33:21 am »
Montego neighbors, hindi pa po kami nagbabayad ng HOA membership and monthly dues. March pa kami nakalipat. FYI. :) pero nakausap ko mga malalapit sa bahay namin, lahat sila nagbayad na. Pero yung mga hindi pa nakakabayad, you might want to exercise your right not paying for it since hindi pa registered yung HOA sa hlurb (As far as I know) so hindi pa sila dapat naniningil. Di din kami pinupunthan ng Project manager para maningil ulit eh (napalitan na yung dating PM).

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #453 on: November 18, 2014, 11:26:04 am »
Bakit sis, ano ba specifically ang papers na pending ng camella at by July 2015 pa sila pwede mareleasan ng loan ng bank???? Saka ano na status ng house nyo? Na turnover na ba ang sa inyo?

Paki check mo pati ang contract to sell sis, hindi ko matandaan pero parang during the downpayment may pinapipirmahan ang camella eh, my computation sya na kung hindi maapproved ng bank ang loan nyo ay mapipilitan kayo na mag in house financing BUT parang hindi sya right after ng downpayment kundi 1 YEAR AFTER NG DP at hindi pa rin naapproved ng kahit anong bank saka pa lang kayo required mag in house financing. Pakicheck mo sis, di ako masyado sure saka baka may provisions sya na pwede mong gamitin para mag stop kayo ng payment lalo na kung hindi pa na turnover ang house sa inyo.

Ganun ba? Nakakainis parang niloloko na talaga kame. sabi nila hanggat wala pang bank approval under pa kame ng bank interim pa nga ang tawag nila pero financing pa din na under sa kanila. Nag start pa lang kasi ang construction sa buong place wala pang linya ng mga kuryente dinedevelop pa lang nila yung lugar pero tinatayuan na din at the same time ng bahay. Tapos na yung ibang bahay pero hindi pa din pwede daw lipatan kasi hindi pa complete ang papers ni camella. I asked them kung anong papers ba ang hindi pa nila naaayos bakit ang aga nila mangolekta ng payments eh madami pa pala sila kulang hindi naman nila ako sinasagot basta daw mid quarter ng 2015 pa magiging available ang mga papeles na need ng bank maghintay na lang daw kame. Hindi naman namin pinupulot yung interest na tinataga nila sa amin. Nakakainis lang magbayad ng interest na hindi mo naman napapakinabangan.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #454 on: November 18, 2014, 02:15:44 pm »
^sis, hindi ka nga nila dapat masingil kung sa part ni Camella, late din sila. Stop your payment. Make a formal letter informing them your concern and ipa-receive mo. Unfair yan. You can seek help from HLURB. If they are leaving you with no choice para mag-inhouse financing, mali na yung ginagawa nila. Eh kung hindi ka pa pala qualified for bank financing, bakit na sila nagbebenta ng property? Actually, hindi allowed yung pre-selling. Pero ginagawa nila and yung mga buyers, paunahan kasi talaga para makakuha ka ng magandang pwesto. Pero kung ganyan na ikaw pa lugi, you should take proper action na.

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #455 on: November 19, 2014, 12:51:19 am »

Sis may laban ba kame pag ganun? I mean wala kasi kaming idea kung paano yung kalakaran sa ganyan. Basta after namin ma complete yung 15 months na downpayment namin diretso agad kame sa bank interim amortization na tinatawag nila at for 1 year agad yun ha. Sabi nila yun na daw ang may pinaka mababang interest nila compared daw sa in house financing nila. Mababa na ba ang 10% grabe. Malulunok pa sana namin yun kung nakatira na kame sa bahay eh ang kaso hindi. Nagrerent pa din ako. Doble ang binabayadan ko. Pina early approval lang daw nila kame sa bank para malaman kung magkanu yung maaapprove na loan sa amin pero next year pa din ang loan release ng bank sa kanila. Malayong malayo sa naging usapan namin ng sinusuyo pa lang nila kame na kumuha ng bahay sa kanila na in the 1st place pina clear ko sa kanila talaga bago ako pumirma kung gaano katagal ang approval ng bank nila dahil ayoko sa rate ng in house financing nila. Ang mali ko lang verbal lang yun at wala pala sa mga papers na pinirmahan ko.

In case ba na ilapit ko siya sa HLURB may actions ba kame na makukuha? Sorry sis pero wala kasi kaming idea kung paano ang patakaran sa ganyan. Natatakot kasi ako baka mapahiya lang kami at magpagod lalo na bataan area pa kame. Thanks!

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #456 on: November 19, 2014, 09:07:32 am »

Ano ba yung bank interim? Ngayon ko lang kasi narinig yun. Yung 10% sample computation sa amin ng Camella dati (for bank loan), almost the same sa actual dahil sa MRI. So conservative naman yung pinepresent nila. Magkakaiba ba yung bank interim at bank loan? Pero alam ko, worst case na yung ma-inhouse financing ka. Talong-talo ka don.

With regards to HLURB, di ko alam kung paano ang kalakaran nila. Pero yun yung best option, I think, kung hindi mo sila mapakiusapan. We try to settle first kasi to Camella. Pahirapan nga lang saka we state sometimes na nabasa namin sa ganito, sa ganyan.. (hangga't maaari may legal basis). Like yung sa hlurb, kami nga lang ata ang nagmention sa kanila non. From then on, hindi pa nila kami nasingil sa hoa membership and dues dahil ang alam ko, up to now hindi pa registered yung HOA namin.

When we bought the house in October 2012 (preselling), agents told us makakalipat na kami by Dec. 2013, June 2013 start of construction daw. Come June, wala pang nasisimulan. Until inabot ng July 2013 (late daw awarding sa contractor), doon lang namin nalaman na 5-6 months ang allowance ng contractors para matapos yung bahay (per admin). So we are expecting Dec. 2013-Jan. 2014 tapos na yung bahay. Pabalik-balik kami and we observed na may months na totally wala silang gawa, as if sinasagad nila yung 6months. Nung malapit na matapos, nagulat na naman kami at meron pa palang move-in application na tatakbo for 60days before kami makalipat. We accepted it. Wala na kaming magawa on our part. Walang documentation para sa mga events na yun. Then nung sa move-in application, ayun, may pirmahan na. March 8 dapat makalipat na kami. Ready na dapat yung tubig at kuryente. Yun yung purpose daw  ng "60days." Pero March 8 na, hindi pa ginagawa ni contractor yung mga finishing touches. As in mga paayos namin, mga puna, final paint, tiles, etc. nagtagal lalo. We told the Engineering Department na ang usapan, March 8. Malapit na mag-April at hindi pa kami makakalipat dahil pati tubig at kuryente hindi pa pala handa. We demanded a something to compensate the damages - naging free yung window screens namin. Damages for the reason na magdodoble ang gastos namin (rent and bayad sa bank), tapos di pa kami makakalipat? They provided as water supply through deep well water delivery at sila na rin naglagay ng water tank. Yung electricity, naka-tap kami sa model houses nila. Marami pang pangyayari di ko na mabilang at marami na rin doon ang pinalampas namin (as in minor naman).

Depende kung paano mo i-handle yung problema nyo and paano nyo ire-raise yung issue. Research research para madali kung saan pwede magrefer. Mas maganda kung may legal basis. Sana makatulong yung experience namin. Lakasan lang ng loob, kung wala ka talagang pinanghahawakang basehan, mahirap dumepensa.

P.S. Yung sa move-in application, pipirma ka. May naka-state don something like "you are accepting to pay the HOA membership and monthly dues for the..." Pero ever since sinabi namin hindi kami magbabayad, never nila kami binalikan sa pinirmahan namin. The reason may be either hindi din mismo nabasa ng mga taga-Camella yung papel nila or dahil as per law, the are doing something illegal.

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #457 on: November 19, 2014, 10:34:10 am »

Sis thank you ang laking big help ng sinabi mo. Same tayo ng situation. Nakuha namin yung unit last march 2013 preselling din natapos kame sa downpayment namin june 2014 july 2014 nagstart na yung construction ng bahay namin. Tapos nagstart na din yung bank interim amortization namin yun nga yung 10% na sample computation like sa inyo. Ilang months ang lumipas sa inyo bago kayo na releasan sa bank loan ninyo? Dun kasi ako naguguluhan i keep on asking them ano yung bank interim na yan. Ano yung papers na kulang pa nila at july 2015 pa pwede magrelease ang bank loan. At bakit july 2015 pa din pwede mag move in. Puro hindi ko po alam ang sagot sa akin ng babae dun sa counter sa totoo lang gusto ko na talaga sigawan sila baka mapaanak lang ako ng di oras kaya nagpapakahinahon pa din ako kahit tinatarayan na ako.

Medyo nabuhayan ako ng loob sa sinabi mo na nagdemands kayo. Nagka idea ako kahit papaano nang dapat naming gawin. Actually yung sliding door na lang halos ang kulang sa bahay and some finishing paint sa terrace na lang so i assume na end of november grabe pag hindi pa natapos yun. Inalok kame ng contractor na sila na lang ang mag gagawa ng bakod namin pag natapos agad yung bahay isasabay na daw yun sa 60 days na warranty check sa bahay basta daw i accept na lang daw namin ng maaga yung bahay. Kumbaga after nila matapos agad yung bahay iaccept na agad namin para magawa na nila yung bakod. Mawawala yung warranty ng camella in case my problema sa bahay na sila ang sasagot pero sabi ng contractor since sila naman daw ang maglalagay ng bakod sila na ang sasagot sa warranty. Ok na sana ang usap namin pero yun nga pagdating ko sa camella office sinabihan ako na july 2015 pa sila magpapa move in kaya nanggigigil ako sa inis talaga. Ilang months nanaman ang hihintayin namin. Since sinabi mo na nanghingi kayo ng compensation sa damages yun nga yung mag dodoble kayo ng bayad iyon na din ang gagawin ko magdedemand na din ako sa kanila.

Sis thanks ha. Big help yung advice mo talaga.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #458 on: November 19, 2014, 11:41:36 am »
Ilang months ang lumipas sa inyo bago kayo na releasan sa bank loan ninyo?

Sakto sis yung tapos ng DP namin Nov. 2013 and approved na kami ng bank before pa mga August 2014 ata. Nagkaroon pa nga ng reapproval since nagexpire din yung offer nila. By December, dapat irerelease na yung loan pero nagrequest kami na Dec. 27 yung monthly due date namin. Pumayag naman. Pero nagkaproblema kasi hindi na daw allowed yun.. Di ko alam kung anong reason pero naging Feb. 2 yung 1st bank payment namin, hence, every 2nd day of the month yung due date namin sa bank. Dahil pa don sa usapan namin ni bank, dumating pa sa point na nagrerequest yung agent namin na iparelease na daw namin ng Dec. 15 yung loan. Looks like andon yung porsyento nila sa loan release (maybe final commission nila yun). Pero wala din naman silang nagawa dahil sabi namin, Nasa January pa yung budget namin. Dapat lang talaga sis mas malakas loob mo kesa sa kanila. Wag ka magpapaintimidate sa mga pinagsasabi nilang madalas internal lang namin nila yung policy pero marami silang nilalabag sa rights nating buyers.

Yung sa compensation, pwede ka rin umisip ng ibang pwede. Yung landscape sa palibot ng bahay namin, sinagot din ni camella dahil sa biglaang pagbabawal nila na papiliin kami ng kulay ng bahay which in the first place sinabi nila sa amin na pwede.

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #459 on: November 19, 2014, 03:19:20 pm »

Yung sa compensation, pwede ka rin umisip ng ibang pwede. Yung landscape sa palibot ng bahay namin, sinagot din ni camella dahil sa biglaang pagbabawal nila na papiliin kami ng kulay ng bahay which in the first place sinabi nila sa amin na pwede.

Isa pa yan sinabi din nila sa amin na pwede kame pumili ng pintura na gusto namin ipalagay pero nagulat ako na pinturado na yung bahay terrace na lang ang wala. Sabi ko sa contractor bakit hindi man lang kami pinapili eh usapan namin pwede kame mamili sabi wala naman daw ibang kulay sa carmela iisa lang daw ang kulay ng lahat ng model. Dun pa lang sablay na talaga.

Sabi mo preselling pa lang sila ng kinuha niyo yung unit ninyo ganun din naman sa amin pero bakit yung sa inyo ok na yung sa bank loan bakit sa amin wala pa din. Nagpunta ako sa chinabank para mag follow up sabi nila hinihintay daw nila yung papers na hinihingi nila kay camella hindi pa din daw ni camella pinapasa para ma process na yung bank loan namin kaya si camella talaga ang may problema at hindi kami. Nakakainit talaga sila ng ulo.

Isa pa pala yung sa butas ng aircon. 10k ang hinihingi nila sa amin para dun. Samantalang sa ibang branch ng camella na napagtanungan ko 4500 daw ang bayad nila sa butas sa 2 room 9k ang binayad nila samantalang sa amin 10k isang butas lang.   Yung palalagyan namin 2 room so maglalabas kame ng 20k para lang sa butas. Sa inyo sis magkanu ang binayad ninyo?

Latest Stories

Load More Stories
Close