We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Isa pa yan sinabi din nila sa amin na pwede kame pumili ng pintura na gusto namin ipalagay pero nagulat ako na pinturado na yung bahay terrace na lang ang wala. Sabi ko sa contractor bakit hindi man lang kami pinapili eh usapan namin pwede kame mamili sabi wala naman daw ibang kulay sa carmela iisa lang daw ang kulay ng lahat ng model. Dun pa lang sablay na talaga.
Sabi mo preselling pa lang sila ng kinuha niyo yung unit ninyo ganun din naman sa amin pero bakit yung sa inyo ok na yung sa bank loan bakit sa amin wala pa din.
Kung malinaw na sila ang may problema, mas may karapatan kayo i-hold yung payment. Sis, pwede mo nga pala i-check sa hlurb kung may license to sell na sila. Kung wala pa, banggitin mo yun sa kanila at takutin mo na rin na magrereklamo ka sa kinauukulan. Yung sa butas ng aircon, hindi na muna namin pinalagay. Kulang din sa budget eh. Kaya pinilit ko rin si hubby magpalagay kami ng insulator/insulation foam para at least ma-lessen yung init pag summer. Antipolo naman kami sis kaya pag tapos ng summer, malamig na.
Pero magkano yung price sa inyo pag nagpabutas kayo? Buti pa sa lugar ninyo malamig sa amin hindi lalo na ngayon magkaka baby kame ulit kawawa pag summer pag walang aircon. At saka nga pala sis may bakod na ba kayo? Magkano yung pagawa ninyo sa bakod? Binigyan kame ng estimated price ng contractor na 60-70k. 50k naman sa floor tiles taas at baba na daw yun. Sa inyo ba magkano ang inabot?
5k yung quote sa amin per butas. (OT) Sis kung ako sayo, invest ka na lang sa inverter aircon. Kunin mo ng installment. For longterm purposes na rin. Malaki ang difference nya sa electricity bill nyo.Wala pa kaming bakod eh but I think reasonable na yung binigay sa inyo. Depende din kasi sa laki ng lot nyo. Yung floor tiles, kasama na sya sa bahay nung naturnover sa amin.
@ angellouiseNaku sis sobrang stress na nga ako. Pinag didiinan nila sa akin na hindi nila kasalanan yung pagka delay kasi yung munisipyo daw at yung penelco (same ng meralco sa manila) ang reason ng pagka delayed. Yung permit daw nila kasi is by july 2015 pa daw marerelease. Ganun ba talaga katagal? Abot ng 1 year? Kaya ng nanghihingi ako ng compensation sa kanila dahil sa delayed nila hindi daw nila kasalanan yun kaya walang compensation na magaganap.
hi sexydee,more information please for the HOA. this week, i-turn-over na kasi sa amin ang property and we are advised to pay the HOA kahit hinde pa kami nakakalipat. thanks.
@sexydee,hi sis, had the turn-over yesterday. mabuti at hinde muna kami magbabayad ng hoa. pabago-bago sila ng statement, pero at least in our advantage. 7 days prior to move-in na daw payment.
Ask ko lang sis pag pre selling ba automatic na need nila ng license to sell agad nun or pwedeng wala muna? Thanks.