Mga sisses, antagal ko pinag-isipan kung magpopost ako ngayon dito but here it goes.
Ang storya ko, single mom ako with a 2-1/2 year old daughter. But even I was pregnant before, nakilala ko na ang hubby ko. Bale naging kami tapos nawala sya, naging bf ko yung nakabuntis sa akin. Then iniwan ako ng nakabuntis sa akin tapos bumalik si hubby sa akin. To cut the story short, kinasal kami nito lang Dec. 6, 2013 in a civil matrimony. The original plan is March 2014 pa but I pushed through with the wedding kasi hindi pa rin nya tinitigilan ang mga pagfliflirt sa text and FB kaya sabi ko ikasal na kami para matigil na. Marami na syang history ng pambababae even before pero akong si loka loka tinatanggap pa rin sya.
Bakit ko nasabing failing marriage in less than a month? Because now, it's December 25 and yet hindi ko sya kasama. One day bago kami kinasal nagdivisoria kami para bumili ng mga damit para sa kasal, sukat ba naman pauwi na kami maghiwalay na raw kami ng sasakyan kasi taga calamba sya at ako taga Pacita. On the wedding day itself, pagkatapos ng kainan sa Max na ako lahat gumastos, hinatid pa nya pauwi yung best friend nyang lalaki at isa pa nyang tropa sa Calamba so in short hindi ko sya kasama nung wedding night.
Ang setup namin magulo. May bahay ako sa San Pedro, sarili kong house na kasalukuyang under construction pero may electricity na, water, etc. Pero kahit ganon? Hindi sya nauwi dun. Pupunta lang sya dun kung kelan yung napakafree ng schedule nya. Sya kasi nagpipintura ng bahay at awa ng Diyos sa 2 months na pagpipintura nya di pa sya tapos dahil nga madalang pa sa patak ng ulan ang pagpunta nya doon. Oo, hindi ko sya katabi matulog, ni hindi ko nga sya maipagluto kasi nga pupunta sya doon hapon na tapos mga 10 ng gabi of the same day uuwi na sya ng Calamba. Meron kasi silang water station sa Calamba na sya ang namamahala tapos namamasada sya ng tricycle. Naiintindihan ko naman yun kaso, sa totoo lang, naguguluhan na ako sa sitwasyon namin. Malimit dito ako sa bahay ng parents ko sa Pacita nagstay dahil ayoko matulog sa aking sariling bahay nang hindi sya kasama. Minsan lang kami magovernight sa house ko. Saturday night usually tapos Linggo ng madaling araw uuwi na sya ng Calamba. So in a week baka mga three times a week ko lang sya kasama then one night ko lang sya katabi sa pagtulog.
Financially? Sabi nya sagot nya daw ang bills at pamalengke. Bumili sya ng ref, ako naman ay kama. Kaso ayun si ref, nakasaksak lang, nung namalengke ako nagstay ng 1 week sa ref ang isda at karne dahil hindi naman nailuluto. Ang kama, ang ganda kaso wala naman nahiga. Nakakatawa ano. Sya sagot sa pamalengke, eh hindi naman kami nakain dun kasi sya si mister uwi agad sa Calamba.
You might say, baka may asawa sya sa Calamba. Wala naman kasi naikasal nga kami diba kelangan ang Cenomar at clear naman. Wala naman syang anak. Pero you know? Hanggang ngayon hindi pa ako kilala ng pamilya nya. Sabi ko pupunta ako sa kanila, next year na lang daw kasi magulo pa. Lagi naman pinagtatalunan yun. Although nakapunta na ako sa kanila but I've never met his family. May sarili kasi syang apartment unit na sya lang ang nakatira.
Nung December 23, nagaway kami ng matindi sa maliit na bagay, I admit. Kaso naungkat ang napakaraming issues na hindi pa rin nareresolba tulad ng pagpapakilala nya sa akin sa pamilya nya at yung oras na nilalaan nya sa aming mag ina. Kahapon, December 24, nganga. Hindi ko sya kasama. Naglasing ako kagabi sa sobrang sama ng loob. Pakiramdam ko, masahol pa ako sa single na walang boyfriend. Ngayon, December 25, ewan kung pupunta sya. Bahala na.
Hindi ko na alam gagawin ko mga sis. Pati sex life, wala din.. Hindi kami makapenetration talaga kasi takot sya mabuntis ako. Eh pwede naman syang bumili ng condom. Sinasabi nya lagi pagod sya. Ang dami rin nyang reklamo sa akin like mahilig ako magbunganga, lagi ako galit, lagi ako nag. Eh sino ba naman hindi mabubwisit sa setup na to.
Marami pa ata akong hindi nasusulat na mga detalye pero pagod na isip at kamay ko sa pagtatype. Dapat iapply ko pala ang marriage sa Guiness Book of World Records as the FASTEST FAILING MARRIAGE.
