Author Topic: Failing marriage in less than a month  (Read 5683 times)

@pichness@

  • Guest
Failing marriage in less than a month
« on: December 25, 2013, 09:22:22 am »
Mga sisses, antagal ko pinag-isipan kung magpopost ako ngayon dito but here it goes.

Ang storya ko, single mom ako with a 2-1/2 year old daughter. But even I was pregnant before, nakilala ko na ang hubby ko. Bale naging kami tapos nawala sya, naging bf ko yung nakabuntis sa akin. Then iniwan ako ng nakabuntis sa akin tapos bumalik si hubby sa akin. To cut the story short, kinasal kami nito lang Dec. 6, 2013 in a civil matrimony. The original plan is March 2014 pa but I pushed through with the wedding kasi hindi pa rin nya tinitigilan ang mga pagfliflirt sa text and FB kaya sabi ko ikasal na kami para matigil na. Marami na syang history ng pambababae even before pero akong si loka loka tinatanggap pa rin sya.

Bakit ko nasabing failing marriage in less than a month? Because now, it's December 25 and yet hindi ko sya kasama. One day bago kami kinasal nagdivisoria kami para bumili ng mga damit para sa kasal, sukat ba naman pauwi na kami maghiwalay na raw kami ng sasakyan kasi taga calamba sya at ako taga Pacita. On the wedding day itself, pagkatapos ng kainan sa Max na ako lahat gumastos, hinatid pa nya pauwi yung best friend nyang lalaki at isa pa nyang tropa sa Calamba so in short hindi ko sya kasama nung wedding night.

Ang setup namin magulo. May bahay ako sa San Pedro, sarili kong house na kasalukuyang under construction pero may electricity na, water, etc. Pero kahit ganon? Hindi sya nauwi dun. Pupunta lang sya dun kung kelan yung napakafree ng schedule nya. Sya kasi nagpipintura ng bahay at awa ng Diyos sa 2 months na pagpipintura nya di pa sya tapos dahil nga madalang pa sa patak ng ulan ang pagpunta nya doon. Oo, hindi ko sya katabi matulog, ni hindi ko nga sya maipagluto kasi nga pupunta sya doon hapon na tapos mga 10 ng gabi of the same day uuwi na sya ng Calamba. Meron kasi silang water station sa Calamba na sya ang namamahala tapos namamasada sya ng tricycle. Naiintindihan ko naman yun kaso, sa totoo lang, naguguluhan na ako sa sitwasyon namin. Malimit dito ako sa bahay ng parents ko sa Pacita nagstay dahil ayoko matulog sa aking sariling bahay nang hindi sya kasama. Minsan lang kami magovernight sa house ko. Saturday night usually tapos Linggo ng madaling araw uuwi na sya ng Calamba. So in a week baka mga three times a week ko lang sya kasama then one night ko lang sya katabi sa pagtulog.

Financially? Sabi nya sagot nya daw ang bills at pamalengke. Bumili sya ng ref, ako naman ay kama. Kaso ayun si ref, nakasaksak lang, nung namalengke ako nagstay ng 1 week sa ref ang isda at karne dahil hindi naman nailuluto. Ang kama, ang ganda kaso wala naman nahiga. Nakakatawa ano. Sya sagot sa pamalengke, eh hindi naman kami nakain dun kasi sya si mister uwi agad sa Calamba.

You might say, baka may asawa sya sa Calamba. Wala naman kasi naikasal nga kami diba kelangan ang Cenomar at clear naman. Wala naman syang anak. Pero you know? Hanggang ngayon hindi pa ako kilala ng pamilya nya. Sabi ko pupunta ako sa kanila, next year na lang daw kasi magulo pa. Lagi naman pinagtatalunan yun. Although nakapunta na ako sa kanila but I've never met his family. May sarili kasi syang apartment unit na sya lang ang nakatira.

Nung December 23, nagaway kami ng matindi sa maliit na bagay, I admit. Kaso naungkat ang napakaraming issues na hindi pa rin nareresolba tulad ng pagpapakilala nya sa akin sa pamilya nya at yung oras na nilalaan nya sa aming mag ina. Kahapon, December 24, nganga. Hindi ko sya kasama. Naglasing ako kagabi sa sobrang sama ng loob. Pakiramdam ko, masahol pa ako sa single na walang boyfriend. Ngayon, December 25, ewan kung pupunta sya. Bahala na.

Hindi ko na alam gagawin ko mga sis. Pati sex life, wala din.. Hindi kami makapenetration talaga kasi takot sya mabuntis ako. Eh pwede naman syang bumili ng condom. Sinasabi nya lagi pagod sya. Ang dami rin nyang reklamo sa akin like mahilig ako magbunganga, lagi ako galit, lagi ako nag. Eh sino ba naman hindi mabubwisit sa setup na to.

Marami pa ata akong hindi nasusulat na mga detalye pero pagod na isip at kamay ko sa pagtatype. Dapat iapply ko pala ang marriage sa Guiness Book of World Records as the FASTEST FAILING MARRIAGE.  :-\ :'(


mslcgrey

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #1 on: December 25, 2013, 09:56:28 am »
Sis, honestly, for me it is also your fault that you are in this situation. As you have said in your post, your hubby have a history ng pambababae and he still continue to flirt with girls sa fb and you still decided to marry him despite all of that. You married him without even meeting his family. Then now magrereklamo ka that he doesn't give you time and the respect due to you as his wife.

Ang cenomar pwedeng mapeke. Yung mga friends pwedeng kakuntsaba niya. The fact that he does not want you to meet his family eh may something talaga. Hindi ka man lang nagtaka, on your wedding day wala man lang representative from his family.

What can you do? Siguro talk to him muna. Try mo baka maliwanagan siya. If not, then alamin mo n on your own bakit siya ganyan. Then depende sa malalaman mo what will be your next action.

@pichness@

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #2 on: December 25, 2013, 10:11:47 am »
^Tama ka sis. Supposedly kasi dapat March 2014 kami ikakasal para may basbas ng magulang nya. Kaso nga pinaaga ko. Ang term pa nya is napikot sya. Sabi naman nya sa mga pambababae nya is hindi naman daw seryoso yun. Sis, yung cenomar nya ako mismo kumuha non. And then supposedly, the civil wedding kaya ko sya naengganyo madaliin yun ng December kasi sabi ko secret muna, kumbaga assurance naming dalawa. Ewan sis. Oo, ako ata dapat sisihin dito pero syempre hanggang pagsisisi na lang ako kasi tali na ako.

andi16

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #3 on: December 25, 2013, 07:16:12 pm »
sis base sa kwento mo parang wala naman sapat na dahilan para magpakasal kayo buti nalang itinuloy mo pa?...you should talk to him confront me baka di niya nakikita yung sitwasyon nyo...and most of all sis magpray ka..weigh things kung alin matimbang magstay ka ba o stop na...total parang wala ka din asawa base sa kwento mo...naiforward na ba sa nso marriage contract nyo?baka pwede mo pa habulin sa mcr para di na maforward?

sugardrop

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #4 on: December 25, 2013, 07:27:51 pm »
You mentioned that you pushed the wedding earlier than the planned date simply to put a stop to his flirty ways. Did you honestly think that by doing that, he won't go back to doing those things? Parang ipinilit mo lang kasi, sis, eh. And what's your motive in taking him back despite knowing his behavior and actions towards women and then rushing the marriage?

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #5 on: December 25, 2013, 07:40:16 pm »
Sis TS, sabi mo nga feeling nya napikot sya. And ikaw din nagsabi sa kanya na mala "secret wedding" lang muna. Both yun could be reasons why he doesn't feel compelled to stay with you in the same house, and to spend as much time with you as you want him to. And yun nga, parang sa simula pa lang, mali na yung rason ng pagpapakasal. And regarding pagpapakilala sa pamilya, if it really mattered to you pala, bakit ka nagpakasal without even meeting his family? You better clear things up with him, kung ano ba talaga status nyo. And if you are not in agreement, baka mas mainam na nga maghiwalay kayo habang maaga pa.

(p.s. I'm actually looking forward to sis @aquacharly's thoughts on this, hehe..)
« Last Edit: December 25, 2013, 07:42:22 pm by bagaholic_chewy »

aquacharly

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #6 on: December 25, 2013, 09:10:06 pm »
Yang puro reklamo ka --  May solution dyan.  Maraming puedeng pag-usapan.
Pero, sa cuento mo, parang eh ano ba puedeng  pag-usapan?? -- Where to even start?!

Bago ka umasa mag bago sya, tignan mo muna sarili mo.
Do you really want such a man in your life? Why? What for?

Hindi como mag asawa na kayo eh kelangan nya magbago.  Or, milagro! nag bago na sya.
It doesn't work that way.


@pichness@

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #7 on: December 25, 2013, 09:59:34 pm »
Thanks mga sisses. Mahal ko kasi sya at sabi ko nga iquote ko yung sinabi ko na ANG DAMI KO NANG NAINVEST sa kanya.. Time, feelings, money and my daughter is already attached to him. Pwede pa pala maharang sa NSO ang marriage? pag naharang, it means hindi na magiging valid ang kasal?

Andito sya kanina, pero ayun kakaaalis lang. Akala ko dito matutulog sa bahay ng parents ko. Bigla sya tinawagan asa ospital yung lola nya need nyang puntahan. Kahit mga parents ko nagtataka na sa setup namin. Balak ko biglain sya this 27th, susugurin ko sa house nila nang makita ano ba talaga tinatago nya. Masama din tingin ko sa kanya every time nagtetext sya feeling ko may tinatago talaga sya.

Siguro one thing kung bakit attached na ako sa kanya, he was there for me nung mga panahong iniwan ako ng ex ko at tinanggap nya ako at ang anak ko. Plus, he's willing to be the father of my lovechild.

I hate myself for doing this. I hate myself bakit ako nagkakaganito.

guilleanne

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #8 on: December 26, 2013, 02:15:32 am »
sabi nga "you made your bed now lie in it"


you married for all the wrong reasons sis.

in my opinion, there was no marriage to ruin because there was none to begin with, your marriage was just piece of paper and wasted money on reception. your paper husband even feels na napikot sya.


you didnt even have the slightest hint na hindi naman gusto pa magpakasal ng husband. him not introducing you to his family was already a sign as big as a billboard.

but what can you do? mapapagastos ka pa tuloy sa annulment when the right guy comes along.

princessrio

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #9 on: December 26, 2013, 04:26:46 am »
i can't find any reason kung bakit kinailangan mong madaliin ang pagpapakasal nyo. una, ang kasal ay hindi guarantee na titigil sa pambababae ang isang lalake. it is never an assurance. pangalawa, hindi ka pa pala naipakikilala sa pamilya nya. there are a lot of signs na mas maliwanag pa sa sikat ng araw.

so sis, sa kuwento mo at sa tipo ng napangasawa mo, ano ba ang gusto mo mangyari?

kittypaw

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #10 on: December 26, 2013, 09:19:58 am »
sis binasa ko buong story mo and ang impression ko lang is siguro sobrang panget ng babaeng ito, Sorry sis pero lahat ng nangyayari sayo parang gagawen lang ng isang deperate na babae, i cant even imagine what youre going through and how did you even lived like this with this kind of person.

gracita13

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #11 on: December 26, 2013, 02:48:03 pm »
sis hindi fastest failing marriage ang nangyare sa inyo,bakit? kasi hindi pa kayo kasal failed na ang relasyon nyo eh.sorry ha sa nabasa ko umpisa pa lang hindi ka na nya binibigyan ng importansya,porket sinabe nyang magiging ama sya ng anak mu,pinapakita ba nya? ni hindi nga sya nagtatagal sa poder mu naniwala ka naman agad sa sinabe nya? hindi ka kilala ng fam nya? ano to joke? kasal na kayo hindi ka pa rin kilala,gano ba kayo katagal nung bf/gf pa lang kayo at hindi ka man lang pinakilala sa fam nya,.,ano daw ang magulo sa pamilya nya? sa totoo lang sis natawa ako sa sagot nya,grade1 lang ang mauuto nya sa sagot na yan  ;D

sis kung ano ang sitwasyon mu ngayon ikaw ang may gusto nyan...pinayagan mu syang gawin sayo yan.nag usap na ba kayo ng maayos,about sa sitwasyon nyo?

guilleanne

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #12 on: December 26, 2013, 03:10:48 pm »
you should have posted about your relationship last month before you got married. and we could have told you DONT GET MARRIED.


obviously you have issues sis.  someone will still love u even if your a single mom. but before someone loves you, you have to love yourself first, respect yourself.

imbisibol_

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #13 on: December 27, 2013, 12:13:39 am »
all of your complaints are irrelevant when faced with why you're in that situation in the first place. 

..but I pushed through with the wedding kasi hindi pa rin nya tinitigilan ang mga pagfliflirt sa text and FB kaya sabi ko ikasal na kami para matigil na.

wrong move. the man is clearly not ready to settle down.  let him go, and free yourself up in the process as well. 

DianeShishio

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #14 on: January 08, 2014, 02:20:36 am »
Focus on what has to be done.

Consult a lawyer asap.

rkjaminal

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #15 on: January 08, 2014, 03:35:26 am »
Focus on what has to be done.

Consult a lawyer asap.


Agree ako dito. done and damaged na e, so better fix things na pwede pang ayusin.

share ko lang sis Pichness, im also a single mom kasi, 8yrs old na si kid, and ang nakilala nyang dad is my long term BF,naging kami going 2yrs old yung baby ko, after 6 yrs, we fell out of love,but still friends though. ang set up ngayon e as if they're real mag daddy, nasa arrangement yan sis. mas panget ang impact sa bata kung nakikita nyang buo nga hindi naman masaya both parents nya,much better to tell them yung totoo. and mas maluwag sa dibdib knowing na walang taong napilitan sa eksena.

cheer up sis, clear your mind. God bless.

SnowBall

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #16 on: January 08, 2014, 03:44:50 pm »
pinakasalan mo ang isang lalaking ni isa sa pamilya hindi mo nakikilala?

seriously sis, ganun ka ba ka desperado?

pero titigil na ako dito, nasabi na nilang lahat, talaga lang hindi ko mapigil, sana natuto ka na sa pagkakamali mo, at huwag na huwag mo ng uulitin.

People should marry for the right reasons, hindi yung para lang maitali mo na siya, na ano ba ang kasal, kadena?

kung gusto mong hiwalayan, hiwalayan mo na sis, mukhang matutuwa pa siya.


aquacharly

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #17 on: January 13, 2014, 06:11:19 pm »

. Mahal ko kasi sya at sabi ko nga iquote ko yung sinabi ko na ANG DAMI KO NANG NAINVEST sa kanya.. Time, feelings, money and my daughter is already attached to him.


Sometimes, you just have to CUT YOUR LOSSES. 
Hindi como investment eh successful.  Hindi como nag labas ka ng "time, feelings, money" eh babalikan ka din ng ganon, or even, kung gagantihan ka.  Sometimes, ang kapalit ng investments eh hopia/zero.  Why will you continue to invest more kung ganon ang return on your investment?


Siguro one thing kung bakit attached na ako sa kanya, he was there for me nung mga panahong iniwan ako ng ex ko at tinanggap nya ako at ang anak ko. Plus, he's willing to be the father of my lovechild.

If you can attach, you can detach.  Nasa decision at willpower mo yan.

Yang tinanggap ka nya and your child out of wedlock  --  kung hanggang dun lang sya -- ang tanggapin kayo BUT walang follow-thru or back-up sa declaration nya --  ok na yon lang, declaration of  acceptance lang? If that is enough for you to fuel your long-playing investment in this relationship,  asa sa iyo yan.  Who are we to say mali or lugi ka?

But take note, he DOES NOT ACT like a husband and/or father should. 
Walang commitment, walang responsibility, walang attachment to you.  May intent but no follow-through.
He SAYS 1 thing & ACTS the opposite.
When you get 2 conflicting messages, the words versus the action --  sabi ng Lola ko, yung action ang true.  Words are cheap daw kasi.


Mahal ko kasi sya  .....

I hate myself for doing this. I hate myself bakit ako nagkakaganito.

Are you SURE you love him?  Or  ginagamit mo din lang sya to pick  yourself up sa pagkadapa mo?
Hindi ba sabi, Love does not count, Love does not make lista hands, Love does not make cuenta, etc etc etc?
Love just gives and gives and gives hanggang Magalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi ( yan favorite line of 1 of my titas. Lol)

Hate yourself? 
Quoted from The Garden of Thoughts by Dodinsky:
   
    "When you stray away from your soul
        the distance you have traveled is
             measured by the aching of your heart."

Sis, LISTEN TO YOURSELF. Listen to what your soul tells you. 

Take care of yourself. 
Pray for Divine Guidance & Courage.
God helps those who help themselves. 
       
       


« Last Edit: January 14, 2014, 03:17:17 am by aquacharly »

Angel2guideu

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #18 on: January 24, 2014, 12:36:02 am »
Teh, Marriage is teamwork, di sya one way street. Gising gising din pag may time.. ang koya mo eh di pa ready at sorry to say walang syang bahid ng kaseryosohan sa marriage nyo. Its not your fault bakit sya ganyan choice nyang mag paka wapakels lang talga, IMO you decided out of impulse and you chose the man you least deserve.

em-em321

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #19 on: January 24, 2014, 07:50:18 am »
imbestigahan na yan in person sa kanila. malapit lang naman ang calamba. alamin na ano nga ba talaga tinatago nang magkaalaman na. minsan kelangan mabulaga talaga tayo ng masaklap na katotohanan para matauhan tayo. pag ikaw ang nasa sitwasyon, ang hirap talaga to see things clearly lalo na kung bulagbulagan ka sa pag-ibig. been there sa bulagbulagan stage before, kahit ano sabi ng mga nasa paligid na antanga ko, binibigyan ko pa din valid reasons lahat. buti na lang di naman nauwi sa kasalan and i finally found my true love now. kaya i feel for you. :( still, you deserve better.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close