watch now

Author Topic: Maid Dilemmas  (Read 11147 times)

patriciaheart

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #20 on: April 15, 2014, 04:46:26 am »
@vain_kixie
Noon akala ko puede nang hinde i check yung bags pag nag dday off pero sa mother in law ko natutunan yan kasi masungit yun sa mga maid nya eh. Itong maid namin now, tinuruan pa mangupit yung yaya ko,, sabi "**** diba ubos na yung Ferrous Sulfate mo? yan o meron is ate mo kumuha kanalang amo mo naman yan." sinagot nalang nung yaya na "Bakit ako kukha ng walang paalam eh hinde naman sakin yan?" -- sinumbong sakin ng yaya, kung hinde man totoo eh marami na beses ko nahuli na little things hinde nya pinag papaalam ( KK Doughnuts, coffee etc..), AY init ulo ko. kahit na maliit yun it shows na hinde sya mapagkakatiwalaan.

ceejhei

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #21 on: April 16, 2014, 09:36:27 am »
my supposed to be new yaya nag last lang ng 1 day. while i was interviewing her, sabi ko "bakit ka umalis sa dati mong amo?" then she said, "wala po, gusto ko lang po makasubok naman sa iba" that turns me off. kasi anong akala mo saaming mga amo? kapag ayaw niyo na hahanap kayo ng iba? trial and error? her amo is expecting her na babalik pa, pero lolokohin niya ata na di kunwari babalik siya. sabi ko bumalik nalang siya sa amo niya dati, mabait naman daw sakanya. saka may downside din siya baka afeter a month eh maghanap nanaman ng ibang 'adventure" ano ka ate? dora the expolorer? haha

kiz_me1109

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #22 on: May 30, 2014, 12:18:10 am »
It's really hard to find a good yaya/helper now. Ayoko na ng dalaga or anyone younger than 40 because parang hindi pa sanay sa bata and walang pasensiya. Now we have a 48 year old helper. Ok naman sana kasi super sipag. Yung tipong hindi mo na kailangang utusan.

And my son likes her. Maybe because feeling niya he's safe when he is with her. Parang Lola narin kasi niya. That's why he's calling her Nanay. I don't know kung dahil sa akala ng anak ko e siya yung Nanay ko. He calls her Grandma Nanay and Mamu kasi.

She starter to work with us last Monday lang. She arrived last Friday butshe stayed with my sister kasi we are on vacation pa. I paid for her fare of course. And then she asked for an advance.

Last Tuesday, she asked for another advance. Buo na ng sweldo niya ang gusto niyang i advance. Pang enroll daw ng anak niya sa HS. I have pamangkins na nag aaral sa Public School so I know na walang tuition yun. Kung meron man e hindi aabot ng 2k.

I told her na wala pa akong sweldo but I'll give her the advance kapag sweldo na.

The reason pala why she worked with us is because her husband died last May 12. So since naawa naman ako e kinuha ko na. Nung dito na sa amin saka ko nalaman na May 12 namatay yung husband. So I asked yung nag refer samin kung uuwi ba siya sa 40th day ng husband niya. Saka namin nalaman na uuwi daw kasi kesyo binabangungot daw siya sa gabi.

may problem now e mag a advance na naman yun. Hindi ko naman siya pinilit na mag work agad e. Now she needs to go home on July 11. mag advance siya kahit na wala pa siyang 1 month. Tapos I need to give her pamasahe pabalik na naman dito sa Manila kasi wala naman silang pera. So parang  naglolokohan lang kami.

I have a fear pa na hindi na siya babalik and peperahan lang kami. But I have a feeling that my son likes him. Pero takot ako na kapag hindi namin siya pinayagan na mag advance e sasaktan naman ang anak ko. :(

I don't know what to do anymore.. :(

Joanalpny

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #23 on: June 06, 2014, 07:16:09 am »
2 days palang ang new maid ay nagpaalam na aalis na sya in 1 month bawas nalang daw ang pinamasahe nya sa last pay. Reason:nalulungkot daw sa bahay. Well, kelangan pala ng entertainer ni atehh. hehe. My dilemma is that I have been training her sa house and then aalis lang din. What's good is that she contacted her province and ang pinsan nya ang papalit sakanya. Ang sabi ko nalang since I'm tired na of training then aalis lang din, she should be the one to train her cousin nalang before she leaves. Mga dalaga ito, 18-19 yrs old, kaloka.

@kiz_me1109 - Sissy, ako na try ko na old, young, single mom, middle aged w/fam etc. lahat parepareho lang hehe. Sa old, ayaw mapagsabihan, mas marunong pa sayo. Yung iba mukhang pera, kung saan mataas ang pasahod or "mayaman", maganda bahay (village) dun sila. Pag bata pa, text ng text, malungkutin, uuwi agad - pag fiesta lalo na, hindi marunong sa bata, kung hindi uutusan,hindi kikilos. Single mom - panay day off, kesyo [textspeak!] mag aalaga sa anak etc.. Middle aged w/fam - malungkutin, lagi miss anak, prone sila na saktan anak mo kasi nasa ibang lugar lagi ang utak, advance ng advance to the max, kala mo ATM kami ni hubby, uuwi kasi pinauuwi ng asawa etc etc..

It's really very very hard na to find a maid, hindi tulad ng dati nating mga kasambahay na tumatagal. I asked nga my mom's long time maid for 30+ years (retiring this year na) kung bakit hindi na makahanap ng matinong maid ngayon, sabi nya, iba na daw kasi pagpapalaki sa mga bata ngayon, they're more spoiled and hindi talaga sanay sa work. And with the most famous "2pc" (I dont know the spelling) e ewan nalang kung ano pang mangyayari.

I just pray na lumaganap ang mga home based jobs for moms like us para hindi na tayo mangailangan ng mga maids na abusado. Since they know na malakas ang demand nila, hindi nila pinaghuhusayan ang trabaho nila knowing that they can just transfer from amo to amo. With less demand, maybe.. they can appreciate their jobs.

snowberry

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #24 on: June 06, 2014, 08:33:31 pm »

I need to let go my househelp soon.
The reason is nakita ng kapitbahay na nagpapasok siya ng lalaki sa bahay at around midnight habang tulog na tulog kami. Isinumbong ng kapitbahay namin. Actually dapat nga pinaalis ko na as soon as nalaman ko pero I have to plan 'coz kailangan ko mapapalitan agad lock namin at  sana makakuha agad kapalit.

I have no problem with this maid pagdating sa trabaho, pero masyado siyang makiri at palaban. Ang hilig makipagkilala sa lalaki. Nagkataon itong neighbor namin ay may mga stay in na  mga boy at ngayon nga  duda ko may bf na agad. For the meantime , nagpalit muna ko ng padlock at itinago ko ang susi. I plan na palayasin siya this weekend.  Dapat pa bang may witness ako sa sasabihin ko sa kanya na reason kung bakit ko siya paalisin .  Dapat din siguro papirmahin ko siya ng quit claim
Naawa din ako ng konti dahil wala siyang family dito at hindi ko sure kung enough ang sweldohin niya para makauwi. Ayoko naman sagutin pa pasahe nya because 3 mos. pa lang sa akin at pinamasahihan ko na rin pagpunta rito.

I don't have peace of mind because siya lang naiiwan sa bahay and ayokong umabot sa kung ano pa.   As I have mentioned ,me ugali siyang palaban so gusto ko ay maayos lang ang pag alis nya. Haays, ngayon lang ako naka encounter ng maid na ganito .

hunny_ally

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #25 on: June 08, 2014, 12:03:17 am »
^whenever I give my maids their salary, I always make them sign. Same goes when I'm letting them go. I make them sign a quit claim stating that they are paid in full. May computation pa.

Nakakatakot your situation. Paano if the guy is just using the maid to gain access to your house. May maid kami dati, nung dalaga ako, lumalabas pag gabi. My mom had to put bolts inside the house and those are locked during the night. But never naman to the point na nagpapasok sila sa house.

When I had to let go of a problematic maid before, I made her sign her quit claim in front of our Security OIC (I live in the condo). With matching explanation pa yun. Why she was only getting x-amount and why there were deduction/s. I made sure all final discussion and the actual payout was documented by him. So I'm covered in case the loka-loka decides to complain me to the barangay. If you want, make her sign the documents in the presence of your barangay chairman. Para at least may witness ka. Anyway, per the kasambahay law, the barangay serves as the mediator between the employer and the household help.

kiz_me1109

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #26 on: June 27, 2014, 12:57:57 am »
@Joanalpny - Thanks sis. Re the yaya that I mentioned here. When we left to go on a vacation, she asked to go home din. Asked for an advance and binigyan pa ng bagong shoes and bag ni MIL.

We agreed that the fare is free pero she has to work for us for at least 6 months. Now, biglang nagtext and nagsabi na hindi na siya papasok.

Napakagaling.

We decided not to hire a yaya/helper.
Dagdag stress pa sa amin yun.

magno4

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #27 on: June 29, 2014, 10:18:28 am »
 ;D ;D ;D


ang katulong ngayon mapili nadin e, tatanungin kapa kung malaki ang bahay mo at may cable ang tv. ang worst pa from rug to rugged pa, nang matuto mag gamit ng celpone e ayun puro tex toda max pa, nag papa add pa sa fb! >:( ;D

Joanalpny

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #28 on: July 01, 2014, 11:40:04 am »
@kiz_me1109 - ganyan talaga yung iba makapal. Meron din naman na matino pero sobrang bilang. Sana alam ng MIL mo na wala ng maid ngayon na tulad ng panahon nila na babalik talaga sila sayo kasi in need sila sa work. Unlike now, na confident sila na pag umalis sila, may kukuha sakanila.

I'm praying na maging ok ang business ko para makapag WAHM nalang. atleast pag nawalan ng maid e hindi gaano ka stressful since sa house lang  :)

zsarwin

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #29 on: August 01, 2014, 02:03:12 am »
Iba naman issue ko sa maid namin, mga sis. Brief background lang, 24 years syang nagtagal samen nung dalaga pa ko. Di pa ko pinapanganak kasama na namin sya. Umalis nga lang nung nagka-away sila ng tatay ko.

Ngayong nag-asawa na ko, kinuha ko uli sya. Kampante ako kasi parang nanay na talaga ang turing ko sa kanya. Mapagkakatiwalaan at may malasakit. Kaso ang problema ko, ayaw ng asawa ko trabaho nya. Matanda na kasi si ate.. Matigas na ulo. Hindi naman magawang pagsabihan ni hubby kasi masama syang magalit . At mahirap masigawan si ate kasi may sakit.

Ayaw ko naman sana umalis si ate pero nasstress na si hubby sa kanya. Medyo maselan kasi si hubby. At ngayon napapansin ko na may cold war sa bahay. 3 lang kami, di pa sila nag-uusap. Di na rin sumasabay kumain si ate.

Need your advice mga sis. Naiipit ako sa kanilang dalawa.


kumikosan_9

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #30 on: August 01, 2014, 03:47:08 pm »
^sis kung talagang hindi na maayos ang problema na yan, wala ka naman ibang choice kung hindi pakawalan ang kasambahay mo. Mahirap kasi yung mabigat ang atmosphere sa sarili mong bahay.

pero bago mo yun gawin, baka pwede mo kausapin si hubby. explain to him what will happen if you let her go. Na ikaw lahat ang gagawa ng mga gawain na yan until makahanap kayo ng replacement. And looking for one is mahirap sa ngayon. Wala pa dun yung very big factor na mapagkakatiwalaan ba yung makukuha mo. Explain mo kay hubby na pag ikaw lahat gumawa ng chores ay mahihirapan ka kesa nakakapag pahinga ka din. Unless he would share sa mga gawaing bahay.. ;)

so ayun, i think you should try to talk things with hubby muna. he also deserves to be happy and comfortable in his own home. pag talagang ayaw na nya, maghanap ka na ng kapalit.

shawliin

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #31 on: August 04, 2014, 10:18:14 am »
hi mga sis. hingi sana ako ng advice sa inyo. si yaya kasi she hobby nya ang mag-advance lagi. weekly ko kasi binibigay sweldo nya kasi stay-out siya. mon-fri. lately lagi na siya naga-advance ng pang one month. ok lang naman kasi hindi naman siya umaabsent.

kaso minsan nangungutang na. last week nangutang sa kin. although 200 lang naman. she promised to give it back to me last friday. kaso wala. it seems kasi na porke't mabait kami sa kanya parang akala nya ok lang.

at feeling ko mamayang paguwi ko galing work mangungutang na naman siya. paano ako tatanggi mga sis ng hindi ganong kataray?

kumikosan_9

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #32 on: August 04, 2014, 11:47:37 am »
^ siguro sis pag nasubukan nya matanggihan once, medyo mababawasan na din yun frequency ng pag advance nya. sabihin mo kaya na hindi ka ready na mag aadvance sya kasi akala mo sa friday ka pa mag out ng money, so hindi ka muna nag withdraw sa atm (tipong ganun). Yan kasi sinasabi ko sa labandera ko sis na mahilig din mag advance dati. bigay hilig din ako hanggang parang umaabuso na. One month na inaadvance. Sinabihan ko lang na sa susunod ayoko ng ora-orada humihiram ng money. kasi nagba-budget din ako. ayun sis, i think naman she got the message. Seldom na lang mag advance, at hindi na malaki ang hinihiram.

shawliin

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #33 on: August 04, 2014, 04:43:10 pm »
sis kumikosan_9 thanks sis! magawa nga yang strategy mo. hay nakakaloka ang mga yaya ngayon kung makademand parang feeling nila unlimited ang atm natin!

det060403

  • Guest
Re: Maid Dilemmas
« Reply #34 on: August 05, 2014, 05:08:01 pm »
Yung kasama namin sa bahay medyo madaldal, as in makwento to the point na minsan nakakapikon na kasi hindi naman siya kasali sa usapan namin tapos biglang sisingit na ganito ganyan sa dati niyang amo. Ampf! Ako, natitiis kong hindi magreact, yung asawa ko hindi makatiis minsan nagsside comment siya! LOL! kinukurot ko nalang haha nakakaawa din kasi minsan pag binara mo, naisip ko nalang baka nabobore siya kaya nagkkwento para lang may kwento.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close