Author Topic: BEING A "MISTRESS"  (Read 170796 times)

Girltalker2

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #320 on: November 04, 2015, 10:06:25 pm »
^^magulo nga sa totoo lang. parang feeling ko, kung sino ang nandyan sa tabi mo, sya ang minamahal mo.

Parang aso ba ang peg? Kung sino nasa harap nya, sya ang ka churva?


bluish_mommy

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #321 on: November 05, 2015, 06:19:56 am »
Sa pagkakaintindi ko eh magpapakasal lang sya dahil sa anak nya dahil gusto nya may tatay anak nya pero di na nya love yung papakasalanan nya. So parang nakikita ko na mangyayari dyan, pag kasal na sya churva sa kabila dahil yung ex ang mahal nya... ano bang kalokohan yan!

Sa bagay mukhang mayaman naman itong si h2b dahil nagmigrate na sa US di ba, tapos si ex nagadik, sa pananaw ko lang ah, parang convenience ang habol ni ate eh hehe

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #322 on: November 05, 2015, 06:39:16 am »
Sa intindi ko yung adik ang tatay ng anak niya. If I were her iisipin ko na lang kung sino mas makakapagbigay ng magandang future sa bata. Katakot makisama sa adik. Saka patawarin niya na si h2b tutal nakipag-churva na rin naman siya sa iba, so quits na sila

bluish_mommy

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #323 on: November 05, 2015, 09:03:10 am »
^sabi nya sis, si h2b daw nya nakabuntis sa kanya, nag-migrate at iniwan sila ng baby nya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #324 on: November 05, 2015, 09:29:18 am »
^oo nga pala, ang naalala ko lang kasi is yung unang baby. Wala nga palang heartbeat yun. Naku kay h2b na lang siya baka maapi pa ng adik na ex yung anak niya.

three8one

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #325 on: November 05, 2015, 12:54:07 pm »
Sa intindi ko yung adik ang tatay ng anak niya. If I were her iisipin ko na lang kung sino mas makakapagbigay ng magandang future sa bata. Katakot makisama sa adik. Saka patawarin niya na si h2b tutal nakipag-churva na rin naman siya sa iba, so quits na sila

paano sis kung adik sayo???............. echos lamang.  ;)

------------

para kay ahiahh19, choice mo kung sino ang pipiliin mo, kung napag desisyunan mong makisama sa ex mo, wag ka muna makikisama sa kanya mas makakabuti kung tulungan mo muna siya maayos ang buhay nya, at habang tinutulungan mo siya ayusin mo ang sitwaston mo sa h2b mo. maging honest ka sa nararamdaman mo at ipag tapat mo sa kanya. maigi na yung papasok ka sa isang sitwasyon na walang dala dalang burden galing sa nakaraan.


antithesisofbarbie

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #326 on: November 10, 2015, 03:32:49 pm »
sabi nga sa isang quotation na nabasa ko...

"ladies...just in case you're confused... God will never send you someone else's husband.."


chichi143

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #327 on: November 20, 2015, 09:23:41 pm »
3 years ago I am. For like a month. He said all the right things and always did not want to talk about his current status with the wife. Treated me great too.

For a month, I felt like I really loved him until a family vacation in Dumaguete.
I can't even call or text him to tell him how beautiful the beach was. Or send him my picture enjoying my vacation.
Then that's when it hit me. I can't do this. It feels so wrong in all places.
I vowed to never be a mistress again.

I deserve more. We all do.

OtherBoleynGirl

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #328 on: January 05, 2016, 10:04:42 am »
nakakatawa yung kinauwian ng thread na 'to!

three8one

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #329 on: January 05, 2016, 06:30:15 pm »
3 years ago I am. For like a month. He said all the right things and always did not want to talk about his current status with the wife. Treated me great too.

For a month, I felt like I really loved him until a family vacation in Dumaguete.
I can't even call or text him to tell him how beautiful the beach was. Or send him my picture enjoying my vacation.
Then that's when it hit me. I can't do this. It feels so wrong in all places.
I vowed to never be a mistress again.

I deserve more. We all do.

buti na lang sis nakawala ka ng maaga sa impiyernong napasukan mo...kasi kung hindi, malamang hanggang sa mga oras na to buhay ka pa nasusunog na ang kaluluwa mo. tsaka katakot takot na sumpa na ang ibinato sayo... mabuti na lang talaga sis, congrats sayo...

 ;)

dismembered

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #330 on: January 06, 2016, 06:04:36 pm »
Yung ex ko ay dating mistress. Bago ko naging GF, mistress sya ng ex nya na married at may anak na. Na-challenge ako kasi gusto ko syang maialis sa sitwasyon na yun. Gusto ko iligtas sya at ibigay sa kanya ang mas deserve nya. She cried to me, asking for my help na makalimutan at maka move on at maka iwas sya dun. Naging kami. I'm just not so sure if pero I felt loved naman kahit papano. At least nakaiwas sya sa pagiging mistress. Naging LDR kami... after 2 years.. nagkaroon sya ng bago. iniwan na lang ako. super sakit kasi dagok sa ego ko despite lahat ng ginawa ko at pagtanggap ko, ginanito lang ako. :( Sabi nya I don't deserve her. I deserve someone better. Oh well. ang sakit sakit lang... Pero ok lang. At least kahit nasaktan ako... nailigtas ko naman sya sa pagiging mistress dati na maging complicated lalo ang lahat. Kahit iniwan na ako at least iniisip ko na lang na kahit papano natulungan ko sya.. Happily married na sya ngayon with kids. Hopefully it will stay that way.

Observation ko lang.. kadalasan ng mga nagiging mistress eh came from a broken family rin. Hindi ko maexplain pero siguro may psychological impact sa kanila yun kaya natatanggap nila maging mistress na lang sila. May mali sa upbringing or what.. I don't know.

iam_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #331 on: January 06, 2016, 08:39:14 pm »
^ka sad naman dismembered pero hanga ako sa ginawa mo, sa sacrifices mo hayaan mo susuklian din ni God yun ginawa mo :)

OtherBoleynGirl

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #332 on: January 07, 2016, 03:57:36 pm »
aww.. dismembered :(

graezieylicious

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #333 on: January 15, 2016, 09:38:21 am »
Well I have a story about my very close friend about this.

My friend has a very strong personality and intimidating. We have the same personality. Palaban and all. Shes been single for a long time, she doesnt fall in love that easily, she has rotation of guys to date. Career woman and pretty. She tells me everything about her na hindi alam o napapansin ng tao and I know her secrets . Marami rin nagkaka gusto sa kanya kasi attractive siya.

Then pareho kami nagmamasters pero different schools. May nagkagusto daw sa kanya na lalaking married na and classmates pa sila. The guy has just been recently married in a 10 year relationship and has a 10 year old kid. The guy is really head over heels with my friend, kahit nasa class todo lapit at titig kahit napapansin ng iba. Wala talagang pake si guy if mapansin o malaman na may gusto siya sa friend ko. Todo effort daw parang walang asawa umasta. Nagtetext at tawag kahit holidays basta constant communication kahit nasa bahay pa ang lalake. The guy even called sa skype kahit nasa work at pinakilala pa yung friend ko sa workplace, well syempre as a friend. I witnessed that the guy is calling her sa cp and skype. So they became a couple na after ilang dates. Si lalake talaga ang humahabol, not because of sex, kasi sabi niya sa guy if ever may sex involved ayaw na niya and casual na lang sila sa isat isa. Well, merong intimacy but not really sex. She will leave him or be just friends if he breaks that condition.

They never talked about the wife or the family, basta about sa kanila lang. My friend never ask about that naman. And sabi niya that the guy handles her attitude well and their situation well naman daw for now.

Sabi pa ni guy "I wish i met you sooner than now..if we just met in a different time i would have married you by now.." and he wishes that my friend is her wife kasi sure daw center of attention sila if ever he has a pretty wife with brains..."
Nalulungkot nga daw si guy pag sinasabi ng friend ko na "if ever dumating ang time na they will separate ways, i will really miss you"

Seloso din daw si guy and he wants my friend all for himself. Gusto niya lagi sila magkasama at same school. And hes having plans and take note future plans for the both of them. 


Pero for my friend na busy sa career niya, the feeling is not deep yet or parang wala nga lang siya...kasi career talaga ang focus niya...well knowing her, shes quite pressured being successful so go getter. Shes practical and realistic about life...she doesnt wish na siya sana asawa or what. hinahayaan lang si guy na ganun kasi sobrang kulit, shes not crazy or deeply inlove yet she just enjoys the company of that guy. Oh well, its not the first married guy na nag kagusto sa kanya as in they fell in love with my friend pa and todo effort.

Share ko lang..maybe its not really about the sex and money

Another story..I have another friend sa neighborhood na during her younger days kahit may partner na eh ang lakas mang huthot sa mga matatandang lalaki..like in a month nakaka 40k daw siya for 3 years. Kala niya walang katapusan, then now parang artista sya na nalaos ayun sa tricyle driver bagsak nya she has 4 kids from different man, nakasanayan niya rin manghingi...Minsan talaga maging wise tayo..sana nag aral man lang siya so she can work kahit wala na sustento.
« Last Edit: January 16, 2016, 11:13:17 am by graezieylicious »

izabelle

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #334 on: January 15, 2016, 11:02:20 am »
alam nyo lagi tayong galit kapag may nangangaliwa pero honestly kaya naman may nangyayaring ganyan dahil may mali dun sa relationship or hindi satisfied sa relationship.  The legal wife or the husband should be sensitive enough to sense na may mali sa relationship minsan kasi nagiging lax na at bahala na ang Diyos e yun ang nagiging dahilan para magkaroon ng others like sa mga babae laging quote ng mga lalake pag nagkaanak na nagiging losyang na.  Si babae naman ang dami kong ginagawa ok na yan mahal naman ako ni hubs. Ayan in the end si hubs nagkagusto sa sexy at magaling manamit. lolz

Still not an excuse to cheat kahit losyang na si wife. There's no excuse in cheating IMO. Kung may problema relasyon bakit pa gagawa ng isa pang problema. Hindi solusyon mangaliwa dahil may problema ang marriage or isang relationship.

cheezecake

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #335 on: March 04, 2016, 08:36:04 pm »
Ya...but it does happen

NinaSarah

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #336 on: March 11, 2016, 03:12:36 pm »
nakaka lungkot lang na ang dami pa rin babae pumapatol sa may asawa. at lalake patuloy pa rin sa paghanap ng babae nila kahit committed na sila,
kung alam nyo lang anong hirap at sakit sa puso namin. isama mo na epekto sa mga bata.

sana lang if alam nyo kasal na baka pwede umiwas na, wag na patagalin, wag na rin kiligin. pwede naman iwasan, pwede talaga lumayo, nagkakataon lang inuuna yung kilig bago ang utak pairalin.

kunsensya na lang sana. may karma rin naman. iiyak din kayo sa dulo,  kahit magka anak pa sila. kahit magsama pa sila, sa dulo talo pa rin ang kabit. minahal nga kayo, nilaspag din lang kayo, pag nalaos, babalik sa dating asawa o kukuha ng bago. cycle lang. karma pa rin ang panalo.



dulcette

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #337 on: March 15, 2016, 01:14:46 am »
Kabit din ako before! Lol. Okay, not funny.

Itong lalaking to, serial. Ako naman, broken hearted at kakabreak ko lang sa long term boyfriend ko of 6 years. He was a smooth talker. Nag churva kami one night, I texted him nung nakauwi na kami. The next morning may text barrage na sa phone ko from his wife here in Manila. And another woman from abroad. Dalawa ang asawa ng loko! Tag-isa din ang anak.

This went on for two years, I think I was just looking to validate myself. Feel ko ang ganda ganda ko. I know, maling mali, pero he talked me into it in a way na wala akong ginagawang mali, na patay na patay siya sa akin. Each time I tried to break it off, he wouldn't let me. Trapong trapo na ko sa sarili ko nun. He was manipulative, and narcissistic. He made me feel guilty sa mga bagay na kasalanan naman niya. Pero bukambibig niya palagi, wala siyang ginagawang mali, nagmahal lang daw, blah blah. Tao lang daw, you know, mga ganung keme. He promised na he would marry me pagbalik niya dito sa Pinas. That he wanted to have me as the mother of his future children.

One day bigla nalang siyang naglaho. I waited for him for so many months until narealize kong wala lang ako sa kanya, yosi break lang kumbaga. He made me believe na may patutunguhan.

Ending, both his wives are distant na sa kanya. Karma niya, di siya makauwi ngayon ng Pinas kasi ayaw siyang bigyan ng pera pangbalik dito.

I know, pagalitan niyo na ako at lahat, pero I really regret my actions and am truly sorry dun sa dalawang asawa niya at anak niya. If I had the chance I wouldn't have done it. I was selfish. Kaya kayong mga kabet kayo, hay nako tigilan niyo na yan. You're just feeding the egos of these men. :( At kayong mga napendeja, ask away. Maybe I can help you find out if your partner is cheating.

dismembered

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #338 on: March 15, 2016, 12:26:44 pm »
Dapat ba gumawa din ng thread about "Being a womanizer?"

Bitter na kung bitter, pero inis na inis ako sa mga lalakeng may kabit! Sa akin kasi, nasa lalake talaga kung magkakaroon sila ng kabit or not. I know most of the girls here, mas naiinis kayo sa mga babaeng lumandi at naging kabit ng asawa, pero para sa akin, mas may kasalanan at dapat kainisan ay ang mga lalake na nagkaroon ng kabit. Never magkakaroon ng valid at acceptable reason ang pagkakaroon ng kabit. Higit sa lahat, sila ang mas nasa position para mag reject or entertain ng kabit. Nasa kanila ang ultimate choice. Hindi pwedeng maging dahilan na lalake lang sya or nagmahal lang sya. Bilang lalake kailangan maging firm ka sa choices mo.

Ang kinaiinisan ko lang sa sitwasyon ngayon ng mundo, parang ok lang mag ka kabit ang lalake. Parang daming nakakalusot sa consequences. Dapat talaga, mga lalakeng may kabit ay nilalagyan ng ID na womanizer sya para man lang ma-warned ang mga tao. Sa mga kakilala kong nasira ang pamilya dahil sa may kabit si lalake, si asawang babae ang laging nagsusuffer samantalang mga lalake happy go lucky pa din. Merong bagong partner at abswelto pa sa sustento sa anak nila. Ewan ko lang. Pero palagay ko hindi nila talaga ma-feel nila ang consequences ng actions nila. Kaya happy happy pa din samantalang ang pamilyang iniwan nya may mga problemang hinaharap.

Sana bumalik tayo sa panahon na kapag may mga kabit, talagang kinakahiya ng society. Mawalan ng trabaho etc... Para man lang ma-discourage gumawa ng kalokohan if ever merong opportunity.

young_maiden

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #339 on: March 15, 2016, 12:43:43 pm »
^ bro, sana lahat ng tao kapareho mo mag-isip.

tuwing may extramarital affairs, lagi na lang iyong kabit may kasalanan. malandi daw o makati. alam na may asawa pero pumatol pa rin. hindi man lang naisip na sa lalaki nagsimula ang lahat. kung naging faithful siya sa misis niya, wala siya sana naging kabit. kahit humubad pa si other woman sa harap niya, kung matino siya, tatanggi siya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close