Author Topic: BEING A "MISTRESS"  (Read 171008 times)

three8one

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #300 on: August 23, 2015, 06:26:23 pm »
:o ^wow! KapaL ah--nila parehas!

^ this! hehe..

@ harley18

tingin ko sa pinsan mo wala na yang konsensya eh. wag ka magalit ah.. imagine sis, kung yung sarili nyang budhi hindi na sya kayang pigilan pa sa ginagawa nyang kalokohan tingin mo sinong tao pa ang makakapigil sa kanya? hindi yun sa tinatakot sya eh, parati tayo may choices, good and bad. sa pag kakataon na yan mas pinipili nya yung bad choice.. kawawa ang pinasan mo sis pagnalaman pinag gagawa ng pinsan mo tapos sakaling (sige i buy the reason ni kabit na mahal nya si pinsan mo) magsawa na magmahal sa kanya si kabit wala na ng mapupuntahan si pinsan.. tsk tsk..

 ;)

harley18

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #301 on: August 24, 2015, 07:00:40 am »
^ Pabebe, walang makakapigil sa kanila! hehe
Hindi lang naman pinsan ko, I think ganto naman sa lahat ng may kabit, at kabit. Wala silang konsensya at makakapal ang mukha nila. And I believe, pinigilan din sila ng mga asawa nila, kapamilya, at friends nila. Choice nilang gumawa ng mali.

three8one

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #302 on: August 24, 2015, 01:13:14 pm »
^ oo nga pala amg topic is about being a mistress.. para sa lahat ng kabit at may kabit. hehe! i stand corrected.

greedy and selfishness ang pinaiiral nila, di bale may nasagasaan sila o masaktang ibang damdamin basta yung luho ng laman nila o personal satisfaction mapunuan nila.. kawawa sila noh? walang happiness mas lalo na contentment ang mga yan...

 ;)

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #303 on: August 24, 2015, 03:26:13 pm »
Palaban si kabit, sabi nya hindi daw nya plano manggulo.  :o Hindi daw sya naghahabol sa kahit ano at alam daw nya na 2nd option lang daw sya. Mahal lang daw nya talaga pinsan ko. edi wow  ::)

Side naman ng pinsan ko: sinubukan daw nya once na makipaghiwalay, pero tinatakot daw sya ni kabit na magpapakamatay daw sya kung iiwan sya. Saka atleast daw may benefits sya kay kabit habang malayo sa asawa nya. May nagagamit for love making, may taga-laba, taga-luto, at taga-ayos ng gamit nya. Tinanong ko sya kung sino mas mahal nya, no 2nd thoughts, yun asawa pa din nya.

So I conclude na ginagamit nya lang si kabit for personal benefits. Mga kabit, magisip isp kayo.

Lol hindi plan ni kabit manggulo pero ano bang ginagawa niya? Hindi pa pala siya nanggugulo ng lagay na yan, charity siguro tawag niya since all around househelper siya sa araw at bedwarmer siya sa gabi. Nakatulong nga naman siya sa nangangailangan.

Ang pinsan mo nagdadahilan lang, kung gusto niya hiwalayan may paraan pag ayaw maraming dahilan.

cheezecake

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #304 on: August 26, 2015, 02:55:38 pm »
alam nyo lagi tayong galit kapag may nangangaliwa pero honestly kaya naman may nangyayaring ganyan dahil may mali dun sa relationship or hindi satisfied sa relationship.  The legal wife or the husband should be sensitive enough to sense na may mali sa relationship minsan kasi nagiging lax na at bahala na ang Diyos e yun ang nagiging dahilan para magkaroon ng others like sa mga babae laging quote ng mga lalake pag nagkaanak na nagiging losyang na.  Si babae naman ang dami kong ginagawa ok na yan mahal naman ako ni hubs. Ayan in the end si hubs nagkagusto sa sexy at magaling manamit. lolz

mylene628

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #305 on: August 28, 2015, 02:59:01 am »
basta ako naniniwala ako na pag ang babae nangaliwa may halong love and out of love na sa husband. na took for granted ni hubby, na bastos, sinasaktan or anything na naubos na love nya sa asawa nya. yun nga lang hinde sha makahiwalay kase may mga anak at hinde handa ang bago nyang boyfriend. or pwede ring may asawa ang new boyfriend nya. ganon ang tingin ko. may problema sa loob ng bahay na ayaw pag usapan, si misis naghanap ng kausap na fall... ayun.

Fluffyheart

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #306 on: October 08, 2015, 10:22:05 pm »
Sexy at magaling manamit lang pla eh.  ;D

det060403

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #307 on: October 09, 2015, 10:52:08 am »
^ang shallow!

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #308 on: October 09, 2015, 11:09:49 am »
Oo nga, ang babaw na reason naman kung dahil sexy at magaling lang manamit ang reason ng infidelity. Pwedeng-pwede pa maremedyuhan yun. Kung nalosyang man si misis at di naman siya ganun dati dapat tanungin din ni mister ang self niya if bakit nagkaganon ang misis niya. Its not just the misis fault lalo na kung siya lang ang naiiwan at gumagawa ng lahat sa bahay. I know na responsibilidad ng misis na laging mukhang maganda para kay mister pero kung lahat ng pagod sa bahay pasan ni misis at nagwowork pa siya, talagang mauubusan siya ng ganda. Dapat ikuha ni mister ng maid si misis at bigyan ng dagdag budget sa pagpapaganda kung gusto niya ng mala-model na asawa.

Miss Taken

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #309 on: October 28, 2015, 03:17:07 am »
In this kind of situation, we all have a choice. Do the right thing or go ahead and wreck someone's relationship. Alam mo ng taken, lalandiin mo pa at magpapalandi ka pa?

Anyway naniniwala naman ako sa saying na, "What goes around, comes around."

three8one

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #310 on: October 28, 2015, 12:33:04 pm »
sadyang mapag mahal lang ang mga kabit.... sa sobrang mapag mahal nila pati mahal na ng iba eh minamahal rin nila..

 ;)

ahiahh19

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #311 on: November 03, 2015, 02:55:47 pm »
SORRY KUNG MAHABA I NEED TO RANT THIS OUT AND SEEK SOME ADVICE :(


i've been a mistress to my first love  as in  after namin mag break may bago na siya nakita ko  na  mas mahal niya keysa sa akin, on their 5th month nag ka usap kami and ayun lagi na kami nag churva, kumbaga sa umaga siya ang kasama kapag gabi e ako naman (sakit lang) kapag may family gathering siya ang kasama ako naman kapag may inuman sila ng tropa ( sabi nga nung isa tropa niya marytr mo naman ako na lang mahalin mo sayang ee).

mahal ko pa siya or siguro hindi ko lang ma tanggap na wala kami it lasted siguro mga 4 years na ganun kami nag ka roon din ako bf tapos lahat fling lang kasi mahal ko pa talaga yung ex ko pero nabuntis ako ng ex ko hindi niya matanggap ako naman sobra saya ko kasi finally may anak na kami baka sakali umuwi siya sa akin pero bilib ako sa gf nun tanggap niya at alam nun nag kikita kami hahahah! pero nung nag pa check up ako walang hearthbeat si baby :( na depressed ako na lungkot hindi ko ma explain :(


after noon hindi na kami nag usap pinutol ko na so nakilala ko si h2b workamte ko  sobra mahal ako nun as in akala ko nga masaya kami until nag migrate sila at binuntis ako
mixed emotion , ayun umalis na sila naiwan kami ng baby ko 1st year ng LDR namin i thought na okay kami until mahuli ko siya ( thanks to social media) na open ko yung billing niya lahat nakita ko sms mms nila nung babae niya sakit iniisip ko lang na karma ko yun pero yung mabasa mo na alam ng magulang at kamag anak niya doon mapapmura ka na lang ee mag ka gulo kami nakipag hiwalay na nga ako ano sense db? ayaw ng h2b ko eh pinilit ko ayusin pero wala ng love nag propose siya thru social media may video effect pa, inisip ko na lang para sa anak ko ( i came from broken family ayaw ko maranasan ng anak ko na walang pamilya)

sa pag kakataon iyon nahanap nanaman ako ng ex ko message nag kita kami Dec 24 masaya kami y he said sorry at napatawad ko naman ang pag iwan niya sa akin ( pero yung h2b ko hindi ko pa napapatwad ) masaya kami kapag churva parang fubu lang hahah pero may feelings kami sabi niya hindi daw niya kaya mawala ako hahaha!ayaw niya ako umalis nagulat ako at nag propose siya alam niya din na ikakasal na ako ( stalker lang )  nung nag hiwalay sila ng long time gf niya doon lang niya na realize na mahalaga ako sa kanya  he admit na nag addict at nasira ang buhay niya kaya ako pakasalan para umaayos daw ang  buhay at tulungan ko siya


Sorry girls  kung mahaba at magulo :(




three8one

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #312 on: November 03, 2015, 06:54:20 pm »
^ magulo nga talaga sis at medjo weird pa. may mga part na natatawa ka sa kwento mo pero di ko naman makita saan ang nakakatawa dun.. nag aask ka ng advice, advice saan? kung dapat mo I push yung nakabitin nyong relasyon ng ex mo?

kung yun nga ang gusto mo ihingi ng advice, ang masasabi ko lang eh makabubuti na ayusin nyo muna ang buhay nyo pareho ng ex mo. may kanya kanya kayong relasyon na dapat yun ang pinag tutuunan nyo ng pansin at panahon. tsaka pakitigilan mo na rin yung pagiging mahinhin#$ten mo. ano yun, kada kita nyo na lang ganun ang routine nyo? bigyan mo naman ng konting respeto yung sarili mo.

wag ka rin pakasiguro na pag nagsama kayo ng ex mo magtitino na sya, sabi mo nag addict diba at magpapatulong sayo para tumino? anong garantiya mo dun? mabuting makasiguro ka muna na cleaned na sya bago mo pag isipan kung sasama ka ba sa kanya. alam kong alam mo ang dapat gawin, wag ka lang sana mag bulagbulagan at magtangatangahan sa mga pangyayari..

 ;)

bluish_mommy

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #313 on: November 04, 2015, 07:04:31 am »
^^magulo nga sa totoo lang. parang feeling ko, kung sino ang nandyan sa tabi mo, sya ang minamahal mo. tingin ko lang mas dapat na mag-focus ka ngayon sa pagpapalaki sa anak mo, sikapin mo na lang sis na hindi masisira ang buhay nya, tulad ng nangyari sa iyo. the best thing to do now is to protect your child from letting that to happen to him/her as well.
« Last Edit: November 04, 2015, 08:37:55 am by bluish_mommy »

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #314 on: November 04, 2015, 07:28:38 am »
Sis ahiahh19 di ko naintindihan kung ano yung inihihingi mo ng advice ;D. Mukhang ok at masaya ka naman sa nangyayari kasi nakakatawa ka pa sa post mo. Nakita ko din mga posts mo sa Engagement and Wedding thread at ikakasal ka na pala so anong problema? Hindi ka naman siguro magpapakasal sa taong ayaw mo

bluish_mommy

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #315 on: November 04, 2015, 08:41:46 am »
^oo nga noh, ikakasal na pala hehe... akala ko ba sabi nya wala na feelings para kay h2b? di ba nagbalikan na sila ng Ex nya at nakikipag-Fubu na nga ulit eh. ano ba yun!

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #316 on: November 04, 2015, 08:57:44 am »
^di ko din na-gets sis kung sino ba sa 2 papakasalan niya e. Sabi niya wala na siyang feelings kay h2b at di pa niya napapatawad sa nagawang kasalanan, tapos si ex na current ka-churva niya gusto daw siyang pakasalan. So sino ba sa kanila? After ko basahin ang kwento niya nalito ako e. Ang maliwanag lang e masaya siya sa nangyayari kasi nakakatawa pa siya. Congrats na lang sa kanya kung sino man sa kanila
« Last Edit: November 04, 2015, 09:16:03 am by mysterioza_me »

heavenangels

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #317 on: November 04, 2015, 09:13:53 am »
Ang masasabi ko lang everything has its own time, season. And may karma. Hindi man directly sa taong nangaliwa, pwede ang magsuffer nito is yung mga mahal sa buhay na walang kasalanan. Yun ang mas masakit.  May kakilala ako almost 13yrs naging kabit, ayun nun may edad na sila pareho nung lalaki, si guy bumalik sa original nyang pamilya. Si ex mistress, nganga! Walang permanente sa mundo. Lahat pwedeng mawala in just a snap. Sa mga mistress na natuto and nagbago, congrats at may reward ang pagsisi nyo. I am wishing you happiness. Sa mga mistress pa din at mga may mga extra baggage dyan at yun mga nagtatangka na magkaron ng kabit, well malaki na kayo. Just be prepared lang pag dumating na sa point na ihaharvest nyo ang mga resulta ng mga ginawa nyo. Maitago nyo man yan ng matagal, walang lihim na di nabubunyag. God is watching us 24/7.

simang

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #318 on: November 04, 2015, 02:57:59 pm »
ahiahh19, ganito gawin mo, pakasal ka dun sa fiance mo, tapos pag kasal na kayo, makipag 'churva' ka ulit dun sa isa... sounds fun right. hihi. peace sis. magulo lang story mo, sana maayos mo muna sarili mo bago mo isali ang sino man sa kanila. good luck

quennna

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #319 on: November 04, 2015, 09:55:21 pm »
At pagkasal na kayo at nalaman mo na makikiapagchuvaness sa iba hubby..
Wag kang magwawala.. tandaan mo.. masaket gumanti ang tadhana..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close