Dear cousin,
Sana kapag kumikilos ka hindi yung kung kelan mo lang gusto at hindi yung para ka lang border na nagbabayad samin na umaalis kung kelan niya gusto at umuuwi kung kelan niya gusto at gigising kung kelan niya gusto kaso hindi ka rin naman nag-aabot. Okay na nga yung hindi ka magbigay kaso sana cuz makaramdam ka naman hindi ka na nga nire-replyan nung nagpaparamdam kang luluwas dito sa maynila tapos porke nagreply lang nanay ko sayo eh bigla-bigla ka nalang luluwas ng walang sabi-sabi ni ha ni ho? aba insan ako na po at ang asawa ko ang bumubuhay sa pamilya namin at sa bahay na titirhan mo i-bypass daw ba kami? malaman-laman nalang namin na paluwas ka na pala tapos ipo-post mo pa sa fb na parang kami ang may gusto na lumuwas ka?

hay nakakalungkot dahil sayo nagkakasala ako kay Lord dahil hindi ko mailabas sayo ang nararamdaman ko.
Alam mo, nakakaawa sana kayo kasi tama ka, naghihirap nga yung pamilya ninyo ngayon, hindi na kayo binabaha ng pera na gaya noon at ang kapatid mong noon ay nagdadala sa inyo ng limpak limpak na salapi eh lulong na sa droga ngayon at mas mahirap na sa daga, ang kapatid mong bunso na tigil na rin sa pag-aaral ay umaasa nalang kayo sa kuya ninyong nasa canada eh, nagagawa mo pa ngang maglaro ng DOTA?

? Tapos pag feel mo magluto ng ulam na gusto mong kainin kasi di kami nagluluto eh idadamay mong bigla ang mga bata at aalukin mo kung gusto nila??? Maglilinis ka ng electric fan sa kuwarto lang namin?? eh pano yung nasa kuwarto ninyo at yung 3 pang natitirang electric fans??? tapos papupuntahin mo gf mo pag wala nanay ko at aakyat kayo sa kuwarto niya sa taas at magla-lock kayo ng pinto? Sa palagay mo ba eh hindi namin naiisip kung anong ginagawa ninyo dun? Ginawa ninyo pang motel ang bahay!!! Eh kung buhay tatay ko hindi nyo magagawa yan eh...
Cuz NAPAKA-iresponsable mo. Panay daing mong hirap na hirap ka na sa kalagayan ng pamilya mo, na naaawa ka na sa nanay mo, pero anong ginagawa mo??? Isang malaking... WALA! Oo wala kang ginagawa. Nakakalungkot dahil lagi kang umaasa sa iba. Ayaw mong mag-stay sa relatives nyo sa mother's side mo dahil sabi mo nakakarinig ka pag andun aba natural!!! Lalo na kung nakikita nilang ganyan ka pala pag nakikitira! Pinaglutuan ka na nga asawa ko nung bday mo eh nagawa mo pang magpaka-lango sa alak at ang bahay grabe parang ni-yolanda!!! nanggigitata yung sahig sa alak, yung cr namin, punung-puno ng suka ng mga katrabaho mo, mga bote ng pinag-inuman nyo nasa kung saan-saang parte ng bahay, ok lang sana kung di ka nagpaka-lango kaso pati ikaw bagsak sa kalasingan!!! Nanay ko pa at ang asawa ko nagligpit ng lahat ng kalat at suka ninyo!!! Kulang nalang di ako pumasok sa trabaho ng araw na yun para lang tulungan sila sa SOBRANG gulo ng bahay!!!
Siguro naman cuz pag kinausap ka na namin ng nanay ko, di ka magagalit kasi para sayo rin yung gagawin namin. time na para tumayo ka sa sarili mong paa kasi ang tendency pag nasa sa bahay ka eh masyado kang nagiging kampante. tapos pati kami naaapektuhan kasi yung konsumo lumalaki rin dahil sayo. kagaya niyan luluwas luwas ka dito wala ka palang kapera pera pang-apply ano ngayon ang kinalabasan??? eh di nagpautang pa kami sayo ng 1500?? eh wala naman sanang problema sa pagpapahiram kaso bawat sentimo mahalaga samin ngayon kasi ikakasal na kami ng asawa ko,, ikakasal na kami alam mo ba yun?

?!!!! inako na nga namin yung huhulugan mong insurance para sa nanay mo for 5 years kahit na nung daddy ko ang nakaratay sa karamdaman nung mga panahon bago siya namatay eh nagpapakasaya kayo sa mga padala ng kuya ninyo na galing sa japan at ni wala man lang lumuwas sa inyo para mag abot o tumulong samin?

!!!
Isa pa lahat na ng kapatid mo eh samin na rin nakitira at nakipanuluyan. hindi na nawalan ng ibang tao ang bahay namin! pano naman yung privacy naming pamilya?

!!!
Alam mo ang saya sana kung nagkukusa ka man lang kaso hindi eh!!!!
parang hindi ka nahihiya sa mga moves mo bilang nakikitira.... haaaayyyy
Pls Lord, help me kapag kailangan ko na siyang kausapin upang yung mga tamang sasabihin lang sa kanya ang lalabas sa king bibig na angkop sa inyong kalooban...
salamat po. amen