watch now

Author Topic: Issue With the cousin  (Read 3510 times)

annika

  • Guest
Issue With the cousin
« on: December 09, 2013, 09:41:27 am »
Enter your message here
« Last Edit: December 09, 2013, 03:33:25 pm by annika »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #1 on: December 16, 2013, 07:54:39 pm »
So nag-decide ka na lang bigla na samin ka magsspend ng Christmas, hinde ka man lang nahintay ng invitation from us? Hinde mo ba naisip kung gusto ka ba namin kasama or hinde? Nasan na pinagyayabang mo at bigla-bigla ka na naman sisilong samin? Napaka yabang mo kase as if naman hinde namin alam ang totoo sayo  noh. Che!

glacy_rein

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #2 on: December 19, 2013, 03:59:56 am »
ang sabe mo dun ka titira sa kabila tapos malalaman ko makiktira ka samen? dahil ano? dahil masikip, madumi at mainit dun? bat nagyaya kapa? ang yabang mo. hindi bahay ampunan ang bahay namen at yung pangungutang mo ililista ko talaga! antayin moko makabalik talaga

hunny_ally

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #3 on: December 24, 2013, 05:55:11 pm »
Yes I understand that for sentimental reasons you want your former yaya to be there on your beach wedding. But she's is now my employee, she works for me. Ano ba naman na sinabihan mo ako before booking a ticket for her?!? Or kahit man lang right after you booked the ticket. For someone who is supposed to be educated in one of the top universities in the world, you're so stupid not to have the foresight to tell us so we could have planned something before the 11th hour. You did not even have the decency to tell us and we all discovered about it thru the yaya! What's worse when we were trying to make a compromise with you (make the yaya leave later and have her back in MNL earlier), you wouldn't even budge cause you wouldn't want to waste the money you paid for her plane fare and flatly refused to spend another Php 2k on her. You are such a stingy little brat! Kung sino pa ang nakapwersiyo, siya pa ang ayaw makipag-kumpremiso

So ano pa ba ang magagawa namin but payagan siya? We were forced with that choice kasi she threatened to just leave if hindi namin payagan. Thanks to you, we virtually had our hands tied behind our backs! Bravo!

Hopefully this won't foreshadow of things to come in your marriage. Deceit and blindsiding people just to get what you want.

PS: Mag thank you ka naman at pinayagan ko si beloved yaya mo. Napaghahalata tuloy ang bloated sense of entitlement mo.
« Last Edit: December 24, 2013, 06:36:48 pm by hunny_ally »

cloudzy_09

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #4 on: December 27, 2013, 10:38:49 am »
Grabe ginawa ninyo sa lola natin all your life tinulungan niya kyo ng pamilya mo ngayon puro mga kahihiyan at sakit ng ulo binibigay ninyo mag kakapatid sa pamilya nagagawa ninyo pa e scam si lola pati kami hindi ninyo pinatawad  ng mga kapatid mo, tapos pag kailangan ninyo na naman ng pera lalapit na naman kayo sa family buong buhay ninyo ganyan na lang kayo tapos ni thank you or merry christmas wala man lang kami marinig sa inyo. At kayo pa ang may gana mag tampo ngayon hindi kayo nabigyan ng pera.

aquacharly

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #5 on: December 27, 2013, 04:19:27 pm »
Are you all related? Kaya delete yung post in ANNIKA?? 
Or, she did not foresee lahat nega ang responses?

little_princess

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #6 on: December 27, 2013, 07:05:10 pm »
same question, ang liit naman ng mundo if you all are related.

cloudzy_09

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #7 on: December 29, 2013, 09:36:33 am »
No we are not related ;D
You just post your issues about your cousins dito

ikaela

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #8 on: December 29, 2013, 11:12:04 am »
^Ah! Haha. Gets. Ako rin nalito bakit ganyan ang mga responses kay annika. Naglalabas lang din pala ng sama ng loob about their cousins yung iba.

annika

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #9 on: December 31, 2013, 04:25:17 pm »
ayun nga! ako din nagulat e dinelete ko na kase yung post ko and asking sa mods na iclose forum na ang nagyari pala issue na sa mga cousins hehe pag tuloy binasa ko yung mga post ng mga sis natin napapagdugtong dugtong LOL
« Last Edit: December 31, 2013, 04:27:40 pm by annika »

sassy_lady

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #10 on: January 19, 2014, 04:28:38 am »
issue with a cousin?kakatawa lang.

magaanounce ka ng engagement niyo ng bf mo a few weeks before my wedding...ano yun?stealing the spotlight lang ang drama...hehe...sana lang habang may oras pa, try mo lang magpractice maglaba naman ng sarili mong damit baka gawin mo lang labandero hubby mo... ;D

girl24

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #11 on: January 20, 2014, 04:20:17 pm »
i love you all my cousins!

salamat at wala tayong mga issues. pag nagkakasama tayo puro tawanan.

#happiness

glacy_rein

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #12 on: January 21, 2014, 02:55:29 am »
kung maka-demand ka kala mo may patago ka???

hindi kana uubra sa pangalawa!

BDJ

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #13 on: February 23, 2014, 10:04:46 am »
Para sa pinsan kong na hilaw o hindi legal

Stay away from my family specially to my child dahil ayokong makarinig ng salita na manggagaling sayo at wala kang credibilidad magbigay ng advises. Sarili mo ngang pagkatao hindi mo madisiplina paano pa kaya ang ibang tao?

CITIgirl_04

  • Guest
Re: Issue With the cousin
« Reply #14 on: February 24, 2014, 02:10:24 pm »
Dear cousin,

Sana kapag kumikilos ka hindi yung kung kelan mo lang gusto at hindi yung para ka lang border na nagbabayad samin na umaalis kung kelan niya gusto at umuuwi kung kelan niya gusto at gigising kung kelan niya gusto kaso hindi ka rin naman nag-aabot. Okay na nga yung hindi ka magbigay kaso sana cuz makaramdam ka naman hindi ka na nga nire-replyan nung nagpaparamdam kang luluwas dito sa maynila tapos porke nagreply lang nanay ko sayo eh bigla-bigla ka nalang luluwas ng walang sabi-sabi ni ha ni ho? aba insan ako na po at ang asawa ko ang bumubuhay sa pamilya namin at sa bahay na titirhan mo i-bypass daw ba kami? malaman-laman nalang namin na paluwas ka na pala tapos ipo-post mo pa sa fb na parang kami ang may gusto na lumuwas ka???? hay nakakalungkot dahil sayo nagkakasala ako kay Lord dahil hindi ko mailabas sayo ang nararamdaman ko.

Alam mo, nakakaawa sana kayo kasi tama ka, naghihirap nga yung pamilya ninyo ngayon, hindi na kayo binabaha ng pera na gaya noon at ang kapatid mong noon ay nagdadala sa inyo ng limpak limpak na salapi eh lulong na sa droga ngayon at mas mahirap na sa daga, ang kapatid mong bunso na tigil na rin sa pag-aaral ay umaasa nalang kayo sa kuya ninyong nasa canada eh, nagagawa mo pa ngang maglaro ng DOTA????? Tapos pag feel mo magluto ng ulam na gusto mong kainin kasi di kami nagluluto eh idadamay mong bigla ang mga bata at aalukin mo kung gusto nila??? Maglilinis ka ng electric fan sa kuwarto lang namin?? eh pano yung nasa kuwarto ninyo at yung 3 pang natitirang electric fans??? tapos papupuntahin mo gf mo pag wala nanay ko at aakyat kayo sa kuwarto niya sa taas at magla-lock kayo ng pinto? Sa palagay mo ba eh hindi namin naiisip kung anong ginagawa ninyo dun? Ginawa ninyo pang motel ang bahay!!! Eh kung buhay tatay ko hindi nyo magagawa yan eh...

Cuz NAPAKA-iresponsable mo. Panay daing mong hirap na hirap ka na sa kalagayan ng pamilya mo, na naaawa ka na sa nanay mo, pero anong ginagawa mo??? Isang malaking... WALA! Oo wala kang ginagawa. Nakakalungkot dahil lagi kang umaasa sa iba. Ayaw mong mag-stay sa relatives nyo sa mother's side mo dahil sabi mo nakakarinig ka pag andun aba natural!!! Lalo na kung nakikita nilang ganyan ka pala pag nakikitira! Pinaglutuan ka na nga asawa ko nung bday mo eh nagawa mo pang magpaka-lango sa alak at ang bahay grabe parang ni-yolanda!!! nanggigitata yung sahig sa alak, yung cr namin, punung-puno ng suka ng mga katrabaho mo, mga bote ng pinag-inuman nyo nasa kung saan-saang parte ng bahay, ok lang sana kung di ka nagpaka-lango kaso pati ikaw bagsak sa kalasingan!!! Nanay ko pa at ang asawa ko nagligpit ng lahat ng kalat at suka ninyo!!! Kulang nalang di ako pumasok sa trabaho ng araw na yun para lang tulungan sila sa SOBRANG gulo ng bahay!!!

Siguro naman cuz pag kinausap ka na namin ng nanay ko, di ka magagalit kasi para sayo rin yung gagawin namin. time na para tumayo ka sa sarili mong paa kasi ang tendency pag nasa sa bahay ka eh masyado kang nagiging kampante. tapos pati kami naaapektuhan kasi yung konsumo lumalaki rin dahil sayo. kagaya niyan luluwas luwas ka dito wala ka palang kapera pera pang-apply ano ngayon ang kinalabasan??? eh di nagpautang pa kami sayo ng 1500?? eh wala naman sanang problema sa pagpapahiram kaso bawat sentimo mahalaga samin ngayon kasi ikakasal na kami ng asawa ko,, ikakasal na kami alam mo ba yun?????!!!! inako na nga namin yung huhulugan mong insurance para sa nanay mo for 5 years kahit na nung daddy ko ang nakaratay sa karamdaman nung mga panahon bago siya namatay eh  nagpapakasaya kayo sa mga padala ng kuya ninyo na galing sa japan at ni wala man lang lumuwas sa inyo para mag abot o tumulong samin????!!!

Isa pa lahat na ng kapatid mo eh samin na rin nakitira at nakipanuluyan. hindi na nawalan ng ibang tao ang bahay namin! pano naman yung privacy naming pamilya????!!!

Alam mo ang saya sana kung nagkukusa ka man lang kaso hindi eh!!!!

parang hindi ka nahihiya sa mga moves mo bilang nakikitira.... haaaayyyy

Pls Lord, help me kapag kailangan ko na siyang kausapin upang yung mga tamang sasabihin lang sa kanya ang lalabas sa king bibig na angkop sa inyong kalooban...

salamat po. amen

 

Latest Stories

Load More Stories
Close