your post is way relieving sis langley.. sobra....
alam nyo sisses, i am one of those hurting wives na sobrang tindi ng galit,,, at dahil na contain na ko ng galit, nakakalimutan ko na may LORD na nakatingin sa atin,, minsan kasi naiisip ko nakakahiyang humarap sa KANYA dahil sobra sobra ang galit sa pagkatao ko,, pag nasa meltdown side ako,, sa text pinapatay ko na si hubby,, sinasabi ko "mamatay ka na" at "mamatay na din yung p*ta mo" - i felt felt felt sooo bad talaga,,, feeling ko sobrang sama ko na din,,, kaya minsan nahihiya ako magdasal,,, sinasabi ko sa sarili ko ihahanda ko muna sarili ko sa pagharap ko sa KANYA yun bang at peace ako kahit paano,,, alam nyo sisses kung nakakamatay lang ang text,, malamang nasa kulungan na ko,,,,, naging ganyan kalala ako dahil sa sobrang lason sa utak ko,, at dahil sa trust issue,,,
but the post of sis langley made me realize something,,, baka nga na ooverlook ko na ang pagbabago ni hubby dahil lunod na lunod ako sa galit ko,,, madami naman ng changes si hubby,, and he is proving himself also,,, kaso konting pagkakamali nya,, sobra sobra na din nagiging galit ko,,,
tama si sis langley,,, mapatay ko man sila sa text,, wala rin,, i cannot change a person,, only GOD can,,, bigla ako napatingin sa salamin,, and i saw a person very very different from who she really was,,,, i like to redeem my old self,,, yung peaceful na tao,,, na realize ko kelangan ko din paniwalaan si hubby na wala na nga,,, naisip ko kung hindi pa nga tapos,, di naman ako magdadala nun kundi silang 2,,, kasi sila talaga ang nagkakasala... hindi ko kelangan magkasala at maging masama din para sa kanila.....
si hubby umiyak sya ng matindi morning of sunday (yesterday) pag gising namin,, sobrang umiyak sya,, sabi nya sakin,, mahal nya ko at sobrang laki daw ng kasalanan nya sakin,, gusto nyang bumawi.... gusto nya daw ako mapasaya,, at yung luha nya,, di nya mapigil kakatulo,,, bihira ko syang makitang umiiyak,, so di ko alam ano dapat ko maramdaman,,, sabi nya sakin,, i can have my peace,, at i can sleep at night sound and peaceful,,, sabi ko sa kanya,, "bakit iiwan mo na ba kami kaya umiiyak?" sabi nya,,, "it will not happen.. complete family tayo"....
with that scene yesterday,, at sa nabasa ko kay sis langley,,, parang naisip ko,, why not have my peace of mind? si GOD kakampi ko,, ako yung innocent dito at walang kasalanan,,, with that na sinabi ni hubby,, kung nagloloko pa rin sya sa likod nyan,,, hindi na din naman ako magdadala nyan,,, sya.... tama kasi ,, kahit ano gawin ko,,, he can only change himself and GOD,,, GOD will do everything for me for good,,,, so why worry?
i need to regain myself,, every night before i sleep,, hindi na ko nagdadasal ng maayos,,, i need to regain myself,,, i need to help myself mabawasan galit ko sa puso at eventually sana mawala,,,,
i am lifting everything to GOD,,,,,,