@shinta, feeling ko destructive ang ganyang klaseng relationship. Kasi slowly natatanggap mo ang apak-apakan lang ang pagkatao mo at pagsasama ninyo. Sanay ka nang binabastos at OK lang sayo. so in time, kung maging mas grabe man ang mga affairs nya, Ok nalang din. Kung magkaanak sya sa labas, ok lang din. He does not want to leave because he is comfortable already. So dyan lang sya while having other things on the side. Everything should just revolve around him.
Your reason for staying - kasi wala ka rin naman ibang pupuntahan. So since convenient magstay, sige nalang.
But what you are missing by not leaving is the chance to be happy again. Your so-called peace of mind right now is just superficial. Malamang hindi ka na bothered kasi hindi mo sya iniisip, coping mechanism mo nalang is to block it off from your mind so you can survive. Pag nasa Pinas ka siguro, parang iyan na ang nakasanayan ng mga tao, babaerong husband at laging nakabantay ang wife na parang linta. Pero naman, who wants that? It's like a lifetime living in purgatory.
Tapos if you stay pa, aside from missing that chance (by the way you only got 1 life) to be happy, pinalalaki mo rin ang kid/s mo with your hubby's mindset. Lalabas at lalabas iyan sa everyday dealing ng cheating hubby sa anak eh - yung hindi pagrespect nya sa mga kababaihan. So kung lalaki ang anak mo, expect not to respect you as well paglaki nya. Kung babae naman, expect na kung lokohin man sya in the future ng magiging asawa nya, OK lang din sa kanya and tatanggapin nya with open arms. Of course, they do not necessarily follow, but if they are raised in that kind of environment, puede iyan ang kalakihan din nila - na OK lang mabastos, at OK lang mang-isa or manloko.
status update lang mga sis, it's been four months na mula nung nalaman ko yung affair ng husband ko. I chose to forgive him. bakit? simple lang dahil kaya ko pa ipaglaban ang marriage na sinimulan namin at kakayanin ko pa lalung lalo na para sa mga anak namin.
Good sis na he is remorseful and also making efforts to patch it up.
One lesson I forgot to take into account when I was in that situation is that the marriage can never be restored kung yung betrayed lang ang nag-eeffort. Kelangan dalawa kayo at lalong lalo na yung nagbetray, kelangan double time talaga to prove he is still worthy of the marriage.
mas nagtitiwala ako kay God na hindi niya ko pababayaan na masaktan ulit and at the same time pinanghahawakan ko yung sinasabi nya sa akin. It's a continuous process everyday, even me ang dami kong kailangan ma improve sa sarili ko para mas maging mabuti akong asawa sa kanya and sa bawat araw na lumilipas nagpapasalamat ako kay God na hindi niya kami hinayaang bumitaw sa vow ng marriage namin. kaya keep on praying and everything will be alright 
Oh God can be so mysterious. Hindi ko lang minsan maintindihan. Naalala ko dati lugmok nako, lalo pa nya akong nilagay sa putikan. Hindi purkit nasaktan ka, nagdasal ka, you will be absolved of pain forever.
Puede kang masaktan ulit pero hindi kagagawan iyan ng Diyos, ang nanakit sayo ay ang asawa mo at hindi ang Diyos. At puedeng puede ulit iyan gawin ng kahit sino - ang manakit ng kapwa nila, kasi tao lang sila.
Anyway, back to my case, it only took years later before I heard God. All along pala, he has been urging me to leave my marriage. At pumilit ako magstay. After a decade or so, with the ongoing pain and suffering, that was the only time nagising ako. Message pala ni God is just LEAVE.
So one has to be discerning. Hindi purkit kinasal ka, niloko ka, forever ka na trapped at dapat magtiis sa isang relationship na walang kwenta. Kaya nasa sa betrayed party kung mags-stay sya. And why is it worth staying? Mahal nyo pa ang isa't isa at pareho ninyo pinapahalagahan ang pagsasama ninyo. Kung wala iyang ingredients na iyan at isa lang sa inyo ang gumagawa nyan, it is not worth staying. And it is not because you THINK God will prevent pain to touch you again. Nothing wrong with praying, just make sure na you do not sit there blindly but also play your part (nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa).