Share ko lang

Kagagaling lang namin sa Cebu city noong Sunday, galing kami ng Dumaguete.

Kahit mahaba yung byahe from Liloan, Santander to Cebu City, sobrang na-enjoy ko yung scenery. Ang ganda ng dagat, sobrang linaw. White din ang sand. igo-goal ko next time ang Southern Cebu.
Anyway, dumating kami sa south terminal ng mga 1:15pm. From there, nag-taxi kami hanggang SM to check-in our baggage sa Traveler's Lounge. P100 'yung taxi. 'Yung sa lounge naman, P50 lang 'yung dalawang 30L Columbia bags, hanggang 8:30pm na
Gusto sana namin sa
Choobi Choobi mag-lunch, kaya lang past 2pm na kami nakarating sa F. Cabahug branch nila. Nagsasara pala sila kapag patay na oras. So sa
Rico's lechon kami napunta, 'yung branch na malapit sa Sykes bldg. Masarap din ang lechon,
P530~ 'yung isang kilo. 1/2 kilo lang inorder namin pero sobra sobra na sa 2 pax. Hindi ko naman ma-compare sa ibang lechon sa Cebu kasi 'yun lang ang litsunan na nakainan namin.
Sa city tour, nag-research ako ng DIY walking tour.
Ito 'yung finollow namin. Under renovation pala ang Casa Gorordo Museum, nasira noong lindol.
So sa
Yap Sandiego Ancestral House kami nagsimula. Super nag-enjoy kami rito. Kahit medyo creepy siya, napaka-interesting ng mga bagay bagay sa loob and katuwa 'yung guide haha.
Maglalakad na dapat kami sa susunod na site, pero biglang umulan. Napagtanto naming umarkila na lang ng taxi. Nakuha namin si
kuya Lito (09227072859). Ang napagusapan eh
P500 'yung isang oras, 3 kami. Akala namin sobra na 'yung isang oras sa tour, bitin pala. Umabot kami ng halos 2 hours. Pero sobrang bait ni kuya Lito, hindi nagpadagdag. Binigyan namin ng 550, binabalik pa sa amin 'yung 50!
Anyway, after noong ancestral house, nagpunta kami sa mga churches. Ang OA ng tao, grabe. Kahit umuulan, hindi nagpapigil sa pagsisimba. Doon naman sa
Magellan's Cross, hindi ako masyadong natuwa. Ang dami kasing tao and super persistent touts. Mali lang siguro 'yung araw ng punta namin.
Saglit lang kami sa
Fort San Pedro, nagpahatid na kami agad sa
Tabo-an Market para bumili ng dried pusit and daing. Ang mahal ng pusit?! P650/kilo ang bentahan nung flat na pusit, P580 yung pahaba, tapos P550 naman ang danggit. Sa Pangasinan nasa 400/kilo lang ang pusit kaya naloka ako sa presyuhan nila sa Cebu. Anyway, bumili pa rin ako haha.
After noon, nagpahatid na kami sa
Larsian at kumain ng early dinner. In fairness ha, ang mura. P4 ang puso, P5 ang small BBQ, P15 ang big BBQ. Okay na rin, kaya ang daming tao. May taping pa ng food show noong nagpunta kami.
From Larsian, nagpahatid na kami sa SM para magpahinga saglit bago pumunta sa airport (P180 ang taxi from SM to airport).
Nag-enjoy din naman ako sa city kahit saglit lang. Sobrang nakakatuwa ang taxi drivers sa Cebu, ang babait! Nagsusukli rin sila! Nagbigay kami ng 100 dun sa 96 na metro, sabi namin kay kuya keep the change. Sobrang thank you siya. Nakakatuwa. Tapos pagbalik namin dito sa Manila, 'yung nakuha naming taxi humirit ng +100 sa metro. Biglang na-miss ko ang Cebu!
Balik ako soon, probably to explore either the Northern or Southern part of the island
