watch now

Author Topic: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**  (Read 66291 times)

goddessella

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #220 on: January 03, 2015, 05:23:35 am »
hello.
i'm going to the sinulog festival this month sa cebu, pero dahil late na ako nakabili ng tickets, ang layo na sa sinulog dates ng flight ko.

i have a couple of days extra to stay in cebu, and instead na sa cebu na lang ako, i'm planning to go to bohol na lang and stay there overnight to 2 nights.

nakita ko sa internet na may mga tours available, kaso medyo expensive kung solo traveler.

pwede ba na pag dating dun, maki-join na lang ako sa group tour? kasi ang prices na nakita ko is per group, and makihati na lang sa expenses nila, or that's not possible?

also, if i don't avail of the group tour, will it be easy for a solo traveler like me to go around bohol, see the tarsiers,the museum, the loboc ferry lunch, and a trip to panglao? more importantly, will it be economical?


simang

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #221 on: January 03, 2015, 01:22:35 pm »
^nag whole day countryside tour ako solo, nagrent ako ng habal habal. Since di ako marunong magmotor kasama sa rental ang driver/tour guide ko. 900 pesos for the whole day + gas na inabot lang ng 160 pesos. sulit na sya saken kase dami ko napuntahan.

goddessella

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #222 on: January 04, 2015, 01:04:55 am »
@simang
ay talaga? that's not bad!

saan available yung habal habal? or pagbaba ba ng tagbiliran ferry, available na sha?

sweetbabycakes

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #223 on: January 05, 2015, 01:49:11 pm »
I am torn between Dumaluan Beach Resort (Deluxe room: Php2650) and Isis Bungalows (Standard bungalow, Php3000). DBR has free breakfast but Isis looks so very very idyllic and restful. any opinions? may nakapagstay na ba in either who can give me feedback?

pretty_B

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #224 on: January 06, 2015, 11:40:09 am »
Hi sisters! Do you have any picture of DBR2? okay ba dun? thanks.

Adam1025

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #225 on: January 06, 2015, 11:00:48 pm »
Hi mga sis, we're planning for a relax trip me and hubby then with our son na 5month old. More of beach bumming and if suitable with baby, we can avail 1day tour siguro. Feedback naman please if alin ang best na resort hotel na baby friendly amorita resort, bellevue or south palm? Mukang okay naman ang reviews and halos same lang mga rates pero concern ko lang is san mas maganda if meron kami baby na kasama. Any suggestion na din for tours/activities na ok lang even if may kasama kami baby? Tia! :)

mama squeak!

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #226 on: January 07, 2015, 10:13:39 am »
^If you want a wide beach front, go for South Palms. This is the former Bohol Beach Club (actually half of it). You can check their pictures in their FB page.

purpleish

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #227 on: January 08, 2015, 11:19:40 pm »
sis pretty_B dito kame nag stay sa DBR2 ;) and ok naman siya

lilvanity

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #228 on: January 11, 2015, 11:48:13 am »
Ang day tour sa Bohol madalas nababasa ko nasa P2,000+ van ba yan or car? Kasi we plan to go to Bohol next month pero 2 lang kami. Pwede kaya kami makisabay sa ibang magtour na 2 persons lang din para sulit? Sayang kasi kung 2 lang kami. Magkano usually ang sea tour and sulit ba? We'll be there for 3 days lang, plan namin pag dating dun day tour agad since plan namin maagang flight and sea tour on our second day.

golden_sparrow

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #229 on: January 12, 2015, 03:45:24 pm »
hi mga sis! kakatapos lang naming mag bohol last dec26-29 (actually until 30, due to typhoon na extended kami).  Our tour guide is Mang Jun, sobrang bait nya I have his number if you want po at reasonable ang mga price nya for tour...dami din kasi sya ka kilala for island hopping...I would like to share lang our experience para lang may mapulot din ang mga sissies natin :)

Masaya ang experience namin (3 adults and two kids (3yrs old nad 11month old)...we stayed at Dumaluan Beach Resort 1, P1,600 with cable TV and aircon, nagextra mattress kami for P150/night....without breakfast sya....

below is our itinerary:
day 1: tagbilaran city tour
we arrived Tagbilaran airport around 7am and ended our city tour at 2.30pm, so nasa resort na kmi by that time at enjoy na nag mga kids sa dagat :)

day 2: Bohol Beach club
we stayed whole day at BBC we paid P450 each (3adults, free and mga bata ages 3 pababa) yung P300 ay consumable kaya P900 ang free bale namin sa food, nag lunch kami dun at recommended  ang pansit mix vegetables, litson kawali at yun karekare nila...

day 3: island hopping
enjoyed kami kasi nakakita kami ng dolphins, punta din kami balicasag island...then after that we stayed at Dumaluan 1 beach shore for relaxation ...though madami talagang tao sa DBR1 pero kasi yung sand nya kasing pino ng BBC...then nag Bohol Bee Farm kami, we use tricycle for P350 mga 1 hour or 30 mins lang kami kasi naulan na..

day 4:
relaxation ulit bago umuwi for our 4.40pm flight. Cancelled and flight namin kaya extended due to typhoon at stayed at Marcelina Inn near Tagbilaran airport.

All in all, maganda talaga ang Panglao at babalik kami ulit dito.

let me know mga sis if you need info.

Godspeed

Zasha

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #230 on: January 15, 2015, 03:35:24 pm »
Hi mga sis!

Familiar ba kayo sa Toter Rose Haven and Gift Shop? Parang bago lang sya and mukhang malapit sa Hinagdanan Cave. Nagbooked kami thru agoda.Ang prob ko hindi ko sila macontact para mainquire ko yun distances ng target place. Meron ba pwede macontact para makakuha ng info?


golden_sparrow

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #231 on: January 30, 2015, 02:19:23 pm »
sweetbabycakes, kindly send me your email address para ma send ko sayo mga details ng Bohol trip....hindi ako makasend ng personal message, i don't know why?  salamat...

jayce_mom

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #232 on: February 04, 2015, 01:24:08 pm »
Mga sis, may nabasa kasi akong pwedeng magcountry side tour gamit tricycle. Hindi ba malayo pagitan ng mga tourists spots? Thanks.

beach_n_sunsets

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #233 on: February 04, 2015, 05:39:53 pm »
Question po sa mga nakapag-tour na with Kuya Tatsky, safe naman ba 'yung mga gamit sa van na gagamitin? May konting trust issues ako hehe.

Pagdating kasi namin sa TAG ng 8:30am, diretso na kami sa countryside tour. Sa end ng tour na kami ihahatid sa cabin namin sa Panglao.

Thanks!

thebratinella

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #234 on: February 04, 2015, 06:32:28 pm »
^based on my parents and brother's experience, okay naman tours with kuya tatsky. we availed of his brother's services naman nung kami yung pumunta sa bohol. mababait naman naassign na drivers sa amin. yung wallets and cameras dala namin. yung ibang stuff na puwede iwan like clothes, sa sasakyan lang.

beach_n_sunsets

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #235 on: February 05, 2015, 06:54:42 am »
^Thanks, sis! Magdadala na nga lang din kami ng isang maliit na bag na pwedeng bitbitin para sa mga valuables namin.

Excited na ko sa Bohol :)

cescilay

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #236 on: February 05, 2015, 09:45:55 am »
Mga sis, may nabasa kasi akong pwedeng magcountry side tour gamit tricycle. Hindi ba malayo pagitan ng mga tourists spots? Thanks.

Malalayo ang pagitan ng mga tourists spots and it can be very tiring na mag tricycle kayo. If you can, better na mag-hire na lang kayo ng car/van for your tour. Ilan kayo sa group by the way?

thebratinella

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #237 on: February 05, 2015, 06:06:22 pm »
^Thanks, sis! Magdadala na nga lang din kami ng isang maliit na bag na pwedeng bitbitin para sa mga valuables namin.

Excited na ko sa Bohol :)

Yup. Better yun, sis kasi pag tour baba-akyat sa sasakyan eh. Baka mamaya may mamisplace pa. Wala naman kaming bad experience sa Bohol. After lunch kami dumating dun. Inavail namin tours and transfer kay Kuya Jonald na we found out brother pala ni Kuya Tatsky.  ;D Nakuwento nung driver na assigned sa amin. We're lucky na mababait mga drivers na binigay niya.

For the tricycle, may nameet kaming driver na mabait. Siya na naghatid sundo nung day tour namin sa PINR.


meimei

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #238 on: February 08, 2015, 07:17:40 am »
Mga sis, may nabasa kasi akong pwedeng magcountry side tour gamit tricycle. Hindi ba malayo pagitan ng mga tourists spots? Thanks.
Malayo, sis. Mas efficient and economical pag hired car/van pag country-side tour. It is only advisable to use a trike yung mga tipong sa Bohol Bee Farm ka pupunta or Tarsier Botanika (this is different from the Tarsier Conservatory ha, resto-garden to, hehe) na malapit lang.


Girls, has any of you recently gone to Danao? Ok pa rin ba? May mga tourists pa ring pumupunta? Parang ang sad kasi kung kami lang grupo dun, hehe. Gusto namin i-try yung The Plunge, Suislide, Caving and Root Climbing. :)

beach_n_sunsets

  • Guest
Re: Bohol Thread 21 **Check 1st page for Bohol Map and Ferry Schedules**
« Reply #239 on: February 23, 2015, 09:10:57 am »
Just got back from Bohol (Feb19-21) Trip report ulit, as usual medyo mahaba  ;D

Nag-enjoy naman kami kahit nagka-hassle ng konti sa accommodation.

Si kuya Tatsky (0915 794 5556) ang nag-arrange ng countryside and sea tours namin pero hindi siya 'yung talagang guide namin kasi siya pala ang big boss haha. Si kuya Eric 'yung na-assign sa 'min sa countryside tour, okay siya. Knowledgeable, maasikaso at kwela pero hindi masyadong feeling close, which is nagustuhan namin. Tsaka hindi siya nahihirapan mag-Tagalog kaya hindi kami nagkaproblemang intindihin mga sinasabi niya.

DAY 1: Countryside Tour (2,700 van rental, no time limit)

Wala sa itinerary, pero nauna kaming dinala ni kuya sa napakagandang CR ng Shell haha!

1. (Fake) Blood compact site - ang liit lang pala nung place tapos grabe ang commercialismo around it. Syempre maraming makukulit na touts pero dito talaga pinakamura ang souvenir items based on our experience. P140 yung 16 pcs na peanut kisses.

2. Baclayon Church - sirang sira na yung Church pero okay pa 'yung museum. Ang luluma na pala ng mga churches sa Bohol tipong mga 1500s. Natutuwa kami kapag sinasabi nung guide na 'yung mga churches na tinayo noong mga 1800s ay relatively bago pa haha.

3. Loboc River Cruise (downstream/Rio Grande) - dalawa pala 'yung choices sa river cruise. Dito kami sa mas bago and sa tingin ko mas maganda ito. Ganda ng tanawin!

Tip: better if mga 11:30am kayo darating, as in 'yung first batch. Mas maliit 'yung bangka, which we thought was better kasi yung mga sumunod na batches ang OA sa dami ng tao. P450/person siya kasama na buffet lunch pero hindi namin masyadong bet 'yung food. Ang dry kasi. Pero ang ganda talaga ng view. Sobrang nakaka-relax.

May pinuntahan na Ati tribe na nagpla-play ng instrments tapos may mga bata na may hawak na ahas at iguana. Medyo na-sad ako rito kasi feeling ko exploited both 'yung tribe and 'yung mga animals.

May side trip sa Loboc Church na hindi namin pinasok kasi sobrang ruined na 'yung church. Nagbigay na lang ng tidbits of history si kuya Eric tungkol sa church.

4. Loboc Man-made Forest - picture lang dito pero ingat na lang kasi maya't maya ang daan ng mga sasakyan

5. Bohol Habitat (butterfly sanctuary) - P60 ata 'yung entrance rito. Wala kaming masyadong butterflies na nakita pero ang kwela nung mga guides dito! Nakakatuwa! Ang sarap din pala nung ice candy nila! 35 ata ang isang piraso.

6. Chocolate Hills - medyo umulan noon kaya saglit lang kami rito. P50 ata ang fee. Amazing lang din talaga nung pagkakabuo nung mga hills. Medyo nakakapagod lang 'yung pag-akyat. Nagtataka lang ako kung bakit hindi pa rin nagagawa 'yung viewing deck samantalang tuloy naman ang pag-singil nila ng fee. Actually sa halos lahat ng sites nakapagtataka 'to, parang more than a year na 'yung earthquake pero 'yung mga feeling ko na magagawa naman in a year hindi pa rin nagagawa.

7. Tarsier Sanctuary - 'yung hindi sa Corella ang pinuntahan namin, out of way daw kasi 'yun. P60 ang entrance dito. Meron kami nakitang around 6 na tarsiers. Medyo nalungkot lang ulit ako nung nakita ko sila kasi feeling ko exploited din sila. Basta iba 'yung feeling ko nung nandun ako sa site. Ang tatamad pa nung mga guides doon, mga nakaupo lang at nagchichismisan or gumagamit ng cell phone. Not sure kung anong eksena sa Corella.

8. Python - P30 ang entrance fee. Hindi well-maintained 'yung site. Nakakaloka pa si Marimar, 'yung guide doon. Napaka-diva haha. Patay na si Prony, 'yung mas malaking ahas. Pero meron ding isang malaking ahas doon. Tulog siya nung pagpunta namin, buti na lang. Kasi 5 days ago pa raw 'yung last na kain niya ng manok.

9. Hinagdanan Cave - P25 ang entrance fee pag hindi maliligo. Okay 'yung cave, maganda siya. Pero nakakainis yung mga guides doon. Hindi ko bet yung mga banat nila. Masyadong feeling close tapos nag-jojoke pa about BIFF and Mamasapano. Not funny.

10. Bohol Bee Farm - dito na kami nag-dinner. Okay rin ang food nila, tsaka ang ganda ng view. Kaya lang papadilim na nung nakarating kami. Ang weird nung buffet nila, 600 per person IF aabot ng 11pax yung group tapos controlled lang daw. So in essence hindi talaga siya eat all you can. Nag-ala carte na lang kami, nakatipid pa at sobrang nabusog. 2 pizza, 2 pasta, 2 rice meals, at nakalimutan ko na yung iba haha pero inabot kami ng P1,800+ lang. Good for 6pax na 'yun, sinama na namin kumain si kuya Eric.

Accommodation:
Sa Claire's Cabin kami naka-book, nabayaran ko na rin 2 weeks before our trip tapos mga bandang 5:45pm nung first day (habang nasa Bohol Bee Farm kami) biglang nag-text yung mayari na may misundersting daw, may nauna raw sa min na nakapag-book ng both rooms. 1 room lang ang binook namin, nauna raw sa min magbayad 'yung isa. Sobrang nag-init ulo ko pero ayoko makipag-away, civil lang ako.

Nilipat niya kami sa Dumaluan Beach Resort 1, family rin pala niya mayari noon. Sobrang iniwasan ko 'tong resort na 'to dahil ang papangit ng reviews. In the end, dito rin pala kami mauuwi. Naipit kami eh, gabi na kami dumating, pagod na sa tour at inaantok na kaya hindi na kami naghanap ng iba. Buti na lang hindi na kami pinabayaran kasi mas mahal 'yung family room sa DBR1 kesa sa Claire's Cabin.

Malaki naman 'yung room, kaya lang luma na talaga kahit bagong pinuntara. Very basic lang siya pero malinis naman. Although may isang ipis na nakalusot. Ang nipis pala ng kumot nila kaya humingi kami ng extra. Pinalitan nila 'yung towel everyday. With compli breakfast din pala.

Btw, 3 lang pala power outlets nila sa family room eh ang dami naming dalang gadgets so ang hirap mag-charge. Humingi kami ng extension pero wala raw sila.

Open sa public 'yung resort kaya may mga nag-pupunta for day trips. Pero hindi naman masyadong marami. Buti na lang ang ganda ng beach dito. Parang station 1 ng Boracay pag high tide. Pag low tide ang ganda rin at ang saya maglakad lakad.

Okay na rin naman sana 'yung DBR1, okay yung service at okay rin 'yung DBR Grill, nainis lang ako dun sa owner talaga. Pero finocus na lang namin 'yung energy namin sa beach.

DAY 2: Sea Tour - 1700 boat rental, Dumaluan pickup
Si kuya Aldrin ang boatman namin, kasama niya tatay niya. Sila naman hindi talaga nakikipag-usap at all. Kelangan pang tanungin kung anong susunod na gagawin or kung saan pupunta. Walang pagkukusa haha.

1. Dolphin Watching - pagdating namin sa site hindi na kami naghintay kasi hinahabol na nung mga bangka yung mga dolphins. Medyo naawa naman ako sa mga dolphins pero nakakatuwa rin na makita sila ng malapitan.

2. Balicasag snorkeling - Ang daming bayad dito ha. 150/person yung guide fee tapos 50/person yung entrance fee. Pwede namang lumangoy lang papunta dun sa snorkeling site kasi sobrang babaw lang naman pero para wala namng usap usap, sumakay na kami sa bangka nung guide. Natawaran pala ng 130/person yung rent ng aqua shoes. Grabe ang luma na nung mga shoes, sira sira na yung iba at butas butas pa.

Super daming tao dito grabe. Bungguan levels talaga. Feeling ko pang-diving talaga ang Balicasag kasi wala naman masyadong makikitang corals pag-snorkeling. Marami lang fish. Nag-free dive na lang kami ng konti dun sa malalim na part kasi dun talaga maraming corals. Sobrang alat pala ng tubig dito kaya hindi mahirap mag-float kahit walang life jacket.

3. Virgin Island - Nakakaloka, hindi bagay yung name nung island. Kasi ang daming mga itinayong kung ano ano dun sa island. Okay lang din naman dito, saglit lang kami picture picture lang.

Mga 12:00pm tapos na yung tour namin. So after maligo at magbanlaw, pumunta kami sa Tarsier Paprika for lunch. Malayo siya sa DBR1 kaya nag-van kami papunta doon. P300 for the whole group ang pamasahe. Tapos may entrance fee na P350/person na consumable naman. Maganda yung place pero yung food so-so lang tapos sobrang mahal tipong P500/item. Nagtagal na lang kami doon para masulit ang bayad haha.

For dinner, sa DBR grill na lang kami kumain. Okay naman 'yung food tapos mura pa. Ang dami namin in-order tapos 1,200 lang binayad namin.

Sa last day namin, beach bumming na lang at relax relax :)

Overall, na-enjoy ko 'yung trip namin kasi okay mga kasama ko haha. Ang ganda ng Bohol, complete package, very blessed with natural wonders. Pero feeling ko medyo exploited na siya. Lahat ng galaw may bayad haha. Pero okay siya for families na may kasamang senior citizens and kids, especially 'yung countryside tour.

Around P5,500 ang nagastos ko kasama na lahat lahat. 'Yung ibang mga kasama ko umabot ng P6,500 kasi ang daming binili sa Bohol Bee Farm na honey haha.

Next time siguro kung babalik ako ng Bohol, sa Anda naman ako pupunta :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close