Just got back from Bohol (Feb19-21) Trip report ulit, as usual medyo mahaba

Nag-enjoy naman kami kahit nagka-hassle ng konti sa accommodation.
Si
kuya Tatsky (0915 794 5556) ang nag-arrange ng countryside and sea tours namin pero hindi siya 'yung talagang guide namin kasi siya pala ang big boss haha. Si kuya Eric 'yung na-assign sa 'min sa countryside tour, okay siya. Knowledgeable, maasikaso at kwela pero hindi masyadong feeling close, which is nagustuhan namin. Tsaka hindi siya nahihirapan mag-Tagalog kaya hindi kami nagkaproblemang intindihin mga sinasabi niya.
DAY 1: Countryside Tour (2,700 van rental, no time limit) Wala sa itinerary, pero nauna kaming dinala ni kuya sa napakagandang CR ng Shell haha!
1. (Fake) Blood compact site - ang liit lang pala nung place tapos grabe ang commercialismo around it. Syempre maraming makukulit na touts pero dito talaga pinakamura ang souvenir items based on our experience. P140 yung 16 pcs na peanut kisses.
2. Baclayon Church - sirang sira na yung Church pero okay pa 'yung museum. Ang luluma na pala ng mga churches sa Bohol tipong mga 1500s. Natutuwa kami kapag sinasabi nung guide na 'yung mga churches na tinayo noong mga 1800s ay relatively bago pa haha.
3. Loboc River Cruise (downstream/Rio Grande) - dalawa pala 'yung choices sa river cruise. Dito kami sa mas bago and sa tingin ko mas maganda ito. Ganda ng tanawin!
Tip: better if mga 11:30am kayo darating, as in 'yung first batch. Mas maliit 'yung bangka, which we thought was better kasi yung mga sumunod na batches ang OA sa dami ng tao. P450/person siya kasama na buffet lunch pero hindi namin masyadong bet 'yung food. Ang dry kasi. Pero ang ganda talaga ng view. Sobrang nakaka-relax.
May pinuntahan na Ati tribe na nagpla-play ng instrments tapos may mga bata na may hawak na ahas at iguana. Medyo na-sad ako rito kasi feeling ko exploited both 'yung tribe and 'yung mga animals.
May side trip sa Loboc Church na hindi namin pinasok kasi sobrang ruined na 'yung church. Nagbigay na lang ng tidbits of history si kuya Eric tungkol sa church.
4. Loboc Man-made Forest - picture lang dito pero ingat na lang kasi maya't maya ang daan ng mga sasakyan
5. Bohol Habitat (butterfly sanctuary) - P60 ata 'yung entrance rito. Wala kaming masyadong butterflies na nakita pero ang kwela nung mga guides dito! Nakakatuwa! Ang sarap din pala nung ice candy nila! 35 ata ang isang piraso.
6. Chocolate Hills - medyo umulan noon kaya saglit lang kami rito. P50 ata ang fee. Amazing lang din talaga nung pagkakabuo nung mga hills. Medyo nakakapagod lang 'yung pag-akyat. Nagtataka lang ako kung bakit hindi pa rin nagagawa 'yung viewing deck samantalang tuloy naman ang pag-singil nila ng fee. Actually sa halos lahat ng sites nakapagtataka 'to, parang more than a year na 'yung earthquake pero 'yung mga feeling ko na magagawa naman in a year hindi pa rin nagagawa.
7. Tarsier Sanctuary - 'yung hindi sa Corella ang pinuntahan namin, out of way daw kasi 'yun. P60 ang entrance dito. Meron kami nakitang around 6 na tarsiers. Medyo nalungkot lang ulit ako nung nakita ko sila kasi feeling ko exploited din sila. Basta iba 'yung feeling ko nung nandun ako sa site. Ang tatamad pa nung mga guides doon, mga nakaupo lang at nagchichismisan or gumagamit ng cell phone. Not sure kung anong eksena sa Corella.
8. Python - P30 ang entrance fee. Hindi well-maintained 'yung site. Nakakaloka pa si Marimar, 'yung guide doon. Napaka-diva haha. Patay na si Prony, 'yung mas malaking ahas. Pero meron ding isang malaking ahas doon. Tulog siya nung pagpunta namin, buti na lang. Kasi 5 days ago pa raw 'yung last na kain niya ng manok.
9. Hinagdanan Cave - P25 ang entrance fee pag hindi maliligo. Okay 'yung cave, maganda siya. Pero nakakainis yung mga guides doon. Hindi ko bet yung mga banat nila. Masyadong feeling close tapos nag-jojoke pa about BIFF and Mamasapano. Not funny.
10. Bohol Bee Farm - dito na kami nag-dinner. Okay rin ang food nila, tsaka ang ganda ng view. Kaya lang papadilim na nung nakarating kami. Ang weird nung buffet nila, 600 per person IF aabot ng 11pax yung group tapos controlled lang daw. So in essence hindi talaga siya eat all you can. Nag-ala carte na lang kami, nakatipid pa at sobrang nabusog. 2 pizza, 2 pasta, 2 rice meals, at nakalimutan ko na yung iba haha pero inabot kami ng P1,800+ lang. Good for 6pax na 'yun, sinama na namin kumain si kuya Eric.
Accommodation:Sa
Claire's Cabin kami naka-book, nabayaran ko na rin 2 weeks before our trip tapos mga bandang 5:45pm nung first day (habang nasa Bohol Bee Farm kami) biglang nag-text yung mayari na may misundersting daw, may nauna raw sa min na nakapag-book ng both rooms. 1 room lang ang binook namin, nauna raw sa min magbayad 'yung isa. Sobrang nag-init ulo ko pero ayoko makipag-away, civil lang ako.
Nilipat niya kami sa
Dumaluan Beach Resort 1, family rin pala niya mayari noon. Sobrang iniwasan ko 'tong resort na 'to dahil ang papangit ng reviews. In the end, dito rin pala kami mauuwi. Naipit kami eh, gabi na kami dumating, pagod na sa tour at inaantok na kaya hindi na kami naghanap ng iba. Buti na lang hindi na kami pinabayaran kasi mas mahal 'yung family room sa DBR1 kesa sa Claire's Cabin.
Malaki naman 'yung room, kaya lang luma na talaga kahit bagong pinuntara. Very basic lang siya pero malinis naman. Although may isang ipis na nakalusot. Ang nipis pala ng kumot nila kaya humingi kami ng extra. Pinalitan nila 'yung towel everyday. With compli breakfast din pala.
Btw, 3 lang pala power outlets nila sa family room eh ang dami naming dalang gadgets so ang hirap mag-charge. Humingi kami ng extension pero wala raw sila.
Open sa public 'yung resort kaya may mga nag-pupunta for day trips. Pero hindi naman masyadong marami. Buti na lang ang ganda ng beach dito. Parang station 1 ng Boracay pag high tide. Pag low tide ang ganda rin at ang saya maglakad lakad.
Okay na rin naman sana 'yung DBR1, okay yung service at okay rin 'yung DBR Grill, nainis lang ako dun sa owner talaga. Pero finocus na lang namin 'yung energy namin sa beach.
DAY 2: Sea Tour - 1700 boat rental, Dumaluan pickupSi kuya Aldrin ang boatman namin, kasama niya tatay niya. Sila naman hindi talaga nakikipag-usap at all. Kelangan pang tanungin kung anong susunod na gagawin or kung saan pupunta. Walang pagkukusa haha.
1. Dolphin Watching - pagdating namin sa site hindi na kami naghintay kasi hinahabol na nung mga bangka yung mga dolphins. Medyo naawa naman ako sa mga dolphins pero nakakatuwa rin na makita sila ng malapitan.
2. Balicasag snorkeling - Ang daming bayad dito ha. 150/person yung guide fee tapos 50/person yung entrance fee. Pwede namang lumangoy lang papunta dun sa snorkeling site kasi sobrang babaw lang naman pero para wala namng usap usap, sumakay na kami sa bangka nung guide. Natawaran pala ng 130/person yung rent ng aqua shoes. Grabe ang luma na nung mga shoes, sira sira na yung iba at butas butas pa.
Super daming tao dito grabe. Bungguan levels talaga. Feeling ko pang-diving talaga ang Balicasag kasi wala naman masyadong makikitang corals pag-snorkeling. Marami lang fish. Nag-free dive na lang kami ng konti dun sa malalim na part kasi dun talaga maraming corals. Sobrang alat pala ng tubig dito kaya hindi mahirap mag-float kahit walang life jacket.
3. Virgin Island - Nakakaloka, hindi bagay yung name nung island. Kasi ang daming mga itinayong kung ano ano dun sa island. Okay lang din naman dito, saglit lang kami picture picture lang.
Mga 12:00pm tapos na yung tour namin. So after maligo at magbanlaw, pumunta kami sa
Tarsier Paprika for lunch. Malayo siya sa DBR1 kaya nag-van kami papunta doon. P300 for the whole group ang pamasahe. Tapos may entrance fee na P350/person na consumable naman. Maganda yung place pero yung food so-so lang tapos sobrang mahal tipong P500/item. Nagtagal na lang kami doon para masulit ang bayad haha.
For dinner, sa
DBR grill na lang kami kumain. Okay naman 'yung food tapos mura pa. Ang dami namin in-order tapos 1,200 lang binayad namin.
Sa last day namin, beach bumming na lang at relax relax

Overall, na-enjoy ko 'yung trip namin kasi okay mga kasama ko haha. Ang ganda ng Bohol, complete package, very blessed with natural wonders. Pero feeling ko medyo exploited na siya. Lahat ng galaw may bayad haha. Pero okay siya for families na may kasamang senior citizens and kids, especially 'yung countryside tour.
Around
P5,500 ang nagastos ko kasama na lahat lahat. 'Yung ibang mga kasama ko umabot ng P6,500 kasi ang daming binili sa Bohol Bee Farm na honey haha.
Next time siguro kung babalik ako ng Bohol, sa Anda naman ako pupunta
