^Si Elai pinabugbog ni Gov. Tapos yung mga nambugbog nag snatch ng bag kay Gina Pareño (
I don't know yet the character name), pinalabas na si Elai ang nag snatch tapos habang pinagbubugbog ng mga lalake. Hindi ko pa alam ang talagang role ni Gina rito kasi nung nag umpisa ang scene niya patapos na yung Honesto. Narinig rin ni Honesto kay Gov mismo na pinabugbog niya si Elai pero hindi nakita ni Gov si Honesto dahil tago sa may munisipyo.
No wonder kung bakit namatay na character ni Lena, kung 3 weeks na lang pala ito saka yun nga mukhang dahil nga rin ito sa bago ring teleserye. Siguro nga mababa ratings ng Honesto pero sagana pa rin sa commercials. Kasi hindi ito tulad ng May Bukas Pa at 100 Days To Heaven na tumagal pa ng halos taon na. Bakit kay Honesto walang impact sa tao.
There are some scenes that I am predicting here pero either tama o mali ako. So of course not that sure. Bago pa mangyari na suntukin ni Elai si Gov, na predict ko na rin na magkakaroon ng malaking involvement si Elai na somewhat masasaktan siya o madadamay sa gulo nila Chairman yung may kinalaman sa violence which is nangyari na nga.
Pwedeng magsuicide si Governor Hugo dahil sa sobrang galit niya sa mga tao o di kaya patayin siya pero bago yun malalaman niya na apo niya si Honesto. Ewan ko lang kung magsisise sa kasalanan si Governor.
Kapag nalaman na anak ni Diego si Honesto saka naman ito mamamatay tapos pwedeng dahil pinatay siya ng mismong Tatay niya, well of course not because he is a father of Honesto pero yung fact na dahil sa kayamanan o nakuha na ni Diego ang justice na pinatunayan niyang may kasalanan tatay niya. Pero diba nga kamuntikan ng patayin ni Gov si Diego so pwede pang mangyari yun.
Patayin ni Gov si Marie or pwedeng hindi na mangyayari ito.
Manganganib ang buhay ni Cleto o papatayin rin ni Gov si Cleto na mismong kaibigan niya.
Sa huli magiging Governor si Chairman
Mamatay na si Felipe kapag naayos na ang lahat sa Sitio Katapatan basta naibalik na ang kayamanan pero pwedeng hindi pa naman.
Hahawakan ni Honesto ang Nanay niyang si Lourdes at magtatampo ito sa kanya kasi hindi nagsabi ng totoo tungkol sa totoong Nanay niya na si Fina.
Parang ang ikli nga lang talaga ng teleseryeng ito, whereas ang ganda ganda pa man din na nakafocus naman tungkol sa pagiging MATAPAT ng isang tao.
Mukhang sobrang seryoso na ang scenes rito unlike noon na nakakatawa mga kontrabida lalo na sa reasoning ng kanilang pagsisinungaling.

Daig pa nila mga lawyer magsinungaling.