watch now

Author Topic: ABS-CBN: Honesto  (Read 14181 times)

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #20 on: February 17, 2014, 10:13:58 am »
Kainis naman si Lena pa ang namatay bakit hindi na lang si Marie ang pinatay at sana si Cristine Reyes na lang ang inofferan ng maganda para sa bagong teleserye?  ;D

The show is bit boring now without Lena's challenge. Kaya pala parang ang bilis ng pangyayari. Hindi man lang nalaman ni Honesto na siya lola niya.

Lena's death reminds me of Malena's (wow magkarhyme ang name  :D) death in May Bukas pa yung ang bilis rin ng pangyayari na tipong humingi ng tawad tapos kinabukasan pinatay rin.

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #21 on: February 19, 2014, 10:43:06 pm »
na - sad din ako sa pagkamatay ng character ni Lena. natuwa ako nung aalis na si Marie, yun pala e hinde naman siya aalis haha

medyo kinakabahan ako sa gagawin ni Cleto, kakampi na siya kay Diego.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #22 on: February 22, 2014, 11:32:14 pm »
last three weeks na rin pala ito. sana magkita na sina diego at mang felipe.

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #23 on: February 23, 2014, 12:34:42 am »
last three weeks na lang? mababa ba ang rating nito?or is it because of Paulo Avelino's new teleserye?

Hinde ko pinanood yung Friday episode, ano nangyari? based sa teaser nung Thursday, andun na si Gina Pareno and nabugbog si Kuya Elay. anong role dun ni Gina? pinakita na ba kung nakapasa si Kuya Elay dun sa exam?

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #24 on: February 23, 2014, 09:45:55 am »
^Si Elai pinabugbog ni Gov. Tapos yung mga nambugbog nag snatch ng bag kay Gina Pareño (I don't know yet the character name), pinalabas na si Elai ang nag snatch tapos habang pinagbubugbog ng mga lalake. Hindi ko pa alam ang talagang role ni Gina rito kasi nung nag umpisa ang scene niya patapos na yung Honesto. Narinig rin ni Honesto kay Gov mismo na pinabugbog niya si Elai pero hindi nakita ni Gov si Honesto dahil tago sa may munisipyo.

No wonder kung bakit namatay na character ni Lena, kung 3 weeks na lang pala ito saka yun nga mukhang dahil nga rin ito sa bago ring teleserye. Siguro nga mababa ratings ng Honesto pero sagana pa rin sa commercials. Kasi hindi ito tulad ng May Bukas Pa at 100 Days To Heaven na tumagal pa ng halos taon na. Bakit kay Honesto walang impact sa tao.

There are some scenes that I am predicting here pero either tama o mali ako. So of course not that sure. Bago pa mangyari na suntukin ni Elai si Gov, na predict ko na rin na magkakaroon ng malaking involvement si Elai na somewhat masasaktan siya o madadamay sa gulo nila Chairman yung may kinalaman sa violence which is nangyari na nga. 

Pwedeng magsuicide si Governor Hugo dahil sa sobrang galit niya sa mga tao o di kaya patayin siya pero bago yun malalaman niya na apo niya si Honesto. Ewan ko lang kung magsisise sa kasalanan si Governor.

Kapag nalaman na anak ni Diego si Honesto saka naman ito mamamatay tapos pwedeng dahil pinatay siya ng mismong Tatay niya, well of course not because he is a father of Honesto pero yung fact na dahil sa kayamanan o nakuha na ni Diego ang justice na pinatunayan niyang may kasalanan tatay niya. Pero diba nga kamuntikan ng patayin ni Gov si Diego so pwede pang mangyari yun.

Patayin ni Gov si Marie or pwedeng hindi na mangyayari ito.

Manganganib ang buhay ni Cleto o papatayin rin ni Gov si Cleto na mismong kaibigan niya.

Sa huli magiging Governor si Chairman

Mamatay na si Felipe kapag naayos na ang lahat sa Sitio Katapatan basta naibalik na ang kayamanan pero pwedeng hindi pa naman.

Hahawakan ni Honesto ang Nanay niyang si Lourdes at magtatampo ito sa kanya kasi hindi nagsabi ng totoo tungkol sa totoong Nanay niya na si Fina.

Parang ang ikli nga lang talaga ng teleseryeng ito, whereas ang ganda ganda pa man din na nakafocus naman tungkol sa pagiging MATAPAT ng isang tao.

Mukhang sobrang seryoso na ang scenes rito unlike noon na nakakatawa mga kontrabida lalo na sa reasoning ng kanilang pagsisinungaling.  ;D Daig pa nila mga lawyer magsinungaling.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #25 on: February 24, 2014, 02:48:08 am »
rosita ang name ni gina, nakalagay kasi sa title #elaimeetsrosita  :)  anyway, di kaya nanay ni hugo si rosita. habang nakaupo dun sa sidewalk si rosita, napatingin sya sa poster ni gov. hugo layer. then binuksan nya ang bag nya, may inilabas na plastic pouch na may litrato ng batang lalaki. tinitigan nya iyon at hinalikan. then ibinalik sa bag. eksakto pagbalik nya sa bag, yun na, inagaw na ng pekeng holdaper ang bag nya.

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #26 on: February 24, 2014, 04:01:22 am »
kung walang impact ang Honesto, it's because siguro katulad na din ito ng May Bukas Pa e. Raikko is cute. pero i don't think he's as convincing as when Zaijan was starting out bilang Santino.

siguro nga nanay ni Hugo si Rosita. para walang masyado umay factor na puro Gov v. Chairman ang pinapakita.

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #27 on: February 24, 2014, 07:40:18 am »
^Tama hindi convincing ang powers ni Raikko compare to Zaijan, mas may dating si Zaijan as Santino eh! I think sa 100 Days to Heaven may impact pa si Xyriel kaya tumagal rin.

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #28 on: February 24, 2014, 08:57:38 am »
^ magaling din naman talaga si Xyriel. diba ang tagal bago naging Andi Eigenmann sila Agua & Bendita?

naloka ako na special guest lang si Christine Reyes e tpos ngayon hanggang huli, mukhang andun siya. hahaha hinde ko talaga siya bet.

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #29 on: February 24, 2014, 08:59:44 am »
^Bakit kasi hindi pa siya tumuloy sa America eh! kainis tuloy  ;D Sana siya na lang pinatay ni Rolly.

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #30 on: February 26, 2014, 02:02:05 am »
haha imbyerna din ako na hinde na siya maka alis alis. =)) sa huli nyan, magkaka tuluyan nga sila ni Diego.

nanay nga ata ni Gov si Aling Rosita.

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #31 on: February 26, 2014, 08:19:03 am »
Magiging step mother pa ni Honesto si  :( Marie? Malamang nyan sila pa magkatuluyan.
I am thinking otherwise too na baka mapatay ni Gov si Cleto ang sarili niyang kaibigan lalo na kapag hindi sinunod na patayin si Marie.

Hay nako alam ko na naman ang mangyayari mamaya, yung tipong buong episode tonight hahanapin lang ni Diego si Mang Felipe tapos kapag nagkita sila eh di mauudlot na naman tapos bukas pa sila mag usap sa pagbubuntis ni Fina.

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #32 on: February 26, 2014, 10:05:57 pm »
Hula ko din nanay ni gov si rosita, at kapatid niya si rolly, ang ending nyan baka mapatay niya kapatid nya tapos saka nya malalaman na kapatid nya yun. Wala lang pang plot twist lang, hehe.

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #33 on: February 27, 2014, 05:04:33 pm »
^Parang si Mayor Enrique lang at yung brother niya na yung si Ron Morales gumanap sa May Bukas Pa although different twist naman na alam nilang magkapatid sila.

Grabe mag isang linggo na lang ito pag nataon diba? or 2 weeks more pa?  :(

Wais talaga itong si Governor kaya niya kay Cleto pinapapatay si Marie para kapag kinasuhan ng murder hindi siya ang makasuhan, pwede niyang palabasin na hindi siya mastermind or wala siyang alam.

Sa totoo lang mas may saysay pa yung lying reasoning ni Gov kesa sa reasoning ni Omar nung isang araw.  ;D I mean hindi ako satisfied dun sa sagot nila kung bakit nakalaya si Elai, hindi naman kasi enough na kakilala yun ng police eh di nagkaroon nga si Gov ng dahilan para magalit. Eh di palakasan system works nga.
« Last Edit: February 27, 2014, 10:30:13 pm by BDJ »

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #34 on: February 27, 2014, 11:23:04 pm »
^ tama! haha sana sinabi na lang nya na hinde na nag sampa pa ng kaso yung tao na "snatch" and bag.

I don't think magkapatid sila Rollie and Hugo, kasi puro iisang batang lalake lang yung pinapakita e. tsaka halos magka edad lang sila diba? unlike Albert & Ron in May Bukas Pa.

Ayaw ko mamatay si Cleto sa huli! pero kung sakaling patayin yung character nya, sana bigyan din ng magandang exit yung character nya.

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #35 on: March 01, 2014, 09:51:50 am »
Sabi na nga ba magtatampo si Honesto kay Lourdes lalo na for a fact na he is longing for a father then nilihim lang ni Lourdes sa kanya. I understand naman Lourdes' intention lalo na yung fact na delikado siya with Layers kaso parang I still find her as selfish pa rin and self righteous at the same time. Maigi pa si Chairman. Mabuti nga sa kanya na mumultuhin siya ni Fina.  ;D

Tingin ko si Honesto parang ma comatose lang siya pero teka comatose ulit? Kung mababaril nga siya after hawakan niya si Gov?  Tapos managinip na siya at makikita na niya si Fina ang totoong Nanay niya.

2 weeks na lang  :( Mamimiss ko ang Hugo-Cleto tandem dahil sila talaga nagbigay ng challenge at buhay sa show. In fairness nagagalingan talaga ako sa lying reasoning ni Hugo at yung pagpapakitang tao niya kasi very consistent ang pagiging kontrabida niya. Tapos kapag nagalit o nagkamali ito like being harsh already gusto ko rin yung part na pinagsasabihan siya ng PR niya kung paano mapapaganda ang image niya sa public in which nagkaroon pa tayo ng idea na in real life situation ganun pala sa mga politicians natin sa bansa o kahit sa ibang bansa.  ;D Nakakarelate for real. Meaning nagkaroon pa tayo lalo ng idea kung paano sila pinababango sa publiko kahit ang mga kurakot.

Mas naiinis pa nga ako sa hindi kontrabida minsan like Lourdes, ang dating kasi sa akin parang yun nga self centered siya lalo na kapag kay Honesto but in fairness rin naman magaling siya mag explain ng reasons lalo na sa pagiging magulang. Hindi naman siya negative run.

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #36 on: March 01, 2014, 11:28:41 pm »
^ same tayo. I think sila Hugo - Cleto and Lena ang may pinaka mabigat na role sa lahat. kasi from the beginning, hinde naman yun yung usual roles nila diba?either, bida or kontrabida lang sila. ngayon, yung characters mismo nila kung hinde ka magaling na aktor, hinde mo mabibigyan ng justice yung mga ginagawa nilang katatawanan nung umpisa.

Purple_Power

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #37 on: March 02, 2014, 09:08:22 am »
Sa totoo lang kaiinisan mo talaga ang character ni Hugo bilang kontrabida rito at kung paano siya naging masama. Hindi nga ako naiinis sa mga reasonings niya eh! Kahit seryoso na natatawa na lang ako bigla  ;D kasi may kasamang wise pa eh! Saka in fairness ang tali talino niyang makaramdam sa mga tao ha! Yung mga tamang hinala niya puro totoo. Nagtaka rin ako kung paano siya nakapasok sa bahay ni Marie na parang nagteleport na lang. Yung mga nakaraang episode halos siyang siya na ang nagdadala ng pagiging kontrabida. Eh diba usually sa mga teleserye puro babae ang mga kontrabida. Dito si Hugo talaga mapapag-initan mo lalung lalo na ngayon siya na lang mag-isa yung main kontrabida. Si Rolly kasi parang supporting lang eh! taga higanti lang kay Hugo.

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #38 on: March 03, 2014, 07:28:00 am »
baka nga si Honesto yung nabaril tapos he'll need blood transfusion. tapos dun na malalaman ni diego na anak nya si honesto kasi siya ang magiging donor dahil walang match sa mga Galang.

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #39 on: March 03, 2014, 09:11:01 am »
^Tapos mapipilitan yung mga Galang na tawagin si Diego para masagip ang buhay.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close