Sis, I saw this post of yours. With your story, ako ang natatakot for you if you totally resign.
hindi ko alam kung kabit na bang matatawag yung nahuli ko siya nakikipagflirt sa text sa officemate niyang girl.. Nung hiniram ko cp ni hubby matagal niya binigay sakin cp niya. Wait lang daw kasi nagtext kapatid niya pero bigla ko inagaw cp niya at nakita ko girl officemate niya nagtext pala. Since then hindi ko na binigay cp niya at ako ang nagreply sa flirt niyang officemate at nagpanggap na ako si hubby. And after ko naconfirm na ka-flirt niya yun, hindi ko napigilan sarili ko at sinasampal ko siya. Hindi naman siya umiiwas. Sinasampal ko siya ng maraming beses habang umiiyak. Sa sobrang sampal ko yata pumutok na yung labi niya at dumugo. Dun lang ako tumigil nang makakita na ako ng konting dugo sa labi niya. Takot kasi ako sa dugo. First time ever kong ginawa sa kanya yun at sobrang guilty ako after pero ang sakit kasi ng ginawa niya.
When my husband cheated on me, I was looking at successful marriages like my mom's and mom in law. Kita ko housewife sila kaya naasikaso nila ang needs ng hubby nila. I DID consider being a SAHM. Sabi ko baka lalo nya akong mahalin etc etc. But I did not push through with it. I thought to myself, buti nalang. Kasi nalibang din naman ako sa labas and earned well kahit papano. Siguro if not for my work, I would not have kept myself sane with my philandering ex.
As for your reasons why you should be a SAHM, pag ayaw maraming dahilan, pag gusto, maraming paraan.
1.ayoko ng yaya. Wala ako tiwala sa yaya dahil nakikita ko yung mga anak ng friends ko na masama ang ugali dahil nga laki sa yaya. Hndi naman syempre didisiplinahin ng yaya yung bata in a nice way dahil hindi niya anak yun. Hinahayaan niya lang din na kung [textspeak!]-anong pagkain ang kainin ng bata. Kung ano gustong pagkain ng bata yun ang ibibigay niya. At pag ayaw ng bata kumain, hahayaan na lang niya. So syempre wala rin siya paki sa nutrition ng bata. Hindi ko nilalahat ng yaya pero bihira na talaga yung totoong may malasakit diba?
Mahirap talaga maghanap ng ok na yaya. But once you find them, pay them at least double the going rate to maintain them.
Case to case basis din sis, sakin yung mga grandparents pa sometimes ang nags spoil sa kids kasi they raise the kids according to their own. Di mo mapagsabihan ng "rules". With the yaya, may "rules" naman na puede ifollow, like bawal ito at yun, kaya all she has to do is adhere at pagsabihan o pagbawalan ang bata (pero bawal mamalo).
2.mother ko ang nag-aalaga sa daughter ko pag wala ako. At mas malaki ang sweldo niya compared sa kung kukuha ako ng talagang yaya. Dahil ang alam ko mas mahal ang apo kesa sa anak. Kaya mas tiwala ako sa pagaalaga ng mother ko. Pero pagdating ko kahit pagod na pagod ako, ibibigay na ni mother ang daughter ko sa akin.
Precisely why you cannot rely on your mom. Tama sila, invest in a good yaya. Pero having your mom around would always be good as well. Pero pag parents na kasi natin, hindi naman talaga natin puede diktahan, pero pag yaya, puede pagsabihan.
3. May mga kapatid pa ako ng 8 at 10 years old so alagain pa din ni mother. Madalas nila inaaway anak ko at inaasar kaya parang nakikita ko na parang may masamang ugali na nadedevelop sa daughter ko dahil gumaganti siya everytime na pinapatulan siya ng mga tito niya.
Maraming bata naman napalaki na hindi masama ang ugali kahit na inaaway sila ng kalaro nila. You can always tell your daughter what to do in situations where nab bully na sya. At kung may mga kapatid kang mas nakatatanda sa anak mo, hindi mo ba sila mapagsabihan din?
Magkasama ba kayo lahat sa isang bahay? Mukhang masalimuot ang family set up ninyo kasi may mga siblings ka din and sister and baby ng sister mo. Maybe kelangan nyo muna matuto maging independent as a family.
4. Gusto ko umatend ng mga meeting niya sa school, ako maghatid sa mga practice niya sa mga sinasalihan niyang program sa school.
Why?
Nagawa ko namang umattend sa mga programs and competitions ng mga anak ko sa school kahit na may work ako. I take a leave or something. Kung gusto mo nakatutok ka talaga sa bata, maybe you can find work within your child's school? Or around the area. It is still an alternative.
5. Gusto ko din magpractice magluto ng "masarap". Hindi yung puro na lang kami padeliver, bili ng luto na at instant na mga pagkain.
Sa mga rason mo sa pagpapalaki ng anak nyo, sa paghatid sa school at present sa school programs, hanggang sa pagprepare ng food --- lahat ba ito ikaw lang ang gumagawa at emprenteng nakikipagflirt lang ang gawa ng asawa mo? Bakit hindi kayo mag usap na sya naman ang umako din ng ibang responsibility na iyan?
Naalala ko rin dati nung nangangaliwa ex ko. Gusto ko din magluto ng masarap. Only to be let down. Kasi hirap na hirap nangako magluto, tapos pag uwi nya late nanga, busog narin. Or di kaya, nagmamadali na sasabihin labas daw kami at tomorrow nalang kainin. Without any regard na ang hirap magluto especially for someone like me na hindi marunong magluto.
What I am saying is hindi purkit nagresign ka, at nag aral magluto, eh masasarapan na ang hubby mo sa niluto mo. Depende sa asawa iyan.
6. Makapagboding kami ni hubby ng hindi na kailangan pang pagusapan kung kelan. Pagdating niya aasikasuhin ko siya ng hindi din ako mukhang pagod.
Yup had that in mind as well. But again, kahit pagod, kung gusto ng hubby magbonding din kayo, kahit pa busy ka sa work, both of you should make time. Hindi ikaw lang ang magm make ng time at magresign, mag aantay sa bahay kung kelan sya uuwi.
At marami pang mga simpleng bagay na ginagawa ng isang typical na nanay ang gusto ko din maexperience hanggat bata pa ako. Everyday kasi parang lagi na lang nagmamadali. Lagi na lang ako nagmamadali so parang hindi ko na maenjoy ang buhay ko. Yung buhay ng may pamilya. Alam ko mababaw lang yung ibang reason ko pero gusto ko talaga maexperience yan.
Pero tama din naman yung sinabi ng ibang sis dito na iba pa rin kung financially independent ang wife. Kaya 50-50 ako talaga. Ayoko naman din pagsisihan ang gagawin kong desisyon.
Nakakapagod talaga kung everyday ka nagmamadali. For me dati kaya nagwork naman ang arrangement na taking care of my kids while I was working kasi I chose a job near my home or the other way around, bahay naman di kalayuan sa work. Tapos flexitime pako sa work. Kaya minsan 10am nag g grocery ako kasama ang maid.

Tapos I go din sa gym from time to time kasi again, malapit ang gym ko sa work. Sa traffic sa Manila ngayon, you have to be efficient. Not necessarily nagmamadali, but getting more things done with the least hassle and effort, and maximize your work-life balance as well.