watch now

Author Topic: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)  (Read 70753 times)

entwife

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #360 on: December 17, 2013, 03:30:06 am »
Sis, galing ako ng GC kanina bumili ng Macau tickets. Dito lang ako nagsstay sa Urban Pak sa Haiphong Mnasion, tawid lang ng GC. Grabe maghapon umulan. Wala akong nagawa today. Naglakad lakad lang around TST area, tapos kaninang gabi, pinush ko magpunta sa Harbor View, tiningnan ko lang mga shops dun, high end. haha Tapos clock tower, avenue of the stars. Kaso yug ulan talaga eh mejo nakakatamad gumalaw. Sis di ko kinakaya yung lamig Natetempt na nga ako bumili ng leather jacket kanina eh. Kaso out of budget.

Sana bukas wala ng ulan para maayos ako makapunta ng Macau. At since solo traveler ako, wala akong pictures. Pano ba yun, tips naman. haha just approach someone ba? kaso mejo nagmoist pa camera ko sa lamig. Natuloy kayo sa Disney? Sa Ocena Park ko gusto pumunta kaso depende sa panahon.

And may mga mura ba na souvenir items dito nathan-cameron? Nabasa ko sa pex may 100hkd for 5 tshirts kaso wala naman ako nakita. parang 3 for 100 ata yung nakita ko.

kumain rin pala ako sa cafe de coral pero yung malapit sa port. Di rin makaconnect yung phone ko sa wifi nung hostel. Di niya marecognize yung wifi account. Weird.

Then nanood na lang ako ng sine sa The One. Haha Favorite ko kasi yun eh di ko napanood sa Pinas bago ako umalis.

Di ko rin pala alam kung push ko yung NP. Balitaan mo ko sis ah.

cind3r3lla

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #361 on: December 17, 2013, 08:00:11 am »
^hi sis! Honga kainis ang ulan. Ewan ko kung i-push din namin ang NP today. Hindi pa kasi kami nakakalabas to check the weather. Pero based sa app, mas malamig pa nga at 11 deg. :D we just woke up kaya after prep ay mag-breakfast muna kami sa McDo.
Hindi pa namin nahahanap yang cafe de coral. Lol!

Sis, kelan ka mag-macau? Kami, 18 na umaga pupunta dun. Sana naman, umayos na ang weather. Sabay ka na lang sa amin sis para mag-picturan tayo! Hahaha! Ang hirap nga magpa-picture kasi naulan. Sobrang hassle dun sa papakiusapan mo. Kami naman, wala kaming group pictures. Puro mukha namin ang picture o kaya dala-dalawa. Either ako at ang baby ko o kaya sister at yung baby ko. Hehe.

For the jacket nga pala sis, nakabili ako ng jacket sa Uniqlo. Pang rain sya tapos yung loob yung mabalahibo. Don't know anong tawag dun pero all in all, hindi bulky yung jacket pero okay siya sa lamig. 300hkd lang bili ko. Check mo, baka magustuhan mo.
« Last Edit: December 17, 2013, 08:06:05 am by cind3r3lla »

entwife

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #362 on: December 17, 2013, 11:17:20 am »
Kagigising ko lang sis. haha parang 4am na ata ako natulog kanina, nagsend ako ng PM sayo. Sige bukas na lang ako magmacau para sasabay ako sa inyo. Thank you! Picture saver. haha napapanis na rin laway ko. Lol puntahan ko na lang kayo sa GC bukas.

Hindi ko pa rin nakikita yung Cafe de Coral na nasa Granville Road. Di ko na nga alam ano gagawin ko today. nkakatamad lumabas dahil sa ulan. Maghahanap siguro na souvenir along cameron road, Parang di ko na pupush yung ocean park. At yung the Peak eh baka magfreeze na lang ako bigla dun. Haha


msrain

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #363 on: December 17, 2013, 12:51:48 pm »
^ from nathan road, bandang unahan lang sya. maliit lang ang entrance niya at hagdan paakyat. hindi mo nga mapapansin agad yung signage kasi medyo maliit.  kami kasi sa burlington mansion nag-stay. so nag-exit kami don sa granville side ng building. tapos konting lakad lang cafe de coral na.

basta kung manggagaling ka ng nathan road, nasa kanan mo sya. basta sa bukanan lang ng street na iyon.


cind3r3lla

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #364 on: December 17, 2013, 01:16:07 pm »
Kagigising ko lang sis. haha parang 4am na ata ako natulog kanina, nagsend ako ng PM sayo. Sige bukas na lang ako magmacau para sasabay ako sa inyo. Thank you! Picture saver. haha napapanis na rin laway ko. Lol puntahan ko na lang kayo sa GC bukas.

Hindi ko pa rin nakikita yung Cafe de Coral na nasa Granville Road. Di ko na nga alam ano gagawin ko today. nkakatamad lumabas dahil sa ulan. Maghahanap siguro na souvenir along cameron road, Parang di ko na pupush yung ocean park. At yung the Peak eh baka magfreeze na lang ako bigla dun. Haha

Hahaha! Late na rin kami lumabas kanina. Sige sabay-sabay nalang tayo bukas sa macau. San ka ba mag-checkin dun?

Sis msrain, Nakita na namin yung Cafe de Coral sa may Granville. Kapag galing ng GC, wag na pala tatawid ng mira mall, turn right na agad. Lakad lang ng  konti at tingin sa itaas. Hehe.

As for souvenirs, yung street na merong McDo at KFC naman after ng GC. Katabi lang siya ng McDo actually. Dami dun sis na mga ref magnets, keychains, bags, shirts.
Hindi na rin kami nakatuloy ng NP kasi nga maulan. Sayang lang ang entrance. Bumili na lang kami electronics sa Fortress. Hay!

Balik hotel lang

entwife

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #365 on: December 17, 2013, 01:43:53 pm »
hindi ako magstay sa macau sis. babalik rin ako ng Hongkong ng hapon. nung nagchek kasi ako ng accommodation, puro hotel, at ang mahal eh magisa ko lang. haha

hinahanap ko rin yung maxims dito, di ko pa nakikita. hehe try na lang ako ng kung anong resto maya. or baka cafe de coral uli.

nakatambay lang ako dito hostel ngayon. haha

cind3r3lla

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #366 on: December 17, 2013, 01:51:30 pm »
hindi ako magstay sa macau sis. babalik rin ako ng Hongkong ng hapon. nung nagchek kasi ako ng accommodation, puro hotel, at ang mahal eh magisa ko lang. haha

hinahanap ko rin yung maxims dito, di ko pa nakikita. hehe try na lang ako ng kung anong resto maya. or baka cafe de coral uli.

nakatambay lang ako dito hostel ngayon. haha

OT...Mahigpit kaya sa Sintra? Kapag hindi, squat ka na lang sa amin. Hahaha! Para mahanap natin yung bilihan ng egg tart dun. :D

Ano pala sinasabi nyo kapag bibili kayo ng pork bun sa cafe de coral?
Kasi bibili sana kami kanina at ipang-take-away. Sorry, no english daw. :( hindi ko naman makita sa picture sa menu nila. O hindi ko lang alam ano itsura nun.
Hehe.



jasmine3689

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #367 on: December 18, 2013, 12:17:39 am »
Sis nakabili ba kayo ng simcard dyan? Ano ba yung sulit at mura? Thanks

smoothie

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #368 on: December 18, 2013, 08:51:55 am »
^^Hindi ko na ma-recall na may porkbun sa coral. Usually kung ano lang yung naka display sa menu nila sa side yun ang available na items.

^Depende sa need mo sis. May nabili ako PCCW ata yung brand. 3 days free internet tapos libre ang local calls.

jasmine3689

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #369 on: December 18, 2013, 05:46:13 pm »
^nakabili na kami sis sa gc ng simcard 70hkd. Anlamig dito ngayon napabili kami bigla ng hubby ko ng bubble jacket. Ganda ng araw ngayon super lamig talaga :)

mom_c

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #370 on: December 19, 2013, 09:40:21 pm »
^sis ano included sa hkd70 na SIM card? Plano ko rin sana bumili ng sim card sa GC pag check in namin.. isip ko lang kung mag work sa samsung tab2 kasi naka lock sa globe iPhone ko eh.. thanks!

tammy1979

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #371 on: December 19, 2013, 10:55:21 pm »
Share ko lang, nakabili kami ng HK souvenir shirts sa Ladies Market 7 pcs for 90, then nakatawad pa ng konti 8pcs for hkd105. Mostly makikita na price dun sa Ladies Market is 4 or 5pcs for 100. YUng isang stall lang dun sa bandang dulo yung mag 7pcs for 90.

jasmine3689

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #372 on: December 20, 2013, 12:18:31 am »
@mon_c: sincard sis 7days unlimited 3g. Bilis ng connection.

@tammy: thanks for sharing sis. San banda yang ladies market na yan?? Napuntahan namin ng family ko yan before kaso gabi yun at limot kona. Thanks.

mom_c

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #373 on: December 20, 2013, 12:23:07 am »
^thank you sis, anong network ang sim na mabibili sa GC? gagana kaya sa Samsung tab 2 sis?

jasmine3689

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #374 on: December 20, 2013, 07:27:48 am »
^sis newworld name ng sim. Sis sorry di ko rin alam basta yung maliit na sim yun :)

tammy1979

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #375 on: December 23, 2013, 12:51:53 am »
^^ Ladies market sa MOngkok sis. I think when taking the MRT you have to exit at Exit [textspeak!] ng Mongkok station. Di ako ganun ka sure sa exit number, sa Mongkok kasi kami nag stay na hotel so tumatawid lang kami papunta dun.

entwife

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #376 on: December 23, 2013, 04:25:08 am »
Sana pala dinayo ko yung ladies market. Ang mahal ng shirts sa tst so di nako bumili.. Chopsticks lang nabili ko.

Sayang talaga umulan nung nagpunta ako. Asan na si sis cinderella? Sis! Musta macau niyo? Saglit lang ako sa venetian kasi pagod na rin ako nun. Regards sa sister mo and kay lance!

cind3r3lla

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #377 on: December 23, 2013, 07:50:27 am »
^hi sis! Kumusta na? San ka nagpunta the next day?
Sis, paglabas namin ng Wynn may another fountain show na naman at may fire na kasali. Isang buga lang naman pero katuwa pa rin. :)

Ang bad news ay, naiwan kami ng plane pauwi ng pinas. Waah!
Paano, ibang ferry boat station pala yung pinuntahan namin tapos nung papunta kami sa Taipan Ferry Station, nasa kabilang island pala yun!. Ang traffic pa naman. Hay! Charge to experience na nga lang. :(


burberi

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #378 on: December 23, 2013, 10:24:15 am »
Hi sisses! Just want to share how our trip went last December 6-12. Sorry medyo late post na. Super busy kasi ang dami kong hinabol na work.

Anyway:

Day 1 (December 6; Friday)

7:15pm yung flight namin to HK through CebuPac. As usual, early kami kasi excited. I was with my mom, and two sisters. Si hubby naman dun na namin meet sa HK kasi sa Australia sya nanggaling. Wala tinanong samin yung immigration except san kami nagwo-work nung isa kong sister. Delayed yung flight namin ng about 30 minutes so mga around 7:45 na kami nakalipad. Arrived in HK ng 9:45. Hindi ko in-expect ang lamig. Lol. Naka-normal jeans lang ako and long-sleeved shirt.

Where the plane dropped us, we boarded a bus pa to take us to the main terminal (or however you want to call that). Wala questions ang immigration. Tiningnan lang kami. Mga 10:30 na kami bago nakalabas ng airport. Si hubby four hours nag-antay. He bought tickets sa CTS for our bambu buffet lunch lang. The rest we planned to buy na sa Golden Crown. He also bought octopus card for all five of us na may 150HKD credit and 50HKD deposit (after four days nag top-up kami ng 50HKD so all in all mga 200HKD yung fare na nagastos namin).

We boarded A21 bus going to Tsim Sha Tsui. Mga 1 hour din yung byahe. Hindi pleasant yung bus ride kasi may maiingay na instik na nag-aaway. Kung makasigaw grabe, parang pag-aari nila yung bus. Ang masaklap sa lahat, yung bad breath nila. As in yun na yung umaalingasaw sa buong bus. :S GRABE. Kulang nalang mag gas-mask kami. (Side note: Pati yung landlord nung pinag-stayan namin sabi ng mom ko bad breath daw. Ganun ba talaga? Dahil sa food?)

Anyway, lumagpas kami ng one station kaya lakad pabalik. Buti nalang di naman masyado malayo kasi mabigat din yung handcarry namin. Mga 11:30 kami dumating ng New Yiu Fai. Okay yung room. Maliit (as usual) pero ok yung itsura. Malinis, maganda yung shower, at may window kami. Di na nga namin on yung aircon. Bukas bintana nalang hehe. Sa (old) Yiu Fai naman nag-stay yung family ko. Mas mura pero ang laki ng difference in terms of itsura. Hindi parehas ang may-ari ng hostels. Parang under Golden Crown yung New Yiu Fai.

Day 2 (December 7; Saturday)

Plan namin magpunta ng church (We're Seventh-Day Adventists) and yung pinakamalapit na na-research ko ay in Causeway Bay. Rode MTR but pagdating ng causeway bay, si hubby sumakit ang tiyan (di nya ma-explain kung gutom or what). So instead sa church, sa resto kami napunta kasi late na rin kami sa service at di maganda pakiramdam ni hubby. Sa may Lee Gardens kami nag-lunch. Nakalimutan ko kung anong mall/bldg yun basta kaharap nya yung big forever 21 store. Spicy braised beef noodles inorder ko ($70) tapos si hubby nag pepper lunch ($60). Malaki yung serving. Di ko naubos yung noodles. Meet-up din namin yung friend ko na may coverage sa HK. After lunch, punta kami ng Avenue of Stars. Ang init ng araw! Buti nalang nagsunblock ako. Nice din mag photo-op. Punta sana kami dun sa parang galaxy museum kaya lang parang wala naman masyado makikita so skipped it nalang. Nilakad namin pabalik ng hotel at nawala kami. Siguro mga almost 10km nilakad namin ng araw na 'to. Parang alay lakad ang peg.

Balik causeway bay kami ng around 4:30 para ihatid friend ko sa hotel nya. Kami naman ni hubby at night, naghanap ng makakainan so dami lakad nanaman along nathan road. Napunta kami sa isang Korean resto. 9:30 pm na nun pero nag-antay pa kami sa labas kasi walang maupuan. Ordered bibimbap ($65) at yung stirfried noodles nila na di ko alam ang tawag ($60). Laki ulit ng serving so share nalang kami ni hubby sa pansit nya at take-away yung bibimbap.

Mga 2am, ginising ako ni hubby para sabihin na nilalagnat sya. Grabe init nya! Nagpanic ako kasi wala kami gamot whatsoever. Buti yung family ko na nasa 10th flr (6th flr kami) may dala. Buti rin yung water dispenser namin nagdidispense ng ice cubes. Mga 4am na ako natulog :(

Day 3 (December 8; Sunday)

Nagising ako ng 8am. May lagnat pa rin si hubby. Pinainom ko ng bioflu at pinakain ng grapes. Ayaw nya ng bibimbap. Wala kami iba food kasi di pa kami nakagrocery. Punta sana kami ng Peak, Madame Taussauds (sp?) at Bubba Gump kaya lang hindi talaga nya kaya. Pati family ko di na rin nila feel magpunta dun. Around 10am, since medyo bumaba na temperature ni hubby, sumama nalang ako sa family ko na magpunta ng Central kasi I read na mura ang Giordano dun. Pag-akyat pa lang namin ng street galing ng subway, nagkalat na ang mga Pilipina. Ang dami!!!! As in!!! Para bang nagtipon sila para manood ng concert si Anne Curtis sa kabilang kanto. Ganun. Lol. Nabasa ko day-off nila, tama ba? Pero bakit sa Central? At bakit ang dami dami dami nila? Di ba pwede sa ibang city?

Buti nahanap agad namin Giordano dahil kasi yung salesguy na intsik, tagalog na rin ang sinisigaw
"Bili bili. Mura dito mura dito". Parang flea market ang peg. Wala ka makikita ibang race sa Giordano haha. Parang puputok na yung store sa dami ng tao. Pero in-fairness, nakabili ako ng polo ni hubby, $140 dalawa. T-shirts mga $120 dalawa (I think). Belts $99 dalawa. Okay na rin. Punta ko Watson's para bumili ng Panadol ni hubby at kung ano ano pang ek-ek. Tapos hinanap namin yung H&M sa Central pero wala na pala, as per ate na napagtanungan namin.

Late lunch kami sa Cafe de Coral na nasa second floor at mga 15 minutes namin bago nahanap ang entrance. Lol. Yung inorder namin na duck leg ay $30 something lang. Mga $100 busog na busog na kaming apat. Afterwards, balik hotel na. Nung gabi, okay na si hubby. Nag-grocery kami dun sa international supermarket sa tabi lang ng Golden Crown. Nilakad na rin namin papunta ng Harbour City. Yung H&M store, hindi naman ganoon kamura at kaganda ng styles. Bought makeup sa NARS. Mas mahal presyo ng Nars dun kesa dito sa-atin pero ang difference ay less than a hundred lang. Bought Primer ($350). Wala ako shade ng concealer at foundation sa store nila sa Harbour City. Pag-uwi nabinat si hubby. Di ko alam kung dahil sa kung ano-ano na pinagbibili ko (lol) or napagod sa lakad.

Day 4 (December 9; Monday)

Ocean Park yay! :) Buti magaling na si hubby at hindi na sya KJ. Hehe. Rode MTR from TST to Admiralty tapos exit dun na mismo sa pila ng buses papunta Ocean Park. Sa Golden Crown kami bumili ng ticket. $280 yata or lower. Di ko na matandaan. Mga 20 mins bus ride lang then andun na kami. Pagdating dun ang una naming ginawa ay kumain. Kami ni hubby sa may Panda resto. $120 isang order ng braised beef noodles (oo mahilig ako sa noodles) at yung custard siopao something nila $40. Share nalang kami ni hubby. Laki naman serving at medyo mahal din yung food. Yung family ko sa may Little Chinatown kumain, yung malapit sa may cable car). Mga $50 lang daw per meal.

Nagpunta kami dun sa Aquarium, then sakay cable car papunta sa kabilang side. Nanood kami nung mga nagsasayang ng pera para dun sa perya. Ang cute lang nung palaka na kailangan i-shoot sa umiikot na lily. :P Tapos punta kami sa North and South pole. Cute ng mga penguin. Tapos sumakay mga sister ko sa mga nakakatakot na roller coaster. Ewan ko ba, feeling namin ni hubby ang tanda na namin para doon. Duwag na lol. Sakay kami sa Rapids tapos pagkatapos para akong naligo. As in basang-basa. At ako lang ang ganoon. Lol malas. Sakay kami ng sister ko sa The Abyss (eeeee ang taas-taas!!!!!!!) at dun sa Ship. Di ko na kinaya yung ibang rides. Kain sa McDonald's doon (around $20 yung bigmac). Pagkatapos nanood kami ni hubby nung dolphin show, okay lang. Cute naman. Afterwards, punta dun sa may jelly fish museum. Then sakay na ng train pabalik sa other side.

Pag-uwi natulog kami for an hour then nag-dinner sa may pizza hut sa tabi lang din ng GC. Ang mahal ng pagkain. Mas mahal pa sa Australia (eh alam naman natin lahat, na mahal lahat sa Oz. Lol). :P Isang family size pizza na vegetarian ay $160 na (ata?). Then order din kami pasta. Yun lang. Mga $300 binayaran namin kasama service charge.

Sorry ang haba ng post. Pls see next post for continuation. :)


burberi

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #379 on: December 23, 2013, 11:35:29 am »
Part Two :)

Day 5 (December 10, Tuesday)

Disneyland :3 Sa entrance pa lang excited na kami lahat ng mga kapatid ko and hubby. Dinaig namin yung mga bata haha. Last year kasi, ako lang mag-isa ang nagpunta, kaya extra saya ko kasi ang dami na namin this time. As usual, ang una naming ginawa ay kumain. Di kasi uso samin ang breakfast. :P Dun kami sa Comet Cafe. $140 yung isang cheeseburger set na may kasamang fries at drinks. Di naman ganoon kalaki yung burger. Medyo disappointing din yung lasa for some unexplainable reason. Pagkatapos, sinakyan namin lahat ng rides sa Tomorrowland. Ang saya saya lang nung space train. Mga twice kami sumakay. Di masyado mahaba pila (almost none). Except lang dun sa car na din-drive. We spent mga 30 mins sa pila. Tapos nanood ng parada sa may main road at nasalubong si Buzz Lightyear kaya pa-picture rin kami. Hehe :) Pag-alis namin ng Tomorrowland, sakto napunta kami sa Golden Mickeys. Pagkatapos manood ng show, kumain kami dun sa Clopin's Festival of Foods. Duck leg ang favorite ng buong pamilya :P Mga $70 per order. Malaki yung serving; ang laki rin nung hita ng duck. Umorder pa kami ng extra rice kasi dami pa tirang duck. (Sidenote: Nagpunta kahapon mom ko sa binondo at nakakita ng braised duck. Tawa sya ng tawa kasi malnourished raw ang duck dito sa Pilipinas :P ).

After kumain, nasaktuhan ulit namin yung Mickey's Philharmagic. Cute lang. Nakakaaliw :) Tapos dumiresto na kami sa Toy Story land. Sumakay sa mga rides doon at bumili ng souvenirs. Tapos pumila ng mahaba para dun sa ride sa Mystic Mansion (Last year, under construction pa lang sya). Okay din yung ride, hindi ko in-eexpect. Hehe. Super detailed nung interiors. Ang ganda magpapicture. Diretso kami Grizzly Gulch and pila agad dun sa Mine Cars. Nag-enjoy kami kaya sumakay kami ulit hehe (wala masyado pila). Afterwards, pumila kami sa raft at nagpunta sa bahay ni Tarzan. Di na kami nakasakay dun sa boat ride na iikot around the lake kasi madilim na and ayaw na namin pumila dahil pagod na.

Bumili kami ng mickey waffle $40. Di ako masyado nasarapan. Ang cute lang ng shape. Mas nasarapan ako dun sa Apple turnover $40. Pagkatapos kumain, umalis na kami ng Disneyland. Di na namin inantay yung fireworks. Bumaba kami Sha Tin station ni hubby para dumaan sa isang bike store. Bumili ng jersey para sa dad nya, then uwi na.

Day 6 (December 11; Wednesday)

Macau Day Tour. Bumili kami ng round trip ticket for Cotai Jet sa Golden Crown. Unfortunately, mga 9:00 na yun and yung pilipina na landlady sabi 9:30 alis ng boat sa TST pier. Nagtaxi kami papunta pier and dumating mga 9:15 kaya lang puno na raw yung boat and 11:30 na yung next trip. Sa Hong Kong pier daw, every 30 mins may boat na umaalis so nagtaxi kami papunta doon. Dumaan yung taxi sa expressway so nagbayad pa kami ng toll. All in all, mga nasa $160 yung binayad namin sa taxi. Mga 9:40 kami dumating sa HK pier. Ang masaklap, pagdating namin doon, 11:30 na rin yung next available trip dahil puno na! HAYYYY! Nagsayang lang kami ng taxi fare :( Tambay muna kami sa Starbucks.

Mga mag-1pm na bago kami nakalabas ng Taipa Ferry pier. Sakay kami shuttle papunta ng Venetian. Pagdating doon, gutom na at irritable. Kainis pa kasi hindi namin mahanap yung daan papunta sa Bambu restaruant (we have lunch buffet coupons na binili sa CTS $178). Lagi kami tinuturo na tumawid sa casino but ang problem is yung youngest sister ko na 18 years old pa lang. In short, kung saan saan kami paikot-ikot at mga 1 hour halos bago kami nakarating sa Bambu. Ok naman yung food, filling na rin. Para sa mga mahilig sa seafood, sulit na sulit kasi ang dami choices.

After namin kumain, nagpicture picture dun sa Venice-like shopping mall and then went dun sa Dreamworks' Icy Wonderland, $100 entrance. SUPER GINAW. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin magsurvive sa country na may winter lol. Buti may pahiram silang jackets dahil mag-frostbite ako pag wala (lol OA). Tapos may ice slide. Katuwa. Inunahan pa namin yung mga bata.

Pagkatapos doon, nag-taxi kami papunta sa Senado Square. Mga $100+ din yung binayad namin. Pagbaba namin, nagtanong pa kami kung nasan yung square, yun pala, yun na yun, nasa harap namin. Medyo nadisappoint kaming lahat kasi, wala lang, ang pangit. Puro stores yung baba and ang Portuguese lang doon ay yung mga architecture sa second floor and above na hindi rin impressive IMO. Nag-enjoy lang yung 18y.o. sister ko sa Sasa, na meron naman sa HK. Ako bumili nalang ng chestnut, kumain, at naupo sa tapat nung catholic church doon. Di na namin in-attempt pa na lumakad ng 1km or magtaxi/bus papunta sa ruins of St. Paul. Tinamad na kaming lahat. After ng Senado square, nag-bus papunta ng Taipa. Tapos di namin namalayan na yung bus ay pabalik na pala. Buti nakita ko yung Sky Tower. :P medyo na-lost pa kami sa may Taipa kaya nag-taxi nalang papunta ng ferry terminal. Mga 8:30, back in HK na ulit kami. Di namin masyado na-appreciate yung Macau. :(

MTR kami from the ferry terminal pabalik. Yung mom ko umuwi na, kami nag Langham Place and Ladies Market pa. Kain muna sa MOS burger, then buy beef jerky sa may basement sa Langham. Wala ako binili sa Ladies Market. Si hubby bumili ng FC Barcelona jersey. Sister ko kung ano-ano binili. Super exhausted na ako, wala na ako care.

Day 7 (December 12, Thursday)

Last day. We woke up mga 10am na. Pack nalang ng bags and checkout na ng 11:30. Yung bags namin iniwan na muna sa reception area ng Yiu Fai. Punta kami Causeway Bay for shopping. Yung USD ko, pinapalitan ko sa exchanger sa likod ng GC. In fairness, okay yung palit nila; parang 40HKD lang yung difference from the current forex (all in all). Dun sa una namin pinagtanungan, halos HKD700 yung rip-off nila. GRABE. Kaya wag agad magpapapalit. May mga ganoon pala na grabe ang take (bumbay yung guy sa expensive na palitan; I'm not judging. Just saying). :P

Went to the Apple Store in Causeway Bay and bought iPad Mini retina ($3888) and iPhone 5s ($5588). Tapos more shopping sa NARS kasi doon may shades na ako. Bought Sheer Glow ($460; ang mahal ng Nars, hindi ko talaga malunok. Yung YSL Touche Eclat liquid foundie $450 lang!). Gusto ko kasi talaga finish ng Sheer Glow eh :( will try YSL nalang later. Bought NARS loose powder ($360), MAC mineralize lippie ($215), and Shu Uemura eyelash curler ($150). Tapos si hubby namili ng pants and damit sa Uniqlo. Nasa $200 yung jeans. Kami naman ng mom ko and sisters sa Cotton On. Blouses and dresses nasa $100 lang. Mom ko bumili ng shirts $130 dalawa na.

After Causeway Bay, balik TST to get our bags. Yung bus stop for A21 buses halos sa harap lang ng GC. Arrived at the airport ng 6:30pm.


--Note--
Dami namin hindi pa napuntahan like yung Peak and Ngong Ping. I wanna visit Citygate din. Di pa rin ako nakapanood ng Symphony of Lights. Haaaaay. For sure, balik nalang kami ulit. Paulit ulit akong pupunta ng HK hanggang sa magsawa ako :P

Anyway, hope makatulong experiences namin somehow. :) Thanks for reading!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close