Part Two
Day 5 (December 10, Tuesday)Disneyland :3 Sa entrance pa lang excited na kami lahat ng mga kapatid ko and hubby. Dinaig namin yung mga bata haha. Last year kasi, ako lang mag-isa ang nagpunta, kaya extra saya ko kasi ang dami na namin this time. As usual, ang una naming ginawa ay kumain. Di kasi uso samin ang breakfast.

Dun kami sa Comet Cafe. $140 yung isang cheeseburger set na may kasamang fries at drinks. Di naman ganoon kalaki yung burger. Medyo disappointing din yung lasa for some unexplainable reason. Pagkatapos, sinakyan namin lahat ng rides sa Tomorrowland. Ang saya saya lang nung space train. Mga twice kami sumakay. Di masyado mahaba pila (almost none). Except lang dun sa car na din-drive. We spent mga 30 mins sa pila. Tapos nanood ng parada sa may main road at nasalubong si Buzz Lightyear kaya pa-picture rin kami. Hehe

Pag-alis namin ng Tomorrowland, sakto napunta kami sa Golden Mickeys. Pagkatapos manood ng show, kumain kami dun sa Clopin's Festival of Foods. Duck leg ang favorite ng buong pamilya

Mga $70 per order. Malaki yung serving; ang laki rin nung hita ng duck. Umorder pa kami ng extra rice kasi dami pa tirang duck. (Sidenote: Nagpunta kahapon mom ko sa binondo at nakakita ng braised duck. Tawa sya ng tawa kasi malnourished raw ang duck dito sa Pilipinas

).
After kumain, nasaktuhan ulit namin yung Mickey's Philharmagic. Cute lang. Nakakaaliw

Tapos dumiresto na kami sa Toy Story land. Sumakay sa mga rides doon at bumili ng souvenirs. Tapos pumila ng mahaba para dun sa ride sa Mystic Mansion (Last year, under construction pa lang sya). Okay din yung ride, hindi ko in-eexpect. Hehe. Super detailed nung interiors. Ang ganda magpapicture. Diretso kami Grizzly Gulch and pila agad dun sa Mine Cars. Nag-enjoy kami kaya sumakay kami ulit hehe (wala masyado pila). Afterwards, pumila kami sa raft at nagpunta sa bahay ni Tarzan. Di na kami nakasakay dun sa boat ride na iikot around the lake kasi madilim na and ayaw na namin pumila dahil pagod na.
Bumili kami ng mickey waffle $40. Di ako masyado nasarapan. Ang cute lang ng shape. Mas nasarapan ako dun sa Apple turnover $40. Pagkatapos kumain, umalis na kami ng Disneyland. Di na namin inantay yung fireworks. Bumaba kami Sha Tin station ni hubby para dumaan sa isang bike store. Bumili ng jersey para sa dad nya, then uwi na.
Day 6 (December 11; Wednesday)Macau Day Tour. Bumili kami ng round trip ticket for Cotai Jet sa Golden Crown. Unfortunately, mga 9:00 na yun and yung pilipina na landlady sabi 9:30 alis ng boat sa TST pier. Nagtaxi kami papunta pier and dumating mga 9:15 kaya lang puno na raw yung boat and 11:30 na yung next trip. Sa Hong Kong pier daw, every 30 mins may boat na umaalis so nagtaxi kami papunta doon. Dumaan yung taxi sa expressway so nagbayad pa kami ng toll. All in all, mga nasa $160 yung binayad namin sa taxi. Mga 9:40 kami dumating sa HK pier. Ang masaklap, pagdating namin doon, 11:30 na rin yung next available trip dahil puno na! HAYYYY! Nagsayang lang kami ng taxi fare

Tambay muna kami sa Starbucks.
Mga mag-1pm na bago kami nakalabas ng Taipa Ferry pier. Sakay kami shuttle papunta ng Venetian. Pagdating doon, gutom na at irritable. Kainis pa kasi hindi namin mahanap yung daan papunta sa Bambu restaruant (we have lunch buffet coupons na binili sa CTS $178). Lagi kami tinuturo na tumawid sa casino but ang problem is yung youngest sister ko na 18 years old pa lang. In short, kung saan saan kami paikot-ikot at mga 1 hour halos bago kami nakarating sa Bambu. Ok naman yung food, filling na rin. Para sa mga mahilig sa seafood, sulit na sulit kasi ang dami choices.
After namin kumain, nagpicture picture dun sa Venice-like shopping mall and then went dun sa Dreamworks' Icy Wonderland, $100 entrance. SUPER GINAW. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin magsurvive sa country na may winter lol. Buti may pahiram silang jackets dahil mag-frostbite ako pag wala (lol OA). Tapos may ice slide. Katuwa. Inunahan pa namin yung mga bata.
Pagkatapos doon, nag-taxi kami papunta sa Senado Square. Mga $100+ din yung binayad namin. Pagbaba namin, nagtanong pa kami kung nasan yung square, yun pala, yun na yun, nasa harap namin. Medyo nadisappoint kaming lahat kasi, wala lang, ang pangit. Puro stores yung baba and ang Portuguese lang doon ay yung mga architecture sa second floor and above na hindi rin impressive IMO. Nag-enjoy lang yung 18y.o. sister ko sa Sasa, na meron naman sa HK. Ako bumili nalang ng chestnut, kumain, at naupo sa tapat nung catholic church doon. Di na namin in-attempt pa na lumakad ng 1km or magtaxi/bus papunta sa ruins of St. Paul. Tinamad na kaming lahat. After ng Senado square, nag-bus papunta ng Taipa. Tapos di namin namalayan na yung bus ay pabalik na pala. Buti nakita ko yung Sky Tower.

medyo na-lost pa kami sa may Taipa kaya nag-taxi nalang papunta ng ferry terminal. Mga 8:30, back in HK na ulit kami. Di namin masyado na-appreciate yung Macau.

MTR kami from the ferry terminal pabalik. Yung mom ko umuwi na, kami nag Langham Place and Ladies Market pa. Kain muna sa MOS burger, then buy beef jerky sa may basement sa Langham. Wala ako binili sa Ladies Market. Si hubby bumili ng FC Barcelona jersey. Sister ko kung ano-ano binili. Super exhausted na ako, wala na ako care.
Day 7 (December 12, Thursday)Last day. We woke up mga 10am na. Pack nalang ng bags and checkout na ng 11:30. Yung bags namin iniwan na muna sa reception area ng Yiu Fai. Punta kami Causeway Bay for shopping. Yung USD ko, pinapalitan ko sa exchanger sa likod ng GC. In fairness, okay yung palit nila; parang 40HKD lang yung difference from the current forex (all in all). Dun sa una namin pinagtanungan, halos HKD700 yung rip-off nila. GRABE. Kaya wag agad magpapapalit. May mga ganoon pala na grabe ang take (bumbay yung guy sa expensive na palitan; I'm not judging. Just saying).

Went to the Apple Store in Causeway Bay and bought iPad Mini retina ($3888) and iPhone 5s ($5588). Tapos more shopping sa NARS kasi doon may shades na ako. Bought Sheer Glow ($460; ang mahal ng Nars, hindi ko talaga malunok. Yung YSL Touche Eclat liquid foundie $450 lang!). Gusto ko kasi talaga finish ng Sheer Glow eh

will try YSL nalang later. Bought NARS loose powder ($360), MAC mineralize lippie ($215), and Shu Uemura eyelash curler ($150). Tapos si hubby namili ng pants and damit sa Uniqlo. Nasa $200 yung jeans. Kami naman ng mom ko and sisters sa Cotton On. Blouses and dresses nasa $100 lang. Mom ko bumili ng shirts $130 dalawa na.
After Causeway Bay, balik TST to get our bags. Yung bus stop for A21 buses halos sa harap lang ng GC. Arrived at the airport ng 6:30pm.
--Note--
Dami namin hindi pa napuntahan like yung Peak and Ngong Ping. I wanna visit Citygate din. Di pa rin ako nakapanood ng Symphony of Lights. Haaaaay. For sure, balik nalang kami ulit. Paulit ulit akong pupunta ng HK hanggang sa magsawa ako

Anyway, hope makatulong experiences namin somehow.

Thanks for reading!