hi mga sis, here's my trip report for nov. 5 - 9.. posted it in pex also.
Trip Report - Nov. 5 - 9, 2013
Successful ang trip namin. Maganda ang panahon. Hindi pa talaga malamig. Mainit sa umaga at kapag cloudy e malamig naman ang hangin.
7 adults kami and 1 child ( 3 years old ). Hindi ganon ka-hectic ang schedule namin dahil returning visitors kami and gusto namin ma-enjoy lang ang lugar at hindi amazing race type lalo na at may kasama kami na bata. Eto ang naging actual itinerary namin:
Nov. 5 - Avenue of Stars, SOL
Nov. 6 - Disneyland
Nov. 7 - Ocean Park
Nov. 8 - Ngong Ping / Citigate
Nov. 9 - last minute ikot sa TST.
Flight to HK : 5:40 am
Flight to MNL : 7:30 pm
Marami kaming rest period. Like I said, gusto lang namin relaxed pace. At ang importante e na-enjoy namin ang family vacation.
For the reviews:
Cebu Pacific : Promo fare din namin nakuha yung ticket. Last year pa, actually. On time naman ang alis and uwi namin. So far, lahat ng nabili ko na tickets sa kanila, hindi naman nagka-aberya. Kaya hindi ako nagsisisi na kumuha ng ticket sa kanila dahil kahit paano mura pa din sila at maayos naman ang service during my trips.
Taisan Guesthouse Burlington ( Yolly ): Nung 3 pa lang kami, sa Harilela talaga kami dahil mas bago. Kaso nung nadagdagan na kami at di na kasya sa Harilela, lumipat kami kay Yolly. Second time na namin sa kanya. Nag-alala din ako sa reservation ko sa kanya kahit nakapagbayad na ako ng deposit kay Ken at may reservation e-mail ako. Kaya from time to time e tinatawagan ko sya. Pagdating namin don, kung ano yung room na binigay niya nung nag-uusap kami, don talaga kami at hindi kami nagpalipat-lipat. 2 rooms ang kinuha namin. Maganda pa rin sa Taisan. Malinis at maayos mag-maintain ng guesthouse si Yolly. Maya't maya sya naglilinis sa receiving area nila. Yung rooms namin tuwing nauwi kami, naayos na din at nagpapalit sya ng beddings every 2 days. Yung towels pinapalitan din. Babalik pa din ako sa kanya kasi, kahit medyo may kamahalan kumpara sa ibang guesthouse, comfortable at maayos talaga yung rooms. Worth it ang bayad ko. May free rice pa din sya. So kami, nagbaon ng pang-almusal dahil kelangan talaga rice ang kainin ng kasama ko so nagluluto kami sa umaga bago umalis.
Tickets : sa Golden Crown kami bumili ng tickets kasi mas mura. For the adults : Disney - 410, OP - 250, NP360 - 105
Hindi ko kinuha ng tickets yung 3 year old daughter ko kasi sabi ni yolly pwede pa daw sya basta isakay lang sa stroller. Napost ko earlier sa thread na ito ang tanong ko kung pwede pa kaya yung anak ko na malibre kasi kaka-three niya lang nung Oct. 24. So far, di naman kami nagkaproblem at di rin kami tinanong sa entrance. Kaya yung na-save namin sa ticket niya e pinambili namin ng souvenirs nya sa disney at oceanpark.
Food : Wala ako masha-share na info sa food dahil playing safe kami dito. hehe... Mcdo, KFC, Cafe De Coral at Food Republic lang ang mga kinainan namin. Heavy eater kasi ang mga kasama ko so gusto nila sa siguradong makakain nila yung food sila bibili.
HK Disneyland vs. Oceanpark : 3 times na ako nakapunta both sa theme parks na ito. Magkaiba ang ino-offer nila. Pero para sa akin, mas enjoy pa din ako bumalik sa Disneyland. Nakakatuwa yung bago nila attractions and iba talaga ang atmosphere sa disneyland... happy place talaga... Sa ocean park, kung mahilig ka sa mga animals, at sa mga rides na either nakakahilo o mababasa ka, don ka pumunta. Ako kasi di mahilig sa ganong rides kaya di ko rin nasakyan yung mga yun kasi mahiluhin ako. Tsaka sa sobrang laki niya at dahil yung isang area nila e sa bundok, ang hirap mag-ikot. Maganda lang makakita ng mga hayop gaya ng penguins at panda... Yung dolphin show nila di na rin ganon kaganda. So kung babalik ulet ako ng HK, disneyland na lang ang babalikan ko.
Travelling with a 3 year old child:
Before the trip nagresearch ako ng mga experiences na kasama ang bata sa travel. Dahil ang dami dapat iconsider kapag may kasama talagang bata. Honestly, konti lang ang informations na nakuha ko about this.. So somehow, I'll share my experience na rin. Sana makatulong sa travel niyo with a kid.
Bringing strollers - last SG trip namin, nung 2 years old pa lang ang anak ko, nahirapan kami na walang stroller. Kahit pa na madami kami at pasa-pasa ang nagbubuhat kapag pagod na sya, ang hirap pa din at nakakapagod talaga. So this trip, I made sure na talagang may dala ako stroller.
a. Strollers are not part of check-in baggage allowance. Yan ang isa sa mga na-confused ako kung sinasama ba nila sa pag-weigh yun. Iba-iba kasi ang feedback na nakuha ko. Pero sa actual experience ko, sinabi ko lang na may stroller ako dala, then nilagyan nila ng tag. you can opt na i-check in na or gamitin mo hanggang sa boarding gate. Pagdating mo sa destination, makukuha mo na sya sa carousel kasama ng mga bagahe. Hindi naman ganon kahirap ang paggamit ng stroller sa HK. May lifts naman sa may platform ng MTR in case ayaw mo itupi. Pero sa mga entrace/exit sa MTR e hagdan lang kaya kelangan mo talaga itupi. kung umbroller o lightweight ang dala mo, di naman mahirap. Convenient sya sa amin lalo na habang nagto-tour kami sa tst area. kahit sa loob ng disneyland at oceanpark. At least anytime pwede mag-nap ang anak ko.
b. Entrance Tickets / Octopus Cards - like i said in my previous post, hindi ko na binilhan ng entrance tickets ang anak ko. nag-gamble ako na makapasok siya for free. sinakay ko lang sa stroller. hindi naman kami tinanong at kung sakali man na di sya i-allow, may nakalaan na rin naman akong budget na pambili ng ticket niya. E since nalibre sya, pinambili na lang namin ng items sa disney/OP. Bumili ako ng octopus card para sa kanya. ginamit ko sya sa bus papunta tst. syempre ayoko naman kung kelan nandon na ako sa bus e masita ako at di ko binayad ang anak ko. pero pagdating sa mga mtr. hindi ko na sya nagamit dahil minsan buhat sya ng daddy niya o kaya lumulusot na sya sa entrance/exit. wala naman nanita. bus going to OP, binayad ko din sya. pero nung bus going to airport, hindi ko na sya binayad. so yung remaining value ng card e pinambili na lang namin sa 7-11. Just a note: I'm not saying na it's generally acceptable. Actually, si yolly din ang nagsabi na free pa ang anak ko sa park entrance at bus/mtr. ako lang ang nag-alala dahil ayoko naman mapahiya kaya kahit pano e bumili na rin ako mtr card. pero yun nga, eventually, hindi na rin sya nagamit.
Sa case ng anak ko, for a 3 yr. old, malakas ang katawan niya sa lakaran. naakyat niya nga yung stairs going up sa Buddha ng hindi namin sya buhat. Kami pa nga yung sumuko at gusto magpahinga in between pero sya yung excited makarating sa taas. She's even counting the steps. kaya madaming naaliw sa kanya. kahit pababa, hindi rin namin sya buhat. So siguro, depende sa katawan ng anak nyo yung Itinerary niyo. pero sa amin, okay lang ang phasing namin. ini-enjoy namin ang bawat lugar na pinupuntahan namin. it's not about sa dami ng napuntahan kundi sa quality time sa bawat lugar.
Nung pauwi kami, yung boarding gate namin is yung sasakay ka ng shuttle. nung nag-check in kami walang pang boarding gate number na nakalagay sa boarding pass. so sa monitor na lang namin tiningnan nung nandon na kami sa loob. kapag ang boarding gate mo is between gate 501 - 510, sasakay ka ng shuttle going to the boarding gate. so bukod don sa instruction na dapat 30 minutes before e nasa boarding gate ka na, mag-allot ka rin ng allowance pa sa pagsakay ng shuttle papunta boarding gate. so kami, 7:30 pm ang flight namin. 6:30 pm, pumunta na kami sa sakayan shuttle and it took us almost 30 minutes din kasi nagpupuno pa sila ng shuttle bago talaga umalis. medyo malayo din ang lakaran papuntang shuttle kaya talaga dapat mag-allot kayo ng time para hindi kayo mahuli.
Overall, good experience ang trip namin. And next time na babalik kami, 2 days na kami sa disney dahil nabitin ang anak ko. hehe.... again, thanks to all the contributors.. and sa mga papunta pa lang.. happy trip.. and know your priorities talaga. madaming pwedeng makita at gawin sa hk... pero kung gagawin mong tight ang itinerary mo para ma-accommodate lahat, hindi mo talaga ma-eenjoy. in the end, it's all up to you kung ano ang gusto niyo ma-experience sa HK.
god bless and keep this thread alive... till my next trip!