watch now

Author Topic: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)  (Read 70411 times)

daisy_duck

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #160 on: November 12, 2013, 08:17:15 am »
just got back from HK (tourist) and so far I didnt feel the "descrimination" or maybe deadma lang talaga kami. sa MTR, most locals are on their smartphones, if we approach anyone for help, they would help naman and would ask for help sa ibang dumadaan pag di sila nakakaintindi. I love HK and would love to go back sana. BTW, to those who are looking for "cheaper" DL and OP tickets. We were able to purchase DL tickets at 410HKD sa mga travel agency sa World Wide House (?). Mostly pinoy yung mga nagma man sa mga stores dun and nung travel agency. Basta bumaba kami sa central station tapos lakad palabas.

msrain

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #161 on: November 12, 2013, 12:39:02 pm »
hi mga sis, here's my trip report for nov. 5 - 9.. posted it in pex also.

Trip Report - Nov. 5 - 9, 2013


Successful ang trip namin. Maganda ang panahon. Hindi pa talaga malamig. Mainit sa umaga at kapag cloudy e malamig naman ang hangin.


7 adults kami and 1 child ( 3 years old ). Hindi ganon ka-hectic ang schedule namin dahil returning visitors kami and gusto namin ma-enjoy lang ang lugar at hindi amazing race type lalo na at may kasama kami na bata. Eto ang naging actual itinerary namin:

Nov. 5 - Avenue of Stars, SOL
Nov. 6 - Disneyland
Nov. 7 - Ocean Park
Nov. 8 - Ngong Ping / Citigate
Nov. 9 - last minute ikot sa TST.

Flight to HK : 5:40 am
Flight to MNL : 7:30 pm

Marami kaming rest period. Like I said, gusto lang namin relaxed pace. At ang importante e na-enjoy namin ang family vacation.

For the reviews:

Cebu Pacific : Promo fare din namin nakuha yung ticket. Last year pa, actually. On time naman ang alis and uwi namin. So far, lahat ng nabili ko na tickets sa kanila, hindi naman nagka-aberya. Kaya hindi ako nagsisisi na kumuha ng ticket sa kanila dahil kahit paano mura pa din sila at maayos naman ang service during my trips.

Taisan Guesthouse Burlington ( Yolly ): Nung 3 pa lang kami, sa Harilela talaga kami dahil mas bago. Kaso nung nadagdagan na kami at di na kasya sa Harilela, lumipat kami kay Yolly. Second time na namin sa kanya. Nag-alala din ako sa reservation ko sa kanya kahit nakapagbayad na ako ng deposit kay Ken at may reservation e-mail ako. Kaya from time to time e tinatawagan ko sya. Pagdating namin don, kung ano yung room na binigay niya nung nag-uusap kami, don talaga kami at hindi kami nagpalipat-lipat. 2 rooms ang kinuha namin. Maganda pa rin sa Taisan. Malinis at maayos mag-maintain ng guesthouse si Yolly. Maya't maya sya naglilinis sa receiving area nila. Yung rooms namin tuwing nauwi kami, naayos na din at nagpapalit sya ng beddings every 2 days. Yung towels pinapalitan din. Babalik pa din ako sa kanya kasi, kahit medyo may kamahalan kumpara sa ibang guesthouse, comfortable at maayos talaga yung rooms. Worth it ang bayad ko. May free rice pa din sya. So kami, nagbaon ng pang-almusal dahil kelangan talaga rice ang kainin ng kasama ko so nagluluto kami sa umaga bago umalis.

Tickets : sa Golden Crown kami bumili ng tickets kasi mas mura. For the adults : Disney - 410, OP - 250, NP360 - 105
Hindi ko kinuha ng tickets yung 3 year old daughter ko kasi sabi ni yolly pwede pa daw sya basta isakay lang sa stroller. Napost ko earlier sa thread na ito ang tanong ko kung pwede pa kaya yung anak ko na malibre kasi kaka-three niya lang nung Oct. 24. So far, di naman kami nagkaproblem at di rin kami tinanong sa entrance. Kaya yung na-save namin sa ticket niya e pinambili namin ng souvenirs nya sa disney at oceanpark.

Food : Wala ako masha-share na info sa food dahil playing safe kami dito. hehe... Mcdo, KFC, Cafe De Coral at Food Republic lang ang mga kinainan namin. Heavy eater kasi ang mga kasama ko so gusto nila sa siguradong makakain nila yung food sila bibili.

HK Disneyland vs. Oceanpark : 3 times na ako nakapunta both sa theme parks na ito. Magkaiba ang ino-offer nila. Pero para sa akin, mas enjoy pa din ako bumalik sa Disneyland. Nakakatuwa yung bago nila attractions and iba talaga ang atmosphere sa disneyland... happy place talaga... Sa ocean park, kung mahilig ka sa mga animals, at sa mga rides na either nakakahilo o mababasa ka, don ka pumunta. Ako kasi di mahilig sa ganong rides kaya di ko rin nasakyan yung mga yun kasi mahiluhin ako. Tsaka sa sobrang laki niya at dahil yung isang area nila e sa bundok, ang hirap mag-ikot. Maganda lang makakita ng mga hayop gaya ng penguins at panda... Yung dolphin show nila di na rin ganon kaganda. So kung babalik ulet ako ng HK, disneyland na lang ang babalikan ko.


Travelling with a 3 year old child:

Before the trip nagresearch ako ng mga experiences na kasama ang bata sa travel. Dahil ang dami dapat iconsider kapag may kasama talagang bata. Honestly, konti lang ang informations na nakuha ko about this.. So somehow, I'll share my experience na rin. Sana makatulong sa travel niyo with a kid.

Bringing strollers - last SG trip namin, nung 2 years old pa lang ang anak ko, nahirapan kami na walang stroller. Kahit pa na madami kami at pasa-pasa ang nagbubuhat kapag pagod na sya, ang hirap pa din at nakakapagod talaga. So this trip, I made sure na talagang may dala ako stroller.

a. Strollers are not part of check-in baggage allowance. Yan ang isa sa mga na-confused ako kung sinasama ba nila sa pag-weigh yun. Iba-iba kasi ang feedback na nakuha ko. Pero sa actual experience ko, sinabi ko lang na may stroller ako dala, then nilagyan nila ng tag. you can opt na i-check in na or gamitin mo hanggang sa boarding gate. Pagdating mo sa destination, makukuha mo na sya sa carousel kasama ng mga bagahe. Hindi naman ganon kahirap ang paggamit ng stroller sa HK. May lifts naman sa may platform ng MTR in case ayaw mo itupi. Pero sa mga entrace/exit sa MTR e hagdan lang kaya kelangan mo talaga itupi. kung umbroller o lightweight ang dala mo, di naman mahirap. Convenient sya sa amin lalo na habang nagto-tour kami sa tst area. kahit sa loob ng disneyland at oceanpark. At least anytime pwede mag-nap ang anak ko.

b. Entrance Tickets / Octopus Cards - like i said in my previous post, hindi ko na binilhan ng entrance tickets ang anak ko. nag-gamble ako na makapasok siya for free. sinakay ko lang sa stroller. hindi naman kami tinanong at kung sakali man na di sya i-allow, may nakalaan na rin naman akong budget na pambili ng ticket niya. E since nalibre sya, pinambili na lang namin ng items sa disney/OP. Bumili ako ng octopus card para sa kanya. ginamit ko sya sa bus papunta tst. syempre ayoko naman kung kelan nandon na ako sa bus e masita ako at di ko binayad ang anak ko. pero pagdating sa mga mtr. hindi ko na sya nagamit dahil minsan buhat sya ng daddy niya o kaya lumulusot na sya sa entrance/exit. wala naman nanita. bus going to OP, binayad ko din sya. pero nung bus going to airport, hindi ko na sya binayad. so yung remaining value ng card e pinambili na lang namin sa 7-11. Just a note: I'm not saying na it's generally acceptable. Actually, si yolly din ang nagsabi na free pa ang anak ko sa park entrance at bus/mtr. ako lang ang nag-alala dahil ayoko naman mapahiya kaya kahit pano e bumili na rin ako mtr card. pero yun nga, eventually, hindi na rin sya nagamit.

Sa case ng anak ko, for a 3 yr. old, malakas ang katawan niya sa lakaran. naakyat niya nga yung stairs going up sa Buddha ng hindi namin sya buhat.   Kami pa nga yung sumuko at gusto magpahinga in between pero sya yung excited makarating sa taas. She's even counting the steps. kaya madaming naaliw sa kanya. kahit pababa, hindi rin namin sya buhat. So siguro, depende sa katawan ng anak nyo yung Itinerary niyo. pero sa amin, okay lang ang phasing namin. ini-enjoy namin ang bawat lugar na pinupuntahan namin. it's not about sa dami ng napuntahan kundi sa quality time sa bawat lugar.

Nung pauwi kami, yung boarding gate namin is yung sasakay ka ng shuttle. nung nag-check in kami walang pang boarding gate number na nakalagay sa boarding pass. so sa monitor na lang namin tiningnan nung nandon na kami sa loob. kapag ang boarding gate mo is between gate 501 - 510, sasakay ka ng shuttle going to the boarding gate. so bukod don sa instruction na dapat 30 minutes before e nasa boarding gate ka na, mag-allot ka rin ng allowance pa sa pagsakay ng shuttle papunta boarding gate. so kami, 7:30 pm ang flight namin. 6:30 pm, pumunta na kami sa sakayan shuttle and it took us almost 30 minutes din kasi nagpupuno pa sila ng shuttle bago talaga umalis. medyo malayo din ang lakaran papuntang shuttle kaya talaga dapat mag-allot kayo ng time para hindi kayo mahuli.

Overall, good experience ang trip namin. And next time na babalik kami, 2 days na kami sa disney dahil nabitin ang anak ko. hehe.... again, thanks to all the contributors.. and sa mga papunta pa lang.. happy trip.. and know your priorities talaga. madaming pwedeng makita at gawin sa hk... pero kung gagawin mong tight ang itinerary mo para ma-accommodate lahat, hindi mo talaga ma-eenjoy. in the end, it's all up to you kung ano ang gusto niyo ma-experience sa HK.

god bless and keep this thread alive... till my next trip!

msrain

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #162 on: November 12, 2013, 12:42:47 pm »
sis rychel07, don't worry. wala kaming na-encounter na discrimination. except that, parang hindi lang talaga sila friendly o pala-smile. yun na yata ang nature nila talaga. hindi sila ganon ka-welcoming.. pero hindi naman sila lahat ganon. kasi yung guards sa building ng taisan, friendly at kinakamusta kami kung kamusta ang stay namin sa hk. =) so wag mo na sila masyado alalahanin... may mga pinoy din naman don kung gusto mo sa kanila ka magpagtulong kung mahirapan ka man. =)

smoothie

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #163 on: November 12, 2013, 02:19:55 pm »
generally, most HK people are really not friendly and warm unlike sa atin na palagi naka-ngiti.
But hindi rin naman sila salbahe or rude.

Usually yung guard din sa hostel namin mabait, pati yung may ari ng hostel. And one time sa H&M may naka chikahan pa ako na tiga-HK din but marunong mag english.

jasmine3689

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #164 on: November 12, 2013, 10:39:34 pm »
Kinakabahan naman ako sa visa issue na yan. Papunta kami ng hubby ko this dec. sana wala ng visa :(

rychel07

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #165 on: November 12, 2013, 11:37:28 pm »
thank you mga sis. very encouraging ang feedback nyo. sige tuloy na din namin. hopefully ma-enjoy din namin to the max ang trip! :)

@jasmine3689: sis feeling ko naman if ever ma-implement talaga nila yang visa requirement na yan, hindi pa sa ngayon. probably next year na yan. or baka ma exempt naman depende sa travel dates.

blazingsheena

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #166 on: November 13, 2013, 03:19:14 am »
^queen size pero 5 adults? given na pwede kaso parang hindi naman masyadong comfy sis :-\

pwede naman extra bed or mang hingi nalang extra comforter. san ba okay na may 2 bed na hindi single bed? kasi parang puro nakikita ko single bed lang e

tammy1979

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #167 on: November 13, 2013, 07:17:40 am »
Yeah I think, hindi naman nila agad i-implement yun, May notice muna siguro para sa mga naka sched na pumunta sa HK. Let's just keep our fingers crossed na wala na sanang visa, sayang din eh.

I was just wondering kc nung mag email ako sa Golden Crown, Kenny yung name na sumagot sa kin, sya rin kaya si Ken na sumagot din sa Taisan Guesthouse? Hehe..then yung Raymond Tran, sya ba lahat owner nung nasa GC Court na guesthouses like GC, YiuFai saka New Yiu fai? Curious lang hehe

aaetfelipe

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #168 on: November 13, 2013, 08:04:59 am »
Mga sis, carry bang magdress sa HK ng pa-early December. Will be in HK on Nov. 27- Dec. 1.
TIA

rocky

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #169 on: November 13, 2013, 09:13:15 am »
^yong sa buong golden crown court sis mukhang isa lang owner. pero yong taisan iba owner non :)

Heatherette

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #170 on: November 13, 2013, 01:31:42 pm »
^^Alam ko iisa may-ari ng GC, New Yiu Fai and Hao's Inn. Yung Yiu Fai (not NEW Yiu Fai), iba na may-ari.

realshaddy

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #171 on: November 14, 2013, 09:19:03 am »
mga sis, nag back read na ko ng thread 35, 34 at 33. wala kase ako makita. tanong ko lang kung saan ba pwede na murang accomodation good for 6 adults and 1 kid? yung sa GC kase quad sharing lang. dapat ba kung 7 kame maghiwalay na lang ng room? naghahanap kase ako yung magkakasama sana kame sa isang room lang. if may idea kayo paki indicate din kung magkano. TIA

rocky

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #172 on: November 14, 2013, 09:29:56 am »
^yes dalawang room na lang kayo sis & advantage yon kasi dalawa din CR para mas mabilis kayong mag-prepare bago umalis ;)

burberi

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #173 on: November 14, 2013, 01:19:53 pm »
Payag kaya yung yiu fai na magchange kami ng booking? Kasi from 3 persons, 2 nalang kami na pupunta dahil nag backout yung isa. Ang tanong nga lang, kung may available pa sila na rooms :(

rocky

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #174 on: November 14, 2013, 02:46:52 pm »
^try mo email sis & tama ka depende na rin kung may available pa :-\

_pink12_

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #175 on: November 14, 2013, 03:34:21 pm »
mga sis, nag back read na ko ng thread 35, 34 at 33. wala kase ako makita. tanong ko lang kung saan ba pwede na murang accomodation good for 6 adults and 1 kid? yung sa GC kase quad sharing lang. dapat ba kung 7 kame maghiwalay na lang ng room? naghahanap kase ako yung magkakasama sana kame sa isang room lang. if may idea kayo paki indicate din kung magkano. TIA

Meron yata sis sa Dragon Hostel sa Mongkok nga lang, parang connecting rooms. Yung isang friend ko, big group sila tapos gusto magkakasama kaya nag Dragon Hostel sila.

Pero advantage nga ang 2 CR sis, lalo pa na guesthouse, maliit ang space. :)

didyay

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #176 on: November 15, 2013, 02:43:08 am »
"We don't want you as tourists but we want you as toilet cleaners"

"Our legislators will vote on this nauseatingly racist motion to punish Filipinos for the Manila killing of eight Hongkongers by a deranged ex-policeman"

"We can do without the 700,000 Filipino tourists who come here annually. But if we ban Filipino maids, who will clean our toilets? "

http://www.scmp.com/comment/insight-opinion/article/1348495/lawmakers-should-flush-away-racist-motion

---Ouch   :-\ :-\ :-\

Wow. Bastos na mga miyembro ng legislative. We're about to go this country next week. Sayang naman our preparation kung hindi namin itutuloy. More than a year kaming nakabooked dito, ang tagal naming nagplano.  Ngayon pa sila nagiinarte after 2 years, kung makapag big deal sila, parang kahapon lang nangyari. Sobrang bastos. Nakakagigil talaga to.

rychel07

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #177 on: November 15, 2013, 05:41:05 am »
^I think it was quoted incorrectly. If you read the whole article, yung writer eh slightly sarcastic sa intentions ng government nila to do those sanctions sa Filipinos. The writer disagrees with their government's plans.

nageinna

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #178 on: November 15, 2013, 12:31:54 pm »
sissies, may marecommend ba kayo saan masarap na roast goose sa hong kong? heard masarap daw according to my friend pero was not able to ask kung saan pwede bumili. TIA!

smoothie

  • Guest
Re: HONG KONG GUIDE (THREAD 35)
« Reply #179 on: November 15, 2013, 02:13:03 pm »
Para safe. Sa Cafe de Coral.

But meron kaming kinakainan sa ibaba ng hostel namin, masasarap ang mga roasted food nila. sa Mongkok ito sis.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close