watch now

Author Topic: tips on moving on...  (Read 59229 times)

pumpkin13

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #180 on: April 19, 2015, 10:30:58 am »
^Yes, sis. Ganyan din ako dati. Minsan months before ko dalawin ang family ko and kasama ko pa si ex nun. Pero after the breakup, every weekend nako umuuwi samin. Bumalik na yun closeness ko sa family, especially nun nag out of town kami. Namiss ko pala sila. Kaya todo bawi ako. Pag weekdays, tinatawagan ko sila. Kwentuhan lang. And mga lakad na din with friends na di ko nasasamahan dati kasi may iba kami lakad or nakakatamad lang kasi mas gusto ko spend time with ex. Di pala okay. Kaya next time, magbubudget na talaga ako ng time for everyone.

17glut

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #181 on: April 19, 2015, 09:29:10 pm »
^nakow, pano pag nagkatuluyan kayo ni moks? mawawalan ka ulit ng time sa family mo?  :(

pumpkin13

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #182 on: April 19, 2015, 09:44:56 pm »
^syempre hindi na. Lesson learned na yun.

Teka nga, hanggang dito ulit? :P

joyie15

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #183 on: April 24, 2015, 04:45:50 am »
i am back to zero, one of my friends here sa office saw them together after shift nagpupunta yung girl dito sa office at sinusundo pa sya... sobrang sama ng loob ko na ganun sila ka selfish na alam na nila na may nasaktan sila ipapamukha pa saken na eto kami ngayon masaya na magkasama to think wala naman ako ginawa na masama :( for the past days medyo okay na ako tapos eto na naman ako naguumpisa na naman... paano kung ako na mismo makakita sa kanila? saan na lang ako pupulitin?

PrincessC

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #184 on: April 27, 2015, 08:12:14 pm »
i am taking it one day at a time. day 4 almost done.

ajang

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #185 on: April 28, 2015, 03:53:10 am »
as of now im in moving on process. im giving myself a week sana to move on. yes ang ikli di ba? di ko kelangan patagalin ang process ko kasi 1.) 4 mos lang kami magkakilala at 2 mos lang naging kami. 2.) i know magagalit sakin lahat pero ako ang other woman, yes ako ang third party 3.) alam kong mali nung una pa lang, kasalanan ko inako ko na lahat ng kasalanan pero alam ko sa sarili ko na ilang beses ko sya hinihiwalayan, ilang beses ko pinopoint out na mali at minsan kina counseling ko na lang sya pero sya ang mapilit at ayaw makinig. kasalanan ko naging t**** ako nasilaw ako sa sweet talks.

kahit na other woman ako nasaktan ako super sakit kahit ganun kaikli, kasi naging totoong tao naman ako sa kanya. wala akong tinago na kahit anong ugali ko. alam ko sasabihin sakin karma ko na to kasi kabit/mistress/other woman/third party ako, pero sa ngayon iniisip ko na lang na one night stand lang ang nangyare at isang malaking play ang story namin na nag the end na. pero di ko malaman bakit ako nasaktan, siguro kasi di malinaw ang lahat sakin at siguro kasi lahat ng matagal ko nang pino point out sa kanyang reason kung bakit ako nakikipag hiwalay eh yun ang ginamit nyang reason para makipaghiwalay (ako pa binaliktad nya at ako pa ang lumabas na humahabol sa kanya). ang kulit lang kasi ako mismo nangulit sa kanya na pakawalan na nya ko tapos ako yung apektado ng ganito. sa ngayon deleted na numbers nya at sa fb, nagalit pa sya kasi sabi nya bakit ko sya idi-delete sa lahat akala nya daw ba friends kami kaya sya pumayag na maghiwalay kami. ang natatandaan kong last words ko sa kanya is mahal na mahal ko sya at nag thank you ako sa pain na binigay nya. di ko alam kung talagang friends lang ba ang habol nya kaya ayaw nya idelete ko sya or dahil gusto nya maging rebound girl ako. di ko alam pero parang pumapasok sa isip ko na kausapin yung gf/partner nya hindi para mang-away o manggulo kungdi para maging malinaw sakin ang lahat at yung nararamdaman ko na lang eh maging hate. kaso knowing the girl (according to his stories) may pagka war freak daw at walang pinag-aralan yung partner nya.

i find him selfish and a big liar. ngayon ko narelaize na bakit nga ba ko naniwala kung alam ko naman nung una pa lang na s*x lang habol nya. narealize ko na kung yung gf/mom ng kids nya nga naloloko nya ako pa kaya.

kinausap ko na mga common friends namin na wag na babanggitin sakin si guy at wag na rin ako babanggitin dun sa guy para maka move on kami pareho at makalimot o malamang wala naman ako sa kanya so ako lang ang kelangan makalimot.

mahirap sa side ko kasi lahat against sa pinasok kong relasyon, nagegets ko yung point, MALI. pero sa ngayon kelangan ko ng neutral comforting words. di ako makapag open ng basta basta kahit kanino kasi yung iba malaman pa lang nila na ako ang other woman kulang na lang sampalin ako kahit di pa naririnig ang story. i just need someone to talk to na hindi maririndi sa kwento ko. yung kahit sabihin ko lahat makikita ako as ibang tao at hindi bilang mistress dahil di naman ako ganito, ngayon lang nangyari to.

sana maging ok na ko, di na ko naghahanap ng love for the future kasi alam ko na andyan yung guy na iniwan ko para lang sa guy na to. alam ko ang sama sama ko and ready ako na tanggapin ang consequences.

ohcmon

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #186 on: April 28, 2015, 08:29:05 am »
I just found out he and the gf are having a baby, a little less than 3 months after we broke up. 'Di na ako malungkot, pero grabe ang galit ko sa kanya. Kapag nakikita ko siya rito sa office gusto ko siyang sapakin hay_p siya.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #187 on: May 02, 2015, 04:34:02 pm »
^^basta isipin mo na lang na lesson learned lahat ng nangyari, may ways for improvement.

^bilis naman buntis agad. LOL

ohcmon

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #188 on: May 02, 2015, 05:15:32 pm »
^ He had us both the same time kaya mabilis. Huhu 'pag naiisip ko pa rin na magiging daddy na siya sa baby ng iba gusto ko siyang balatan ng buhay, budburan ng asin at ibilad sa Luneta Park.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #189 on: May 02, 2015, 08:04:52 pm »
^isipin mo na lang sis hindi sya karapat dapat na maging daddy ng baby mo kasi di sya nag stick sau. Pero mahirap pag mahal mo pa yung tao, mahirap tanggapin.

PrincessC

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #190 on: May 04, 2015, 02:05:59 pm »
my best friend lent me a book entitled "Mars and Venus Starting Over" by John Gray yesterday. I'm reading it now and in fairness, it's helping.

ajang

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #191 on: May 04, 2015, 10:19:47 pm »
^^basta isipin mo na lang na lesson learned lahat ng nangyari, may ways for improvement.

so far so good, nakaka move on na ko. tapos na yung days na deppress ako at iyak ng iyak. si guy panay pm sa fb saying na he misses me and loves me daw. kakaloka sinasagot ko pm nya nung una pero tinataboy ko sya at sa ngayon seen zoned na lang. dun na sya sa gf/wife nyang mukhang never mind  :-X..

Miss Taken

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #192 on: May 04, 2015, 11:54:19 pm »
^ Hi sis ajang. Glad to know you're doing much better now. Hindi ko pa naeexperience maging other woman or magmahal ng lalake na alam kong taken na and I don't think na magagawa ko yun since my dad cheated on my mom but I have a friend na dumaan din sa ganyang situation. I don't need to point out kung ano yung mga mali since you're already aware of that naman na eh and good thing na lumayo ka na dun sa guy kasi kung nagawa niyang lokohin yung gf/wife niya then anong assurance mo na hindi niya gagawin yun sayo di ba? Tsaka kung mahal ka niya talaga, dapat inayos niya muna yung sa current niya para hindi na sana umabot sa ganyan yung sitwasyon. It's better if iblock mo na siya sa fb. Pag walang communication, mas madali kang makakamove on eh and he will eventually get the idea na ayaw mo na talaga. Malaking tulong din yung hindi mo na nache check yung profile niya kasi every time na makikita mo siya, you'll just remember everything na nangyari sa inyo. You don't deserve a guy who treats you like you're someone he can get anytime he wants. I know how sorry you are sa nangyari and who I am to judge you, as if namang napakalinis kong tao dba ;) Stay strong sis. God has bigger plans for you.

ajang

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #193 on: May 05, 2015, 01:10:26 am »
^ truth sis. kaya talagang let go ko sya. masakit man kasi minahal ko pero kelangan. maybe soon kung single na sya at single na ko we can try atleast yun di na ko other woman. pero i doubt, di kasi ko nakikipagbalikan sa ex.

kaya dun sa mga nagmo-move on kaya nyo naman yan. hayaan nyo lang muna damdamin ang sakit at iiyak unti unti naman kasi yan at di automatic na pagkatapos umiyak wala na. tiwala lang sa sarili na malalagpasan rin at pray lang palage.

Miss Taken

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #194 on: May 05, 2015, 04:18:05 pm »
^ So there's still a possibility na magkabalikan kayo if ever na maging single siya? Hindi ka ba natatakot sis na lokohin ka niya katulad ng ginawa niya sa current gf niya?

Naniniwala kasi ako dun sa "once a cheater, always a cheater" eh. Though hindi naman lahat ng guys ganun but still, malaki yung probability na ulitin niya.

ajang

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #195 on: May 05, 2015, 11:00:04 pm »
^ that's what i told him the last time nagusap kami. if given a chance na pareho kaming single why not. pero i also told him na malabo yun kasi never ako nakipagbalikan sa ex. maybe after a year or so baka di ko na rin sya kilala.

yep, the once a cheater is always a cheater, so kung maging kami man in the future alam ko karakas nya kaya malabo na rin talaga. yaan ko na lang sya umasa sa imposibe. sa ngayon happy ako at nakaka move on ako ng paunti unti. bumabalik na yung katinuan ng isip ko. at iniisip ko n alang dun na lang sya.

killbill

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #196 on: May 06, 2015, 04:06:25 am »
Don't get mad - get even. I did this to my ex kasi he deserves it.

shakira14

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #197 on: May 21, 2015, 03:28:37 pm »
trust God, everything happens for a reason :) maybe, He has a better plan for you :D

ajang

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #198 on: May 21, 2015, 11:56:06 pm »
Don't get mad - get even. I did this to my ex kasi he deserves it.

how did you get even sis? di ba mahirap yun kasi malalaman nya na may revenge thingy sa kanya?

ohcmon

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #199 on: May 22, 2015, 05:36:45 pm »
He and I had a looong drunken talk about us a couple of weeks ago. He begged for my forgiveness, as in lumuhod siya sa harap ko at humahagulgol siya. Just when I thought I'm ready to forgive him na, I found out he and the gf secretly got married 2 months ago. Parang gumuho mundo ko. :'( At grabe na naman ang galit ko sa kanya dahil he could've told me about it but he chose not to. Pwede namang isang sakitan na lang, pero hindi. Unti-unti.

I know it's bad to wish others ill pero sinusumpa ko talagang hindi siya magiging masaya dahil sa ginawa niya sa'king hay_p siya. :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close