Hindi ako ligawin nung single pa ako. I was wondering bakit ganun. At one point i told my friends na I'd probably end up an old maid. Sabi ng bestfriend ko, "bakit naman eh ikaw pa naman yung 'wifeable' sa ating tatlo?"
That time, I was drowning myself in self-pity kasi iniisip ko, nasa akin naman lahat, bakit hindi ako attractive. Sabi ko nga, marunong ako ng gawaing bahay, masarap ako magluto, malinis ako sa bahay, sa katawan, etc. I have a very good career tapos independent din ako - ako na nga ang naghahatid at sumusundo sa sarili ko (lol!) Hindi rin ako gimikera - I literally don't drink beer/alcohol. Also, I am a traditional Catholic dahil na rin sa upbringing ko.
Married na ako ngayon. As in within two months na nakilala ako ng asawa ko, nag-alok na agad ng kasal. He was playing around with his fubus back then. I wasn't aware what fubus were until I met him.
Sabi ng asawa ko, hindi na raw niya ako kayang pakawalan. Kung may ugali man daw ako na hindi niya gusto eh titiisin na lang niya. So ayun, masyado akong idealistic na kapag nagpamilya ka na eh hindi na iikot sa barkada at airsoft ang buhay mo. Ito ang madalas namin pag-awayan.
Pati tuloy ako napaisip dahil sa thread na to.
My take on this:
1. Men really look into the physical side of things. So kailangan eh physically and lustfully attracted sila sa girl. Why? Yes lilipas ang beauty, but it takes physical attraction para hindi na ulit maghanap ng iba ang guys. Masarap daw umuwi sa asawang maganda. (kaya dapat mag-ayos pa rin kahit matagal nang kasal). And men really want girls that they'd lust for. Kahit tumanda ang mga lalaki, they'd still prefer na maganda yung asawa nila.
2. Even if you have a career, you must see to it that you are still in control sa bahay. Hindi kailangang maging full time housewife to do this. You should know how to delegate and check with the kasambahays as to how yung pamamalakad sa bahay.
3. The fastest way to a man's heart is through his stomach. Iba ang nagagawa ng masarap na luto. Tipong kahit sa restaurant kayo kumakain, sasabihin ng asawa mo na, "iluto mo yan sa bahay ha? kaya mo naman eh."
4. May career. Iba ang career sa trabaho. Career is something na may "path" - may kinabukasan. Hindi siya forever nasa rank and file. May kinabukasan siya sa work niya. Also, this comes with the fact na may sarili siyang pera. Makakabili siya ng sarili niyang alahas. Kung hindi palarin at one point si mister, may plan B na si misis muna ang in charge "in the meantime."
5. Marunong ng gawaing bahay. Kapag umalis si Inday, hindi kayo mabubulok at babahong mag-asawa. Iba ang nagagawa nung malinis ang bahay - masarap umuwi sa bahay na malinis. Iba pa rin yung pakiramdam na pagbukas mo ng closet eh neatly organized yung mga nakatiklop na damit.
6. Marunong humawak ng pera. She must be able to find a way na hindi ubos ang paycheck to paycheck. She sets aside a portion of your kaban for the liquid savings, at the same time, may nakalagay sa insurance nyo, sa mutual funds, etc.
7. Tanggap dapat ng family ng guy. Let's face it that you marry the whole family. Ang mag-asawa, hindi yan magkadugo - magkaiba ang pagpapalaki. Dapat tanggap siya ng family ng guy because dapat kaya siyang mahalin ng in laws niya like their own.
8. Maayos ang values. Who would want a wife who was everyone else's hooker in her previous relationships? Ano ang ituturo ng asawang kababaeng tao eh tomador at umuuwi ng lasing? Your values determine who you are. So kapag pinakilala ka sa pamilya, magandang points yung tipong magmamano ka sa mga magulang. Nahahalata din ito sa pananamit. Also, consider if the girl travels out of town with her exes na sila lang. If you know what I mean.
I believe marami pa akong namiss out pero so far, ang haba na nitong naisulat ko hahaha. Sorry po