@Chinito:
siguro hinde mo pa nameet yung "the one" or yung other half mo. or maybe nameet mo na siya pero hinde pa tama ang timing.
minsan din kasi mahirap yung ganyan eh, masyado tayo conscious sa mga actions naten. sa mga nameet naten. kaya ang ending nafrustrate tayo..
actually, ganyan din ako dati. sobrang hopeless romantic ako. ngayon, konti na lang. hahaha. kapag nagkaboyfriend ako, iniisip ko siya na talaga yung partner ko. parang feeling ko magugunawa mundo kapag nawala siya. haha.
pero siempre, habang tumatagal, may mga bagay or pagkakataon na magpapa realize sa aten na hinde pala. we deserve someone better. so, we end that relationship.
yung ex ko before si h2b, almost 7 years kami. lahat ineexpect na kami na talaga. nagstart na din kami ng wedding preps. no third party involved nung nagbreak kami. nagkaroon kasi kami ng one week gap. then after nun, narealize ko na kaya ko na wala siya. na mas masaya ako mag isa. so kahit masakit para sa akin, at alam ko na masasaktan siya at magagalit lahat sa akin. nakipagbreak ako sa kanya. kahit na anong pagmamakaawa niya sa akin, naging firm ako sa desisyon ko. and now, happily married na siya. so Im sure, kapag naalala niya yung mga pagmamakaawa niya ginawa sa akin noon. hahaha. in short, ako or yung break up namin ang naging way para mameet niya yung "the one" niya di ba.
si h2b ko naman, tropa lang kami nung una. actually, tulay pa ako sa kanila ng friend ko eh (crush siya ng friend ko, pero hinde niya type yung friend ko). then constant communication, kasi sobrang kulit ko na magdate sila ng friend ko. hanggang sa napunta na sa amin yung usapan. haha. nagclick kami. kumbaga may sparks.

so we started hanging out. hehe. dun na nagstart yung love story namin.
after 2 years, nag abroad siya.. so LDR na kami, sobrang hirap. sumunod ako, pero magkaiba kami ng city. so hirap pa din. hinde kami lagi nagkikita. last year, nagbreak kami. for almost 6 months. then nakipagbalikan siya. nung umuwi kami this year, last february dun siya nagpropose. so parang nung nagbreak kami, nagtry siya ng iba dun niya narealize na ako "the one"
alam mo, Chinito, may mga times din na tinatanong ko yung sarili ko kung siya na ba talaga ang para sa akin. kung sigurado na ba talaga ako sa desisyon ko na magpakasal sa kanya. kasi ayoko matali sa kasal eh. dati ganyan ang thinking ko. pero one day, it just hit me yung feeling na "this is it" sure na sure na ako. haha. mahirap talaga iexplain pero mararamdaman mo na lang talaga.

o ayan, napahana na kwento ko. haha. goodluck sa lovelife mo

bata ka pa naman ata eh. no need to rush things.

enjoy lang muna.