watch now

Author Topic: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)  (Read 70128 times)

ohcmon

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #340 on: September 29, 2017, 10:54:16 am »
May guy friend ako in his late 20s na first time mag travel abroad, mid-level na ang position sa isang IT company at 12 years na ang tenure pero hindi pinalagpas. Mga 10 mins siya in-interrogate nang IO, naghanap nang COE, proof na may pera siya sa bank (walang siyang dalang bank certificate pero buti na lang may BPI app), tapos ang pinaka nakakaloka hinanapan siya nang selfie sa office. ;D Sabi niya ba't naman daw siya magseselfie sa office, sabi daw sige kahit anong pic ng office event. Ayun, pinakita niya daw Christmas party pic. Before tatakan passport niya sabi daw nang IO siguraduhin daw niyang 5 days lang siya overseas kasi babantayan daw siya nang immigration lol.

Samantalang 'yung cousin ko na unemployed at first time traveler din tinanong lang kung san punta tapos tatak agad.

Miss Taken

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #341 on: September 30, 2017, 12:58:03 pm »
^ Grabe naman yung IO na yun. Nakaka offend yung sabihan ka na babantayan ka especially if alam mo naman sa sarili mo na magttravel ka lang.

Luckily, wala pa naman akong horror story sa mga IO natin sa Pinas. First travel ko kasama ko yung bf ko para magvacation sa Hong Kong. Eh yung bf ko bakasyon lang din niya that time and ang work niya dito sa Dubai. So pinakita namin yung flight info niya from Manila to Dubai then ako naman dala ko lahat ng important docs like company ID and bank statement since alam ko na malaki yung chance na isipin nung IO na from HK eh baka tumuloy ako sa Dubai lol

Second time is solo travel na ako going to Singapore kasi kailangan kong mag cross country para makapunta dito sa Dubai.

After checking my passport
IO: Solo traveler?
Me: Yes po

Then ayun sabay tatak na. Wala pang 15 seconds tapos na agad ;D

So malaking factor din na may previous travel experience and pumila ako sa IO na naobserve ko na mabilis lang magcheck kaya ang daming gusto sa line niya lol

em_ramos

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #342 on: September 30, 2017, 11:22:05 pm »
^^ grave naman yun. San bansa ba sya pupunta?

ohcmon

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #343 on: October 02, 2017, 10:35:38 am »
^ Kota Kinabalu lang naman. Sabi nung friend ko mukha daw kasi siyang poor baka napagkamalan daw siyang mag TNT. ;D

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #344 on: October 02, 2017, 09:48:28 pm »
Had an interesting experience with IOs dyan satin, but I'll save it for another day, just chanced upon this thread, and wow ganun pa din pala ngayon kahit mas younger na mga IOs and madaming bago, ngayon kasi that I am a well documented OFW mas madali na maglabas pasok, lalo na 1-2 x a year ang labas pasok ko ng Pinas for almost 7 years.

I still do not see their point of doing such acts, aalis ka na nga ng bansa, kesehodang mag TNT pa or mag job hunt kung saan man, dapat mas matuwa pa sila, mababawasan na population satin, mas magkakaron pa ng magandang opportunity mga Kababayan natin, at giginhawa mga buhay. Minsan mamasyal ka lang naman talaga katakot takot na tanong at papeles hihingien, pakiramdam ng tao eh kriminal sya. Ang OA!!! Sayang tickets, sayang effort magpunta airport pag na offload not to mention the trauma it causes sa mga Kababayan natin lalo na mga Labourers or Domestic Helpers na galing pa ng mga malalayong Probinsya.

I mean I get it, para documented lahat, para ma track whereabouts ng PInoys, PARA SATIN DIN DAW NAMAN YUN, pero yung MANNER NG PAGTATANONG and ugali in general ng IOs na kala mo kung sinong mga diyos at diyosa lalo na noon, kasama na yung naexperience ko, HELL!!! Super discriminatory, rude, inhumane at times and condescending.
« Last Edit: October 04, 2017, 02:13:20 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

plumpolka

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #345 on: October 04, 2017, 10:38:54 am »
ako, I make it a point na dapat lagi kang maganda/maayos ang itsura pag pupunta ng airport. kasehodang airport lang yan.


I remember nung nag solo travel ako sa HK for my 25th, 3rd time ko palang umalis ng bansa nun. pero naisip ko din naman na di naman makikita sa tatak kung solo ka or may kasama. sabi lang sakin ng friend ko nung nag solo daw sya, ininterview sya sa isang room. so nagready ako. Nagkulot ako as in mermaid curls, rumed lipstick ako. AWRA besh.


nung nasa airport na ako, alam ko pinaguusapan ako ng mga babae sa xray na ganda daw ng kulot ko. tapos mababait din yung mga lalaki. nung nasa immigration na ako, di na ako ininterview.


nung july naman, nakita ni kuya web designer yung trabaho ko, nakipag kwentuhan pa. gusto din daw nya mag web, nagf-freelance din daw sya... ewan ko kung ok lang ba yun dito. pero naalala ko pag nasa ibang bansa na ako, ang mga IO, nakakatakot tumingin. bihira lang yung mga masasaya lahat may pinagdadaananan hahaha

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #346 on: October 04, 2017, 02:18:52 pm »
Kaya nga ngayon baligtad na everytime dadaan ako ng IO dyan satin, ako naman ang poker face at minsan nakasimangot at nakakunot noo for a change hahaha! Di ko nilalabas agad mga ID or documents unless hanapin, pangasar lang, kunwari dei prepared haha tapos pag nagtanong 1 tanong 1 sagot with a straight face at eye to eye. Maiganti ko man lang lahat ng naagrabyado nila! Hello normal lang din kayong Empleyado, pare-pareho lang tayo wag masyado feeling!   ;D

Yun na nga eh, discrimination - makita ka lang naka LV at madaming tatak passport, or medyo Englishera free pass na at wala na tanong tanong masyado, whereas pag nakita nila na mukang di maayos stado sa buhay, or di naka todo porma yun ang mas gigisahin, all the more reason na ka sumpa-sumpa sila. Pantay dapat treatment.

kachich

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #347 on: October 04, 2017, 05:08:06 pm »
^not true on maraming tatak sa passport in my case -- daming tatak and visas sa old passport ko na attached sa new one -- tapos kakababalik ko lang 4 days before ako umalis ulit, but the IO was super nosy. Hindi lang ako, halos lahat kami sa lane.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #348 on: October 04, 2017, 06:18:14 pm »
^well naexperience ko din yan, with all the tatak and stamps ng visa pero iba iba scenarios, may times na mausisa, may times na hinde. At mas nosy sakin sa travel for for leisure kesa pag babalik ako dito sa Qatar.

So ang question here is where's the thin line between usual SOP or protocols with "depende sa mood/attitude ng IO" at sa hitsura/status ng aalis or sa travel history at tatak at stamps???
« Last Edit: October 04, 2017, 06:25:25 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

plumpolka

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #349 on: October 04, 2017, 06:19:14 pm »
baka may pinagdadaanan si atey/koya.
ako din di ko na nilalabas lahat. passport na lang ngayon. kung hanapin edi ipprovide ko. yung officemate kong mukhang mahirap, pati id ng company hiningi. kahit kasama namin sya. sya lang hinanapan ng id samin.


dapat meron na lang silang list of questions at kung magtatanong sila, for all. bawal masyadong personal na hindi naman related sa alis mo

Miss Taken

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #350 on: October 04, 2017, 06:49:05 pm »
Naiintindihan ko naman na ginagawa lang nung mga IO's yung trabaho nila pero sa dami ng negative feedbacks from them na nakwento saken ng mga kakilala ko and also online, hindi nakakapagtaka kung bakit ang daming natatakot sa mga immigration officers natin tuwing magttravel.

Totoo naman na most of the time, they will judge you based on your looks. Always dress nicely, prepare all the needed docs and be confident. Yung tipong maffeel ng IO na bored ka at nagmamadali para sa flight lol

One last tip, research online (like this thread) or ask your friends na nakapag travel na kung ano bang mga tinanong sa immigration para maprepare mo na din yung mga answers :) Utilize google.

*nightdreamer*

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #351 on: October 11, 2017, 06:14:06 am »
obsessivecompulsivegeek for as long as may return tickets ka to and from SG, okay nayun. It's very seldom for IOs to ask for your full itinerary unless kaduda duda ka talaga. What I prepare whenever I go to asian countries ay:

1. return tickets
2. hotel booking (miski dummy lang), as I said, you can do this sa mga hotel booking sites like booking.com, etc
3. leave form/letter of employment (in your case, proof of enrollment)
4. statement of account (credit cards, debit cards) they also sometimes ask how much you have with you, it shouldn't be more than 10k of any currency.

just relax, mag tour ka lang naman talaga diba?
and yes, for those invitation letters, kailangan pa ata yan dalhin sa isang gov't something sa SG. Hotel booking would do, atleast for us many times before.

Hi! I was backreading and saw this post. Talaga po bang it should not be more than 10k of any currency? How about if japanese yen?  Does it mean if I bring 30k  yen for my Japan trip, magiging questionable yun? Thanks in advance for advise.

kachich

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #352 on: October 11, 2017, 09:16:45 am »
^It should be 10K USD. Not 10K of any currency.

angeljolie

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #353 on: October 19, 2017, 02:53:20 pm »
Based  on my experience naman, mas inuusisa nila ako if I am more friendly (i.e., naka smile). The past few times I traveled, hindi ako ngumingiti. Ayun, wala lang. Titignan lang nila ako, ipapaalis yung glasses ko to take my pic. Tapos ganun lang. Tatatakan na. Though sa US, tinanong ako kung anong purpose ng trip and how long I'd stay. Yun lang pero nice naman.

super bratinella

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #354 on: October 27, 2017, 04:44:35 am »
I just came from Singapore as for my experience, I was asked if this is my first time traveling abroad since I just renewed my passport, good thing I am reading so much experiences and advices from GT, so dinala ko old passport ko so hinihingi siya sa akin since I came from Hongkong and Thailand before, so no question asked tinatakan ang passport ko..


Sa friend ko naman tinanong how much pocket money niyang dala and sa husband ko naman reason for traveling lang..

Random talaga ang ask sa inyo so just be prepared..

krock

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #355 on: November 06, 2017, 09:49:02 am »
I am a frequent traveler (travelled to Asia, US, AU, Europe, NZ) and was never interviewed or questioned by an IO except two Friday's ago when I was bound to Oslo for a trip with my friends. The IO asked a lot of questions and felt like a visa interview.

1. Who am I traveling with?
2. How long will I be staying in Europe?
3. Do I have a return ticket?
4. What do I do for a living?
5. Do I have a business card?
6. Where are the people I am traveling with?
7. Who's financing the trip?

Answered all of his questions and he scanned the pages in my passport and finally stamped it. This might be the reason why the line was so long because IO's are scrutinising all departing passengers. I have to line up for about 40 minutes in the immigration.

pinkmallowpie

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #356 on: November 15, 2017, 05:10:34 pm »
kung asia lang ang pupuntahan like hk, Singapore , korea at japan, may mga kelangan pa ba ibang dalhin bukod sa passport para may maipakita sa immigration?

and if 3 kami, same pila sa immigration, pwede ba yun nasa harap 3 passport na naming agad ang iabot sa immigration or kelangan talaga isa isa?

hikarichan

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #357 on: November 15, 2017, 08:06:06 pm »
^yes, kapag travelling as a group at iisa kayo ng plane ticket itinerary and hotel, pwedeng sabay sabay kyo sa immigration. kapag ganyan hassle free naman hanggat maipakita nyo ang roundtrip plane tickets and hotel accommodations.

simang

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #358 on: November 17, 2017, 08:41:58 pm »
Sino na sa inyo nagtravel abroad with helper/yaya? I'm planning to have our yaya come with us sa SG lang naman, di ko lang sure kung pano ko sya icoach sa pagsagot sa IO, di pa sya nakakalabas ng bansa and kakakuha pa lang namin ng passport nya. Any tips?

chicafabulosa

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #359 on: November 17, 2017, 09:58:55 pm »
Sino na sa inyo nagtravel abroad with helper/yaya? I'm planning to have our yaya come with us sa SG lang naman, di ko lang sure kung pano ko sya icoach sa pagsagot sa IO, di pa sya nakakalabas ng bansa and kakakuha pa lang namin ng passport nya. Any tips?

IO here isabay mo na sya sa inyo. Sa SG immigration, just tell her to tell the IO that she is with you. And purpose of trip, and how long ang stay and san magi stay. Just tell her to dress up nicely.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close