watch now

Author Topic: Batanes [Thread 3]  (Read 76901 times)

tiggerlily

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #200 on: March 12, 2014, 06:06:50 am »
I want to bring my family here but I cant leave work. Talaga bang mahirap ang internet? Kahit cellphone mahirap djn ang signal? Anong network kaya ang may pinakamagandang signal dito?

nicola_juliano

  • Guest
Re: Batanes Trip Report
« Reply #201 on: March 12, 2014, 07:35:41 am »
Waaah! Thanks sa reply! Makabili nga ng sunblock sa sale. hehe.

Wala ako long sleeves na damit so baka bumili na lang ako.

May area ba sa Batanes na pwede magswim???

Hmm.. Pwede din magtipid at sa carinderia na lang kumain. Masarap naman,right?

Post modified. Please refrain from quoting long posts, use the ^ or @ sign instead.
« Last Edit: March 12, 2014, 08:26:46 am by mama squeak! »

riandrew

  • Guest
Re: Batanes Trip Report
« Reply #202 on: March 12, 2014, 09:11:09 am »
@melodymedley,

good to know na madami na customers nya :)
ok si Dale di ba? may alam sya, hindi lang basta driver. parang tatay lang na madaming paalala na wag pupunta sa edge, wag lalayo, baka mahulogsa bangin. haha!
« Last Edit: March 12, 2014, 09:12:47 am by riandrew »

ayionick

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #203 on: March 12, 2014, 09:27:16 am »
^hahaha! sadya lang ba na matanong at makulit ako kaya si Dale ang natatahimik sakin? :p nakakatuwa kasi pagbaba ko ng tryke sa airport, si Dale agad ang sumalubong sakin with a big smile in his uniform! may picture na sya na nakapang tour outfit, meron pang naka-SG!

melodymedley, i am sure gugustuhin mo bumalik! pero malamang maghihintay ka na ng seat sale. pero di ba kahit mahal ang pamasahe it is really worth it?! di kame nakapag-ivujos island at itbayat, yun ang target namin sa susunod.

nicola_juliano, kahit during south batan tour meron din area for swimming pero yun eh kung kaya nyo ang lamig ng tubig. :)

tiggerlily, hindi lahat pinagpapala na makapunta dun. so it would be better kung talagang relaxation ang gawin mo pagpunta mo dun. makakalimutan mo ang work sa ganda at peaceful ng lugar.

tiggerlily

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #204 on: March 12, 2014, 02:51:41 pm »
^ hahaha! oo nga e. pero ganun talaga ang life namin ni hubby. kailangan bitbit ang trabaho kahit saan mapunta. kundi mawawalan kami ng panglakwatsa. we went to caramoan before and the signal is just terrible - madaming nawalang trabaho sa min. 3 nights pa naman kami dun. madaming nagalit na client. :(

but will surely bring my family here in batanes. mauuna na lang siguro yung mga lugar na mas maayos ang signal.

melodymedley

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #205 on: March 12, 2014, 10:24:37 pm »
@riandrew: Super okay si Dale for me. Madami kasi akong tinatanong na kung anuman. Like, ano yung nakatanim doon at jan, tapos san binebenta yung pananim, irrigation logistics, nasasagot naman nya. Entertaining sya pero hindi talkative na tipong pinipilit mag-conversation. Ang paalala nya sakin ay wag daw masyadong lapitan yung mga baka. hehe.

@nicola_juliano: Cardigans or windbreakers will do for layering.
Masarap ba sa carinderia? So-so lang for me. Pero laman ng tiyan. Di naman kelangan piyesta lagi ang handa. Sa Sabtang kasi, standard charge yung Php 300 na meal with 3 viands, drink, rice and dessert.

Sa South Batan tour, may beach na pwede mag-swimming (katabi ng blue lagoon). Pero walang liguan around. Sa Morong beach sa Sabtang, you can swim  - medyo malamig nga lang yung tubig when I was there. If you plan to do Ivuhus, maganda din yung sand dun to swim. Mababaw nga lang.

@tiggerlily: When I had lunch sa Batanes Seaside, okay naman yung wifi nila, solid. Yung sa Marfel and Palangud, wonky yung signal. I also had to check emails for work (adik lang din, bago kasi ako sa work ko ngayon).

riandrew

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #206 on: March 13, 2014, 09:01:25 am »
haha tama, nag aalala si Dale pag lumalapit ako sa mga baka. ^_^

matanong ka pala, ang hihirap ng tanong mo. irrigation. hehe

nicola_juliano

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #207 on: March 17, 2014, 09:14:47 am »
Hey! Magbook na kayo dali! Kaka-up lang nito:
https://www.facebook.com/flyPAL/photos/a.173221215866.160470.117387315866/10152273159110867/?type=1&theater

June1-July 31, 2014 ang travel period. Good luck!

nicola_juliano

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #208 on: March 17, 2014, 10:12:37 am »
Girls, may tanong nga pala ako.

Kapag pupunta ng sabtang, we just have to stay ba sa Sabtang Island? Sabi nga pala sa Byahe Ni Drew, ang byahe lang daw is isa sa umaga at isa sa hapon, pero yung byahe pabalik from Sabtang to South Batan, wala na... Tama po ba pagkakaintindi ko mga sis? Kung ganun nga, need ko pala maghanap ng stay namin for 1 night sa Sabtang....

ayionick

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #209 on: March 18, 2014, 08:47:08 am »
^ano plan nyo sa sabtang island? usual tour is aalis ng maaga going to sabtang by boat. then after lunch babalik na sa batan. minsan 2 boats ang bumabyahe depende sa dami ng tao.

nicola_juliano

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #210 on: March 18, 2014, 11:12:45 am »
^ano plan nyo sa sabtang island? usual tour is aalis ng maaga going to sabtang by boat. then after lunch babalik na sa batan. minsan 2 boats ang bumabyahe depende sa dami ng tao.

Tour lang girl. Nagworry lang ako sa pinakita kina Drew na wala na pabalik sa South Batan sa hapon. E wala ako nireserve na hotel/inn/lodge dun. Dahil expected ko babalik kami ng hapon sa North Batan.

ayionick

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #211 on: March 18, 2014, 04:31:24 pm »
^i think yung sa byahenidrew kasi kakaiba ang itinerary nila. para kasing nag-skip sila sa ibang tourist spots and selected those that are famous or not commonly toured areas.

nettai

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #212 on: March 18, 2014, 05:32:19 pm »
June1-July 31, 2014 ang travel period. Good luck!

Nakapag-book ako thru 2P, 4k (since yung papunta lang ang may sale; okay lang, 3k naman ang pabalik) RT with insurance. June 30 - July 3.

Kaso... I forgot na pina-cut ko na yung CC ko. Sayaaaaaang. Na-cancel tuloy ang booking and naglaho na yung budget economy flight.
I guess hindi pa para sa akin ang Batanes ngayong June. >_<

Thanks though :3

nicola_juliano

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #213 on: March 19, 2014, 09:22:12 am »
Nakapag-book ako thru 2P, 4k (since yung papunta lang ang may sale; okay lang, 3k naman ang pabalik) RT with insurance. June 30 - July 3.

Kaso... I forgot na pina-cut ko na yung CC ko. Sayaaaaaang. Na-cancel tuloy ang booking and naglaho na yung budget economy flight.
I guess hindi pa para sa akin ang Batanes ngayong June. >_<

Thanks though :3

SAYANG!!!  :-( Di bale, may susunod pa naman.... Basta kapag may nakita ako, post ko lang here!


slickchick

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #214 on: March 20, 2014, 12:41:44 pm »
mukhang mamo-move yung Batanes trip namin to some later time... walang makuhang airfare na mura na within the time frame na pwede lahat sa family namin (lalo na ako..).  :( makapaghanap na muna ng sale flights, para mai-file na in advance ang vacation leaves... haist sayang..  :( Bicol-bound na lang tuloy kme...  :P

nicola_juliano

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #215 on: March 31, 2014, 08:26:56 am »
May promo mga sisses, not sure what the total is kapag nagcheckout. I just saw this post, 15 minutes ago sa FB. Good luck!

http://www1.philippineairlines.com/special-offers/promo-fares-domestic/

engr_neechee

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #216 on: April 04, 2014, 10:09:06 am »
Hi po...

I have booked my flight as early as last year and my board and lodging last January....April 21-25 po kami andun ng hubby ko...

I just found out I'll be seven weeks pregnant by that time....Pwede pa naman ako sumakay ng airplane as per my OB....but my Mom and aunt insist na hindi ako tumuloy...

Would it be safe/convenient for a 7-week pregnant woman to have the Basco, Batan South and Sabtang tours?

_pink12_

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #217 on: April 04, 2014, 12:55:26 pm »
^Yes sis. As long as no complications naman yung pregnancy mo, go ahead with your trip. Maganda nga yun, sariwa ang hangin sa Batanes. Just don't go far na lang sa mga rolling hills etc., sa flat areas ka lang. Yung faluwa ride going to Sabtang, medyo malakas ang alon, depende kung sanay ka na, tapos baka may morning sickness pa, it might add up to sea sickness.

When I was 1 month pregnant, nagpunta pa kami Baler, tapos yung bus ride eh pa-ikot-ikot. Kaya naman, natulog na lang ako :D

engr_neechee

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #218 on: April 07, 2014, 06:49:02 am »
^thank you sa feedback sis..

yun nga rin iniisip ko e..i think mas mababawasan ang stress ko and mas makakabuti sa baby yung pagpunta sa batanes. :)

engr_neechee

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #219 on: April 16, 2014, 07:47:02 am »
hi mga sis...

i have been given clearance to travel by my OB.  Basta wag daw akong sasakay ng bangka na walang katig. 

I verified with my travel agent and have found out that the boat for the Sabtang tour doesn't have katig.  May alam po ba kayo ditong nagpapatour ng Sabtang na may katig ang boat?  Is it true na bihira daw ang may katig na boat sa Batanes due to the seabed?

Thanks in advance.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close