watch now

Author Topic: Batanes [Thread 3]  (Read 76802 times)

whatswithjuly

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #180 on: March 07, 2014, 11:01:10 pm »
abangers dina ko sa promo for batanes. dito ko (ko lang talaga) plan maghoneymoon kami ni h2b pag magkakaron ng promo fare. sana magkaron for january 2015... :)

ayionick

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #181 on: March 07, 2014, 11:46:25 pm »
chyng sana magkasabay tayo sa susunod na batanes mo! itbayat naman, game?

riandrew

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #182 on: March 08, 2014, 11:05:59 am »
sabihan mo ko pag may promo fare!! gusto ko after rainy season naman para green na green ang hills! :)

ayionick

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #183 on: March 09, 2014, 12:20:48 am »
^chyng, nalilito pa din ako kung kelan ang summer at tag-ulan! winter palang ang alam ko hahaha...

meron pala tayo isang ka-GT na na-bump off kanina sa PALEX flight back to Manila dahil malakas daw ang hangin at di pumayag yung pilot na tumuloy na madaming pasahero at checked-in baggage kasi masyado mabigat. initially they asked who wants to give up their seat, but since walang nag-give way kasama sila earthangelivy at hubby nya na na-bump-off. not sure if na-share dito yung recent blog about bumping off. same scenario sila kanina, walang gusto sagutin ang PAL at di din sila binigyan ng malinaw na sagot kung kelan sila makakasakay kundi refund lang pagbalik nila sa Manila. syempre palaban si sis kaya nagdemand sya at di umalis sa airport hanggat di binibigay ang tama para sa kanila. after long tarayan at talakan, sinagot ang lodging nila at rebooked them for Monday's flight kasi fully booked na din mamaya.

other passengers chose to book charter flights to tuguegarao, some rebooked their flights for today na. weird na nagrebook sila to the flight later kahit na sinabi ng airport staff na fully booked na.

nicola_juliano

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #184 on: March 10, 2014, 08:30:30 am »
yung pension ivatan (isa sa kinainan ni Drew), sa tapat ng airport yun.

yung time travel lodge, nasa next street lang. yun na. haha di ka magugutom ;)

yung palenge, mga 2 streets away naman. halos lahat, walking distance lang.. lahat ng ibang lodge, madadanan mo kakalakad. hehe

Salamat po! :-) Lapit lang talaga sa town proper. :-)

nicola_juliano

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #185 on: March 10, 2014, 08:33:02 am »
Sinabi din ni Drew sa program nya last Friday may mga cases daw talaga na ganun. Sinabi nya yun sa unang segment ng show. Sana lang pagpunta namin walang ganung pangyayari. Sayang naman ang preps mo, halos 1 year din ang inintay namin bago makapunta dun...

Post modified. Please refrain from quoting long posts.
« Last Edit: March 10, 2014, 08:27:28 pm by mama squeak! »

ayionick

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #186 on: March 10, 2014, 09:53:48 am »
^be prepared na lang in case ma-bump-off kayo. know your rights and who to contact, require the airline company to give you definite date and time of your new flight at dapat sagot nila accommodation nyo kahit wala ng RT ticket. pero ang pinakamagandang gawin "agahan ang punta sa airport para magcheck-in" kasi yung kakilala ko na na-bump-off late na sila nag-checkin eh ang ginawa last in first out kahit wala pa silang checkin baggage.

nicola_juliano

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #187 on: March 10, 2014, 10:07:03 am »
Ah, oks! Salamat po sis sa advice. :-)

Speaking of batanes, relay si "Byahe ni Drew" ngayon sa GMA NEWS tv. :-)

ayionick

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #188 on: March 10, 2014, 11:36:51 am »
^pinalabas din kanina sa KrisTV yung Batanes trip nila. ang ganda ng aerial shots! nakakainis lang ang kaartehan nila!

_pink12_

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #189 on: March 10, 2014, 12:36:47 pm »
sis ayionick, bakit walang nag give way sa mga passengers? hehe... kami nag volunteer talaga, kasi bukod dun sa free rebooking tsaka yung one-way na ticket, mas concern kami sa safety namin. Ang lakas talaga ng hangin, kasama namin 3 yo daughter ko, kaya kahit mapagalitan na sa office, nagpa offload na lang kami.

andreil_19

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #190 on: March 10, 2014, 01:14:18 pm »
may promo ang PAL for Sept-Oct travel, kaso one-way lang ang nakita kong naka-promo...ang mahal pa rin.

nicola_juliano

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #191 on: March 10, 2014, 01:39:49 pm »
may promo ang PAL for Sept-Oct travel, kaso one-way lang ang nakita kong naka-promo...ang mahal pa rin.

Medyo maulan yan. Very risky.

msals2007

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #192 on: March 10, 2014, 02:13:48 pm »
kalakasan ng bagyo yang mga months na yan

nettai

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #193 on: March 10, 2014, 02:20:28 pm »
...and nag-hunt ako both PAL and PALEx websites from Sept - Oct, wala na rin.

Hay Batanes, sana'y di ka hanggang pangarap lang~ Hahaha =))

ayionick

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #194 on: March 10, 2014, 02:43:04 pm »
^yan din ang naisip ko dati. pero when i checked for blogs with travel to batanes during september, sobrang maaraw dun! maulan siguro dito sa manila but since wala masyadong bundok at malawak ang runway, hindi mataas ang risk na hindi makaalis ang plane from manila. pero syempre iba na talaga ang weather ngayon, mas grabe ang ulan ng august kesa september.

minaco_aino

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #195 on: March 10, 2014, 03:41:08 pm »
This is my dream place.  :) Sana dito kami makapagcelebrate ng 10th anniversary namin. Well, meron pa kaming 3 years para mag ipon at mag abang ng seat sale.  ;D PAL lang ba merong byahe to Batanes?

monkeybusiness

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #196 on: March 10, 2014, 06:30:36 pm »
anyone here who tried SkyPasada airline? They have flight from Tuguegarao nga lang going to Basco.

shegothim

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #197 on: March 10, 2014, 10:53:34 pm »
swertehan ang panahon. october iyong travel ko dati. ganda ng panahon nung una at pangalawang araw namin dun. iyong pangatlong araw super sama ng panahon. sumisiksik ako sa pader sa takot sa kidlat, lakas pa ng hangin at ulan. pang-apat ganda na ulit ng panahon hanggang sa pag-uwi namin. kung wala lang sana akong lakad ng sept pinabook ko na iyong minock-book ko kagabi kaya lang meron.

minsan kasi kahit maganda panahon dito pero doon malakas ang hangin di talaga makakalanding ang plane. kaya mag-alay ng itlog  ;D at manalangin mabuti na walang bagyo at di malakas ang hangin pag malapit na sa  basco at pa-landing na.
« Last Edit: March 10, 2014, 10:57:56 pm by shegothim »

ayionick

  • Guest
Re: Batanes [Thread 3]
« Reply #198 on: March 10, 2014, 11:17:56 pm »
^agree sis! At kung ukol bubukol. Twice kame magtry pumuntang Batanes bago natuloy.

madami dami din sumasakay sa SkyPasada from Basco to Tuguegarao. Sila yung hindi nakakasakay sa flight nila to Manila.

melodymedley

  • Guest
Batanes Trip Report
« Reply #199 on: March 11, 2014, 08:43:58 pm »
Back from my Batanes trip! Wohooo!

Plane fare - 2P regular fare at Php 11K bought last September. Napabili ako out of inggit kasi may friend ako na nagpost ng pics.
Duration: 5 whole days + Day 6 na flight back to MNL
Accommodation - In Batan: Palangud House. Si Ate Fe of Marfel's din ang manager nun. Puno na kasi Marfel's when I inquired last December. Php 350/night for a simple fan room. May towel and soap na kasama. May kitchen - free ang cooking charge kapag pancit canton/noodles and the like ang lulutuin. If rice + ulam ka, may Php 75 na cooking charge. Common CR. May wifi pero madalas nagloloko/mabagal.
In Sabtang: Heritage House/Tourism Office. Php 300/night. Walang Wifi and kitchen. Very simple lang sya. If you want the private room/s, reserve a room as soon as you get in Sabtang. I got the dorm room kasi after tour na ako nagpa-reserve.
Trike Guides: I got the recommended guides of sis Chyng: Dale and Michael.
@sis Chyng - salamat daw sayo, at umangat sila kahit papano sa buhay. Dumadami ng customers nila.  ;D Sabi ni Dale, babawi daw sya sayo kapag bumalik ka ng Batanes.  :D

Vuhus Island. Michael has a contact in Nakanmuan (the jump off point going to Vuhus) - Gomercito.  Luckily, pwede yung boat when we were there 2pm.  Boat trip takes 15 to 20 minutes. Shoot me a PM if you want the rate. The boat is small (walang katig, walang roof, walang lifevest) that can accommodate 10 pax (pero parang pang 6-7 lang for me). May motor naman. Waves were okay. Medyo scary lang kasi ang liit ng boat at may mga alon talaga, pero manageable naman.

We spent around 2 hours in Vuhus Island. I did not see the cattle, nor the faluwa-shaped burial site. Malayo sya from the drop-off point and walang trike or bike doon. There's a caretaker ng island and a dog, then puro baka/kalabaw na. Hanggang sa training area lang kami, where they have a cow and a couple of kalabaws. Maganda yung beach, masayang mag-swimming actually. If you want to walk further, be prepared. I wasn't prepared to walk far, and pagod na rin ako from the Sabtang tour ng morning. Kuya Michael and Gomercito were both very nice in telling me about the island. May isa pa raw island, puro kambing naman ang andun.

Tips:
Weather - layering. Lather on sunblock. Bring an umbrella.
Food - Maharlika ang food doon. A carinderia charges Php 70-80 for a simple meal. Not a foodie here, so I did not explore on the best restos there. I ate at STIC (the school's canteen) kasi mura dun.
Smile back when they greet you! Wag isnabero!  :)

Enjoy Batanes! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close