Hi... ang tagal na nung last ko na post dito sa girltalk.
Anyway, this time issue naman sa asawa ko. Lately kase napapadalas diskusyon namin. Mag 8 years na kami married with 2 kids. And pansin ko lang talaga ever since na kinasal kami napapadalas na yung mga pagtatago nya sakin ng mga bagay bagay.
1. Early years namin, madalas namin pag awayan yung cellphone nya and yung mga minimemessage nya sa friendster. Take note buntis ako sa eldest ata namin yon nahuli ko sa friendster messages na may minessage sya na something like "Hi, you're so sexy like___" (i forgot the name). Then may mga iba pa sya messages sa ibat ibang babae, hi and hello lang naman, pero may conversation na sila kase sumasagot na rin yung mga babae.
Nung nahuli ko sya don sorry sya at hindi na raw nya uulitin.
2. Since isa sa pinag aawan namin CP nya dati, naka lock palagi CP nya palaging may password. hindi ko alam siguro nga napraning ako pano kase sa mga past issue na di ko malimutan...i know mali yon. But I really can;t help it I know hindi ako magiging ganto if only he isnt like this. May trust ako sa kanya kung wala akong nafifeel. Kaso talagang prone sya sa mga ganon bagay na pwede ako mag doubt.
3. Sa work nya before nag karon ng issue sa isa nya ka officemate. Yung college friend ko dun din work. Sinabihan nya ako noon na may ka officemate asawa ko na notorious sa pagiging flirt at may kakayahan talaga. Ako naging wary ako to be honest pero wala akong malisya sa sinuman na officemates nya dahil wala pa ako that time nafifeel. ALthough nagkkwento sya sakin na may officemate sya na nagsasabi daw ng love problems sakanya.
Kaso one time, tumawag mom ko sakin at sinabi sakin kung alam ko ba na nagpapasa load asawa ko isa ibat ibang numbers? And may mga tinatawagan... Pano nalaman ng mommy ko? Kase yung cellphone bill nya nakapangalan sa mom ko so ayun nakita nya yung mga numbers na iba iba na hindi sya familiar. Kaya nya ako tinanong kase naka line din ako e so sino pinapasa loadan nya? At ang pinasa loadan nya eh yung babae na sabi sakin nung friend ko! kamusta naman yon!
Galit na galit ako sa asawa ko nun as in! At sya ganon din... One of the worst away namin yon. Ang reason nya binabayaran naman daw sakanya yon. Kung baga ginawa nya business. WAla sya nakikitang mali daw don... Ako to be honest, I feel betrayed. KAse hindi nya man lang nasabi sakin na may ganon sya ginagawa na "business". Tapos nalaman ko pa sa iba, sa nanay ko pa!
4. Sa bago nya work, madalas sya magtago sakin ng mga binibili nya sa officemates nya. Ang kinakainis ko, sa iba ko pa malalaman. HIndi sya ang nagsabi sakin. Bakit big deal sakin? KAse ganto yon, recently lang kami naging isang kaban. Ibig ko sabihin, mga earnings namin before kanya-kanya. Pag may binibili sya madalang na may alam ako...ako ang earnings ko lahat sinasabi ko sakanya if may bibilhin ako. Pag magbabayad credit card madalas sakin nya papabayad pero binabayaran naman nya after ang kaso minsan biglaan nya ako sasabihan eh minsan wala na ako. Yung time na akala ko meron pa sya at sya akala nya meron pa ako. So recently lang talaga kami naging isang kaban. Mahilig sya si bili then pag may kailangan bayaran sakin sya hihinge tapos magulat sya wala na pala. And minsan pa, hindi nya sinasabi sakin kung magkano talaga sweldo nya. Sasabiihn nya lang sakin ganto tapos wiwithdraw sya tapos magugulat ako meron pa sya pera pero kung kikiwentahin mo dapat wala na sya kase ilang beses na sya withdraw. Ang akin lang naman magsabi sya, open dapat...
5. Just this saturday, nahulihan ko sya ulit na nagtitingin iba iba babae tapos minimessage using wechat. Akala nya tulog pa ako e nakatalikod sya sakin, na videohan ko. DApat pala tinanong ko sya bigla! ANyway, nung nakunan ko na lumabas ako bigla room at kitang kita ko sya na tinago bigla CP nya. Halatang may tinatago. BUti sana kung mga foreigner kausap nya eh mga pinay.
And nung kinomfront ko sya, naiinis talaga ako sakanya jinahustify nya na wala sya ginagawa mali...TUMITINGIN LANG DAW SYA! Hello? Kailangan mo bang halikan, isex, yan para masabing literal na cheating yon?! The point na tinago mo na sakin cheating na yon...sabi ko sakanya. PArang t**** nya that time, parang wala sa sariling pag iisip, alam nya naman yon na considered na cheating yon. Parang wala sa sarili parang sinaniban ni satanas, grabe! 2nd worst away namin yon! Sabi ko sakanya, tumitingin ka lang? then ano kasunod? minessage mo na e, then whats next itext mo na, magkita na tayo? Sya naman hindi naman daw sya ganon? Hello?? Papunta na nga sya don e, dahil inentertain na nya yung thought na yon! Gggrrrr....galit na galit talaga ako sakanya non! BInabaliktad pa ako! Nabugbog ko sya sa wala sa oras.. HIndi naman nya ko sinaktan physically...pero sabi ko sakanya hindi mo nga ko sinasaktan pero sinasaktan mo ko emotionally!

Sabi ko sakanya kung hindi ka man mahiya sakin, sana nahiya ka naman sa Diyos!
Sabi nya sakin, niyakap nya ako sorry daw, pumasok daw ata sakanya yung demonyo kaya nya nagawa. SAbi nya pa tulungan ko raw sya...

Haay ang sakit sakin sobra. I know hindi sya yung worse na pwede mangyari. Kaso I know papunta na sya don and prone sya sa mga ganyan!

Considering we attend a couple's group in church. Sabi ko nga sakanya kung may natutunan ba sya don e.
Sabi ko sakanya hindi mabuo buo trust ko sakanya e...dahil everytime na mapupuno na sana, new thing will happen. Sabi nya sakin bago ko sya iconfront matagal na raw ako wala tiwala saknya, eh kase naman binibigyan nya ako ng mga dapat pagdududahan at tumatama naman.
Naawa ako sa mga bata, kase nakikita nila ako umiiyak. Puro pa naman sila lalaki and maliit pa. Ayaw ko lumaki sila na matulad sa tatay nila.
Ewan ko mga sis, may kinalaman kaya yung hiwalay namin sa pagtulog ng asawa ko kaya kami ganto? Ever since kase nagkaanak kami na dalawa na hindi na kami nagtabi. SIla sa baba nung eldest at sa taas naman kami nung bunso.
We do make love pag tulog na mga bata... may kinalaman kaya yong ganon set up namin sa pag tulog?
Pasensya na napahaba...gulong gulo na po kase ako e
